logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

"individual or by partners, you choose." sabi ng teacher namin sa Entrepreneurship at nagligpit na ng gamit nya.
"serr pwede po trioooo?"  pahabol ng kaklase namin.
"ikaw na mag turo, gusto mo?"
pati teacher pilosopo narin pala.
"sabi ko nga ser." pahiyang ani nung kaklase ko.
huhu business plan?
napalingon ako sa katabi ko.
"pano ba gumawa nun?"
"from the word itself, mag paplano ka ng negosyo mo. obvious ba?"
peste, pati seatmate pilosopo.
"magsama kayo ni sir."  nakakapikon.
nagligpit narin ng gamit ko.
habang nasa byahe pauwi, pinipilit ko parin si yohanne na maging mag partners nalang kami. Kaso di nya'ko sinasagot.
"tita?"
"yes sweetie?"
"ano po bang magandang business?"
"hmmm... a restaurant, café, book shop, anything sweetie basta't aligned sa passion mo."
"passion po?"
"yes... you know, something you're good at, something that you enjoy.  'coz when you love your work sweetie, I promise, it'll work out."  sabay tayo ni tita.
"copy that po, may itatanong pa po sana ako?" 
naupo ulit si tita at humarap sakin.
"yes sweetie ano yun?"
---------- (Third person's pov)
"about sa deal nyo po ni yoh---tito yohanne."
natawa naman ng tita nya sakanya.
"Sweetie, kapag magkasama kayo 'tito' rin ba yung tawag mo sakanya?"
umiling sya.
"no.. parang bubugahan nya po kasi ako ng apoy kaya Yohanne nalang."
"hahaha that's fine, you can talk to him casually, hindi naman kayo related by blood eh.."  paliwanag ng tita nya.
"hmm, okay. Tita, matagal na po ba dito sa Pilipinas si yohanne?"
"almost 4 years nadin, why?"
"sabi nya po kasi may deal kayo, na kapag nabantayan nyako hanggang mag graduate, papayagan nyo na daw sya bumalik ng States."
"really? nag open sya sayo about duon? did he mentioned kung bakit ayaw ko syang bumalik?"
umiling ako.
"Bakit po di nyo sya pinapayagan?"
napabuntong hininga ang tita nya.
" coz he will be living alone there, unlike before."
malungkot na ani nito.
"Yohanne and I aren't that close when we were a kid. Lumaki sya sa States with his mom, while I grew up here in Philippines."
"bakit po ganun?"
"My parents got divorced and nag asawa ulit ang papa ko, and there, nagkaroon ako ng half brother which is Yohanne..binibisita ko sya noon. Hindi ako nagkimkim ng galit sa daddy ko kasi I understand naman why they decided to separate ni mom. Tuwang tuwa pa nga ako kasi nagkaroon ako ng lil brother eh. But, when our father passed away, his mom took him abroad."
malungkot na kwento ng tita nya.
"and when yohanne's mom passed away, kinuha ko sya sa States. 13 years old palang sya non."
"Kaya po siguro ganun sya... cold."
"Indeed. But now, mejo okay na sya.. kinuha ko sya sa abroad and we lived together at my house pero your tito and I got married. Ayaw nya naman sumama sakin, he'll stay at our old house daw since wala rin sya balak lumipat ng school."
'2 years married na sila nila tito non nang kupkupin nila ako. But ngayon ko lang talaga nakilala si Yohanne. Grabe, ni hindi man lang sya bumibisita samin noon, I mean sa ate nya.'
hmm.. that's explains why duon sila lumipat ng tirahan. Since nagpalit sya ng school, lumipat din sila ng bahay. And andito sila sa village nila yohanne.
"we're not that close pero atleast we're in good terms and nakikinig sya sakin."  nakangiting ani nito.
"and I know that he is matured and responsible enough to handle himself kaya I agreed to his condition."
"which is yung pagayan nyo na po syang bumalik sa States?"
tumango ang tita nya.
"besides, his memories with his mom was there. That is something that I couldn't replace, sweetie."
"pareho po pala kami, wala nang magulang."
lumungkot ang mukha ng tita nya.
'and it's sad that we also couldn't replace the memories of your biological parents..ni hindi nga yata namin mapantayan...that's why your condition is still unrecoverable..'
"it's late na sweetie, tulog na yata si tito javis mo.. you should sleep nadin, okay? goodnight"  sabay kiss sakanya nito.
"hmm, sleep well po."
at naiwan na syang mag isa sa sala.
sandali syang natulala roon, iniisip kung gano kalungkot ang buhay ni Yohanne... kung gaano kalungkot ang naging buhay nilang dalawa.
----------------------------------
"wag..... wag po.... WAGGG!!!"  
nagising sya mula sa isang bangungot.
pinagpapawisan, takot na takot, nanginginig at umiiyak.
ilang minuto rin syang nakahalukipkip sa may head board ng kama.
nang maya maya pa ay tumayo ang dalaga, nagpunta sa walk in closet at kumuha ng itim na hoodie duon.
sinuot nito iyon at humarap sa salamin.. walang emosyon ang mga mata.
"long time no see."
---------------------------------------
"I don't know.....God...what if may nangyareng masama, what if-----" nag aalalang sagot ng ate Pia nya sa phone.
"calm down. Hahanapin ko sya." pag pakalma nya sa kapatid.
'damn woman saan ka nanaman ba nagpupunta?'
hinanap nya ito kung saan saan.
sabado ngayon at walang klase.
he was supposed to be sleeping at this hour pero biglang tumawag ang ate nya.
alas dos palang ng madaling araw. Buti nalang at nagising ang Pia nya para mag cr, nang icheck nito si Yuri sa kwarto ay wala na ito duon.
ang mas nagpakaba pa sakanila ay wala ang hoodie at ang sneakers ng dalaga, which belongs to one of her personalities.
'deamean'  ani ni Yohanne sa isip.
wala nang iba.
patuloy sya sa pag drive nang may mamukhaang babae sa may tapat ng tindahan sa may kanto di kalayuan. buti nalang at may street lights duon.
agad nyang iginilid ang kotse at nagtungo sa dalaga, nakasandal ito sa pader habang nagyuyupyop ng yosi.
nilingon sya ng dalaga nang mapansin sya nito pero agad ding inalis ang paningin sakanya na tila ba'y walang pakialam sa magkasalubong nyang kilay.
Tumayo sya sa harap dalaga, hinugot nya ang  yosi mula sa bibig nito at saka inapakan 'yon.
"gago."  malamig na ani ng dalaga, umayos ito ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader at nakipagtagisan sakanya ng tingin.
"uwi." utos nya pero tinapunan lang sya nito ng isang bored look.
hahawakan na nya sana ito sa braso nang mabilis ring gumalaw ang dalaga at pinilipit ang braso nya patalikod.
"AGHH!! what the----!" daing nya.
"masakit?" sabay diin pa ng dalaga.
"Arghh--tanginaa--"
nang bitawan sya ng dalaga ay agad nyang hinilot ang braso nya.
"Are you nuts?!!" singhal nya dito.
"gay."  natatawang ani ng dalaga.
"what?!" singhal ulit ng binata.
"ingay." sagot nito at nagsimula nang maglakad paalis.
grabe na dislocate yata ang braso nya, ang sakit.
"Hoy!" sigaw nya. taena? bat parang bumaliktad ang mundo at sya na ang iniignore ng babaeng to?
'Can't even see something interesting' ani ni Deamean sa isip, si Yohanne ang tinutukoy nito.
'kinakabahan ka sa harap ng bading na to? psh' ani ulit ni deamean sa isip as if she's talking to Yuri.
hinarap nya ang binata.
"kulang paba? gusto mo sa kabilang braso pa?"
"what?"
"wag moko susundan." sabay talikod nya ulit.
makalipas an ilang segundo muling humarap ang dalaga at umamba ng suntok pero mabilis rin itong nasangga ng binata.
Yohanne smirked.
but Deamean smirked even more sabay twist ulit ng kamay ng binata.
"AWWW!! alright! stoppp---aghh, you won!!"  pagsuko nito, kaya binitawan na nya.
gaddd, dinaig pa sya ng payatot na babae nato??
"shitt."  daing ng binata sabay hilot ulit ng braso nya.
"lumayas ka sa harap ko, lalake. nagdidilim paningin ko sayo."
"s-sandali, no. saan kaba pupunta? hatid na kita."
'seriously?!!' sigaw ni Yohanne sa sarili.
humarap ulit ang dalaga sakanya, nakapamulsahan sa hoodie nito at tinaasan sya ng kilay.
"you're not giving up, aren't you?"
Yohanne stood straight.
"It's not my thing." ani ni Yohanne sabay namulsahan rin sa hoodie nya.
"talaga lang ah?"
tinitigan lang sya ng binata.
"imagine? your ego was like my cigarette na inaapak apakan ko lang."
awts, di nalang sya sumagot.
"Go on, gusto mong sumunod? alright."
at naglakad ito papunta sa kotse nya.
"sakay, ipagdrive mo'ko." utos nito.
'seriously??' ani ni yohanne sa isip
nakailang seriously naba sya?
"pasalamat ka babae ka" he murmured.
"anong gagawin mo don?" tanong nya sa dalaga. Nagpapahatid kasi ito papunta sa dating lugar kung saan sila nakatira.
"wag ka ngang tanong ng tanong."
'taena' ani ni yohanne sa isip.
minutes had passed.
maya maya pa ay nilingon nya ito, napangiti sya sa nakita dahil nakapikit na ang dalaga, natutulog na ito.
"asa ka."
biglang nagsalita dalaga habang nakapikit. ikinadisappoint ito ng mukha nya.
'amp'   sayang, iiliko na sana nya pabalik ang kotse.
isang oras din ang byahe, mag aalas kwatro na ng madaling araw nang mkarating sila duon.
hindi rin sila dumiretso sa dating bahay kundi sa isang hospital.
kunot noong bumaba ng kotse si yohanne at sinundan ito.
hanggang sa tumigil sila sa isang hospital room.
tahimik na sumilip ang dalaga sa pintuan duon.
"sino yan?" curious na tanong ni yohanne dito.
"none of your business." sabay pasok nito sa loob  nang makitang tulog ang bantay ng pasyente.
tumayo ito sa tabi ng hospital bed habang nakitingin sa taong nakaratay duon.
"a-ate Deam?..."  biglang nagising ang bantay ng pasyente.
ngumiti si deamean dito.
"hey..kumusta?" niyakap sya ng bata, sa tantya nya an nasa 11 years old palang ito.
mas lalong kumunot ang noo ni yohanne sa nakikita.
The way she smile... nakikita nya si Yuri.
'of course you do. Sya yan eh.' pangbabara ni yohanne sa sarili.
"sino po sya?"
namalayan nya nalang na nakatingin na sakanya ang dalawa.
"ah wala... driver ko."
driver???
"kapal." he murmured and umupo sa mahabang upuan duon sa gilid ng kwarto.
"nasan ang lola mo?"
"maaga po si lola umalis kasi maglalako pa sya nung saging." sagot ng bata.
"kumusta sya?" tanong ulit ng dalaga habang nakatingin sa binatang nakaratay sa hospital bed.
"hindi parin po sya nagigising,ate..." malungkot na sagot ng bata.
ngumiti si deamean at ginulo ang buhok ng bata.
"magigising din ang kuya mo, wag ka mag alala."
"ang masamang damo, matagal mamatay." pagbibiro pa nya.
"haha oo nga po." pagsang'ayon ng bata.
"sige na matulog kana ulit, maaga pa."
"hmm hindi na po, gusto nyo po ba ng kape? ibibili kopo kayo."
"sge.. isabay mo narin yung driver ko." ani ni deamean sabay tingin sa binata na inaantok na duon sa gilid.
"opo!"
pag alis ng bata ay tumingin sya ulit sa binatang nakaratay sa hospital bed.
"gumising kana nga. masyado kanang pabigat."
harsh, but you could still feel the guilt and sadness mula sa pagkakasabi nya nito.
"sino sya?" biglang sabat ni yohanne na nakaupo duon sa gilid. tumayo ito at tumabi sakanya.
"your boyfriend?" ani nito.
"Tyron, kasamahan ko sa gang."
gang??
"what the hell?"
"relax, I quitted already."  ani ng dalaga.
"I've caused too much." dagdag nito.
"naghihiram ka lang ng katawan, nagawa mo pang sumali sa gang."
sinamaan sya ito ng tingin.
"hiram? really?" sarcastic nitong ani.
"kung wala ako, wala narin tong katawan na'to." she murmured.
naguluhan si yohanne sa tinuran nito.
"heto na po ang kape nyo ate." biglang sulpot ng bata.
"her personalities...may sari sarili ba kayong buhay?" naguguluhang tanong ni yohanne. Nakaupo sila ngayon sa gilid at nagkakape.
"may sari-sarili kaming alaala."  sagot ng dalaga na mas lalong nagpagulo sa utak nya.
"Basically, hindi kami nanghihiram. We are part of it." madiing ani nito.
"I see, pero kayo ang dapat umalis."
"at sya ang matitira? haha. ang mahinang yon?" pang babara nito sakanya.
"wag ka mag alala, I don't have plan of staying anyway."
napatingin si Yohanne dito. So she's willing to give up?
"I'm just waiting for him to come back, and when he do, it's time for me to leave." ani nito, pagtutukoy sa binatang nakaratay.
"what happened to him?"
"at ba't ko naman ikikwento sayo?"
sinamaan nya ito ng tingin.
tinaasan naman sya nito ng kilay, at saka umiwas ng tingin.
"Tuso ang gang. They've put something on my drink and tried to rape this body."
"he saved me. But, his good act puts him into comma. Tanga diba?" natatawang kwento nito.
naalala nya ang kwento sakanya ng dalaga noon.
"yun ba yung nagising nalang si Yuri, nasa hospital na?"
"maybe." 
"Umiwas ka sa gulo."
"Kung hindi ako umiiwas, nang gugulpi na sana ako ngayon."
"I see, what made you stop?"
"him." sabay tingin nila sa pasyente.
"ayoko nang may mamatay ulit ng dahil sakin."
"anong nangyare sa gang nyo?"
"I'll kill them."
nanlaki ang mga mata ng binata sa tinuran nito.
"if only I could." she added. and laughed bitterly.
"huh?"
"one month bago ako lumabas ulit. Hinanap ko sila, I heard cops took them. And I have found him here."
"You like him, don't you?" he teased.
"gago kaba?"
"bat bako nakikipag usap sayo? wala ka namang kwenta kausap." dagdag nito.
'taena' - yohanne.
"by the way, stop bullying her." pagtukoy nito kay Yuri.
kumunot noo ang binata. "I'm not."
"Next time, paa na babaliin ko sayo."
----------------------------------------------
"hindi nagdala ng cellphone yet managed to bring her atm card? galing mo rin no?" ani ni yohanne sa dalagang nagwiwithdraw ngayon ng pera.
"Psh, sakin din naman to." pangangatuwiran nito.
"still."
"bakit, may gusto kabang ipatumba? akong bahala, basta bayaran mo'ko."
"siraulo." pokerface na ani ng binata dito.
"you know what, mas okay kang bantay kumpara don sa dati nyang lady guard."
lady guard?
"sino?"
"Her bestfriend. Kapag ako ang lumalabas, she's running away." natatawang kwento nito at binulsa ang pera.
bumalik sila duon sa hospital at binigay ang pera sa lola ng Tyron na binisita nila.
Deamean.... has a soft heart.
for now, yun ang findings ng binata.
'not bad afterall.'
"matulog kana."
"sino ka para utusan ako?"
"kailan kaba matutulog?!" pikon na ani ng binata dito. pauwi na sila.
"haven't you heard? I'm a night owl."
"tangina?"
"makakasali ba ako sa gang kung natutulog ako?"
'oh common!'
"I'll buy you some pills!"
"no way."
"ilang araw ba ang tinatagal mo??"
"three? four?"
"taena yan, may klase kami bukas."
"edi mag aaral ako."
yohanne glared at her.
"ayaw mo? fine. 'di wag pumasok."
"we're here. Umayos ka." sabay baba nito sa kotse.
"Yuriiiiii!!!" naiiyak na salubong sakanya ng tita nya, niyakap sya nito. She didn't respond.
"w-wait, I think that's not..." ani ng tito nya. "that's not her."
"nagugutom ako." wika nya sa mag asawa.
"D-deamean, hija?"
hindi na nya ito pinansin at nag tuloy tuloy papasok ng bahay.
---------------------------------------
"salamat Yoh, Oh God.. diko na alam gagawin ko  pag may masamang nangyare ulit sakanya. Thank you, a lot!" ani ng ate nya. tumango sya.
nasa sala sila ngayong tatlo, habang si deamean ay kumakain sa kusina.
"again, you have managed another personality. Bilib na talaga ako sayo, bro." ani sakanya ng asawa nito.
"Hindi naman sya naghahanap ng gulo. She's just...she's good, actually."
"T-talaga?"
"Mm. mauna na ako, I have a lot things to do." sabay tayo nya.
"oh okay, ingat. Salamat ulit-----"
"sandale, sama ako."  biglang sulpot ni Deamean.
"What?" sabay sabay na reaksyon ng tatlo.
"what? deadline na sa Lunes ng project ni Yuri, and by partners yun, hindi ba?" sabay tingin nito kay yohanne.
"Ayoko." sabay talikod ng binata at naglakad paalis.
mabilis na kumilos ang dalaga at sumunod dito.
pero bago yun ay bumalik ito at binigay ang atm card sa mag asawa.
"Nanghiram ako." ani nya sabay alis.
"H-hon, I think we have to deposit...again."  ani ni Pia, napahilot sa sintido ang asawa nito.

Bình Luận Sách (72)

  • avatar
    Diecelou Bert Baluca

    yes

    22d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    26d

      0
  • avatar
    Remma Pejeder

    iloveyouu😘😘😘❤️

    27d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất