logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1: Finding You

SERINADE
MATAPOS ang klase namin ngayong umaga, dumiretso ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Napabuntong-hininga ako nang ma-realize ko na hindi ko nga pala kasabay kumain si Mimi ngayon. May klase pa kasi siya.
Hays. Ito na nga ba ang sinasabi kong Senior High life eh. Nauubusan na kami ng oras para sa isa't isa. Sandali! Medyo malaswa 'yong sinasabi ko ah. I mean, hindi na kami masyado nagkikita sa loob ng school kasi nga magkaiba kami ng course na kinuha. Naboboringan tuloy ako sa buhay kong ito. Makakain na nga lang.
Um-order ako ng maraming pagkain. Bakit ba? Eh sa nagugutom ako. 'Yon bang good for five person iyong binili ko. Hahaha! Ako na ang matakaw. Humanap ako ng upuan kung saan pwedeng ako lang mag-isa ang kakain at walang iistorbo sa akin. Gano'n ako ka-selfish sa hapag-kainan. Ayaw ng kaagaw kahit si Mimi pa iyon.
Nagsimula na akong kumain. Inuna kong lantakan ang fried chicken. Hita at pakpak pa ang pinili ko. Tapos may laman din. Hindi naman siguro mauubos ang allowance ko nito. Nag-iipon naman ako kahit madami ako gumastos. Tapos tatlong cup ng kanin ang binili ko. Matakaw na ba ako sa paningin ng lahat? Hindi naman, diba? Sabi nga ni Mimi, sakto lang sa akin itong kinakain ko. Hindi naman daw ako magiging obese. Hahahaha! May tiwala talaga ako sa kaibigan ko. Napakatotoo. Kung si Mimi baboy kumain, ako mas baboy na hindi kumain ng sampung taon kung makalamon. Bakit kaya hindi siya tumataba? Ang payat niya pa rin. Tinatae niya ba kaagad kinakain niya? Selos naman ako. May bilbil na kasi ako. Heh! Enough na nga!
Habang lumalamon ay may napansin ako sa ikatlong table na hindi kalayuan sa pwesto ko. Nangunot ang noo ko nang maaninagan kung sino ang nakita ko.
Teka! Siya 'yong snobber kanina sa bench ah! Bakit mag-isa lang siya? Nasaan 'yong kaibigan niyang bigla na lang sumusulpot? Sandali. Lonely siya ulit? Sana may lumapit sa kaniya at samahan siya. Ay, sandali ulit! Bakit hindi na lang kaya ako ang lumapit sa kaniya? Lonely rin naman ako dito. At saka, kawawa 'yong ibang kakain pa dito, walang mauupuan kung sosolohin ko ang table na ito. Mabuti pang lumipat sa table niya at makiupo para hindi rin siya maging lonely tulad ko. Bait ko talaga!
Niligpit ko ang pagkain ko at nilagay muli sa tray na hindi ko binalik sa food counter. Ako rin naman kasi ang nag-iipos ng pinagkainan ko. Ang bait mo talaga, Seri! Ikaw na ang the one ng taon!
Tumayo na ako dala-dala ang mga gamit ko at 'yong tray na may lamang pagkain. Kumunot ang noo ko nang ma-realize ko na sobrang dami pala ng dala ko. Aside from the backpack at my back and the tray I am holding, I also have books to carry. Napilitan tuloy akong iipit ito sa kili-kili ko para lang madala ko lahat. Mukhang matataktak pa ang laman ng tray ko kung sakaling magkamali ako sa paghakbang.
Nakangiti akong lumapit sa kaniya. Habang papalapit ako sa kaniya, napapansin kong mabagal siyang kumakain. Tapos palipat-lipat ang tingin sa libro at sa pagkain. Napaka-studious naman niya. I like him na!
Nang nasa mesa na niya ako, nilapag ko ang mga gamit ko pati pagkain ko pero hindi man lang niya yata napansin ang presence ko. Hangin na naman ba ako sa kaniya? Hay naku naman!
"Hello! Pwedeng makiupo?" masayang bungad ko sa kaniya. Todo ngiti ako sa harap niya. Pero hindi man lang siya umimik o tumingin sa akin. Ang bastos lang talaga! Bingi ba siya o may pagka-abnormal? Sarap nito batukan. 'Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin o sinabing "alis" man lang para naman hindi ako mapahiya nito sa harapan niya. Hays. 'Wag mo na nga lang pansinin, Seri. Kalma lang.
"PAUPO AH!" malakas kong ani pero nasa labi pa rin ang ngiti. Umupo ako kahit hindi siya nagsalita o tumingin sa akin.
Ngumiti akong muli kahit hindi siya nakatingin sa akin. Baka bigla siyang tumingin sa akin ng palihim edi nagka-points ako. Hinawakan ko ang kutsara at tinidor ko. Tinusok ko ang karneng baboy na adobo gamit ang tinidor. Isusubo ko na sana ito kaso bigla siyang tumayo. Natigilan tuloy ako sa pagkain at nakangangang tumingin sa kaniya. Bitbit niya ang isang pinggan na may lamang kanin at fried chicken at ang librong binabasa. Umalis siya sa upuan na kaharap ko at tinalikuran ako.
Saan 'yon pupunta? Hindi pa naman siya tapos kumain ah.
Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumipat siya sa kabilang table at doon umupo at muling nagbasa. Mukha akong giniyumos na papel sa pwestong ito. Umalis ba siya sa harapan ko para iwasan ako? So, he's ignoring me? Loko-loko 'yon ah!
Naglapat ang aking mga labi at hindi makapaniwalang natawa ng sarkastiko. Grabe! Ang bastos lang. Ibinaba ko ang kutsarang may kanin at ulam. Susubo pa lang ako eh. Marahas akong bumuga ng hangin at inayos ang pinagkainan upang tumayong muli at lumipat ng mauupuan. Isa pang alis niya at masisigawan ko siya ng bongga.
Inalis ko ang inis sa aking mukha at pinalitan ng masiglang ngiti. Hindi dapat ako nagpapadala sa galit ko. Iisipin ko na lang na ilag talaga siya sa mga tao lalo na kapag hindi niya kilala. Sadyang papansin lang naman talaga ako. Gusto kong makipagkaibigan sa kaniya. Masama ba 'yon?
Nilapitan ko siyang muli at binati. "Makikiupo akong muli, ah," paalam ko. At gano'n pa rin siya, nagbabasa at parang walang naririnig. Baka may invisible headset sa tenga niya kaya hindi niya ako marinig-rinig. Iiling-iling na umupo na lang ako sa harapan niya. Pero saktong pag-upo ko ay ang bigla naman niyang pagtayo at muling lumipat sa kabilang table.
Tae naman oh!
Ang bastos talaga! Kauupo ko lang tapos aalis siya at lilipat muli? Nakakahalata na talaga ako ah. Snoberong 'to! Daig pa ang babae kung mang-snob.
Wala na akong nagawa kung hindi ang ligpiting muli ang gamit at tumayo. Okay lang 'yan, Seri. Lakasan mo loob mo. Pakipot lang 'yan. Ngiting-ngiti akong lumapit sa kaniya.
Tiis-tiis lang, Seri. Ginusto mo 'yan eh. Papansin ka, diba? Edi itodo mo na.
Nang ilalapag ko na ang gamit ko sa mesa bigla na naman siyang tumayo. Doon ko lang napansing ubos na pala ang kinakain niya. Samantalang ako ay kalahati pa lang ang nauubos dahil hindi ako matapos-tapos sa pagkain dahil lipat ako nang lipat ng table. Hindi naman kasi ako na-inform na trip niya palang lumipat-lipat ng table. Edi sana tinapon ko lahat ng table dito para wala na siyang malipatang ibang mesa.
Nakaka-imbyerna talaga!
"Sandali nga!" pigil ko sa kaniya, malapit na akong sumabog sa inis. Huminto siya sa harapan ko ngunit hindi kumibo. Basta seryoso lang siyang nakatitig sa librong binabasa.
"Kanina pa ako nahihirapan sa 'yo ah. Hindi ko matapos-tapos ang kinakain ko kasi lipat ka nang lipat. Ginagago mo ba ako?" inis kong asik sa kaniya. Pinanatili kong hindi lumakas ang boses ko dahil nakikita ko na ang nakatitig na mga mata ng mga estudyante sa buong cafeteria sa aming dalawa. Hindi siya tumingin sa akin. Sa libro pa rin siya naka-focus.
"Oy! Nakakabastos ka na eh!" sigaw ko sa kaniya. Ngayon ay totoong naagaw ko na nga ang atensyon ng lahat ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. And this time, nakatingin na siya sa akin. Napalunok naman ako ng laway. Shocks! Ngayon niya lang ako tinitigan ng ganito. Kita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya. Nang titigan ko ang kaniyang mga mata ay napahanga ako dahil light brown ito na may halong dilaw, kakaibang klase ng color brown na bumagay sa napakagwapo niyang mukha. Ngunit ang mga matang iyon ay nagbigay sa akin ng masamang tingin. Napalunok tuloy ako. Tinalikuran niya ako at nagsimulang umalis.
Aba't ang bastos talaga!
Sa inis ko ay sinundan ko siya at hinarangan ang daan niya. Napahinto naman siya sa paglalakad pero hindi pa rin nakatingin sa akin kundi sa libro. Hanggang sa paglalakad ba eh nagbabasa siya? Nakakahanga nga ngunit nakakainis na. Inis kong hinigit ang libro niya kaya kaagad siyang napatingin sa akin. Nilabanan ko ang mga titig niya. Kahit kinakabahan ay tumitig ako sa mala-ginto niyang mga mata.
"You.... give me that book," kalmado ngunit seryoso niyang utos sa akin.
Napaawang ang aking labi. Parang huminto ang mundo ko at naging tahimik ang buong paligid. Tama ba ang narinig ko? Nagsalita siya? Bakit parang ang lakas ng impact sa akin ng boses niya? Oo, ngayon ko lang ito narinig pero.... ang gwapo pala ng boses niya. Parang nahi-hypnotize ako. It was so deep and gives shiver to my whole body.
Nakatulala ako habang nakatingin sa mukha niya. Ang anghel pala ng mukha niya pero kabaligtaran ng ugali.
Naramdaman ko ang paghigit niya sa librong hawak ko pero hindi pa rin ako bumabalik sa katinuan ko. Bakit gano'n? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang boses niya... naghatid ng kakaibang pakiramdam sa akin. Hindi ko mapangalanan. Ano 'yon? Bigla na lang din bumilis ang pagtibok ng aking puso. Kakaiba talaga eh. Parang malapit na akong kiligin kahit iyong tono niya ay nakakatakot at pinapakaba ako.
"Seri? Okay ka lang ba?"
"Huy Seri."
"Hoy, Serinade Antic!" Napasinghap ako at gulat na gulat na napatingin sa kaibigan ko nang bigla niya akong hampasin sa braso ko.
"Problema mo?" inis kong tanong sa kaniya habang hinihimas ang hinampas niyang braso ko.
"Tulala ka d'yan. Okay ka lang?" Umupo siya sa upuang hindi ko pa nauupuan at napahalukipkip.
"Sa tingin mo okay lang ako matapos mo akong hampasin? Okay 'to? Okay?" Sarkastiko kong tinuro ang namumula kong braso.
Inirapan lang ako ng bruha at napatingin sa tray kong may laman pang pagkain. "Tinamad ka nang kumain? Don't tell me on a diet ka, ah? Himala na 'yon, girl," puna niyardito. Parang na-amaze pa sa nakikita. Nakiupo na rin siya sa upuang kaharap ko at kanina ay inuupuan 'nung snobber na lalaki.
"Sira! Gutom pa nga ako eh." Umupo na ako at dinampot ang kutsara at tinidor. "Kasalanan kasi ito 'nu'ng lalaking---" Napatakip ako ng bibig nang may ma-realize.
"Oh, anyare sa 'yo?" taka niyang tanong sa akin.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyugyog.
"Mimi! 'Yong lalaki. 'Yong lalaki!" hysterical kong bulalas. Inalala ko ang nangyari kani-kanina lang.
"A-ano ba, S-Seri? Bitaw! Nahihilo ako," reklamo niya. Napabitaw naman ako at palingon-lingon sa paligid. Hinahanap siya ng mga mata ko.
'Asan na s'ya?
"Sino bang hinahanap mo? Sinong lalaki?" nagtataka niyang tanong, inaayos ang sarili.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "MIMIIIII!" nagsisigaw pa ako. Grabe! Hindi ako makapaniwala.
"Ano ba? 'Wag ka ngang sumigaw. Ang OA mo." Wala akong pakealam kung overreacting man ako ngayon at sumisigaw na parang tanga. Basta iniisip ko lang 'yong lalaki kanina.
"'Yong lalaki. 'Yong kanina sa bench," pilit kong pagpapaintindi sa kaniya. Kailangan niyang ma-gets kung ano ang tinutukoy ko dahil nahihirapan akong mag-explain lalo na at hindi ko alam ang pangalan 'nung guy.
"'Yong nilapitan mo?" Tumango-tango naman ako ng paulit-ulit, "oh eh, ano naman?" Halata sa tono ng boses niya na hindi siya interesado sa kung ano man ang ibabalita ko sa kaniya.
"Sinabayan ko siyang kumain kanina pero..." Hindi ko na matapos ang sinasabi ko. Kinakabahan yata ako.
Lumiwanag bigla ang kaniyang mukha, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Talaga? Sinabayan mo s'yang kumain? Astig," amaze niyang tugon.
"Ano'ng astig do'n?" Napahilamos pa ako sa aking mukha.
"Relax, Seri. Ang overreacting mo na," kalmado niya lang ani. Sinusubukang pakalmahin ako.
Kung alam niya lang sana kung ano ang nangyari sa akin dito sa loob ng cafeteria. I'm sure magiging OA din siya pero hindi nga lang katulad ng sa akin.
"Kwento mo nga. Baka matuwa ako," natutuwa niyang sabi. Mukhang na-excite sa ikukwento ko.
Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita. "Nakasabay ko nga s'yang kumain dito sa cafeteria ang kaso nga lang 'di n'ya ako pinapansin. Tapos palipat-lipat kami ng upuan hanggang sa hindi ko na maubos ang pagkain ko," pagkukwento ko dito.
"So, that explain this." Turo niya sa pagkain ko na hindi pa rin ubos. Tumango naman ako na parang nanlulumo. Parang ayaw ko na tuloy kumain. Ngayon ko lang na-realize na ang dami ko palang binili. Ganito na pala talaga ako katakaw.
"Sa inis ko, sinigawan ko siya and then nagsalita siya sa harapan ko," dugtong ko. Napanguso tuloy ako. Masyado ba akong naging rude? O siya lang talaga ang rude sa akin?
"You shouted at him?" Nagtatawa pa siya, hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Tapos nagsalita siya? Himala, ah. At iniwan ka n'ya dito, right?" pag-uulit niya, kinokompirma kung tama ang narinig.
"Oo," malungkot kong sagot. Nabigla lang naman ako kanina. At sino ba naman ang hindi maiinis kung palipat-lipat kami ng mesa. Ako rin ang napagod eh. Imagine, ang dami kong bitbit kanina. Sino ba ang hindi mapapagod at maiinis sa inaasta niya. Ako na nga ang kusang lumalapit sa kaniya, siya pa ang lalayo. Feeling famous at gwapo...pero totoo naman. Hehehe.
"Ikaw naman kasi, hindi mo na lang sana siya nilapitan. Dapat hinayaan mo na lang siyang kumain mag-isa," pangangaral niya. Umiling-iling pa siya.
"I'm just being friendly, Mimi." Mahirap ba 'yong intindihin? Gusto ko lang naman siyang kaibiganin.
"Pero, Seri, hindi lahat ng tao gustong makipagkaibigan sa 'yo. They have their own decision kung sino ang kakaibiganin niya. And as far as I know na alam mo rin naman, diba I told you na mukhang ayaw niya sa tao. Makinig ka sa best friend mo."
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Ano ka ba, Seri? Kumain ka na nga lang. At saka, layuan mo na s'ya kasi walang magandang maidudulot ang lalaki na 'yon sa 'yo."
Layuan? Dapat ko na nga ba siyang layuan? Pero alam ko. Alam kong may something sa kaniya. May dahilan siya kung bakit siya nagkagano'n. Pero ano nga ba iyon?
"No way!" protesta ko. Hindi ako titigil!
"Ano'ng 'no way'?" Pinandilatan pa niya ako ng mga mata. Hindi gusto ang narinig mula sa akin.
Ngumisi ko sa kaniya. "Hindi ako pwedeng huminto."
"At bakit?" Nameywang pa ang bruha at pinagtaasan ako ng kanang kilay.
"Dahil wala pa akong alam sa kaniya." Lalo pa akong ngumisi at lumapit ang ulo sa kaniya. "Kaya tutulungan mo ako."
Bahagya siyang nagulat."What's with that creepy smile?" Unti-unti siyang lumayo sa akin. "T-teka... anong klaseng tulong?" kinakabahan niyang tanong.
"Help me to know him. Help me to stalk him."
"WHAT?!" Napataas ang boses niya at bigla na lang tumayo, "are you insane, Seri?"
"Of course not. Sit down, please. I just need you to know him better."
"Sira-ulo ka talaga." Nanlulumo siyang umupong muli at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Matagal na." Natawa naman ako.
"Don't tell me in love ka na sa lalaking 'yon? Susme, Serinade ah. Sinabi ko na sa 'yong tigilan mo na s'ya. Tignan mo at---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya. Ang ingay-ingay!
"Pwede? 'Wag kang dumaldal. Pati hindi ko 'yon gusto at mas lalong hindi rin in love. Uulitin ko pa ba? I just want to know him. I don't even know his name or either his section and course," pigil ang inis na paliwanag ko. At ako? Magkakagusto sa lalaking iyon? Gwapo lang siya pero hindi ako magkakamaling mahulog sa kaniya. Sino ma-i-inlove sa snobberong 'yon?
Siya na ang kusang nag-alis ng kamay ko sa ibabaw ng bibig niya. "Pero bakit kailangan mo pa ng stalking? Heller! Kikilalanin mo lang naman s'ya eh."
"Pero ano'ng magagawa ko? Kating-kati na akong malaman ang pangalan niya. There's something in my mind that keeps telling me to know him more." Nasapo ko pa ang sariling ulo.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Senyales na sumusuko na siya. "Okay. Okay. I agree with your plan. Basta ba hindi tayo mabibisto."
Kumurba ang aking labi hanggang tenga. "Yey! Thanks, Mimi." Niyakap ko siya nang nakangiti. "Kaya ikaw ang paborito kong best friend eh."
Sinimangutan niya ako. "Sure ka bang ako lang ang bff mo?"
Inis na pinakawalan ko siya sa pagkakayakap at ngumuso. "Badtrip ka. 'Lam mo 'yon?"
Ako naman ang niyakap niya. "Joke lang. Syempre ako lang fave mong bff."
Kaagad lumiwanag ang mukha ko, ngumiti. "Talaga? So, payag ka na sa pang-i-stalk natin?"
Natawa ako nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nangalumbaba.
"Yeah. Okay," tinatamad niyang tugon. Lalo tuloy akong natawa.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Tumayo siya para bumili ng makakain. Sinundan ko lang siya ng tingin. Habang naghihintay ay nag-isip muna ako ng magiging plano para mas lalong makilala ko siya. I want to know him more at walang makakapigil sa akin.
AFTER lunch time, pinili kong maglibot muna sa isang six floor building ng senior high. May natitira pa akong isang oras bago magsimula ang klase namin ngayong hapon. Dito ko pa pinili eh nasa second floor pa lang ako. Kung bakit ba naman kasi ang dami nitong floor. Pero hayaan na nga. Ito ang unang strategy ko kaya dapat panindigan ko ang desisyon ko.
Pero paano kung nasa sixth floor pala siya o kaya'y umalis sa room niya? Edi nasayang lang pala ang paglilibot ko. Nakakaiyamot! Nasa ibang building kasi ang classroom ko dahil about computer ang kinuha ko. So, nasa may katabi kami ng computer laboratory para hindi na maglakad ng ilang milya papunta doon.
"Nasaan na ba kasi 'yon?" sambit ko habang nagsisilip. Buwis buhay kaya ito. Naghahanap ako sa taong ayaw naman magpahanap. Tapos hiyang-hiya na ako kahit walang hiya talaga ako.
Nakakahiya kaya sa mga senior high students dito kahit isa rin naman ako sa kanila. Ipaskil ko na kaya mukha niya sa bawat corner ng school? Baka sakaling may makakita sa kaniya tapos dalhin sa library at sabihin na nahanap na siya. Tapos doon ko siya babatiin ng 'Hi' tapos ayon na. Tapos na. Ang tanga ko naman yata kung gagawin ko 'yon.
Nakarating na rin ako sa third floor pero mukhang nararamdaman ko na ang pagsakit ng mga binti ko. Siguro ititigil ko muna dito. Baka nga umalis siya. Sana makita ko siyang muli tapos lalapitan ko siya at tatanungin ang section niya. Tss. As if naman ibibigay niya sa akin. Ultimo pagsasalita tinitipid.
Napagpasyahan ko na lang na bumaba at huwag nang ituloy ang paghahanap. Next step naman. Ano kaya magandang gawin? Matanong nga mamaya si Mimi. Baka may utak 'yon para sa ganitong strategy. Sa ngayon ay papasok na ako sa next class ko.
NANG matapos na ang huli kong klase, hinintay ko pa sa may waiting shed si Mimi para makasabay siya sa pag-uwi. Kahit ba magkaiba kami ng inuuwian eh sabay pa rin kami.
"Seri." Napatingin ako sa nagsalita. "Tara na?" nakangiting pang-aaya niya sa akin. Tumayo na ako at nagsabay na kami sa paglalakad.
"So, what happened? You found him?" simula niya habang naglalakad kami palabas ng campus.
Bumuntong-hininga ako. "Not yet," malungkot kong sagot.
"You didn't finish searching?" Parang nagulat pa siya.
Hinarap ko siya. "Mimi, six floor kaya 'yong building ng senior high. Kaya paano ko siya mahahanap do'n? Bukod sa marami ang floor eh nakakapagod ang paghahanap sa taong ayaw naman magpahanap."
Si Mimi kasi ay HRM ang kinukuha so meron talagang building dito para sa mga cookery. Kami talagang dalawa ay mga pa-VIP.
"Oh eh, ano naman? Edi bukas mag-try ka ulit na maghanap." Tinignan ko siya ng parang susuko na sa ginagawa.
"Can't you see my situation? Ang hirap maghanap. Mabuti sana kung may tumutulong sa akin diyan," parinig ko.
"'Wag nga ako, Seri. Busy ako. Heto nga't may recipe na naman akong iimbentuhin." Winagayway pa niya ang isang bondpaper na printed ang nakasulat. Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Pwede sa saturday punta ka sa bahay?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bwisit ka! Gagawin mo na naman akong taga-try. Pero sabagay, masarap naman mga gawa mo. Kaso minsan nakakamatay," pintas ko sa mga luto niya noon.
"Oy, hindi naman. So, ano na nga?" pagtutukoy niya sa stalking thingy ko.
"Kaya nga sabay tayo ulit kasi hihingin ko opinyon mo para mahanap s'ya."
"Kung I-search mo kaya s'ya sa facebook o kahit saang social media."
Bumagsak ang balikat ko at binigyan siya ng walang-kwenta-ang-suhestyon-mo na tingin. "Hindi ka naman siguro nakakain ng panis, ano?" pamimilosopo ko.
"Bakit?" inosente pa niyang tanong.
"Sino ba naman ang maghahanap sa social media ng isang taong hindi na nga mahanap sa mga classroom eh hindi rin alam ang pangalan. Ang baliw mo. Wala nga akong alam."
"Eh madali lang 'yon."
"Madali lang 'yon?" pag-uulit ko.
"Edi kausapin mo ka-close niyang kaibigan--- ay sandali wala pala siyang kaibigan. Basta kausapin mo kung sino man 'yon tapos alamin mo pangalan no'ng lalaki," aniya na parang napakadali ng suhestyon niya.
"Ano? Eh wala naman akong kilalang close n'ya--- wait a minute! May kilala ako. 'Yong lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan ko nang kausapin ko 'yong lalaki." Parang nabuhayan ako ng loob. Tama! Siya nga. Siya na lang ang tatanungin ko.
"Perfect! Now, all you need to do is find him and ask him," masaya niyang suhestiyon.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. "Kaso one time ko lang s'ya nakita at isa pa hindi ko rin s'ya kilala."
"So, kapag nakasalubong mo, kapalan mo na lang ng mukha." Natawa naman siya sa ideya na binigay sa akin.
Napanguso ako. "Nakakahiya eh."
"Maniwala ako eh walang hiya ka nga." Sabay pa kaming natawa. Baliw talaga 'to. Pero totoo naman.
Nang nasa may tapat na kami ng isang convenience store ay kaagad siyang napahinto sa paglalakad na ipinagtaka ko naman.
"Bakit?" Nakakunot na ang noo kong nang tumingin ako sa kaniya.
"Seri..." May tinuturo siya, "diba s'ya 'yon?" Unti-unti akong napatingin sa tinuturo niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko siya.
"Siya nga."
Itutuloy......

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất