Two Agad kong tinikom ang bunganga at bumuntong-hininga. Ilang beses akong ngumisi kanina at hindi ko man lang napansing may kung anong nakasabit sa ngipin ko! Dahan-dahan akong tumalikod sa kanilang lahat at pasimpleng dinukot ang maliit kong salamin sa bulsa ng suot kong bag. Tinapat ko agad 'yon sa bunganga at kinuha ang nakadikit sa ngipin. Kangkong at paminta! Nakakahiya! Jusko naman. Nakalimot ba akong mag-tootbrush? Nahihiyang nilingon ko ang mga kasama elevator. Mukhang hindi naman nila napansin. Maliit lang naman kasi, 'di naman ganoon kalaki. Pero syete nakakahiya pa rin. Todo ngiti ako kanina sa jeep at kay Manong Guard. Letcheng kangkong at paminta naman 'to, oh! Nang tumunog ang elevator at bumukas 'yon, tumalon ako palabas. Magbaba-bye pa sana ako sa kanilang lahat nang biglang may humila sa 'kin at binigyan ako ng mga folders. Tanggap na ba ako? Ano naman kayang trabaho ko? Binaba ko ang tingin sa mga folders. Taga benta ng folders? Nilingon ko ang babaeng humihila sa 'kin. Ang bilis niyang maglakad kaya nakakaladkad niya na 'ko. Mahigpit kong niyakap ang folders para hindi mahulog at siniguro ko ring hinding-hindi malulukot. Walang bibili sa 'kin kapag may lukot 'to. Sosyal pa naman ang mga tao rito. Imbes na ten pesos 'yong presyo magiging five pesos dahil may lukot. Edi, lugi ako. Muntik na akong masubsob sa likod ng babae nang bigla kaming pumreno sa tapat ng isang pinto. Sinilip at binasa ko ang nakapaskil dito. Office of the C.E.O Nilingon ko ulit ang babaeng humila sa 'kin. Dito niya ba ako gustong mag benta ng folders? Pero hindi naman ito 'yong gusto kong trabaho! 'Di ko namalayang masama na ang tingin ko sakanya. "Hoy. 'Wag mong ganyanin ang itsura mo. Nagmumukha kang halimaw." Singhal niya sa 'kin. "Grabe naman 'to." Inirapan niya ako at tinuro ang pinto. "Pumasok ka sa loob, magpakilala ka." "Pero hin---" Pinutol niya agad ako. "Hep! Ayusin mo ang pananalita mo. 'Wag na ang mukha. Ayos na ayos na 'yan." "Pero magka----" Pinutol niya ulit ako. "At! Sundin mo lahat ng inuutos niya para magtagal ka. Good luck. Bye." Tsaka niya ako iniwan. Kekembot-kembot pa siyang umalis, para siyang pato. Nakanganga ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Itatanong ko lang naman kasi kung magkano 'yong folder na long! Umalis siya kaagad hindi man lang sinabi 'yong presyo. Paano 'to? Bahala na. Bumuntong-hininga ako bago dahan-dahang inabot ang door handle. Kapag nabudol ako rito wala akong mahihingan ng tulong. Masyadong tahimik ang floor na 'to at mukhang walang naliligaw na empleyado. Naku naman! Bubuksan ko na sana ang pinto nang maalala kong kailangan ko nga palang kumatok. Baka hindi ko siya maging suki kapag dire-diretso akong pumasok. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto pero walang sumagot. Kumatok ako uli pero waley. Inulit-ulit ko ang pagkatok hanggang sa feeling ko, kailangan ko na talagang tumigil kasi parang ang sakit-sakit na. 'Yong sakit tagos hanggang buto. Hindi ako nagda-drama. Namaga na ata ang kamay ko kakakatok, wala pa ring sumasagot kaya nagdesisyon na akong pumasok. Agad bumungad sa akin ang pinaghalong air freshener at amoy perfume sa loob ng kwarto. Naka-long sleeve na ako pero talagang napakalamig pa rin. Nilibot ko ang tingin, halatang lalaki ang may-ari dahil wala akong ibang nakikitang kulay kundi black, grey, at white lang. Walang masyadong gamit at hindi makalat. Masyadong malaki, malawak at simple ang office ng CEO. Dumako ang tingin ko sa lalaking naka-upo sa swivel chair at kunot na kunot ang noong nakaharap sa laptop. "Hi, ser. Pwede mag tanong?" Hindi siya sumagot at hindi ako pinansin. Silence means yes. Humakbang ako palapit. "Ser, kayo po ba ang C.E.O? Gusto niyo po bang bumili ng folder?" Ginulo nito ang buhok. "Leave it here." Turo niya sa mesa nang hindi man lang inaalis sa laptop ang atensyon. Nilapag ko ang lahat ng folders sa mesa at ngumiti kahit hindi niya naman ako nakikita. "'Yong long, ser twenty pesos. 'Yong short naman, kinse. Marami 'yan, ser. Bilangin niyo na lang. Mahina po kukote ko sa math, eh." Tinubuan ko lang ng kaunti. Mayaman naman siya, eh. Sigurado akong mababayaran niya 'yan lahat. Habang nililibot ko ang tingin, huminto ang tingin ko sa sofa. Mukhang malambot 'yon at iniimbitahan akong umupo muna saglit kaya dumiretso ako roon at pabagsak na umupo. "I want coffee." Nilingon ko si ser nang magsalita ito. Kumunot ang noo ko. Coffee? "Coffee, ser? Taga-benta lang po kasi ako ng folders, ser. Hindi taga-timpla ng kape." Iiling-iling kong saad. Inangat niya ang tingin sa akin. "Are you drunk?" "Tipsy, ser." Nanlaki ang mga mata niya. "What?!" Kung maka-react naman, parang umamin akong kriminal. Natawa ako at tamad na tumayo. "Easy, ser. Laway niyo tumalsik." Sinamaan niya ako ng tingin. "Joke lang po 'yon. 'Di po ako lasing. Hilo lang. Tapang ng amoy ng perfume niyo, ser." Bumuntong-hininga ito at inayos ang coat bago dahan-dahang tumayo. Nagulantang naman ako sa tangkad niya. Nakakailang din 'yong aura, parang anytime kakainin niya ako ng buo. "Do you know me?" Halos matulala pa 'ko sa pagsasalita niya. Dahan-dahan din 'yon. "C-CEO, ser." Nauutal na sagot ko. "I'm Luther Einstein Schwell. The CEO of LES company. You're hired as my secretary. Ang trabaho mo, bigyan ako ng kape. Hindi ang magsalita ng kung ano-ano. Ngayon, gawin mo ang trabaho mo kung ayaw mong itapon kita sa bintana." Ngumuso ako. "Grabe naman 'yon, ser. Itatapon niyo ako sa bintana pa." Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "May reklamo ka?" Alanganin akong tumawa. Para siyang bakulaw. Katakot. "Gagawa na ng kape, ser." Tatalikod na sana ako nang maisip ulit ang mga folders. Patay ako sa may-ari niyan. Wala pa naman akong pera. Anong ibabayad ko? "Ay, ser. Paano 'yong mga folders, ser? Wala akong pambayad dyan." "Get out." Ngumuso ako. "Okay, ser. Gagawa na ng coffee." Kapag bumalik ang babaeng 'yon, sasabihin kong hindi raw ako taga-benta ng folders. Sekretarya raw ako sabi ni ser Luther Einstein. Hanep na pangalan 'yan. Pang-warrior. Tanungin ko nga mamaya kung saan siya pinaglihi, kay Luther ba o kay Einstein? Nakangising tinungo ko ang pantry. 'Di naman mahirap hanapin dahil nasa tapat lang ng office ni Ser. Paano kaya ako natanggap bilang sekretarya? Eh, hindi naman ako na-interview. Siguro ganito talaga 'yong mga legend, natatanggap ng walang kaeffort-effort. Hindi naman pala mahirap ang trabaho ko. Taga-timpla ng kape? So, easy!
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 23 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (77)
Ayesha Bulala
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0
ILyn SandovaL
ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0
Mecheil Bardon Roberto
wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
16/06/2025
0Xem tất cả