logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata V

Pilipinas, taong 1892.
NAKAHINGA ako nang maluwag nang hindi ko na matanaw ang mga Guardia Personal ng aming pamilya. Sa wakas. Nakatakas na rin ako.
Matagal na rin yung huling beses akong nakalabas sa aming mansion at hacienda. Sobrang higpit kasi ni ama sa akin. Ayaw niya akong palabasin ng walang kasama. Buti na lamang ay dinadalaw ako nila Anghelina at Anghelita sa aming mansion kaya hindi ako nababagot. Wala kasi ngayon si Arthuro sa bayan ng Areglos kaya hindi ako makalabas. Nakakalabas lamang ako sa aming mansion kapag kasama ko si Arthuro. Tanging kay Arthuro lamang may tiwala si ama.
Si Arthuro ay ang matalik kong kaibigan, sabay kaming lumaki dalawa kaya parang nakakatandang lalaking kapatid na ang turing ko sa kaniya. Marunong makipaglaban si Arthuro dahil tinuruan siya ng kaniyang ama na si Heneral Karlos. Sikat si Arthuro sa aming bayan sa pagkat bukod siya ay anak ng Heneral, siya ay napakamatulungin sa aming mga kababayan.
Si Arthuro rin ay aking kasintahan.
Kanina ay pinilit ko sila ama't ina na pumayag na ako ay lumabas sa aming mansion. Ngunit hindi pumayag si ama. Maghintay na lamang daw ako kapag nakauwi na si Arthuro mula sa Maynila. Buti na lamang ay pumayag si ina sa aking nais, kaya walang nagawa si ama kundi ang pumayag din. Ngunit may kondisyon siya.
"Papayagan kitang lumabas sa ating hacienda, ngunit dapat bago lumubog ang araw ay narito ka na sa mansion," ani ni ama habang seryosong nakatitig sa akin.
"Ngunit ama, ilang oras na lamang ay lulubog na ang araw—"
"At dapat kasama mo ang lima kong guardia personal," dagdag niya pa.
"Anak, bilisan mo. Malapit nang lumubog ang araw," nakangiting sambit ni ina.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Akala ko maiisahan ko na si ama. Nagkakamali pala ako. Napakatuso talaga ni ama. Kailanman ay hindi pa ako nananalo sa kaniya.
"Bantayan niyo nang maigi si Anghela. Kapag may mangyari masama kaniya ay buhay niyo ang kapalit!" maotoridad na saad ni ama sa limang Guardia Personal ng aming pamilya na nasa harap niya.
Seryoso ang mga mukha ng mga Guardia Personal na nasa harap ni am pero nakikita ko pa rin sa kanilang mga mata na sila ay kinakabahan.
"Masusunod po, Don Lorenzo!" sabay-sabay nilang tugon at yumuko sila upang magbigay galang kay ama.
"Maaga kang umuwi, Anghela. Tuturuan ka pa ni Ginoong Sebastian mamaya sa pagtugtog ng piano," wika ni ama.
Ngumiti't tumango muna ako bago sumagot, "Opo, ama."
NILIBOT ko ang tingin ko sa aking paligid. Naghahanap ako ng daan kung saan makakatakas ako nang hindi mapapansin ng mga Guardia Personal na nagbabantay sa akin. Gaya ni ama, napakahigpit nila sa akin. Hindi naaalis ang seryosong tingin nila sa akin. Kahit nasa labas na ako ng mansion namin, pakiramdam ko pa rin ay para pa rin akong nakakulong sa aming mansion. Hindi ko pa rin magawa ang gusto ko.
Gusto ko makipag-usap sa mga tao sa paligid ko, ngunit walang nais na lumapit sa akin sa pagkat natatakot sila sa mga Guardia Personal na nakapalibot sa akin. Tuwing lalapit ako sa kanila, agad silang lumalayo sa akin.
Sa tuwing tumitingin sa kanilang mga mata ay napapabuntong-hininga na lamang ako sa pagkat nakikita ko ang takot sa kanilang mga mata. Bakit ba kasi kailangan ko pang kasama ang mga Guardia Personal ng aming pamilya.
May sumilay na munting ngiti sa aking mga labi nang makaisip ako na magandang ideya. Malaki ang tiyansa ko na makakatakas ako sa kanila kapag ako ay pumunta sa maraming tao.
"Pumunta tayo sa pamilihan," wika ko.
Ang pamilihan ang mayroong pinakamaraming taong nagtitipon. Tiyak na kapag ako ay mabilis na pumunta sa mga nagtitipon na tao, hindi ako mahuhuli agad ng mga Guardia Personal ng aming pamilya.
"Masusunod, Binibining Anghela." sabay-sabay na sambit nilang lahat.
Binuksan ko ang aking abaniko at hinarang ko ito sa aking mukha. Dapat hindi maghinala sa akin ang mga guardia personal ni ama. Dapat hindi nila makita sa aking mukha sa pagkat baka makita nila ang pilyang ngiti sa aking mga labi. Baka malaman nila na mayroon akong kapilyahan na binabalak.
Hindi ko binilisan ang aking paglakad para hindi sila maghinala sa akin. Nang kami ay makarating sa pamilihan ay muli kong nilibot ang aking paningin. Tinignan ko kung saan maraming taong nagtitipon.
Maraming babae sa tindahan ng mga palamuti. Panigurado na hindi nila ako makikilala at mahahabol agad kapag diyan ako pumunta. Huminga ako nang malalim. Binitawan ko ang aking abaniko at mariin kong hinawakan ang magkabilaang ibabang parte ng aking saya at ito ay tinaas ko ng bahagya para hindi ito maging sagabal sa aking pagtakbo kapag ako ay tumakas na.
Mabilis akong tumakbo patungo sa tindahan ng mga palamuti na naging dahilan nang pagkataranta ng Guardia Personal ng aming pamilya na nagbabantay sa akin.
"Tumigil ka! Binibining Anghela!" sigaw ng isa sa mga Guardia personal na nagbabantay sa akin.
Hindi ko pinansin ang sigaw niya, bagkos mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Nang ako ay makarating sa tindahan mga palamuti ay mabilis akong sumiksik sa mga babae bumibili.
"Aray!"
"Ikaw ay huwag tumakbo, Binibini."
"Magdahan-dahan ka, sa pagkat ikaw ay maraming nababangga."
Saglit akong tumigil at humingi ng pasensya sa kanila, "Patawad po," wika ko muli akong tumakbo nang mabilis.
Takbo lamang ako nang takbo, hanggang sa naglakad na ako dahil ako ay napagod na sa kakatakbo.
Hindi naman siguro magagalit si ama sa akin kasi hindi naman siya yung tinakasan ko.
DAHIL sa kakatakbo at kakalakad, hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng aking mga paa sa tabi ng batis ng luha ng Diyosa ng talon. Ang batis na ito ay galing sa kambal na talon ng luha ng Diyosa. Maraming kuwento na kumakalat sa aming bayan tungkol sa kambal na talon. Ang sabi ng mga matatatanda, nabuo ang kambal na talon dahil sa luha ng isang Diyosa.
Umibig ang Diyosa sa isang tao. Akala niya hanggang dulo na ang kanilang pagmamahalan. Ngunit sabi nga nila, kahit na anong tago mo ng isang sikreto ay mayroon pa rin na makakaalam nito. Nalaman ng ama ng Diyosa ang relasyon ng anak niya sa isang tao. Dahil bawal ang pagmamahalan ng tao at Diyosa, nagalit ang ama ng Diyosa.
Pinaslang ng ama ng Diyosa ang kasintahan ng kaniyang anak. Sobrang nagalit at nalungkot ang Diyosa dahil sa ginawa ng kaniyang ama. Kaya kahit na sinasama siya ng ama niya na umuwi sa kanilang mundo, nanatili pa rin Diyosa sa mundo ng mga tao.
Nang bumalik na ang ama niya sa mundo ng mga Diyosa, bigla na lamang umiyak ang Diyosa. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mabuo ang kambal na talon. Hanggang may dumadaloy na tubig sa kambal na talon, hindi pa rin natatapos sa pag-iyak ang Diyosa.
Dahil ang Diyosa ay hindi na umalis sa kambal na talon. Tinawag na siya ng mga tao na noon na Diyosa ng talon.
Ang ganda pala rito. Sana maaga kong nadiskubre ang lugar na ito. May ganito palang lugar na malapit sa batis ng luha ng Diyosa ng talon. Napakaraming puno ng kawayan dito, kay sarap pakinggan ng tunog na nililikha nila. Ang mga ibon na nakadapo sa puno ng kawayan at ang agos ng tubig sa batis ay kay sarap din pakinggan ng mga tunog na nililikha nila.
Dahil kanina pa ako nakatayo’t tumatakbo, naisipan kong umupo muna sa ilalim ng puno ng mga kawayan para panandaliang magpahinga. Pinikit ko ang aking mga mata para lalo kong maramdaman at marinig ang paligid ko.

Comentário do Livro (131)

  • avatar
    GalinatoJames

    thank you very much

    13d

      0
  • avatar
    Althea Mae O. Samosa

    its a good story

    23d

      0
  • avatar
    SapalNhora

    napagandang kuwento

    25d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes