logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 ONE

One
Sa huling pagkakataon, bumuntong-hininga ulit ako para pakalmahin ang sarili bago ko napag-desisyonang lumabas na ng apartment para mag hanap ng trabaho. Siniguro kong naka-lock na ang pinto ng apartment ko at naglakad na. Kahit wala akong perang nakatago sa loob o mga mamahaling gamit, kailangan ko pa ring mag-ingat sa mga magnanakaw ng panty, 'no! Uso 'yon dito sa'min kaya lahat ng panty ko, nakasampay sa loob. Mga gagong 'yon walang pinipili, pati matanda at katulad kong pangit, binibiktima.
"Ate Ai, alis na'ko. 'Wag kayong pasobra sa chugchugan ng mister mo. Namumutla ka na. Pahinga naman, te. 'Wag araw-arawin."
Marahas na lumingon sa'kin si Ate Ai. "Gaga ka! Paano mo nalaman?!"
Ngumiwi ako. "Ito naman kung maka-tanong. Kwarto mo ba soundproof, te?"
Tumatawang hinampas ako ni Ate Ai sa braso. Si Ate Ai ang may-ari ng apartment na tinutuluyan ko. Payat at masyadong maliit si Ate, kung nakatalikod siya parang ten years old lang, hindi halatang 37 na. Matagal ko na siyang kilala kasi ako ang unang tumira rito sa apartment nila, ang pinaka-unang nag-renta. May asawa siya, si Kuya Bong, wala silang anak dahil baog si Kuya. Katulad ni Ate Ai, mabait din si Kuya Bong, naging close ko na sila at tinuring na rin nila akong pamilya.
"Hoy! Mag-ingat ka roon, ah? Sana  makahanap ka kaagad ng trabaho. Fiding!" Sambit niya habang nakataas pa ang kamay sa ere.
Nakangiwing nilingon ko siya. "'Di ba dapat fighting 'yon?" Nagtataka kong tanong.
"Ano ba sinabi ko? Fighting 'yon!"
Umismid ako. "Narinig ko, fiding! Echosera."
"Ganoon ba? Mabuti na lang maayos pandinig mo. Pangit ka nga lang." Pagbibiro niya.
"Ulol. Alis na 'ko." Naglakad na 'ko paalis.
"Ingat ka!" Pahabol niya.
"Takot lang nila sa mukha ko!"
Sa itsura kong may makapal na kilay, may suot na malaking salamin, may malaking nunal sa pisnge, tadtad ng pimples ang mukha at buhaghag na buhok, ewan ko kung may tatanggap sa 'kin. Ang suot ko pa pang-manang. 'Yong mukha ko, hindi halatang twenty-five pa lang. Nagmumukha akong forty-eight na may anim na anak. Syete naman.
Nang makasakay ako sa jeep, agad na tumama sa 'kin ang tingin ng mga pasahero, pati driver at konduktor. Bago ako umupo, ngumiti muna ako sa kanilang lahat, labas ang mga ngipin. Kahit pangit naman ako, maganda at maputi naman ang mga ngipin ko. Ito na lang talaga ang maipagmamalaki ko. Dapat spread lang ng good vibes. Sanay na sanay na 'ko sa mapang-husgang tingin ng lahat ng tao. Hindi na bago sa 'kin ang mga ganito. Halos buong buhay ko, wala akong ibang natanggap kun 'di panlalait. Mangkukulam, bruha, pangit at iba pang masasakit. Nasanay na 'ko, nandoon pa rin 'yong pain pero kaunti na lang. Okay lang naman sa 'kin pero mas okay talaga kung english para 'di ko maintindihan.
"Manong, dito na lang po ako!"
Ngiting-ngiti akong nag-abot ng bayad sa konduktor. Hindi ko na pinansin ang nakangiwi nilang itsura. Mas mabuti nang tahimik sila at nakangiwi kaysa magsalita pa sila ng kung ano-ano tungkol sa itsura ko.
Kumaway pa 'ko sakanilang lahat bago bumaba. Nang maalala ko kung ano nga bang gagawin ko ngayon, gumapang na naman ulit sa mga buto-buto ko ang nerbyos. Pero kung hindi ko naman gagawin 'to sigurado akong sa kalsada ako pupulutin bukas at sa susunod na araw manglilimos na para makakain.
May trabaho naman talaga ako noon, eh. Napaalis lang. Tindera ako sa isang boutique pero tinanggal ako sa trabaho dahil nalugi 'yong tindahan, sinisi ako ng amo ko. Bakit kasi tinanggap nila ako kung required naman pala ang maganda at sexy? Mga siraulo rin.
Inangat ko ang tingin sa building na nasa harap ko. Ang ganda naman. Nakangusong binaba ko ang tingin sa papel na hawak ko, may nakasulat na address at pangalan ng kompanya. Ang sabi sa 'kin ni Ate Ai, naghahanap daw ang kompanyang 'to ng sekretarya. Medyo nag-dalawang-isip pa nga ako kung tatanggapin ko ba o hindi, kasi ang alam ko, kailangan sa mga ganito ang sexy at sobrang ganda. Gusto kong tumanggi pero 'di ko magawa noong sinabi niyang kung matalino at mabilis daw kumilos, agad na matatanggap tsaka allergic daw sa magagandang babae ang may-ari kaya tinuloy ko na lang. Ayoko rin namang masayang 'yong effort ni Ate, siya kaya 'yong naghanap ng trabaho para sa 'kin.
Napaka-weird lang. Allergic sa magagandang babae 'yong may-ari. Saktong-sakto sa 'kin.
Tinitigan ko sandali ang pangalan ng kompanya na nakasulat sa papel at inangat ang tingin sa entrance.
"LES company. Ito na 'yon." Bulong ko sa sarili at huminga ng malalim bago lumapit kay Manong Guard.
"Magandang umaga po, Manong." Ngiti ko.
Kumunot ang noo niya at sinuyod ako ng tingin. "Magandang umaga rin. Mag-aaply ka ba? Sekretarya?"
Ngumuso ako. "'Di po. Scarecrow. Nagha-hire po ba kayo non?"
Agad akong natawa nang sumama ang mukha ni Manong sa sinabi ko.
"Malamang po, sekretarya. 'Yan lang naman po hinahanap, eh." Ngisi ko.
"Pilosopa kang bata ka."
Tinuro ko ang sentido. "Matalino lang po. Pasok na po ako, ah?" Paalam ko.
Tumango siya kaya dire-diretso na akong pumasok sa loob. Tinanong ko muna sa reception kung anong floor ang interview. Kinakabahan pa rin ako at sa sobrang kaba ko, feeling ko, lalabas na ang puso ko sa bunganga at tatakbo palabas. Luminga-linga ako para hanapin ang elevator. Naghintay ako kung kailan bubukas 'yon.
Hinalungkat ko muna sa utak ang tinuro sa 'kin ni Ate Ai, kung paano magsalita at kumilos ng maayos. Nang bumukas ang elevator, napako ang tingin ko sa mga babaeng lumabas mula rito. Umiiyak silang lahat. Nakaka-awa 'yong mga itsura nila.
Sinundan ko sila ng tingin at bumuntong-hininga. Mas lalo akong nabuhayan ng loob. Ang gaganda ng mga babaeng 'yon, 'di natanggap. Talagang totoo 'yong sinabi ni Ate! May chance talaga ako!
Agad akong pumasok ng elevator at pinindot ang third floor kung saan gaganapin ang interview. Tipid kong nginitian ang mga kasama ko sa loob na kung makatitig sa 'kin parang may mali sa itsura ko. Natawa ako sa isip, may mali naman talaga.
Kitang-kita ko ang itsura sa makintab na elevator. Pin-ractice ko ang ngiti at inayos ang damit. Nang nilingon ko ulit ang mga kasama ko, masama na ang tingin nilang lahat sa 'kin kaya tinuon ko na lang ulit ang pansin sa pagpa-practice. Mas nilakihan ko ang ngiti, 'yong kita pati gilagid. Natigil ako sa ginagawa nang may mapansin sa ngipin. May nakita akong kulay green at itim sa ngipin ko!

Bình Luận Sách (77)

  • avatar
    Ayesha Bulala

    kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅

    24/03/2022

      0
  • avatar
    ILyn SandovaL

    ang kulit nung babae HAHAHA

    18/02

      0
  • avatar
    Mecheil Bardon Roberto

    wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter

    16/06/2025

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất