logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 THREE

Three
"Ano? Natanggap ka ba?" Bungad agad ni Ate Ai nang papasok na 'ko sa apartment.
Dumapo ang tingin ko sa leeg niyang napupuno ng pulang marka. Kumunot ang noo ko. Kitang-kita ko ang mga 'yon dahil mababa ang neckline ng suot niyang sleeveless.
Imbes na sumagot, tinuro ko ang leeg niya. "Inatake ka ba ng bampira?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang nangisay. "Hindi. Inatake ng asawa, oo!" Tsaka siya tumawa na parang baliw.
Sila ang kinaiinggitan ng mga walang jowa at may jowa pero nanganganib ang relasyon. Kahit matagal na sila ni Kuya Bong, hindi man lang nabawasan ang kilig nila sa isa't isa. Ako, wala akong pakealam. 'Di na ako aasang magkaka-jowa pa ako.
Hinampas niya ako nang hindi ako sumagot. "So, ano nga?!" Hindi makapag-hintay na tanong niya habang niyuyogyog pa ang braso ko.
Kung hindi lang ako pagod, binalik ko na sakanya ang hampas at yugyog niya.
"Oo." Walang gana kong sagot.
Ginaya niya ang itsura kong nakasimangot at tinuro ang mukha ko. "Eh, bakit ganyan ang itsura mo? Celebrate tayo!"
Umiling-iling ako. "'Di pwede, ate. Letse. Akala ko 'yong trabaho ko, sobrang dali. 'Yon pala mas mahirap pa sa Algebra, Statistics and Probability!"
Hinampas niya ulit ako sa braso at wala na naman ulit akong nagawa. "Jusko. Walang trabahong madali, Keshiana!"
Sumandal ako sa pintuan ng apartment ko nang maramdaman ang pangangalay sa pagtayo. Kanina ko pa talaga gustong umupo.
"Eh, ang sabi sa akin ng boss ko, ang trabaho ko raw taga-timpla ng kape! Eh, hindi na ako pina-upo kanina. Ang daming utos." Pati pagpulot pa ng ballpen, pinagawa sa akin.
Napahilot si Ate Ai sa sentido niya. Sumasakit na ata ang ulo niya sa akin. "Sekretarya ka, oy! Wala kang karapatan na magreklamo. Buti nga may trabaho ka, eh!"
Oo nga naman. Kailangan kong magpasalamat dahil kahit papaano may trabaho ako. 'Di bale kapag nagka-sweldo ako, iispoil ko na lang ang sarili ko tsaka masasanay din ako. Kaya ko 'to.
"Tara, celebrate tayo." Excited na saad ni Ate ai.
Binuksan ko ang apartment at tinapon sa loob ang bag na kanina ko pa bitbit. Hindi ko na siya nahubad sa dami ng pinagawa sa akin ng boss ko. Para akong tanga kanina na palibot-libot dahil may mga papel na pinabibigay si Ser sa mga empleyado niya. 'Yon pala ang laman ng mga folders na akala ko pinabenta sa akin, sandamakmak na papel!
"Next time na lang Ate Ai. Pagod ako, eh. Tsaka 'di ako pwedeng ma-late bukas. Ang sabi sa akin ng empleyado roon, kailangang mauna ako ng pasok sa boss ko."
Sumimangot siya. "Anong oras ba pumapasok 'yang boss mo?"
"Alas-sais ng umaga."
Nanlaki ang mga mata niya. "Syete! Ang aga naman!"
Napairap ako nang maalala kung paano nakaka-ubos si Ser ng kape sa loob ng isang araw. "Malamang hindi nakakatulog. Sa dami ba namang nilalaklak na kape? Halos isang drum ata nauubos non sa isang araw, ate. Parang umiinom lang ng tubig!"
Napangiti si Ate Ai at hinaplos ang buhok ko. "Naku! Sige na. Pahinga ka na. Basta ang tagay, ah?"
"Oo na!"
Tamad akong pumasok sa loob ng apartment ko. Pabagsak na humilata ako sa sofa at pinikit ang mga mata. Tama nga talaga si Ate Ai, si Ser Luther, allergic sa magagandang babae. Naalala ko pa kanina ang mga sinabi ni Miss Alessandra, ang babaeng nagbigay sa akin ng mga folders, para hindi raw ako masisante agad 'wag na 'wag daw akong magpapapasok ng babae sa office ni Ser. Lalo na ang mga magaganda. Napaka-weird. Paano siya magkaka-girlfriend kung ayaw niya sa magaganda? Gusto niya ba panget?
Inalis ko ang sapatos gamit ang paa at tamad na tumayo para pumunta ng banyo. Ni-lock ko ang pinto at hinubad lahat ng suot. Nang dumako ang tingin ko sa salamin, natigilan ako at dahan-dahang humakbang papunta roon.
Sandali kong pinagmasdan ang mukha at bumuntong-hininga. Ang pangit ng pagkaka-picture nila sa I.D ko kanina. Hindi ako nagalit kasi bakit ako magagalit? Eh, pangit naman talaga ako. Walang maganda sa itsura ko.
Naligo ako ng mabilis at nagsuot ng pajamas. Umupo ako sa harap ng tukador at kinuha ang salamin sa drawer. Natatabunan 'yon ng mga papel kaya hindi mo agad makikita. Nang makuha at maitapat 'yon sa mukha ko, nanggigil ako sa nakita.
Tinitigan ko ang repleksyon sa salamin. Ibang babae. Ibang tao. Sa galit, naibagsak ko ng malakas ang salamin at tulad ng inaasahan, hindi 'yon nabasag o nagasgasan man lang.
"Bwesit." Bulong ko sa sarili.
Pinulot ko 'yon at binalik sa drawer. Kapag talaga natatapat ang mukha ko sa salamin na 'yon napipikon ako. Umiinit ang ulo ko.
Naiinis na dinampot ko ang suklay at marahas na pinadaan 'yon sa buhok ko. Wala akong pakealam kung matanggal ang mga buhok ko sa lakas ng pagkakasuklay.
"Galit ka?"
Kahit hindi ko siya lingunin, kilalang-kilala ko na siya. Dagdag pa 'to sa inis ko, eh.
"Bakit nandito ka?" Imbes na sumagot, binato ko rin siya ng tanong.
Nilapag ko ang suklay at padabog na tumayo. Anong karapatan niyang magpakita sa akin?! Ang tagal niyang nawala tapos babalik-balik siya?!
Nadatnan ko siya sa kama kong naka-higa ang kalahati ng katawan. Naka-apak pa rin sa sahig ang paa niya. Naninibago ako sa itsura niya ngayon, palagi naman siyang masigla at nakangiti kapag binibisita ako pero iba 'yong nakikita ko ngayon. Parang may problema ang isang 'to.
"Nakita mo si Gretel?"
"'Wag mo nga akong pinaglololoko, Hansel. Ang tagal mong nawala! Bakit ka pa bumalik, eh kaya ko naman na ang sarili ko." Masungit kong saad at umupo sa tabi niya habang nakahalukipkip.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin bago ko narinig ang bulong niya. "Tama ka nga. Kaya mo na ang sarili mo. 'Di mo na ako kailangan."
Tinaas niya ang braso at tinakpan ang mga mata, akmang matutulog.
Nanigas ako sa kinauupuan at binaba ang tingin. Anong ibig niyang sabihin doon?
Hinampas ko siya sa balikat. "Anong sinasabi mo?"
Hindi siya sumagot.
"Ano ba, Hansel?! Sagutin mo ako!"
Bumuntong-hininga siya at kinuha ang braso na nakatakip sa mata saka ako seryosong nilingon.
"Matagal nang patay ang Mama mo, Keshiana. Hindi na dapat ako manatili sa mundong 'yon dahil wala na akong silbi."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at hindi magawang makapagsalita. Ano 'yon? Bakit niya sinasabi sa akin 'to? Aalis ba siya?
Hinampas ko siya ulit at umiling-iling. "Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba? Hindi ka aalis?"
Naghintay ako sa isasagot niya pero wala. Wala siyang ginawang ingay kaya iniwas ko ang tingin para hindi niya makita ang mga luha ko. Anong klaseng kaibigan siya?
Ayos lang naman sa akin kung matagal siya bumisita, eh. Pero dapat magsabi siya! Hindi naman talaga ako galit, eh. Nag-aalala lang. Kaya kong namang maghintay kaya bakit niya ako iiwan?!
Kasinungalingan ang sinabi kong kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko kayang wala siya! Si Hansel na ang tumayong magulang ko simula nang mamatay sila Mama at Papa. Siya ang naging kaibigan at katuwang ko. Lahat ng sekreto ko, alam niya. Siya lang ang nakakaintindi sa akin.
Naramdaman ko ang pag-upo niya at paglapit ng sarili sa akin. Hindi ko siya nilingon.
"Gabay ako ni Keana. Trabaho ko ang gabayan, bantayan at alagaan siya, ganoon din ang mga magiging anak at pamilya niya. Ngunit umibig si Keana sa isang taga-lupa na labis na ipinagbabawal ng mga nasa itaas. Kahit alam kong mali ang ginagawa ni Keana, sinamahan ko siya at hindi pinagbawalan. Alam mo kung anong dahilan?" Masuyong tanong niya habang sinasabit ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga. 'Di ko siya sinagot. "Kasi nakikita ko ang ngiti niya. Masaya ang Keana ko. Namatay siya, Keshiana pero masaya pa rin ako dahil nandito ka." Hinaplos ni Hansel ang buhok ko kaya mas lalo akong naiyak.
Niyakap ko ang mga tuhod at doon sinubsob ang basa kong mukha. Si Keana, si Mama. Mahal na mahal niya ang Mama ko kaya mahal na mahal ko rin siya. Ayokong mawala siya sa akin.
"Ang sabi mo, gagabayan mo rin ang magiging anak niya?! Ako 'yon, eh. 'Wag kang umalis." Hinarap ko siya na lumuluha. Wala akong pakealam kung tumutulo na ang sipon ko.
Nang makita ang itsura ko, agad niya akong niyakap at binaon sa dibdib ang mukha ko. "K-keshiana.."
"Ano?! Hindi, pwede? Kasi tao ako?!"
"Hindi 'yon."
Lumayo ako sakanya at humarap. "Eh, ano?" Sisinghot-singhot kong tanong.
Gamit ang palad niya, pinunasan niya ang mukha ko at hindi ako sinagot hanggat hindi niya iyon nalilinis.
"Gusto mong sumama sa akin? Tumira sa buwan? Hindi mo kaya roon." Iniwas niya ang tingin. "Tsaka nangako ako kay Keana na ilayo ka roon. Dito ka manatili. Hmm?"
Umiling ako. Pero hindi ko kaya nang wala siya!
"Hindi naman ako mamamatay. Pero aalisin nila ang pagiging gabay ko, 'yon ang parusa. Kailangan kong tanggapin."
Natigilan ulit ako. Tatanggalin? Bakit nila gagawin 'yon?! Anong mangyayari sa kanya?
"Bakit nila gagawin sayo 'yon? Hindi. Hindi ako papayag, Hansel. Hindi mo 'ko iiwan." Iyak ko at yumakap ulit sa kanya.
Naramdaman kong bumuntong-hininga siya habang hinaplos-haplos ang likod ko. "Keshiana, hindi ako ang magde-desisyon niyan. Desisyon na 'yan ng mga nasa itaas. Gabay lang ako. At masaya akong nagabayan ko ng tama si Keana pati na rin ikaw."
Hinawakan niya ang baba ko para maiharap sa kanya. Nakangiti siya pero hindi 'yon umabot sa mata kaya alam kong nalulungkot siya. Iniwas ko ang tingin at kinagat ang labi.
"Hindi. Tatawagin ko siya. Tatawagin ko ang nasa itaas." Bulong ko.
Lumayo ako sa kanya. Desidido na ako. Kung gusto nilang magmaka-awa ako, gagawin ko. Kahit anong kapalit. 'Wag lang malungkot si Hansel.

Bình Luận Sách (77)

  • avatar
    Ayesha Bulala

    kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅

    24/03/2022

      0
  • avatar
    ILyn SandovaL

    ang kulit nung babae HAHAHA

    18/02

      0
  • avatar
    Mecheil Bardon Roberto

    wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter

    16/06/2025

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất