Prologue Nagising na naman ako dahil sa isang magulong panaginip. Ang mukhang 'yon, palaging laman ng panaginip ko! Sa tuwing nananaginip ako, mukha niya ang nakikita ko. Isang babae. Mabilis ang tibok ng puso ko at namamawis ang buong katawan akong bumangon. Ginulo ko ang buhok at inangat ang tingin sa wall clock. It's 2 am. Nang kumalma sa pagwawala ang dibdib ko, lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. "Tangina. Bakit ba palagi mo na lang akong binibitin sa panaginip?" Wala na akong planong bumalik pa sa pagtulog. Uubusin ko na lang ang oras ko sa pagwo-workout. Aakyat na sana ako sa kwarto para magpalit ng damit nang mapadako ang tingin ko sa kwartong nasa dulo. Hindi ko namalayang humahakbang na pala ako papunta roon. Kusang umangat ang kamay ko para mabuksan ang pinto. Nang tuluyang makapasok, pinagmasdan ko ang kabuoan ng kwarto. Nasa pwesto pa rin naman ang lahat ng gamit. Ang mga pinturang natuyo na sa sahig at ang mga paint brush na nakakalat. Napangiwi ako sa gulong ginawa ko kagabi. Mukhang kailangan ko nang linisan ang lugar na 'to nang nag-iisa. Hindi maaaring makita ng iba ang mga gawa ko. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga paintings. Dumadami na sila at hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang iba. Hinaplos ko ang bagong painting. Katatapos ko lang nito kagabi. Sa tuwing napapanaginipan ko siya, ito ang ginagawa ko. Pinipinta ang perpekto niyang itsura. "Kailan nga ba kita mahahanap?" Hindi ko alam kung totoo siya. Palagi kong hinahanap ang itsura niya sa mga babaeng nakakasalamuha ko araw-araw pero bigo ako. Kahit na ganoon, mas along tumindi ang kagustuhan kong mahanap siya. Alam kong makikita ko rin siya, ramdam ko 'yon. Malapit na. Matagal akong nanatili sa loob ng kwarto bago lumabas. Marami ang gustong pasukin ang pribado kong buhay. Isa lang naman ang gusto nilang malaman, kung may girlfriend na ba ako? Nang hindi sila makakuha ng sagot, ginawakan ako ng kwento. Oo, maraming babae ang naghahabol sa akin. May maganda akong itsura, katawan at maraming pera. Hindi 'yon pagmamayabang dahil 'yon ang totoo. 'Yon lang naman ang habol ng mga babaeng 'yon. Sigurado naman akong kapag pangit ako at walang pera, walang lilingon sa akin. Nang tinataboy ko sila, kumalat ang balitang bakla ako. Hinding-hindi raw ako magkakagusto ng babae dahil hanap ko, lalaki. Putangina. Dahil aminado naman akong masama ang ugali ko, syempre, lahat ng nagpakalat, pinulot sa putikan. Paano ako naging bakla? Eh, parati ngang masigla 'tong alaga ko. Hinding-hindi ko sasayangin ang magandang lahing namana ko. Ang pangarap ko, bago mamatay, maipalaganap ko na ang magandang lahi. Kahit medyo nakakatawa, wala akong ibang papangarapin at hihingin kundi ang babaeng binabaliw ako parati sa panaginip ko. Pangako, kapag nagkita kami, ilalabas ko lahat ng sama ng loob ko. -- "Ikaw ay taksil! Isang traydor! Sinayang mo lang, Keana ang buhay mo sa isang walang kwentang taga-lupa. Ngayon, pagsisisihan niyo ang ginawa niyo." Naestatwa ang batang si Keshiana sa kaniyang kinatatayuan. Bakas ang pagtataka sa kanyang magandang mukha habang nakatitig sa mga magulang na ngayon ay parehong nakaluhod at humahagulgol. Gustong-gusto niyang humakbang papunta sa mga ito ngunit hindi niya magawa sa takot na baka saktan siya at pagalitan din ng babaeng nakita niyang bumaba sa buwan. Nanginginig si Keshiana kapag naririnig ang umaalingawngaw na ang boses nito. "Parang awa mo na, Ina. 'Wag mong gawin 'to. 'Wag mong gawin sa amin 'to. Sa apo mo." Umiiyak na pagmamakaawa ng kanyang Ina. Muntik nang tumigil ang paghinga ni Keshiana nang dahan-dahan siyang nilingon ng babae sa buwan. Nanlisik ang mga mata nito kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Keshiana. "Wala akong apong taga-lupa. Ang batang 'yan ang magbabayad sa lahat ng kasalanan niyo." Nagising ako sa isang bangungot. Parati kong naaalala kung paano namatay ang mga magulang ko, sa harap ko mismo. Nabuhay akong mag-isa pagkatapos no'n. Tumayo ako sa harap ng salamin. Nakikita ko ngayon ang sumpang binigay sa akin. Ako ang magbabayad sa kasalanang nagawa ng mga magulang ko. Araw-araw akong naghihirap dahil dito ngunit unti-unti na rin akong nasasanay sa mapanghusgang tingin ng mga tao. Ang sumpang ito ay panghabang-buhay ngunit mababali lang kapag nahanap ko na ang solusyon. Hindi ko alam. Wala akong ideya kung ano 'yon. Napapagod na akong maghanap ng solusyon. Ayos lang naman ako sa itsura ko, nakikita ko kung sino ang mga totoo, sa hindi. Nakikita ko kung sino ang mga may tunay na malasakit sa tulad kong pangit. Hindi ko pa rin namang maiwasang masaktan sa tuwing maiisip na siguro ito na ang magiging kapalaran ko. Mag-iisa ako habang-buhay. Wala namang iibig sa akin kasi sa panahon ngayon, mas mahalaga sa kanila ang itsura. Hindi na mahalaga ang ugali, basta mayaman at maganda, ayos na.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 18 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (77)
Ayesha Bulala
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0
ILyn SandovaL
ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0
Mecheil Bardon Roberto
wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
16/06/2025
0Xem tất cả