logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5: Guy Nextdoor

SERINADE
NAGTAASAN ang mga buhok ko sa katawan ng dahil sa malalim at baritonong boses na aking narinig. I'm 100% sure na lalaki iyon. But I'm 50-50% hindi sure kung patay ba o buhay ang nagsalita.
Hindi ko malunok ang laway na nakabara na sa lalamunan ko. Bwisit! Tinakasan yata ako ng lakas ng loob. What will I do? Run or face the fact that there's someone in this room?
Inihakbang ko ang kanang paa upang tuluyang makapasok sa loob. Thanks God at hindi kahoy o kawayan ang sahig, mabuti at sementado ito. Kung hindi ay baka makapaglikha pa ako ng ingay.
Hindi na ako muli pang nakarinig ng boses. Nagsimula na akong maglakad at naghanap ng sign kung may tao ba talaga dito. Napahigpit pa ang hawak ko sa walis-tambo at dustpan na bitbit ko, maingat na gumagalaw upang hindi makagawa ng ingay. Pero hindi pa ako nakakalayo sa kinatatayuan ko kanina ay may narinig na naman akong bumagsak na isang bagay.
Sh*t! This is totally scary!
Napaatras tuloy ako.
"Meowww!"
Napatalon pa ako sa gulat at halos lumabas na ang puso ko mula sa ribcage na kinalalagyan nito ng dahil sa biglang pagsasalita ng pusa. Gusto ko nang umalis at isipin na lang na wala akong napakinggan dito na kababalaghan. Pero dahil nandito naman na ako marapat ko nang alamin ang nangyayari sa loob ng apartment na ito.
Pero mas inuna kong hanapin ang switch ng ilaw. Kaya dahan-dahan akong umatras at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pintuan.
Ang shunga ko kasi! Bakit ba hindi kaagad iyon ang inisip ko bago pasukin ito? Gaga mo talaga Serinade!
Gamit ang kamay kong nasa likuran, kinapa ko ang switch ng ilaw. Napangiti ako dahil sa wakas ay mabubuksan ko na rin ang ilaw at makikita ko na ang laman ng abandonadong apartment na ito. Ngunit halos malagutan na ako ng hininga nang may tao na pala sa harapan ko. Napawi bigla ang ngiti sa aking labi at gulat na gulat na tinitigan ang lalaking ilang dangkal na lang ang layo sa akin.
Kanina pa ba siya doon?
"Who are you?" malalim ang boses nitong tanong.
Matangkad siya kung kaya'y hindi ako nakatingin sa mukha niya kundi sa dibdib niya. Nakaitim siya na V-neck shirt. At langhap na langhap ko ang pabango niya.
Ang bango niya! Pabango ng buhay at hindi ng isang bangkay.
Napadikit ako sa dingding nang lalo siyang lumapit sa akin. Unti-unti kong itinaas ang aking mukha only to see the man that I've been stalking for a week.
Susme! Totoo ba itong nakikita ko? Siya ba talaga ito?
"I'm asking you. Who are you?" Seryosong-seryoso ang tono ng kaniyang boses. Sa totoo lang ay nakakatakot ang boses niya, napaka-maawtoridad. Aalis na sana ako pero bigla niyang iniharang ang kaniyang magkabilang kamay sa parehong gilid ko.
Saan ako nito dadaan?
Bumaba siya at pinantayan ako. "Hey! I'm asking you." Napapikit ako nang titigan niya ako sa mga mata.
Oh my God! Hindi ko lubusang matanggap na nasa harapan ko na siya at paulit-ulit akong tinatanong. Sh*t! Ano'ng isasagot ko?
Pagmulat ko ng aking mga mata ay wala na siya sa harapan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa na hindi kalayuan sa akin. Masama ang kaniyang mga tingin nang tumitig siya sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang umalis sa pwesto at lumapit sa kaniya habang bitbit ang walis-tambo at dustpan.
Bakit ko nga ba dala ang walis-tambo at dustpan ko?
"Uhhh... sorry nga pala sa pagpasok ko sa apartment---"
"You're a trespasser, don't you know that?" he coldly said.
Napalunok tuloy ako ng laway. "Well, a-actually, I am. And I certainly know that." Umupo ako sa hindi gaano kahabang sofa na katapat ng pang-isahang sofa rin na inuupuan niya.
Wala bang mahabang sofa dito?
Inilibot ng aking paningin ang kabuuan ng loob ng kaniyang apartment. Kakaunti lang ang laman dito sa loob. Isang pang-isahang sofa, hindi gaano kahabang sofa at maliit na bilog na mesang gawa sa kahoy ang laman ng maliit niyang sala. Wala man lang mga picture na nakasabit sa dingding at mga bulaklak o ilang furniture ang makikita. Napaka-plain din ng kulay ng buong apartment. Tanging black and white lang ang nakikita kong kulay. Kung meron mang ibang kulay ay hindi ito nalalayo sa kulay ng itim at puti. May dalawang pintuan din akong nakita. Ang kusina ay kasama na rin ng sala kaya kitang-kita ko ang sink at fridge.
Natigilan lang ako sa pagmamasid nang marinig ko ang pagtikhim niya. Kaagad akong tumingin sa kaniya at binigyan siya ng pekeng ngiti.
"A-ano... I'm just curious lang kasi. Meron kasing ingay na nanggaling dito. And I was just checking kung ano iyon. I never thought that you were living here. Ganito kasi---" he then cut off my words.
"Get out."
Natawa ako nang bahagya, isang peke na tawa. "Me? No way. May itatanong lang naman ako eh." Umayos pa ako ng upo.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Sobrang sama ng tingin niya sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Bahala siya! Basta hindi ako aalis. Napaawang ang aking labi nang bigla niyang hinila ang kanang kamay ko at pwersahan akong pinatayo.
"A-ano'ng gagawin mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Pero hindi siya sumagot at hinila lang ako papunta sa pintuan at binuksan ito.
"Get out," aniya sa seryoong tono.
"Pero---"
Tinulak niya ako palabas ng kaniyang apartment. Nang akma na niya itong sasaraduhin ay agad kong isiningit ang aking kanang paa. Napa-Aww naman ako dahil sa biglaan niyang pagsarado. Muli itong bumukas. He didn't say anything but he just look at me seriously and waited for my next words.
Ngumiwi ako. "Magkatabi lang pala tayo ng apartment. And I'm glad to meet you kung ipapaalam mo sa akin ang name mo. It's my first time to have a neighbor like you. Nga pala, I'm Serinade. Serinade Antic. But you can call me Seri." Nakangiti na ako nang inilahad ko sa harapan niya ang aking kanang kamay upang makipagkamay.
This is it, Seri! Mahahawakan mo na ang kamay niya. Na-e-excite tuloy ako.
He just look at my hand and then look at my eyes. "I am not interested to you and to your name," walang buhay niyang sabi.
Pero hindi naging dahilan iyon para mawala ang ngiti sa aking labi. "But I'm interested to you." Lalo na at ikaw pala ang hinahanap ko.
I smiled. I gave him a big smile. Baka madala siya sa ngiti kong nakakasilaw.
"Crazy. Go back to your apartment." Pagkatapos ay malakas niyang sinarado ang pinto at kasabay nito ay ang pagpatay niya ng ilaw.
"Ay, bastos? Tss. Makikita mo rin, mapapansin mo rin ako." Tumalikod na ako at nagpunta sa apartment ko. Nakailang salita nga pala siya? Yieeeee nakakaloka! Nakausap ko rin siya.
Lumingon muna ako at tumingin sa apartment niya. He don't remember me? Hays, baka kinalimutan niya ako.
 
THE next day, masayang-masaya akong nag-ayos ng sarili. Mga alas tres pa lang ng umaga ay gising na ako at naghanda na ng mga gamit ko. Pagpatak ng alas singko ay lumabas na ako ng apartment ko at napasilip sa kapit-bahay kong apartment.
Yieeeee... makikita ko siya ngayon!
Naglakad ako papunta sa tapat ng apartment niya at pa-simpleng sumilip sa kaniyang glass window. Baka sakaling nandoon pa siya.
"Serinade? Hija?" Napahinto ako sa ginagawa at dahan-dahang lumingon.
"T-tita?" gulat na gulat kong bulalas sa tawag ko sa kaniya.
Ano'ng ginagawa ni Tita dito? Patay! Nahuli niya akong sumisilip baka kung ano ang isipin niya.
Lumapit siya sa akin at nagtataka akong tinitigan. "Ano'ng ginagawa mo diyan?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
"A-ano po kasi Tita... ahmm..." Kakamot-kamot ako sa aking batok na lumapit sa kaniya. "Kagabi po kasi ay may narinig akong kalabog dito sa apartment na ito. And sa sobrang curious ko po eh gusto ko pong malaman kung may tao po dito. Last time I know, wala pong katao-tao dito eh," medyo slight kong pagsisinungaling.
Nawala ang pagkakunot ng noo niya at napangiti. "Ah, gano'n ba? Naku, pasensya ka na hija, ah. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na may lumipat na diyan noong nakaraang araw pa. 'Yon 'yong umuwi ka sa inyo."
Ah! Tanda ko na. Pinauwi nga pala ako nina nanay kasi birthday ng kapatid ko.
"Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na may lumipat diyan. Hindi tuloy kita na-inform, hija. Kaya 'wag kang mag-alala. Wala diyang multo." I know naman po.
Natawa tuloy ako. "Babae po ba?" nagkukunwaring hindi ko alam. Baka kasi ako mahuli ni Tita na alam ko na.
Umiling siya. "Hindi eh. Lalaki."
Palihim akong napangiti. "Ah Tita Kyn, ano pong name niya?" Baka sa kaniya ko na malaman ang name ng lalaking iyon. Kinikilig tuloy ako.
"Hmm... sa pagkakatanda ko nagsisimula sa C 'yon eh. Ano nga pala 'yon?" Napahawak pa siya baba niya at inisip kung ano ang pangalan nito, "ah! Ca---" Naputol ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto kaya lalo akong napalapit kay Tita.
Iniluwa nito ang gwapo ngunit seryosong mukha ng kapit-bahay ko. Kumurba tuloy ang labi ko.
"Hi, aking kapit-bahay!" masigla kong bati sa kaniya. Ngunit hindi niya ako tinignan.
"Ah, hijo." Doon lang siya tumingin at take note, kay Tita lang. "Kumusta ang apartment mo? Komportable ka ba?" masayang tanong ni Tita Kyn sa kaniya.
"Yes, it is. Thanks, my Landlady," walang emosyon niyang sagot.
Bigla namang natawa si Tita. "Just call me Tita Kyn, hijo." Wow Tita ah! Umi-english ka na rin.
"Okay, Tita Kyn."
"That's better." Dumako ang tingin sa akin ni Tita, nakangiti. "Oo nga pala, hijo. This is Serinade." Sa wakas ay tumingin na rin siya sa akin. Kinikilig ako!
"Hi!" mahina ngunit nakangiti kong bati. Baka mapahiya na naman ako sa kaniya.
"She is my nephew and she will be your new neighbor. 'Andiyan lang siya, oh." Sabay turo niya sa apartment ko. "Kaya if you need something or magbabayad ka ng payment para sa apartment, si Serinade ang lapitan mo ah kapag wala ako."
Tumango lang ang lalaki. The heck! I really want to know his name!
Tinignan ako ni Tita. "Serinade, si Cade nga pala. Kakatanda ko pa lang ng pangalan niya. Sa pagkakaalam ko eh nag-aaral kayo sa iisang school." Muling tumingin si Tita kay Cade. "Kaya hijo, if you don't mind, pwedeng magsabay na lang kayo ni Serinade."
Lalong lumapad ang ngiti sa aking labi. Grabe na ito! Tita, bigay ka talaga ng langit.
"Sige po." Shems! Ang gwapo ng boses niya! Lalo na kapag nagtatagalog!
"Sige, ingat kayo."
Mas nauna siyang maglakad kaysa sa akin. Sumunod lang ako sa kaniya. Nang lingonin ko si Tita ay nakatalikod na siya sa amin at naglalakad pabalik sa bahay niya. Muli ko siyang tinignan.
"Sooooooo..." panimula ko. Hindi siya lumingon o nagsalita man lang. Tumikhim pa ako. "Your name is Cade." I giggled. "I really don't know why you didn't tell it to me last night. Kailangan pang malaman ko pa ito mula kay Tita Kyn." As expected, no response kaya napatikom na lang ako ng bibig.
Binilisan ko ang paglalakad para makasabay sa kaniya. Tinignan ko ang mukha niya na nakatingin ng diretso sa daan. Kumapit ako sa sakbitan ng bag ko at sinabayan siyang maglakad.
Muling bumuka ang aking bibig  "Anong year ka na?" I suddenly ask. What? I just want to ask. I'm curious. 'Ayan tuloy napapa-english na ako dahil sa kaniya.
"Actually, I asked your friend about you. But even your name, he didn't give it to me," kwento ko. "At dahil magkakilala na tayo, gusto ko pa sana ikaw makilala." Pero imbes na magsalita ay lumiko siya at pumunta sa loob ng convenience store.
Napatanga tuloy ako. "Ay? Gano'n?" Sumunod din ako sa kaniya at pumasok sa loob. Hinanap siya kaagad ng aking mga mata. Nandoon siya sa drink section. Tumingin ako sa wrist watch ko. May two hours pa naman ako para sa first class ko.
Kakamot-kamot sa batok na lumapit ako sa kaniya. Nakita ko siyang dumampot ng canned coffee at Dutchmill.
"Uy, Dutchmill! Alam mo bang paborito ko 'yan," masigla kong turo sa hawak niyang dutchmill.
Wala siyang sinabi kundi ang tinalikuran lang ako.
Napanguso tuloy ako. "Bastos. Hmp!" Kumuha na lang ako ng tatlong dutchmill at umalis. Pagpunta sa counter ay tamang nasa hulihan siya kaya nakisingit na rin ako. But before that, isang matangkad na babae with the same uniform that I am wearing ang sumingit sa harapan ko. Nakita ko pang dikit na dikit siya kay Cade.
Seriously? Ang linta ah!
Bumuga ako ng hangin. Kung nakakapagpatalsik lang ang hininga ko, kanina pa siya tumalsik.
"Ah, Miss---"
"Ouch!" maarteng daing ng babae. Nagtataka naman akong napatingin sa babae na ngayon ay nakakapit na sa likuran ni Cade.
Anyare do'n?
Tumaas tuloy ang kanan kong kilay. Wala naman akong ginagawa eh. O acting lang ang lahat? Ang galing ah!
Napalingon tuloy si Cade sabay tingin sa akin. Wala naman akong sinabi at binigyan siya ng wala-akong-ginagawa look.
"O-ouch. It hurts," maarte pa rin nitong daing sabay upo sa sahig at hinawakan ang paa.
"Ouch. It hurts," pabulong kong panggagaya sa boses ng babae. ARTE!
Walang ginawa o sinabi si Cade. Imbes na siya ang tumulong dito ay may mga nagsidatingan na isang lalaki at dalawang babae. Tinulungan siya nitong tumayo.
"What happened, Lauryn?" gulat na gulat na sabi ng isang babae na kulot. Bakas ang pag-alala sa tono ng kaniyang boses. 
"Saan masakit?" tanong naman ng babaeng plantsado ang buhok.
"I was..." Napatingin siya kay Cade na ngayon ay nakatingin sa kaniya sabay tingin din sa akin ng babae. "S-she push me," mahinahon niyang tugon nang may bahid pang kaartehan.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya.
Oh My Gosh! This is not so true! Ako?! Pinagbibintangan?! Eh 'ni hindi ko nga nahawakan maski hibla ng buhok niya.
Lumapit sa akin ang babaeng kulot ang buhok. "Oy, ikaw! Bakit mo tinulak ang friend ko? Didn't you know that she is higher than you? That she can do anything para masira ang image mo?" nanduduro pa nitong sabi sa harapan ko.
Napamewang naman ako. "First of all, I have a name. Second, I didn't do anything to your such maarteng friend. And third, wala akong pake kung mas mataas siya sa akin at kaya niyang sirain ang image ko. Just so you know, I can also make all of your image destroy. I maybe not higher than you know but I can bring you down," mataray kong singhal sa kaniya. Gusto ko tuloy kumanta ng "Drag me down" ng One Direction kaso huwag na lang. Baka palakpakan pa nila ako.
"Ikaw!"
Kaagad ko siyang inambahan ng suntok dahilan para mapaatras siya. Napangisi tuloy ako. Titiklop ka rin naman pala eh! Pero agad kong naramdaman ang isang kamay na pumigil sa aking kamao. Nilingon ko ito at medyo nagulat nang makita si Cade na hawak-hawak ang kamay ko. Ibinaba niya ito at pinagsiklop ang aming kamay. Agad na bumaba ang paningin ko sa aming kamay na magkasiklop.
"Let's go," walang emosyon na pang-aaya niya sa akin.
"Wait lang. May sasabihin pa ako eh," pigil ko pero hinila na niya ako palabas ng convenience store.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapatitig sa magkasiklop naming kamay. Is this really happening? Hawak niya ang kamay ko!
Habang papasok sa school bigla niya akong nilingon. "Don't get near them." Sabay bitaw niya sa kamay ko. Napahawak tuloy ako sa aking kamay.
Why did he hold  my hand?
Itutuloy.......

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất