Six "Hindi ko naman sinabing pabayaan mo ang kompanya mo." Mahina ang boses na sambit ni Mam. Naiinggit ako kay Ser Bakulaw dahil may Ina pa siyang nag-aalala para sa kanya. Siguro kung ako lang si Ser, natuwa na ako. Naalala ko na naman tuloy si Hansel. Iiwan niya rin ako. "Hija, dagdagan mo pa." Mabilis kong kinuha ang baso sa kamay ni Mam Riela bago pa tumulo ang luha at magkalat ako roon. Tumalikod ako sa kanila at lumabas. Pangalawang ulit na ni Mam Riela 'to. Nagtataka tuloy ako. Hindi ba inaatake ng nerbyos si Mam? Bumalik ako sa loob ng office na nagsisigawan na ang dalawa. Hindi ko naman nakikita ang galit doon, ang cute nilang dalawa. "Mom, why can't you understand?! It's my job!" "Pero pinapatay mo na ang sarili mo! Nami-miss na kita, Anak!" "Parati mo akong tinatawagan." Nilapag ko na lang sa harap ni Mam Riela ang baso at dahan-dahang lumabas ng office para makapag-usap sila ng maayos. Tinuloy ko ang trabaho sa labas. Halos mag-isang oras ata silang mag-inang nag-usap sa loob bago lumabas si Mam Riela na malaki ang ngiti. Mukhang nanalo siya. "Hija, let's go." Napatayo ako sa upuan at agad na binitawan ang mga papel. "Po?" "I said, let's go." Nang hindi ako kumilos, siya na ang lumapit sa akin at inangkla ang braso sa braso ko. Bumaba ang tingin ko roon at pilit na napangiti. "Saan po t-tayo?" "Kakain." Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan. Kakain? Eh, hindi ko pa naman break tsaka may iutos sa akin si Ser Bakulaw. "P-pero po kasi bawal pa po akong umalis. Magagalit si Baku— Ser." Muntik na. Syeteng dila. Malapad na ngumisi si Mam Riela. "'Wag ka nang mag-alala sa kanya. Ako na ang bahala." Wala na akong nagawa nang hilahin na ako ni Mam papasok ng elevator. Napakamot na lang ako ng pisnge at bumuntong-hininga. Masyadong masayahin si Mam kabaliktaran sa anak niya. Hindi namana ni Ser ang ugaling meron si Mam Riela. Habang pababa kami ng building, binabati siya ng mga empleyado. Todo naman ang pagkaway niya na parang nangangampanya. Syempre, pati ako, ngumiti rin. Alangan namang mang-snob ako, ano ako maganda?! Dinala ako ni Mam Riela sa isa sa paborito raw niyang restaurant. Nalula talaga ako sa laki at ganda ng lugar. Mga sosyal pa ang kumakain. Nagmumukha kaming naliligaw ni Mam Riela dahil sa suot niya at sa mukha ko. Nang maka-upo kami, may waiter agad na nagbigay ng menu. Binuksan ko kaagad 'yon at nag-turo nang nag-turo kahit hindi ko pa nakikita ang presyo. Ganoon din ang ginagawa ni Mam Riela kaya sinusunod ko lang. Pagka-alis ng mga waiter, bumaba ang tingin ko sa nakabukas na menu. Binasa ko 'yon at halos mahulog ako sa kinauupuan nang makita ang mga presyo ng mga tinuro ko kanina. "Mam, mahal po rito." Kinakabahang saad ko. Wala akong pambayad. 200 lang ang meron ako. Pamasahe pauwi lang 'to. Natawa si Mam at hinampas ako sa braso. "Ano ka ba. It's my treat. You can't say no, nakapag-order ka na." Treat? Libre? Libre 'yon, 'di ba? Mas mabuti nang magkalinawan kami para hindi ako nerbyosin. Ang mahal naman dito. Para sa isang isda, one thousand?! "Ay. Oo nga po pala, 'no, Mam." "Stop calling me, Mam. Nakakaasar kaya pakinggan. Just call me Tita Riela." Lumambot ang puso ko. Nakakatuwang nag-uusap kami ng Nanay ng boss ko. Kahit mayaman, hindi maarte. Hindi ako pinandirihan katulad ng ginawa ng iba. Tumango ako. "T-tita Riela." "Hay, naku! Mas gusto kita kaysa kay Crystal." Kumunot ang noo ko. "Sino pong Crystal?" "Yong dating sekretarya ni Einstein ko." Simangot niya. Ano naman kayang ginawa ng Crystal na 'yon at nasisante? Mukhang nabasa naman ni Tita Riela ang nasa isip ko. "Alam mo, may chika ako." Sambit niya na parang chismosa sa kanto namin. "Kaya umalis si Crystal kasi nabuntis. At alam mo ba, ang nakabuntis pa, isa rin sa empleyado ni Einstein ko." Napanganga ako. Katakot din pala 'tong Nanay ni Boss. Mukhang mahilig sa chika ang isang 'to. Delikado ang kwento ng buhay ko rito. "'Di po halatang chismosa kayo, no?" Kinakabahang tanong ko. Malapad siyang ngumiti at hinampas ulit ako sa braso. "Naku, mukha lang akong walang pakealam pero ang mata ko, nakabantay sa inyo." Nanigas ako. Sinasabi ko na nga ba. "P-pati po sa akin?!" Turo ko sa sarili ko. Paano kung malaman niyang alagad ako ni Dora noon? Syete. "Oo naman." Tatango-tangong sagot niya. "Nangungupahan ka sa isang apartment, patay na ang mga magulang mo noong sampung taong gulang ka pa lang.." Napalunok ako. Alam kong namumutla na ako ngayon at natatakot akong baka may sabihin siyang ikakahimatay ko rito. "Tapos wala ka nang kamag-anak kaya mag-isa ka na lang ngayon." Ngiti niya na parang proud na proud pa sa sarili. Nakahinga ako ng maluwang nang matapos siya. "Nakakatakot po pala k-kayo, 'no?" Pilit akong tumawa. "'Di naman!" Buong pagsasama namin ni Tita Riela, ilang na ilang ako. Puro siya chismis, sinasabi niya sa akin ang mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ni Ser Bakulaw. Tulad ng pagpapatutuli nito noon, pagkahuli niya kay Ser na nanonood ng toot sa cellphone at kung ano-ano pang nakakasira ng tenga! Pero kahit ganoon, naging masaya naman ako. Mabait si Tita at masyadong masarap ang pagkain kaya walang problema. Kinabukasan, nagising akong masakit ang katawan. Para akong lalagnatin pero pinagsawalang bahala ko 'yon. Gago, kailangan kong magkapera. 'Di ako pwedeng um-absent! Pinagpupulot ko ang mga gamit na iniwan kong nakakalat kagabi at nilagay sa sofa. Hinagis ko rin pati ang damit na sinuot ko kahapon. Tutungo na sana ako sa banyo nang bumalik ang tingin ko sa damit. Syete! Ngayon nga pala 'yong pagkikita namin ni Ser gwapo sa coffee shop. Napangiwi ako nang maalalang nangako ako rito na ililibre ko siya ng coffee. Dali-dali akong naligo at nagbihis. As usual, hindi ako nananghalian. Hindi na rin ako nagsuklay at diretsong tinalian na lang ang buhok at lumabas. Hindi ko nahagilap si Ate Ai o si Kuya Bong kaya tumakbo na lang ako palabas. Dahil masyado pa namang maaga, doon ako huminto sa coffee shop. Habang naglalakad, inisa-isa ko ang mga gamit sa bag at tinignan kung may naiwan ako sa bahay. Kinuha ko rin ang wallet at tinignan kung may laman pa. "Hey!" Natigil ako sa paglalakad at kinamot ang kilay. Ang mahal pa naman ng kape rito. Tsk. Ang tanga mo kasi, Keshiana. "Hey!" Napalingon ako sa likod at kumunot ang noo nang makitang may lalaking paparating. Nag-jog ito sa papunta sa harap ko. "Ikaw nga 'yon. Hi!" Kumaway pa siya. Pilit akong ngumiti. Siya 'yon, si Ser gwapo. Mukhang nagjo-jogging siya nang makita ako. Ang sarap niyang tignan. Pawis na pawis siya pero hindi siya nagmukhang dugyot, mas lumakas pa ang dating niya. Ang bango niya rin. Ang sarap niyang iuwi. Keshiana, malandi. "Are you okay?" Tanong niya nang mawala ako sarili. Ngumiti ako. "Oo naman, Ser. Ako nga po pala si Keshiana." Inabot ko ang kamay. Ngumiti rin ito at inabot ang kamay ko. "I'm Lyden. Nandito ka ba para tuparin 'yong pangako mo?" Tumango-tango ako. "Opo. Sorry po ulit, ah? 'Di ko po sinasadya. Nagmamadali po kasi ako noong mga oras na 'yon." Kasi kapag hindi ako nagmadali, lagot na lagot ako sa Boss ko. "Wala namang problema 'yon. Doon tayo sa loob." Napirme ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hinihila niya ako papasok sa coffee shop at feeling ko, ako ang pinaka-magandang babae sa buong mundo dahil may kasama akong gwapo at hinahawakan ako. Gosh. Pina-upo niya ako at siya na ang um-order. Nang maalalang libre ko 'to, agad akong napatayo at sinamahan siya sa counter. Inaabot niya na sa cashier ang bayad nang mauna ako. Gulat niya akong nilingon. Ngumiti lang ako sa kanya. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Ayos lang naman sa akin kung ako magbayad." "Ser, hindi pwede. Nangako ako, remember? Kasalanan ko." Bumalik kami sa upuan bitbit ang mga order namin. "May kasalanan din naman ako, Miss Keshiana. Dapat umiwas ako noong makita kita pero hindi ko nagawa." Ngiti niya. Humalakhak ako. Siguro kaya hindi niya nagawang maka-iwas kasi nakita niya ang pangit kong mukha. "Tama ka, Ser. Tanga tayo dalawa." Ang gwapo talaga ni Ser kaya hindi na ako nagtaka nang dumapo halos lahat ng tingin ng mga babae sakanya nang makapasok kami sa loob. Para siyang model. "So, Keshiana, bakit ka nga ba nagmamadali non?" Tanong niya. Uminom muna ako ng kape bago sumagot. "Eh, kasi Ser, tumatawag na 'yong boss ko. 'Di pwedeng hindi magmadali dahil baka bugahan ako ng apoy." Kumunot ang noo niya. "Dyan po ako nagta-trabaho." Turo ko sa building na nasa harap namin. "'Yong boss ko, Bakulaw, parating galit. Parang pinaglihi sa sama ng loob, Ser." Tumatawa siya habang napapailing. "'Buti at nakakaya mong tiisin 'yan? Matagal ka na ba dyan?" Ngumiwi ako. "Simot na simot na nga ang pasensya ko, Ser, eh. Nagmumukha na nga akong senior citizen, Ser dahil sa stress, eh." Hindi na ata nawala ang pagtawa niya kada sagot ko sa mga tanong niya. Tawa lang siya nang tawa. Gustuhin ko mang magtagal para marinig pa ang tawa niya pero kailangan ko nang magpaalam dito dahil may trabaho pa ako. "Ser, masaya po akong makilala kayo. Pasensya na po ulit sa abalang ginawa ko kahapon. Aalis na po ako." Paalam ko rito. "Thanks, Miss Keshiana. Sana magkita tayo ulit. Masaya akong makilala ka."
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 34 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (77)
Ayesha Bulala
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0
ILyn SandovaL
ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0
Mecheil Bardon Roberto
wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
16/06/2025
0Xem tất cả