logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 02- Slap

Fritz' POV
"Ha, tiba-tiba," pabulong na sabi ko habang papasok ng bahay.
Nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad, kahit tahimik dito at madilim, alam kong may kababalaghang nangyayari sa kwarto ng mga kapatid ko.
"Yes..." narinig kong boses sa may balcony ng mansyon, may pigura ng tao doon at hindi ko maaninag masyado 'yong mukha.
Lumingon naman ako sa likod ko dahil may kumaluskos.
"Meow."
Napabuntong-hininga ako sa narinig. Si Flag lang pala, 'yong alaga naming pusa na hindi na masyadong umuuwi rito simula noong umalis sila Mom.
Hinarap ko ulit 'yong balcony pero wala nang tao doon, tsk. Akala niya siguro hindi ko siya na-bosesan. Sino naman kaya ang kausap ni Asul sa ala-una ng madaling araw?
Iniwaksi ko na lang 'yon at dumiretsyo na ng kwarto. Pagpasok ko ay dahan-dahan kong binagsak ang mga painting materials na binili ko kasama si Ryle at Sven.
Hindi muna ako pinauwi ng mga mokong dahil iinom daw muna kami saglit. Ayon, tinawag nila 'yong isa naming kaibigan na si Yohan. Matalino 'yon pero lutang.
Nagpunas na ako at nagbihis para matulog. Kumusta na kaya 'yong mga panget kong kapatid?
Ipinikit ko na ang mata ko bago ko pa mabalibag ang gamit ko sa pag-aaral.
Taragis, pasok na naman.
***
Noong araw na 'yon ay maaga akong bumangon dahil dito sa Pinas, kapag tanghali ka nagising ay anak mayaman kana.
Hanep, required naman siguro sa mga gwapong kagaya ko. Heh, dapat lang.
Agad akong pumunta ng kusina at naabutan na nagluluto pa si Manang ng ulam namin.
Medyo nahihilo rin ako. Gusto ko sana magsabi kay Manang na baka anemic na ako kaso baka mahiya si Manang, aba, hanggang ngayon nakakaya pa kami.
"Good morning Manang." Inaantok pa ako pero siniglahan ko na boses ko. Ngumiti naman siya sa akin 'tsaka ako nagmano.
"Magandang umaga ijo," bati niya pabalik. Nakita kong hindi pa nakahanda 'yong ibang ingredients sa lulutuin niyang mala-chaoking. Hindi niyo siguro alam ang sinasabi ko, dito sa amin si Manang ang gumagawa ng paborito kong chaofan.
"Tulungan na po kita Manang." pag-volunteer ko pero umiling lang siya.
"Huwag na po, gisingin mo na lang ang mga kapatid mo," sabi niya kaya sumimangot ako. Pero sabagay, ilang taon na rin simula noong ako ang gumigising sa kanila.
At saka ang kukupad kumilos ng mga 'yon, lalo na si Pula, pinaghihintay pa kami sa hapag-kainan bago lumabas ng kwarto, akala mo prinsesa, mukha namang paa.
"Sige po Manang." sagot ko at kumuha ng kaldero at kutsara.
Hmm... sino kaya una?
Inuna ko ang kwarto ni Asul. Nagtataka siguro kayo kung bakit Asul tawag ko diyan eh Azure Doctrine pangalan niyan. Wala kayong pakealam.
Kumatok muna ako ng tatlong beses pero walang sumasagot kaya sisirain ko na lang 'tong— teka, bakit parang may kakaiba sa pintuan niya?
Tatawagin ko na sana ang pangalan niya kaso bumukas ang pinto at iniluwa siya kasama ng walang emosyon niyang mukha.
"What?" tipid na tanong niya. Napasimangot na lang ako at iniharap ang kaldero at saka ko ito hinampas ng dalawang beses.
"Baba na," tipid din na sagot ko at iniwan siyang nakabusangot ang mukha roon. Ano'ng akala niya sa'kin? Kakausapin ko din siya ng two or more words in one sentence? Utot niya blue.
Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Puti. Oh, siguro nagtataka din kayo kung bakit Puti tawag ko diyan eh Arthfael pangalan niyan. Wala ulit kayong pakealam.
Pero seryoso, kapag pinagsama-sama mo ang Puti, Asul, Pula at Dilaw ay mafo-form ang kulay ng watawat ng Pilipinas. Kaya siguro Flag pangalan ng pusa nila Mom.
Kumatok din ako ng tatlong beses pero hindi bumukas ang pinto kaya kinatok ko ulit pero kasama na ang boses ko.
"Puti! Puti! Arf Arf!" pa-ulit na tawag ko pero wala pa din kaya nag-isip na ako.
Ah.
"Hoy Arthfael bro bumangon kana riyan, kailangan kong malaman kung sa'yo ba 'tong white shirt na pinampunas ko sa pintura!" sigaw ko at ilang segundo ay bumukas na ang pinto at iniluwa siya na pikit pa ang isang mata.
"Ano—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil hinarap ko na agad ang kaldero sa mukha niya at hinampas ng kutsara ng tatlong beses.
"It's a prank!" sabi ko at ngumisi sa nakangiwi niyang mukha.
"Baba na raw..." sabi ko at ngumisi ulit. "T-shirt mong mukhang basahan," sabi ko ng mapangasar na tono. Sumimangot naman siya sa'kin at may inilabas mula sa likod niya kaya tumakbo na agad ako papuntang kwarto ni Pula, bago pa ako batuhin ng unan na bato 'ata laman.
Hindi na ako kumatok dahil nagugutom na ako, naamoy ko na 'yong chaofan na niluluto ni Manang.
"Pula—" nagulat ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa siya nang nakangisi 'tsaka ako tinaasan ng kilay.
"Wow, aga magising ah. Pa-party na ba ako?" tanong ko, lumabas naman siya ng kwarto at humalukipkip sa harap ko.
"Ikaw bahala. Kaysa naman masira ang beauty ko riyan sa boses mong parang basag na torotot featuring kaldero at kutsara." sabi niya at inirapan ako bago lagpasan.
Teka...
Ano ba'ng tunog ng basag na torotot? 'Di ba dapat hindi na 'yon tutunog dahil basag na?
Ah, bahala siya.
"Huwag ka mag-alala Pula, hindi masisira beauty mo," nakangiting sabi ko at sinabayan sila sa pag-upo.
Nagsimula na maglagay ng mga plato at pagkain sa lamesa sina Manang at Puti habang si Asul na nasa tabi ko ay nakatingin lang sa amin.
Tinaasan ako ng kilay ni Pula na nasa harap ko lang.
"Paano mo nasabi?" mataray na sagot niya. Mas lalong lumaki ang ngiti ko.
"Kasi wala ka naman no'n." sabi ko at humalaklak. Yumuko lang si Asul at nagpipigil ng tawa si Puti, si Manang naman ay umiling-iling na lang.
Si Pula? Heto sa harap ko handa na akong batuhin ng sandok.
"FRITZ YELLOW!" sigaw niya kaya mas lalo akong tumawa.
Mabuti na lang inawat na siya ni Manang kaya kumain na kami.
Nang makapag-ayos ay lumabas na kami at sumakay ng kotse.
Ang tahimik.
Magsasalita na sana ako pero biglang huminto ang kotse.
"Ano po'ng nangyari?" tanong ni Pula.
Bumaba naman si Tatay Bert at maya-maya ay sinenyasan niya kami na bumaba rin.
Lahat kami nagaabang ng sasabihin niya pero napakamot lang siya ng ulo.
"Pasensya na, mukhang hindi ko kayo mahahatid. Nasira ang makena." sabi niya kaya bumagsak ang balikat namin. Dito pa talaga kami tumigil sa wala masyadong sasakyan ha, ayos.
"It's okay, paano niyo po 'yan mai-uuwi ngayon?" tanong ni Puti na ang tinutukoy ay 'yong kotse.
"Ako na po ang bahala rito, tatawag na lang siguro ako ng tutulong." sabi niya kaya tumango na lang kami.
Napatingin ako sa kalsada ng may dumaan na itim na kotse at pinara ni Pula.
"Andrea! Pasabay." sabi niya at maya-maya ay pumasok na ng hindi man lang kami nililingon.
Nanlaki ang mata ko ng may maisip. Tama, 'yong bike sa likod ng kotse.
Kukunin ko na sana pero nakita ko si Puti na inupuan na iyon at ngumisi sa akin.
"Kupad." sabi niya at umalis na gamit ang bike.
Napa-tingin ako kay Asul na mukhang may tinawagan at maya-maya napaamang ako nang may huminto na magarang kotse at diretsyo siyang pumasok pero ngumisi muna sa'kin kaya naiwan ako ditong gulat.
Mga kapatid ko ba 'yon?!
Siguro hindi kasi ang papanget.
"Naku, pasensya na talaga," paghingi ng paumanhin ni Tatay Bert pero ngumiti lang ako at nag-thumbs up sa kaniya.
"Okay lang po! Tatakbo na lang ako." nakangiting sabi ko at tumakbo na ng hindi hinihintay ang sagot niya.
Lakad-takbo ang ginawa ko at pagdating ko sa University ay sumilip muna ako sa gate, mabuti na lang at wala doon ang guard.
Pagkapasok ko ay huminga ako ng malalim at isinuklay ang daliri ko sa buhok ko. Mabuti na lang at gwapo pa rin ako kahit pagod.
Sana wala pa si Prof Mori.
"Wassup mga kaboblaks!" bungad ko pagpasok ng classroom, natigilan ako ng makita ang mga kaklase ko.
'Yong iba nakayuko, nakangiwi, nagpipigil ng tawa at higit sa lahat ang mukha ng mga dugyot kong kaibigan na nanlalaki ang mata at lobo ang pisngi kaka-pigil ng tawa.
Mukha silang goldfish na tinapon sa kanal.
Maangas akong pumasok pero natigilan ako ng makita ang maganda babae sa harap.
With her professional aura, maroon silk blouse and black slacks partnered with her black stilettos. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa mukha niya, naka-suot siya ng eyeglasses na bagay na bagay sa kaniya at naka-pony rin ang buhok niya, awkward akong ngumiti ng mapansin ang seryoso niyang mukha at naka-taas niyang kilay.
Maganda sana kaso...
"Mr. Sachi!" sigaw niya kaya napa-tuwid ako ng tayo.
...matanda at may asawa't anak na.
"Hi Prof Ganda, good morning!" masiglang bati ko at nginitian siya ng matamis.
"There's no good in the morning when your student is 20 minutes late," seryosong sabi niya, sabi ko nga, ihahanda ko na ang tenga ko.
"Mabuti pa ang kakambal mong sina Arthfael at Azure ay matino..." abnormal kaya 'yon, ako lang naman matino at cute sa aming magkakapatid, "...good manners and behavior pero kayo ni— GET OUT, NOW!" bulyaw niya kaya lumabas na lang ako ng room.
Lagi namang si Asul 'yong bukang-bibig nila, kung hindi siya, si Puti naman, pero ayos lang may karamay naman ako. Pero abnormal din 'yong si Pula, ako kasi hindi.
Chismosa rin pala 'yong Prof na 'yon, aba ang layo ng mga course ng mga kapatid ko sa course ko nalaman pa. Pero sabagay, hindi na ako magtataka kung sikat kami sa buong University, quadruplets ba naman tapos kapag magkaka-tabi lang magkakamukha, kaya ayoko tumabi sa kanila, ang papanget kasi, baka mahawa ako.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa favorite spot ko ay napatid ako sa bato.
Anak ng tokwa naman oh.
Nanlaki ang mata ko dahil may babaeng nakatalikod sa harap ko, sisigaw na sana ako pero hindi ko naman siya nasanggi. Lumanding ako ng tahimik at walang nakakapansin.
Naramdam ko ang pag-atras ng paa niya kaya dahan-dahan kong inangat ang paningin ko.
At...
Nakita ko ang pink niyang panty.
Naramdaman ko ang hapdi ng palad ko kaya mahina akong napa-daing at umusog ng konti bago tumayo.
Pinagpag ko muna ang damit ko bago humarap sa babae na ngayon ay nanlalaki ang mata, namumula ang mukha at nakayakap sa sarili niya.
Luh.
Tinitigan ko lang siya, ang totoo niyan, hindi naman big deal sa 'kin 'yong nakita ko, dahil may respeto ako.
Sabi ko sa inyo matino ako eh.
"A-Anong ginagawa m-mo doon sa... sa ilalim ko?!" nauutal na bulyaw niya sa'kin kaya napakamot lang ako ng ulo at pinakita 'yong palad at siko kong may gasgas.
"Nang huli lang ng palaka... pero nakakita ng ginto." sabi ko at binigyan siya ng aking Sunshine Smile.
Pero sa tingin ko mas nainis 'yong mukha niya, parang lalabas na 'yong usok sa tenga at ilong niya eh.
"Teka, Miss. I suggest you to wear some cycling shorts, para kapag naulit 'yong ganito, hindi ka masilipan," kalmadong sabi ko, baka kasi hindi big deal sa akin tapos sa kaniya, oo.
"Na-Nakita mo?" nauutal niyang tanong pero halata naman na nagpupuyos ng galit.
"Ah, 'yong panty mo? Oo eh," sabi ko at ngumiti ulit, nagulat ako ng lapitan niya ako at tinitigan muna.
"Miss, alam kong gwapo ako–" hindi ko na natuloy dahil binigyan niya ako ng isang malutong at malakas na sampal bago umalis at iwan akong gulat dito.
Pambihira, lagot ka sa'kin.
Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko na siya nakita. Madami rin ang estudyanteng nakapalibot sa'kin at nakita ko ang tatlo kong mokong na kaibigan na nagpipigil ng tawa. Natapos na yata ang unang klase.
Agad ko silang nilapitan.
"Tangina dude, magpapasampal ka na nga lang madami pa'ng witness," natatawang sabi ni Ryle
"Pero dude, chix 'yon, ah." ani Sven at tinataas-taas ang kilay. Bumaling ang tingin ko kay Yohan.
"Ano may sasabihin ka ba?" tanong ko, inayos niya naman ang salamin niya.
"Idiot." sabi niya kaya natawa ang dalawa.
Taragis na 'yan, malas.

Bình Luận Sách (105)

  • avatar
    Calix Bril

    wow ang ganda basahin

    14d

      0
  • avatar
    Rolando O. Ballos

    jdjjsisjjf

    18/08

      0
  • avatar
    GallazaGemuel

    Is wow the God

    05/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất