logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 03- Aezle

Fritz' POV
Agad kong tinungga ang alak sa boteng hawak ko, nandito kami sa bar ngayon kasama nitong tatlong bobo.
Wala rito si Boss. Hindi ko rin alam kung bakit.
Hindi naman ako sobrang umiinom, pero... taragis, viral na sa buong University 'yong video na nasampal ako. Kahit ten seconds lang ang video na 'yon, malakas pa rin ang impact.
"Teka... ito 'yong sumampal sa'yo 'di ba?" tanong ni Ryle at pinakita sa akin ang litrato sa cellphone niya.
Stolen shot ang pagkakuha ng picture at medyo blurred pero alam kong siya 'yan.
Tumango na lang ako at uminom ulit.
"One name lang ang pangalan niya dito sa Facebook, Ay-ze-le? Aye-ze-le? Yohan dude, paano mo basahin 'to?" tanong ni Ryle kay Yohan na tahimik ding umiinom.
Inayos niya ang salamin niya bago tignan ang cellphone ni Ryle, pero kumunot lang ang noo niya.
"It's... Ey-zel?" sabi niya na parang hindi sigurado. Ngayon lang namin siya narinig na hindi sigurado ang sagot. Nerd kasi.
"Posible nga," tumatango-tangong sabi ni Ryle at lumingon kay Sven na nakangiti habang may ka-text. Binatukan naman siya ni Ryle kaya agad itong umayos ng upo.
"Ano ba?" tanong niya habang hinihimas-himas ang ulo.
"Ano masasabi mo dito sa sumampal kay Fritz, ang legend na babaeng nagngangalang Eyzel?" tanong niya na parang ini-interview si Sven. Saglit namang natigilan si Sven at kunwaring ina-analyze ang picture na ipinakita sa kanya ni Ryle sa cellphone niya.
Tumikhim siya at kunwaring nag-ayos din ng salamin, obviously copying the famous gesture of Yohan.
Matagal-tagal niya 'yong tinignan kaya kahit ako ay malapit na maubusan ng pasensya.
Tititigan na lang ba niya 'yon?
"I realized that this photo is an image." sabi niya kaya pinigilan ko ang sarili kong batukan siya.
"W-Woah! that was amazing Mr. Sven!" puri ni Ryle kaya nagtawanan silang dalawa.
"I think you already accepted the fact that you're stupid like Fritz." biglang sabi ni Yohan at uminom ng alak kaya natigilan sa pagtawa si Ryle at binatukan ulit si Sven na tawa pa rin ng tawa. Sinamaan ko naman ng tingin si Yohan.
"Oh, stupid pala kayo, eh, payag kayo n'on?" tanong ni Ryle at uminom ng alak, napakamot naman ng ulo si Sven at nanatili akong nakatingin sa kanila.
"Okay lang, mas gwapo naman ako kay Fritz." sabi ni Sven pero walang umimik ni isa sa amin, napasimangot naman siya.
"Ang pangit ka-bonding," sabi naman niya at doon kami tuluyang natawa.
Ako lang naman kasi ang gwapo rito.
Hinablot ko na lang ulit ang cellphone ni Ryle at tinignan ang picture.
Naka-private ang account niya kaya ang profile niya lang ang nakikita.
One name ang pangalan niya sa facebook na Aezle.
Napakunot na lang ako ng noo. Ey-zel ba talaga ang basa rito?
Hinablot agad sa akin ni Ryle ang phone niya.
"Dude baka mainlove ka, sabihin mo lang kung gusto mo. Ako na bahala magpayo" sabi niya at tinapik-tapik ang balikat ko.
Tumungga na lang ulit ako ng alak. Si Ryle, bukod sa bobo ay batikan din pagdating sa mga babae, highschool pa lang nakakailang babae na 'yan sa loob lang ng isang linggo.
"Hep hep! Ako na bahala sa dating place, doon na kayo sa hotel namin. King size 'yong bed para sulit." singit naman ni Sven at kinindatan ako at saka ngumisi. Si Sven, bukod sa abnormal ay siya rin ang anak ng may-ari ng isa sa mga luxury hotel dito, batikan din sa mga babae pero walang makakatalo kay Ryle kung paramihan ng babae ang pag uusapan.
Tinignan naman nila si Yohan, mukhang nakuha niya ang tingin na 'yon kaya inayos niya ang salamin niya at seryosong tumingin sa akin.
"If that girl have a smart mouth, sabihin mo lang sa akin," kalmadong sabi niya. Si Yohan bukod sa nerd ay matalino din 'yan at malihim. Paganyan-ganyan lang 'yan pero kapag nag imbestiga kami sa mga hotel, laging present ang pangalan niya, una ay hindi kami nag-isip ng kung ano-ano pero dahil malakas si Sven sa mga hotel ay nakita namin ang CCTV na lagi siyang may dalang babae.
Pero ang alam ko, meron 'tong babaeng gusto niya talaga, ewan, hindi ko masyado maalala dahil n'ong high school pa kami n'on.
Umiling-iling na lang ako sa mga tinuran nila. Maswerte ako dahil may kaibigan akong tulad nila pero... hahanapin ko ang babaeng 'yon at bibilhan siya ng cycling shorts.
Uminom lang kami hanggang sa makaramdam na kami ng hilo kaya itinigil na namin.
Kahit ganito 'tong tatlo ay minsan matino rin naman kaya hindi ko na dapat mag-alala sa mga pinaggagawa niyan sa buhay.
Nakisabay na lang ako kay Yohan pa-uwi dahil may service ang dalawa. Kaya pa naman niya magmaneho.
Pagdating ko sa bahay ay, as usual, tahimik at madilim ang sala.
Ngumiti ako ng mapait. Kailan kaya ulit sasaya itong bahay?
Tuwing umaga na lang 'ata laging maingay rito, tapos tahimik na ulit. Maingay sa umaga pero hanggang doon na lang 'yon.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan sa higaan.
Nami-miss ko na sina Mom at Dad, 'yong mga kapatid ko rin. Kahit lagi akong inaaway ng mga 'yon at nagmumukhang kawawa ay mahal ko pa rin sila.
Natigilan ako ng maramdaman ang luhang tumakas mula sa mga mata ko kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga at pinunasan iyon.
Mahina akong tumawa, bakit ko ba iniisip ang mga 'yon? Ako kaya, iniisip nila?
Oo siguro, but not in a good profile.
Simula pa lang noong bata kami ay laging silang tatlo ang hinahangaan nila Mom. Si Azure, kahit tahimik ay may ipagmamalaking talino, si Arth ay masipag at maraming alam tungkol sa mga bagay-bagay na makakatulong sa amin. Si Red naman ay laging nananalo sa mga pageants na sinasalihan niya.
Ako? Dahil sa akin laging silang dumadalaw sa guidance office, lagi sila ang humihingi ng tawad kahit ako ang may mali, pasakit sa ulo ang dala ko sa kanila. Sino ba ako para ipagmalaki? Halata naman na pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko para ako ang sumaya, alam ko namang naiirita na sa akin ang mga kapatid ko.
Lasing na 'ata ako.
Naghilamos ako at pumunta sa area ng kwarto ko kung saan ako nagpipinta. Tinanggal ko agad ang mga telang nakatakip sa paintings at pinagmasdan ito at saka tipid na ngumiti. Tama, ito lang ang kailangan ko.
Agad akong pumwesto matapos kong ihanda ang mga kulay ng pinta na gagamitin ko at brushes.
Ikaw muna.
Nagsimula na ako magpinta. Inuna ko ang brown niyang mata, mahabang mga pilik mata at maayos na hugis ng kilay. At saka ko sinunod ang matangos niyang ilong at mapula-pula niyang labi.
Mahigit ilang oras din ako nagpinta bago ito matapos. Agad ako tumayo mula sa pagkakaupo at nag-unat.
Pinagmasdan ko ang gawa ko, tama... gan'yan nga ang itsura niya noong napansin niyang nasa ilalim niya ako. Gulat ang mga mata at nakayakap sa sarili.
Napailing na lang ako at niligpit ang mga gamit. Bakit nga ba siya ang pininta ko? Eh sinampal ako niyan sa harap ng maraming tao.
Lasing na 'ata talaga ako.
Natawa ako ng mahina at tinakpan na ng tela ang ginawa ko. Ayokong may nangingialam ng gamit ko sa pagpipinta at mga pininta ko.
Bumuntong hininga ako at tinitigan ang ginawa bago ito takpan.
Magkikita ulit tayo.

Bình Luận Sách (105)

  • avatar
    Calix Bril

    wow ang ganda basahin

    14d

      0
  • avatar
    Rolando O. Ballos

    jdjjsisjjf

    18/08

      0
  • avatar
    GallazaGemuel

    Is wow the God

    05/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất