logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata VI

MAHINA kong hinampas si Arthuro noong kami nalang mag-isa ang naiwan sa hapagkainan. Simaan ko siya ng tingin nang ako ay tawanan niya lamang.
"Bakit mo sinabi 'yon?! Nais mo ba akong gawing inahing baboy? Ayoko mag-anak ng marami dahil sabi ni ina ay masakit manganak. Ayokong masaktan ng sampung beses! Sapat nang masaktan ako ng isang beses," sambit ko at iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. "Isa lang... Isa lang ang nais kong maging anak natin."
Wala akong takas sa aming kasal. Kahit na anong pilit ko sa aking sarili na tumutol sa aming kasal, wala akong magagawa. Kailangan ko nang tanggapin ang lahat. Kaya dapat maging handa na ako sa kasal namin.
"Paumanhin, kung sinabi ko ‘yon. Nagbibiro lamang ako."
"May nais pala akong hilingin sa ‘yo, Arthuro. Kapag tinupad mo ang nais ko, papatawarin na kita."
"Ano ang ‘yong nais?" agad na tanong niya.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Kailangan walang makakarinig sa aking sasabihin bukod kay Arthuro at sa akin. Dahil siya ay matangkad, ako ay tumingkayad para magtapat ang aming mukha para madali kong maibulong sa kaniya ang nais kong hilingin sa kaniya. Umatras si Arthuro kaya muli akong lumapit sa kaniya.
Kumunot ang aking noo at nagsalubong ang aking kilay nang muli siyang umatras. Yung ekpresyong mukha ni Arthuro ay parang kinakabahan siya. May mga butil pa ng pawis na namumuo sa gilid ng kaniyang noo.
"Huwag kang umatras, hayaan mo akong makalapit sa ‘yo para masabi ko ang nais ko."
"Hindi ko magagawa ang ‘yong nais!"
Ako ay naguluhan dahil sa kaniyang naging tugon. Hindi niya pa nga nalalaman ang aking nais pero tumanggi na siya agad. Madali lang naman para sa kaniya ang nais ko na samahan niya ako sa labas ng aming hacienda. Gusto ko siyang magpanggap na mamamasyal lamang kami at hindi pupunta sa Plaza para sumayaw.
"Bakit hindi mo kaya? Simple lang naman ang aking nais. Kayang-kaya mo itong gawin. Ikaw lamang ang lalaki na makakagawa nito sa akin dahil ikaw lang ang papayagan ni ama."
Dumami ang butil ng pawis sa kaniyang noo kaya ito ay gumapang paibaba papunta sa kaniyang leeg.
"Hindi ko talaga kaya, Anghela. Nirerespeto at ginagalang kita, gusto ko gawin ‘yan sa araw ng ating kasal."
Lalo akong naguluhan dahil sa kaniyang sinambit. Kaya naman niya itong gawin ngayon. Bakit gagawin niya pa ito sa araw ng aming kasal.
"Arthuro, nais ko lamang na magpanggap ka kay ama na tayo ay mamasyal pero ang totoo ay pupunta tayo sa sayawan sa Plaza. Kayang-kaya mong gawin ‘yon ngayon," mahinang sambit ko.
"Hindi mo nais na halikan ako sa aking mga labi?"
"Hindi! Ano ba ‘yang iniisip mo? Nais ko lamang pumunta sa sayawan sa Plaza."
"Wala. Huwag mo nang alalahanin ang aking winika kanina. Sige, sasamahan na kita. Tayo na, pumunta na tayo kay Don Lorenzo para maipagpaalam na kita."
"Maraming salamat, Arthuro!"
NAKIKINIG ako sa masayang tugtog ng orkestra na nasa entablado ng Plaza habang pinagmamasdan ang aking paligid. Mag-isa lamang ako ngayon, naisip ko kasing mas maganda kung hindi kami magsasama-samang tatlo sa pagmamasid dito. Maaaring mayroong makahalata sa amin kung kami ay magkakasama.
Maraming tao rito, ngunit ang karamihan ng narito ay mga ordinaryong tao lamang. Mayroon na akong nakalap na impormasyon dito ngunit ito ay kulang pa rin. Hindi pa sapat. Mas maganda kung makilala namin ang lahat ng mayaman dito. Para mas madali namin silang makilala lahat ay nag-isip ako nang magandang plano kagabi.
"Mayroon akong naisip na plano para madali natin makilala ang lahat ng mga mayayaman dito at para na rin hindi nila tayong pagkamalan na tayo ang magnanakaw sa kanila," nakangiting sambit ko.
"Ano ang ‘yong plano, Antonio?" tanong ni Amado habang nakaupo at pinapaikot sa kaniyang daliri ang koronang ginto na mayroong disenyo na diyamante, esmeralda, sapiro at topasiyo.
"Marami pa rin ba ang alahas nasa inyong kamay?"
"Wala pa kaming binibenta kaya marami pa," tugon ni Agapito.
"Magaling! Amado at Agapito, magpapanggap kayo bilang anak ng mayamang nagbebenta ng alahas. Kayo ay nakatira sa Maynila, pumunta kayong dalawa sa Alegros dahil nais ng inyong ama na magtayo rito ng tindahan ng alahas."
Tinigil ni Amado ang pag-ikot sa kaniyang daliri ng gintong korona at siya ay tumayo. "Maganda ang 'yong plano. Mas madali kong mapapaibig ang babaeng nakatadhana sa akin," nakangiting wika niya.
"Gusto ko ang ‘yong plano, Antonio. Ngunit ano naman ang gagawin mo? Ang ibig kong sabihin, kung kami ay magpapanggap na anak ng mayamang nagtitinda ng alahas sa Maynila, ano ang ‘yong gagawin? Magpapanggap ka rin ba?" tanong ni Agapito.
"Oo. Magpapanggap din ako. Magpapanggap ako bilang anak ng isang mayamang Pintor. Nakatira ako sa Mindanao. Kasalukuyan akong naglalakbay para may makakita akong ng maraming bagay at ng magkaroon ako ng insperasyon sa pagpipinta."
"Bukas ay hindi tayo sabay-sabay na pupunta sa Plaza. Magpapanggap tayo na hindi natin kilala ang isa't isa. Para walang makahalata na tayo ay magkakasabwat."
MASAYA akong naglalakad patungo sa Plaza. Mag-isa lamang ako hindi ko kasama si Arthuro. Pagkatapos ni Arthuro na ipaalam ako kay ama ay agad kaming umalis sa aming mansion. Naisip ko na hindi magandang isama si Arthuro sa Plaza sa pagkat sikat si Arthuro sa aming bayan. Baka mayroong makakilala sa akin at isumbong ako kay ama kapag kasama ko si Arthuro sa Plaza.
Buti na lamang ay madali pakiusapan si Arthuro. Mabilis siyang pumayag sa aking nais, pinaalalahanan niya lamang ako na huwag magtagal sa sayawan, dahil baka kapag ako ay nagtagal doon ay may makakilala sa akin.
Dahil hindi ako masiyadong lumalabas sa aming mansion, kaunti lamang ang nakakakilala sa akin. Kaya malakas ang aking loob na kapag hindi ko kasama si Arthuro ay walang makakakilala sa akin.
Kilala ako ng mga tao sa aming bayan bilang isang mahinhin, maganda, hindi makabasag pinggan, at mabuting kasintahan ni Arthuro. Paniguradong hindi ako agad makikilala sa sayawan mamaya lalo na’t hindi maganda ang suot kong baro’t saya ngayon.
"Arthuro, huwag mo nalang ako samahan sa sayawan sa Plaza. Maraming nakakakilala sa ‘yo roon at baka makilala nila ako kapag kasama kita. Alam mo naman na ayaw ako papuntahin ni ama sa sayawan. Kaya lamang siya pumayag na isama mo ako sa labas dahil sa pag-aakalang mamamasyal lamang tayo at hindi pupunta sa Plaza."
"Naiintindihan ko. Basta mag-iingat ka roon at huwag kang magtatagal, baka mayroong makikalala sa ‘yo roon. Tiyak na magagalit ang ama mo sa atin kapag nalaman niyang dinala kita sa Plaza."
Tinigna ni Arthuro ang suot kong damit.
"Anghela, masiyadong magarbo ang ‘yong suot na damit. Baka mayroong makakilala sa ‘yo dahil sa ‘yong suot," pag-aalalang sambit ni Arthuro.
Nginitian ko siya at tinaas ko ang hawak kong bayong na gawa sa hinabing tuyong dahon ng niyog at pinakita ko sa kaniya ang laman nito. "Handa ako. Inutusan ko noong nakaraan si Juana na bilhan ako ng baro’t saya na hindi maganda ang tela ang ginamit sa pagtahi."
***
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Antonio nang makita na niya ang kanina niya pa nais na makita. Nakita niya si Anghela na masayang sumasayaw. Kasabay nang pagpalit ng musika sa mabagal na kanta ay ang pagtama ng paningin nila ni Anghela.
Masiglang sumasayaw si Anghela sa masayang tugtog na nililikha ng orkestra na nasa entablado. Nag-uumapaw sa saya ang puso ni Anghela sa pagkat natupad na niya ang kaniyang nais, pero kahit na ganoon ay pakiramdam niya ay parang may kulang pa rin. Napatigil sa pagsasayaw si Anghela nang magtama ang paningin nila ng lalaking hindi maialis sa kaniyang si isipan.
Dahan-dahan na lumapit si Antonio kay Anghela na nakatulala sa kaniya. Hindi ito gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan at tila ito’y may malalim na iniisip.
"Nagkita tayong muli, Binibining Anghela."
"Ginoong Antonio..."

Comentário do Livro (131)

  • avatar
    GalinatoJames

    thank you very much

    13d

      0
  • avatar
    Althea Mae O. Samosa

    its a good story

    23d

      0
  • avatar
    SapalNhora

    napagandang kuwento

    25d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes