logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

Kinabukasan pag pasok ko sa school nag kakagulo sa field kaya out of coriousity pumunta ako sa field at tinanong yung babaeng katabi ko.
"Hi! ano meron?" sabi ko na may matang nagtataka.
"Si Andre mondragon dumating na yung may-ari ng school." she said, habang ang mga mata ay palinga-linga.
Napaisip naman ako.
Andre? parang pamilyar yung name hmm? Pati yung apelyido pamilyar. sabi ko sa isip ko.
Napa-isip nanaman ako.
Habang nag-iisip may nakabunggo sakin buti na lang may nakasalo sakin at hinawakan ang baywang ko, napapikit ako akala ko matutumba na ko, napahawak ako sa dibdib ko ang bilis ng tibok ng puso ko pag dilat ko nagulat ako kung sino ang may hawak sakin.
"Andre?"
"Jenie?"
Sabay na sabi namin kaya natawa tuloy kaming pareho, umayos na ko ng tayo dahil nakakailang yung posisyon namin, eh.
"Thanks sa pagsalo" I said while playing with my hand, nahihiya.
"It's fine, dito ka pala nag aaral?" he asked.
"Yeah, obvious ba?" pamimilosopo ko, natawa naman siya.
"HAHAHA your funny HAHAHA..." sabi niya kaya inirapan ko siya, napatigil siyang tumawa nang may umakbay sa 'kanya at pag tingin ko si Ivan.
Anong ginagawa nito dito? Tanong ko sa sarili.
"Bro, what you doing here?" he asked.
Wait what? bro? Kilala niya si Andre?
"Obvious ba kuya malamang mag aaral" sabi niya na nag pa gulat sakin.
"MAGKAPATID KAYO!?" nagulat naman sila sa pag sigaw ko.
Nung naka recover na sila si Ivan ang sumagot.
"Yes, he's my brother Andre and Andre she's Jenie my girlfriend's best friend." sabi niya habang tinuturo niya kami.
"Yeah, I know her." sabi ni Andre, kaya nagulat si Ivan.
"You know each other?" he asked. Naguguluhan.
"Yes we know each other, by the way nice to see you again Andre." sabi ko naman para matapos na.
Buti na lang dumating si Micka dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko kung 'di siya dumating.
Pumasok na kami sa room nang sabay sabay. Si Andre naman ay hindi ko alam kung saan siya pupunta.
Nang maka pasok kami nakinig na lang kami sa guro namin ng tahimik.
Gusto kona matapos ang araw na 'to para makapag pahinga naman ako.
Hindi ko alam kung bakit parang mag iiba na ang ikot ng mundo ngayon.
May nararamdaman akong may mangyayaring masama o may mangyayaring hindi maganda. Feeling ko parang masasaktan si Micka kahit 'di ko alam ang dahilan.
Nang matapos na ang buong klase nag si uwian na kami. Si Ivan ay hinatid si Micka at ako naman ay nag pasundo na lang sa driver ko.
Nang maka uwi na ako agad akong naligo para makapag pahinga na.
Wala naman akong ginawa masyado kanina pero feeling ko pagod na pagod ako.
Nang matapos na akong maligo ay humiga na ako sa kama at humiga na. Sa sobrang pagod ko ay naka tulog din naman ako agad.
Maaga akong nagising pero mukhang masama ang pakiramdam ko. Pagka gising ko kasi parang ang bigat bigat ng katawan ko at antok na antok pa ako.
Naligo na ako para hindi ako ma-late sa pag pasok pero pag tayo pa lang ng kama ko ay nahihilo na ako kaya naman humiga muna ako at saka ko kinuha ang cellphone ko para i-text si Micka.
To: Mikmik💞
"Micka hindi muna ako papasok masama pakiramdam ko."
From: Jenjen💞
Mikmik ang tawag ko sa 'kanya dahil sa Micka siya at kaya naisipan kong Mikmik itawag sa 'kanya. At siya naman ang tawag niya sa'kin ay Jenjen dahil nga sa Jenie Mae ang name ko.
Sa text o sa chat lang namin tinatawag ang isa't isa sa palayaw na iyon.
Pahiga na sana ako nang mag vibrate ang cellphone ko kaya naman kahit nahihilo ako kinuha ko pa rin dahil alam kong si Micka na 'yon.
To: Jenjen 💞
"Pahinga ka muna sabihin ko na lang sa teacher natin na masama pakiramdam mo. Punta ako d'yan mamaya."
From: Mikmik 💞
Hindi na ako mag reply at natulog na lang para naman mapa hinga ko ang katawan ko.
"Tita kumain na po ba 'yan?"
"Hindi pa, eh 'di pa kasi gumigising 'yan mula kanina."
"Gisingin kona po, huh? Ako na po bahala sa 'kanya mag trabaho kana po ulit."
Naririnig ko sila Mom and Micka na nag uusap kaya namam nagising ako pero hindi pa rin ako dumidilat.
Narinig kong nag sarado ang pintuan kaya alam kong lumabas na si Mom.
"Hoy Jenie ano bang pinag gagawa mo at nilagnat ka ngayon? Hoy! Bumangon kana d'yan alam kong kanina kapa gising!" sabi pa nito kaya naman wala akong choice kung hindi dumilat.
Lumapit siya sa'kin at tinulungan akong umupo ng maayos.
"Sabi ng Mom mo hindi kapa raw kumakain, ano papatayin mo sarili mo?" sabi nito kaya napairap naman ako dahil napaka OA niya talaga.
"Ang OA mo talaga 'no?" mahinang sabi ko.
"Ano bang ginawa mo kahapon at nagka sakit ka bigla." tanong nito sa'kin.
"Ewan ko, siguro dahil sa panahon lang." dahilan ko naman.
"Oh, may dala akong sinigang para naman maka kain kana." sabi nito kaya naman tumango na lang ako.
Bumaba muna siya para kunin ang pagkain na dala niya.
"Oh, ito na. 'di ko naman na kailangan sigurong subuan pa kita 'no?" mataray na sabi nito.
"Akin na ako na kaya kong mag isa kumain, pumunta ka lang ba dito oara tarayan ako?" sabi ko naman.
"Hindi naiinis lang ako perp hindi ko alam kung saan. Kumain kana d'yan dami mong tanong." sabi niya pa kay wala akong nagawa kung hindi kumain na lang.
Nang matapos na akong kumain tinulungan ulit ako ni Mae maka punta sa Cr para maligo na.
Nang mag gagabi na ay nag paalam na itong aalis na dahil kailangan niya raw umuwi ng maaga at may dinner silang mag pamilya.
"Pagaling ka, huh? Text mo ko pag papasok kana bukas para sabay na tayo." sabi naman nito kaya naman tumango na lang ako.
"Oo ikaw din mag text sa'kin pag nak uwi kana." sabi ko naman.
Umuwi na siya kaya naman nung wala na siya ay natulog ulit ako. Medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko kaya naka tulog na ako ng maayos.

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    Jaira Capisonda

    maganda siyaa

    26/07

      0
  • avatar
    Cherry Francheska Casamina

    thanks again

    07/07

      0
  • avatar
    Angge Lacap

    I love it

    02/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất