logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Perfect Partners  (Book 1)

Perfect Partners (Book 1)

Johanna Gabrielle


Chapter 1- The Unexpected Invitation

"There's nowhere you can be that isn't where you're meant to be."-John Lennon
Desiree’s POV
"Hoy, Boss. Ano ba naman! Nakatitig ka na naman d'yan sa ginagawang building na 'yan e. Baka naman maging abo na 'yan. Namumurublema ka na naman e," untag sa'kin ng assistant kong si Jaq na kasalukuyan nagha-hanger ng mga bagong pinamili naming damit na paninda.
Tinapunan ko naman siya ng malungkot na ngiti. Ngiting nalugi. Mistula tuloy ngiwi ang aking ngiti, hay! Sana nga lang nakakaabo ang titig ko. E, di, sana noong mga poste pa lang iyon ginawa ko nang abo para hindi na natuloy.
Ang laki at ang bilis lang ng pagkakagawa. Matatapos na gayong halos tatlong buwan pa lamang yatang itinatayo. Department store daw iyon. Which surely means meron iyong dress section na pagkaluwang-luwang at superclass. So, ano na lang ang mangyayari sa aking boutique?
Kangkungan ang bagsak ng negosyo ko.
"Paanong hindi ako mamumurublema, e iyan ang magpapabagsak sa negosyo natin."
"Hindi naman siguro, boss,"kontra nito ngunit halata namang nag-aalala din. Iyon namang pagtawag niya sa'kin ng boss wala lang iyon. Hindi niya 'ko boss. Our relationship goes beyond being boss and employee.
Matagal na kaming magkasama kaya naging kaibigan ko na siya. Lambing lang niya iyong boss. Kadalasan, if she wants me to see her point, malutong na malutong na Desiree ang tawag sa'kin. At kapag araw ng suweldo ay pagkalambing-lambing na Des. Kaya naman love na love ko ang assistant kong ito e.
"Oo nga, hindi nga agad-agad pero doon din papunta,"napapangiwing sagot ko.
"Hindi ka pa naman siguradong department store nga ang gagawin sa building na 'yan. Malay mo baka bodega lang."
"Bodega? Hala. Sobrang laki niyon,"nanlalaki ang mga matang bulalas ko.
Oo nga pala. Hindi pa alam ni Jaq ang tungkol kay Randall Jose Andrada. She was out for lunch with Ashley, iyong part timer na saleslady ko nang dumating ang lalaki. At sa labis na pag-aalala ay nakalimutan kong sabihin.
Kaya naman agad ko siyang in-update sa mga kaganapan.
Ilang saglit pa narinig ko na ang malalim na buntunghininga nito. Hindi ko naman siya masisisi. Nakakainis at nakakadismaya naman talaga. Ano na lang ang mangyayari sa TheDesire ko kapag nagbukas na ang department store na iyon? Tatatlong taon ko pa lang naitatayo ang negosyo tapos maglalaho na lang na parang bula dahil sa mga higanteng negosyanteng limpak limpak na nga ang salapi gusto pa ng mas limpak limpak na salapi. Paano na lang kaming mga pulubing negosyante?
Noong isang araw ko lang na-confirm na isa ngang department store ang kainis na building. Sa kasamaang palad ay naligaw ang lalaki sa aking boutique dahil sa paghahanap ng damit daw na ipanreregalo sa anak ng isang trabahante na may kaarawan. Natanaw daw nito ang boutique.
Kaysa naman daw pumunta pa siya sa mall e, dito na lang sa malapit. Suwerte rin naman ang mokong sapagkat may available akong male children's wear. Men's and ladies' wear ang produkto ng TheDesire at nasa try-out stage pa lang ang children's wear.
Matagal ding nakipagchikahan sa’kin si Randall Jose Andrada. Ang binatang, guwapo, matangkad, mayaman at mukhang mabait naman sana dahil nag-abala pang regaluhan ang anak ng trabahante niya. Sinong gagawa ng ganoon kung hindi iyong mababait na amo?
Kaso lang it happened na he was on the wrong side of the street. Literally and metaphorically wrong side. Kaaway ko pala siya. Isang kakompetisyon. Kaya kahit siya pa ang pinakamabait na tao sa mundo, hu u siya sa'kin.
Oo. Tama. Ang TheDesire ay nagmula sa aking pangalan. May someone special ako noon na tumatawag sa'kin ng ganoon. Imbes na Desiree, Desire kung bigkasin ito.
E, di, syempre, kinikilig naman ako nang bonggang-bongga. Nagpaparang butter na ipinalaman sa mainit na pandesal ang puso ko.
Pero… well, just like some love stories that didn't end up in happily ever after, ayoko na sanang maalala ang taong iyon. Though I had no choice sapagkat nagsusumiksik talaga siya sa utak ko sa tuwing papasok sa trabaho dahil sa pangalang iyon. Hindi naman dahil sa hindi pa ako nakaka-get-over sa kanya.
Matagal na iyon e, at naka-move on na ako.
Sure ka, Desiree? singit ng intrigerang bahagi ng utak ko.
Sureness!  irap ko nga sa munting tinig na 'yon.
Let's not be so bitter, okay. May dulot din namang maganda ang pagkakapili ko sa pangalang TheDesire sapagkat sabi ng marami kakaiba raw. May dating daw. Sa katunayan ay dinarayo na rin ito. O, di ba bongga?
Sa isang banda, parang gusto ko na ngang palitan. Malamang kasi ang pangalang iyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin ma-erase-erase sa utak ko ang walangyang iyon.
E... di umamin din. Hindi pa nga nakakalimutan si...
Halos tumalsik ang ulo ko sa lakas ng pilig. No, no, no! A big, fat, huge, massive no! Ayokong banggitin man lang ng kahit na maliit na bahagi ng utak ko ang pangalan ng lalaking iyon. Past is past and bringing it up is so useless.
With that being said, let's go back to Randall Jose Andrada. Ayon sa guwapong binata, ang building daw na 'yon ang current project ng Andrada&Sons, isang multi-million group of companies na pag-aari ng angkan ng mga Andrada at kasalukuyang hot na hot ang pangalan sa mundo ng negosyo. Sadya raw talagang binilisan ang pagpapagawa niyon upang makahabol sa nalalapit na Christmas holidays. At sa susunod na buwan na 'yon.Singit ng intrigerang bahagi ng utak ko.
E, kaya naman pala parang kabute lang na sumulpot.
***
Kabababa ko lang ng traysikel. Nasa tapat na kasi ako ng apartment kung saan magkasama kaming nangungupahan ni Jaq. Nauna na siyang umuwi kaya meron nang tao sa bahay. Dumaan muna kasi ako sa grocery store upang mamili ng pagkain at ilang personal na kagamitan. Agaw-pansin ang kotseng nakaparada sa tapat ng apartment namin.
Agad akong naghagilap sa isip kung meron akong kakilalang may kotseng dark blue Subaru. Grabe. Latest ang kotse ng kung sino mang bisita. Kaso nahalukay ko na hanggang sa kasuluk-sulukan ang utak ko wala pa rin akong maisip na kakilalang may kotseng ganoon maliban na lang kung merong tumama sa lotto sa mga friends ko. At kung sino man iyon ay dapat kong malaman, di ba? Maka-share man lang sa suwerte haha. Tsar lang.
Anyway, pulang Vios ang kotse ng bestfriend kong si Lolit. For sure hindi naman si Lolit iyon dahil simula nang makapag-asawa ng taga-Maynila ang bestfriend kong iyon ay doon na pirming nanirahan. Kaya naman madalang na kaming gumimik at hanggang pa-facebook-facebook na lang, chat-chat, text-text, video call once in a blue moon. Kahit nami-miss ko siya, naiintindihan ko naman. May pamilya na siya e, kaya iba na ang mga priorities sa buhay.
Pero kasi kung dadalaw man iyon, tiyak na tatawag muna sa'kin. So, malamang bisita ni Jaq ang may-ari ng bonggang kotse. Lumelevel-up na rin ang assistant ko e. Dahil sobrang curious nagmadali na akong pumasok sa loob.
"Des, may bisita ka," agad na salubong sa'kin ni Jaq.
"Ako? May bisita? Si..." takang napahinto ako sa pagsasalita nang makita ang bisitang tinutukoy ni Jaq. Itatanong ko pa sana kung sino e.
"Hello, Desiree." Tumayo ang bisita buhat sa pagkakaupo sa sofa.
"Oh, hi, Randall. Ikaw pala. Muntik na kitang hindi makilala. Mabuti naman at natutunan mo itong sa'min." Nakangiting turan ko though parang gustong magdikit ng nguso ko at umasim ng mukha. Paano nga ay isa siya sa mga may-ari ng building na iyon na nagpapasakit ng ulo ko. Kaso lang mabait naman siya kaya nakakahiyang simangutan.
Saka wala naman siyang ginagawang masama sa amin, di ba? Tawag lang ng kagandahang asal. At dahil doon, smile to the max na lang ako.
"Oo nga. Madali lang namang hanapin itong sa inyo. Di ba, I told you that I'll be seeing you? So..." bahagya pang itinaas ni Randall ang dalawang kamay. Parang sinasabing heto na ako kaya wala ka nang magagawa.
"Oh, yup, right," wala sa isip na sambit ko habang nakataas ang isang kilay. Hindi ko talaga inaasahan na mag-aabala siyang puntahan ako. Akala ko naman ay sabi lang niya nang banggiting minsan ay dadalaw sa'kin. Sanay naman kasi akong makatanggap ng mga ganoong proposals.
Alam n’yo na. Feeling ganda ang lola n'yo e.
Pero ang totoo, sa panaginip lang talaga gumaganda ang lola n'yo. In reality, pangalan lang ang maganda. Maliit ang mukha kong may kalakihan ang mga mata na alangan sa mukha ko. Sabi ng iba maganda raw ang mga large eyes pero para sa'kin hindi. Mas nagagandahan ako sa mga chinita.
Para sa’kin, isa lang ang pumasa sa mukha ko. Iyong ilong kong medyo may katangusan kaysa pangkaraniwang Pinoy o Pinay. But I'm a pureblooded Filipino.
Sabi ng nanay ko ipinaglihi daw niya ako sa foreigner. Noon daw ipinagbubuntis niya ako ay wala siyang ginawa kundi titigan 'yong dati naming kapitbahay na misyonaryong amerkano. Ewan ko lang kung totoo 'yong mga lihi lihi na 'yan. But whatever! Salamat sa amerkanong 'yon na napaglihihan ng nanay ko haha.
Anyway, hindi ko pinapatulan ang mga ganoong kesyo dadalaw daw. Style nila ng mga flirt, hmp!
"Siguro akala mo ay hindi totoo ang sinabi ko na pupuntahan kita kaya nagulat ka nang makita ako," nakangiting saad Randall.
"Ha, ah, eh, oo nga." Gosh, nahulaan niya ang iniisip ko. "Teka. Kanina ka pa ba? Ano'ng gusto mong maiinom?" medyo napapahiyang turan ko para lang ma-break iyong medyo awkward na feeling.
"No, okay lang. Tapos na'ko. Pinameryenda na 'ko ni Jaq. Medyo kani-kanina pa rin naman kami nagkukuwentuhan,"nakangiting pigil ni Randall sa'kin.Tumango naman ako pagkatapos ay dumeretso na ako sa kusina at ibinaba sa lamesa ang bitbit kong plastic ng mga pinamili.
"Actually, kaya ako naririto ay dahil sa gusto sana kitang imbitahan sa welcome party para sa pinsan ko. You remember?"anito nang bumalik ako sa living room.
Agad ko namang naalala ang tinutukoy nitong pinsan na sasalubungin daw sa airport. Nabanggit na niya ang tungkol doon. Padating nga daw 'yon kaya magkakaroon ng welcome party.
"Bukas sana. Mga seven ng gabi. Ano? Puwede ka ba?"
Saglit akong nag-isip. "Ewan ko lang. Hindi ako sigurado." Ayokong lumabas at sumama sa kanya. Kaso hindi ko naman malaman kung paano tatanggi ng hindi siya mapapahiya. Noong isang araw ko lang siya nakilala. At kahit kakambal niya pa si Adonis sa kaguwapuhan at mukha siyang mabait, hindi ko siya feel no!
(May feel pang nalalaman ang lola n'yo)
Well, nasa emo mode nga kasi ako these days. At ang dahilan nga niyon ay ang bagong building na iyon sa harap ng TheDesire ko. Tapos ang isa sa mga may-ari niyon ay parang gusto pa akong i-date. Katawa naman.
"Isama mo si Jaq kung natatakot kang sumama sa'kin,"ani Randall.
"O...okay. Kung puwede bang kaming dalawa e,"medyo nahihiya kong sabi. Hindi ako natatakot sa kaniya no! Ang cute kaya niya para katakutan ko. Awtomatiko namang hinanap ng mga mata ko si Jaq na kasalukuyang nagbabasa ng magazine sa isang sulok ng sofa.
Tinaasan ko ito ng kilay. Naririnig naman niya ang usapan namin kaya alam niyang I was asking her if she wanted to go with me. Mas mabuti nga sigurong kaibiganin ko si Randall. Sabi nga nila "keep your friends close but your enemies closer," right?
Saglit na umangat ang ulo ni Jaq mula sa magazine. "Okay lang,"anito sabay kibit ng balikat. Well, wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko ang anyaya ni Adonis...este..ni Randall. Maayos naman ang pag-anyaya niya e. Tutal wala naman kaming gagawin bukas ng gabi.
"Syempre ay puwedeng-puwede,"ngiting-ngiti naman si Randall. Chos! Feeling naman nito sinagot na ng nililigawan.
"O paano, aalis na ako." Tumayo na nga ito upang tunguhin ang pinto. "Susunduin ko kayo ng mga six-thirty para naman maipakilala ko kayo sa amin bago mag-dinner."
"Okay." Sinundan ko ito at inihatid sa pinto. Napapailing ako habang isinasara 'yon pagka-alis ni Randall. Hindi kaya ako nagkamali sa pagpayag na sumama sa welcome party ng pinsan nito? Nag-aalala ako na baka balak niyang manligaw sa'kin at pagkatapos ay mabigo lamang. Ayokong makasakit ng damdamin. Assuming din ang peg ng lola n'yo, di ba? Wag tularan.
Puwera biro. Taglay ni Randall ang mga katangiang tiyak na kababaliwan ng kahit na sinong babae. Matangkad, maputi, chinito, a bit like Destiny Rose doon sa dating sikat na TV series. The problem is the zero chemistry. Saka tingin ko mas matanda ako kaysa sa kaniya. I'll bet he's only twenty-one or twenty-two. I know "age doesn't matter" okay. Pero kung ako 'yong mas matanda, it matters a lot. Ayokong magmukhang ate no!
Wag kang assuming, Desiree.
Hay, tama naman ang maliit na tinig na 'yon sa utak ko. Baka kasi plain friendship lang naman talaga ang pakay ni Randall sa amin, right?
Kaya never assume.
*****

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    QuintosKyla

    sobrang gandaaa.

    15/12

      0
  • avatar
    AcobaKenneth

    oky

    09/06/2023

      0
  • avatar
    Retchan Capangpangan

    ❤️❤️❤️

    28/05/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất