logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata III

May ngiting nakasilay sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko ang lalaking nakahawak sa aking kamay, habang kami ay mabilis na tumatakbo.
Ang kaliwa kong kamay ay hawak niya, samantalang ang kanan ko namang kamay ay mahigpit na kapit ang ibabang bahagi ng suot kong puting bistida. Makapal ang tela nito at ang itsura nito ay parang damit ng mga babae noong panahon na nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas.
Tanging mga puno, halaman, at lubak na lupa lamang ang aming nadadaanan. Nasa gubat o bundok siguro kaming dalawa. Bakit niya hawak ang aking kamay? Bakit ba kami tumatakbo? Bakit pakiramdam ko ay labis akong kinakabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Tumigil na kayo sa pagtakas! Binibining Anghela!"
Napatigil kami sa pagtakbo nang may humarang sa harap namin. Mga lalaki sila, malaki ang mga katawan nila at lahat sila ay armado. Mayroon silang dalang mahahabang baril na ang dulo ay matatalas na kutsilyo. Nakasuot silang lahat ng unipormeng pang guwardiya na kulay kayumanggi.
Humigpit ang kapit sa akin ng lalaking nakakapit sa kaliwang kamay ko. Tinignan niya ako ngunit hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil ito ay malabo.
"Magwakas man ang buhay ko ngayon, ngunit kailanman, hindi magwawakas ang pagmamahal ko sa ‘yo, Anghela."
NAPABALIKWAS ako sa aking kinauupuan nang ako ay magising. Hinihiningal ako at pawis na pawis. Kinapitan ko ang aking dibdib kaya naramdaman ko ang napakabilis na tibok ng aking puso.
Sino ba talaga yung lalaking 'yon? Bakit hindi ko makita yung itsura niya? Bakit ko nalang siya palaging napapanaginipan?
"Ayos ka lang?"
Tinignan ko si Arthur, nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Ngumiti't tumango ako sa kaniya. "Okay lang ako."
Kasalukuyan kaming nakasakay sa eroplano. Papunta kami ngayon sa Alegros City. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Ang weird talaga ng panaginip ko. Noong unang beses ko siyang napanaginipan ay nasa tabi kami ng batis na maraming puno ng kawayan. Nasundan pa yung panaginip ko sa kaniya, napunta kami sa iba't ibang lokasyon pero pare-parehas na makaluma ang lugar. 
"Iidlip lang muna ako sandali. Gisingin mo nalang ako kapag malapit na bumaba ang eroplano."
NAKAUPO ako sa upuan habang nakapangalumbaba sa lamesa. Ako ay nakatingin sa swimming pool. Tanging maikling shorts at itim na bikini top lamang ang aking suot. Napatulala ako nang makita kong umahon si Arthur sa pool.
Oh my gosh, this is illegal!
Napako ang mga mata kong mapagnasa, charot. Medyo lang. Sa mapanuksong katawan ni Arthur. Gosh! Bakit ang ganda ng katawan niya. Yung anim na abs niya, akala mo palaging galit at yung V-line niya! Perfect! Dumako ang paningin ko sa mukha niyang guwapo. Gosh, he got a thick brows, long lashes, and perfect narrow nose!
Nang mapatingin siya sa ‘kin ay ngumiti siya. Bakit ba mayroon akong ganitong boyfriend? Kaya maraming naiinggit sa ‘kin. Bakit ba kasi noong umulan ng kagandahan ay nag swimming ako sa baha. Joke lang. Panget talaga ako noon, pero imbes na maging inggetera ako, nagpaganda ako. Hindi naman ako gaganda kung patuloy lamang akong maiinggit.
Sa totoo lang, hindi lang ako basta panget noon. Ang taba ko rin sobra. Tinignan ko yung sarili ko noon sa salamin. Nakita kong hindi maganda ang panlabas kong anyo. Napaisip ako at napatanong sa aking sarili matapos kong makita ang napakaraming insecurity ko sa aking sarili sa salamin.
Ganito nalang ba ako habang buhay?
Hindi na ba ako gaganda?
Wala na bang glow up na mangyayari sa akin?
Wala ngang bumibili sa akin na beauty products na binibenta ko noon. Ang sabi nila, hindi raw effective yung tintinda ko. Kasi ang panget ko raw. Noong mga oras na ‘yon, napagtanto ko na hindi sapat sa ating lipunan na maganda lang ang ating kalooban. Hindi ang lipunan ang mag-a-adjust sa atin. Napagtanto ko rin na sarili ko lang din ang makakatulong sa aking problema.
Simula noong araw na ‘yon ay nagpaganda ako. Pilit kong binago yung bad habbits ko para lamang ako ay gumanda. Kahit na hindi mahal na araw, nagpa-fasting ako. Puro tubig lang ang laman ng tiyan ko that time. Hindi sa hindi ko gustong kumain, naubos na kasi yung pera ko dahil sa pagbili ng mga pangpaganda na produkto. Kaya tiis-tiis muna ako. Water-water lang muna.
Noong gumanda ako, ang daming blessings na dumating sa buhay ko. Sobrang daming bumili ng mga beauty products sa akin at naging ambassador pa ako ng beauty products na binibenta ko.
Lahat ng mga kakilala ko ay sumaya noong nalaman nilang gumanda na ako. Tinanong pa nga nila kung ano ang sikreto kung paano ako gumanda. Nginitian ko nalang sila at hindi sumagot. Malakas yung hinala ko na hindi dahil sa beauty products na ginagamit ko kaya gumanda ako. Feeling ko dahil talaga ‘yon sa tubig na iniinom ko.
Si Arthur lang yung hindi natuwa noong gumanda ako. Bata palang ako, ayaw na niya akong gumanda. Isa rin ‘yan sa dahilan ko kaya hindi ako nagpaganda noon. Kaya pala ayaw niya akong gumanda kasi raw magkaroon siya ng maraming kaagaw sa akin. Ang gusto niya ay sa kaniya lang ako. Patay na patay talaga sa akin si Arthur. Hindi naman siya kulang ng turok sa bakuna. Malinaw rin yung mga mata niya. Pero hindi ko alam kung bakit siya patay na patay sa akin.
Lumaki kaming magkasama ni Arthur. Marami kaming pagkakaparehas. Parehas kami ng birthplace, birthday at time of birth. Ang dami pa naming rules dati tapos magiging boyfriend ko rin pala siya. Sabi ko pa noon, "Rule 1. Walang talo-talo." Hindi niya dapat akong ligawan. Kasi hanggang friend lang kami. Kaso natanggal yung rule na ‘yan noong maging boyfriend ko siya. Ang kulit niya kasi, hindi siya tumitigil hangga't hindi ko siya sinasagot. Mahigit tatlong taon din niya akong niligawan.
Lumakad papunta sa ‘kin si Arthur. Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Huminto siya nang makarating siya sa harap ko. Inabutan ko siya ng tuwalya sa tabi ko at magalak naman niya itong tinanggap.
"Salamat."
Pinunas niya ang tuwalya sa basa niyang buhok at katawan. "Are you ready tonight?"
"Tonight?"
"Yes, Marga's party? Remember?" Binaba niya sa lamesa ang tuwalya na ginamit niya.
"Oo, ready na ako." May party nga pala si bruhang Marga ngayon. Ewan ko ba sa bruhang maharot na ‘yon. Gustong-gusto agawin sa ‘kin si Arthur.
Unang beses palang namin magkita, inggit na inggit na siya sa kagandahan ko. Misyon niya ata sa buhay niya na agawin sa ‘kin si Arthur. Pasensya nalang siya. Hindi na niya matutupad ang misyon niya. Mamatay siya sa inggit. Matagal na naming plinano ni Arthur na pumunta rito sa Alegros Beach, sa Alegros City. Ewan ko ba kung bakit narito rin si Marga. Dito pa niya talaga naisip na magpa-party.
Nag-iinit talaga yung dugo ko tuwing naalala ko yung unang beses naming pagkikita. Wala naman ako sa kaniyang ginagawang masama pero galit na galit siya sa akin. Naiinggit siguro siya sa kagandahan ko. Akala ko nga noon ay baliw siya at may sakit sa pag-iisip. Bigla nalang niya kasi akong tinawag na Demoñita at inaway.
"Hindi bagay ang pangalan mo sa ‘yo. Dapat Demoñita ang pangalan mo, hindi Angel."
Napatingin ako sa likuran ko nang may marinig akong nagsalita. Isa siyang babae na akala mo lumunok ng gluta at palaging umiinom ng kojic shake kaya nadaig niya si Snow White sa sobrang kaputian.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako ba?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Malamang ikaw, may iba pa bang Angel dito, bukod sa ‘yo?"
"Mayroon." Tinuro ko ang dalawang matalik kong kaibigan ko at nagsalita, "Sila si Angelina at Angelica, Angel din ang nickname nila. Pero mas gusto nilang tawagin silang Lina at Lica.
Lalong sumama ang tingin niya sa akin dahil sa aking sinabi. "Ikaw ang tinutukoy ko!" inis na sambit niya habang ako’y tinuturo.
"Sino ka ba? Hindi naman kita kilala," wika ko.
"Hindi na mahalaga kung ano ang pangalan ko. Basta layuan mo si Arthur! Hiwalayan mo na siya habang maaga pa. Huwag mo na siyang landiin! Akin lang siya!"
"Ange, siguro nakatakas 'yan sa mental hospital. Halika na. Hayaan mo na siya," mahinang sambit ni Lina.
"Oo nga, Ange, Hayaan nalang natin siya. Huwag kang pumatol sa taong may sakit sa pag-iisip," gatong pa ni Lica.
"Sige, tara na. Hayaan nalang natin siya." Hindi na namin pinansin yung baliw at naglakad na kami papalayo sa kaniya. Napatigil kami sa paglalakad nang muli siyang sumigaw.
"Tumigil ka! Hindi ako baliw!"
"Ang baliw, sinasabing hindi siya baliw. Sayang, ang ganda pa naman niya. Tara na nga. Baka biglang manakit 'yan," sabi ko sa dalawang matalik kong kaibigan ko.
"Sabing hindi ako baliw!"
Akala ko noong una ay nagkataon lang na narito siya sa Alegros City. Nag-post kasi siya sa instagram kanina na narito siya sa Alegros City.
Pagbaba namin kanina sa eroplano, sinalubong kami agad ni bruhang Marga. May pa tarpaulin pa yung gaga. Hindi sana ako magagalit sa kaniya kaso yung nakalagay sa tarpaulin ay edited na picture nila ni Arthur na magkayakap at may nakasulat pa na, "Welcome to my life, Arthur My Loves." Ang sarap sampalin ng pisngi ni Marga ng isang daang beses. Dapat sinama niya ako sa tarpaulin kahit doon nalang ako sa gilid nila. Kung hindi lang talaga kasalanan ang pananakit sa hayop, matagal ko nang sinaktan si Marga.

Comentário do Livro (131)

  • avatar
    GalinatoJames

    thank you very much

    14d

      0
  • avatar
    Althea Mae O. Samosa

    its a good story

    23d

      0
  • avatar
    SapalNhora

    napagandang kuwento

    25d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes