Five "Saan ka ba nagpupupunta?! Bago ka pa lang dito pero gusto mo na atang masisante agad?!" Singhal ni Ser Bakulaw nang makapasok ako sa office niya. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin kaya agad akong napayuko. Kailangan kong magpaliwanag. "Ser, bumili kasi ako ng kape. Dapat talaga, Ser si Miss Alessandra 'yong pinapagalitan niyo." Nguso ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Eh, Ser kanina sa pantry lang sana ako gagawa ng kape, eh pinalabas pa ako, Ser. Doon sa coffee shop sa baba ako pinabili ng kape mo. Pahamak talaga 'yon, Ser." Reklamo ko. 'Di pa nagbigay ng pera pambayad dito sa lintik na mahal na kapeng 'to. 'Di naman ata 'to masarap. Pacoffee shop coffee shop pa. 'Di talaga ako matatakot kay Miss Alessandra dahil tuta lang siya, ang dapat katakutan si Ser Bakulaw. Nanunusta 'to, eh. Mapi-prito ako rito kapag nagalit siya. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ser kaya agad kong nilapag sa harap niya ang kape para mawala ang stress niya. Marami ata siyang pipirmahan ngayon kaya talagang kailangan niya ng kape. Kasama ko na ring nilapag sa mesa niya ang schedule niya ngayong araw. Pagkatapos kong ibigay sakanya lahat ng kailangan niya, 'di niya na ako pinansin kaya lumabas na rin ako at nagtrabaho. Ayaw na ayaw ni Ser ng maingay, ang sabi ni Miss Alessandra, 'wag daw akong dada nang dada kapag nasa harap ni Ser, ilapag ko na lang daw lahat ng kailangan niya at magsalita lang kung kinakailangan. Pero hindi ko kaya 'yon. Mauubos laway ko kapag 'di ako nagsalita. In-arrange ko lahat ng papel na nasa desk ko. Halos napupuno na ng papel ang buong mesa pati na rin ang ilalim ng mesa ko. Iniisa-isa ko ang mga 'yon at inayos. Kailangan kong maipasa lahat kay Miss Alessandra ang mga 'to pero paano ko matatapos 'to, eh ang dami?! Nagulat ako nang biglang lumabas si Ser Bakulaw sa lungga niya na may bitbit na namang mga papel. Tahimik niya 'yong nilapag sa harap ko at pumasok na naman ulit. Napahinga na lang ako ng malalim. Simula ngayon, magiging kaaway ko na ang mga papel. Nakatuwad ako at nangangalkal nang biglang tumunog ang elevator kaya mabilis akong tumayo ng maayos at sinalubong ang taong kararating. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita siya. Isang ginang, may suot na lumang t-shirt, kupas na pantalon at naka-tsinelas. Pero kahit na ganoon ang klase ng pananamit niya, masyado siyang maganda! Kumunot ang noo ko at nag-isip, parang may kamukha siya? "Miss, andyan ba sa loob ang anak ko?" Hilaw akong napangiti. "Sino po bang anak niyo, Mam?" Mahina niya akong hinampas sa braso at tumawa. "Ano ka ba! 'Di mo ba ako kilala?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Nakita ko na ba siya noon? Nakasalubong o empleyado rin siya dito? Pero imposible 'yon. Hindi ko kasi matandaan ang mukha niya. Sigurado akong hindi pa kami nagkita. Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Bago ka ba rito?!" Napakurap-kurap muna ako bago tumango-tango. "O-opo." "Anak ko si Einstein. Ako ang mommy ng CEO. I'm Riela." Naglahad siya ng kamay kaya agad kong pinunasan ang kamay ko at tinanggap ang kamay niya. "Ako naman po si Keshiana. Sekretarya po ng CEO." Ngumiti ako. "Ang ganda niyo po. Bagong style po ba 'yan? Uso uso?" Tanong ko habang nakaturo sa damit niya. Nahihiya siyang ngumiti at hinawi pa ang buhok niya sa mahinhing paraan. "Hay, naku. Sinadya ko talagang ganito 'yong suot ko kasi madalas napapagkamalan akong masungit at maarte ng mga taga-rito. Eh, ayaw ko ng ganoon." Lagot ako nito. Ang number one rule, walang dapat na makapasok na babae sa floor ni Ser. Pero ang sabi kasi ni Mam, mommy siya ni Ser Bakulaw. "Bago ka pala rito? Wala na pala si Crystal." Saad niya. Crystal? "Mam, ganito po kasi—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ng office at lumabas mula roon si Sir Bakulaw na kunot na kunot na naman ang noo. Agad tumama ang tingin niya sa amin. "What are you doing here?" Lagot. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinago si Mam Riela sa likod ko. Para namang may magagawa ako kapag bumuga siya ng apoy. "Baby! Hello, my little Einstein!" Tumatakbong lumapit si Mam Riela kay Ser at pinugpog ito ng halik. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil ayokong matawa sa itsura ni Ser na parang sasabog na. "Mom?! Stop it." Rinig na rinig ko pang bulong ni Ser. Kinaladkad niya ang Nanay sa loob. Napangiti ako. Oo, tama nga. Kaya pala pamilyar si Mam Riela dahil kamukha niya si Ser Luther. Si Little Einstein. Sumunod ako sa kanila sa loob at nadatnan si Mam Riela na naka-upo na sa sofa at nililibot ang tingin sa office ni Ser. Lumapit ako sa kanya. "Gusto niyo po ba ng maiinom, Mam Riela?" "Ah, yes, sweetie. Gusto ko ng coffee." "Cookies po? Cake?" "Nope." Tatanungin ko rin sana si Ser Bakulaw pero masamang-masama ang tingin niya sa Nanay kaya lumabas na lang ako. Ayokong maging makulit at baka sa akin pa mailabas ni Ser lahat ng sama ng loob niya. Mabilis kong ginawan ng kape si Mam Riela at bumalik sa loob. Nilapag ko sa harap niya ang coffee. "Ito na po, Mam." Ngumiti ang ginang. "Thank you. Nakakauhaw." Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Mam nang inumin niya ang kape. Nang ibaba niya 'yon, napanguso ako. Kalahati na lang 'yong natira. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Ser, lakas uminom ng kape ni Mam. "Mom, why are you here?" Tamad na tanong ni Ser sa Ina. Lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Mam Riela. "Hindi mo pa nga ako hinahalikan!" Singhal ni Mam sa kanya at diretsong ininom ang natitirang kape sa baso. Bumaling sa akin ang ginang. "Hija, gusto ko pa ng isa." Kinuha ko agad ang basong binigay niya at lumabas. Seryoso? Ganoon sila kalakas uminom ng kape? Hindi ba sila nahihirapang matulog tuwing gabi? O hindi talaga sila natutulog? Pagkatapos ko ulit na gumawa ng kape, mabilis akong bumalik sa loob at nilapag ito sa harap ni Mam Riela. "I-ito na po." Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Ser. Halatang napipikon na sa Ina. "Busy ako, Mom. Hindi ako pwedeng basta-basta na lang na umalis. Hindi ko pwedeng pabayaan ang kompanya ko." Nilingon ko si Ser na nasa kabilang couch, naka-dekwatro at hinihilot ang sentido. Parang kumirot ang puso ko nang makitang lumungkot ang itsura ni Mam Riela na nakatitig sa anak niya. Nagbaba ako ng tingin. Mukhang nami-miss na ni Mam ang anak niya pero hindi siya mapagbigyan nito.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 24 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (77)
Ayesha Bulala
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0
ILyn SandovaL
ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0
Mecheil Bardon Roberto
wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
16/06/2025
0Xem tất cả