logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Once He Fall

Once He Fall

PurpleJona


Prologue

Synopsis
He is silent.
He is unpredictable.
He is smart.
He is rich.
He is snobbish.
But when he met this talkative and loudmouth but cheerful girl, he began to change. He began to feel something unusual.
Cade Alcantara don't have any care if someone knows his existence. He doesn't care if someone wants to know his name or someone wants to talk with him. All he want is a peaceful life and surrounding while reading books.
Pero bakit parang bigla na lang yata nagbago ang lahat nang bigla na lang nagpapansin sa kaniya ang babaeng nagngangalang Serinade Antic. For him, she's just nothing. She's just a little talkative crazy woman with a hungry stomach. Not until he found himself missing every craziness that this girl has.
She's so totally lucky! Ang mapansin lang ng isang snobero at tahimik na lalaki ay napakaswerte na. Paano pa kaya kapag tuluyan nang nahulog ang loob ni Cade kay Serinade?
Once he fall, will he open his heart for that girl?
SERINADE
THEY said that after taking high school, you're going to be a college student. Pero nang ipatupad ang K to 12, OW-KAY, this is not so true!
Isa na akong senior high student dito sa Total Academy Elite or in short, T.A.E. A prestigious school for those only rich students. And unfortunately, I'm not one of them. I'm just a promdi girl na pinalad na makapasok dito noong nag-highschool because of a scholarship. Pasalamat na lang ako sa angking talino na meron ako dahil nakapasok ako rito bilang isang scholar.
Ilang taon na rin akong nag-aaral dito at naging maayos naman ang pag-aaral ko rito. Nakakaranas man minsan ng pambubully, mas nangingibabaw ang pagiging friendly ko kaya mas madami ang friends kaysa sa bullies. Masayahin at hyper kasi akong tao. Kaya nga heto ako ngayon, nginingitian at binabati ang ilang estudyanteng naging kaklase ko last year at noong mga nakaraan pang year, isama na ang mga dati kong teacher.
Kagagaling ko lang mula sa cafeteria matapos ang una naming klase sa Computer Laboratory. Recess time na kasi kaya bumili na ako ng makakain ko. Sa bench na ang punta ko dahil doon ako laging nagtatambay kasama ang best friend ko.
Mula sa malayo, nakikita ko na ang isang babae na nakangiting nagbabasa ng isang pocket book. Mukha pa nga siyang baliw dahil kilig na kilig sa binabasa.
Tss. Nabaliw na naman ang bruha.
"MIMI!" sigaw ko ng pangalan niya. Hindi pa man ako malapit sa kaniya pero naisigaw ko na kaagad ang nickname niya. Imbes na siya lang ang nakatingin sa akin, lahat ng mga estudyante na nasa bench ay nakatingin na sa direksyon ko.
"Susme. Bakit ko kasi sinigaw?" bulong ko sa aking sarili. Tinakpan ko ang mukha ko at patakbong tinungo ang bench na kinauupuan ni Mimi. Sinalubong niya ako ng isang malapad na ngiti.
Naibaba niya tuloy ang pocket book na binabasa at lumapit sa akin.
"SERI!" sigaw niya rin sa pangalan ko.
Nagyakapan kami at nagtatalon. Nang mapagod na kami sa pagtalon ay sabay kaming umupo na tumatawa. Mga mukha talaga kaming tanga kapag nagkikita. Akala mo naman taon ang nagdaan bago magkita. Huwag ka't kasama ko lang siya kahapon.
"Kumusta ang klase?" tanong niya at muling nagbuklat ng isang pahina ng pocket book na binabasa niya. Napatingin naman ako sa binabasa niya.
"Okay lang naman. Medyo...." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nakatutok ako sa cover ng binabasa niya.
"Hulaan ko, na-get out ka na naman, ano?" natatawang aniya. Ini-imagine ang kabaliwang ginawa ko sa room.
"'Di ah. Napa-sign of the cross lang si Ma'am." Bigla siyang tumawa nang malakas ng dahil sa sinabi ko.
"Hay naku, Seri. Nakaka-disappoint ka talaga," iiling-iling niyang ani. "Eh mga kaklase mo?"
Ngumisi ako. "Proud pa sila sa akin. Nagpalakpakan pa nga sila eh," proud kong sagot habang nakangisi.
"Ang tino mo talagang kaibigan, Seri." Sarkastiko ang kaniyang pagkakasabi at umiiling pa.
"Naman! 'Yan ba, matino?" Turo ko sa pocket book na binabasa niya. Siya naman ngayon ang napangisi.
"Hehe. Matino ito, 'no. Walang SPG. Kenekeleg leng eke." Niyakap pa niya ang binabasang libro. Feeling naman niya totoo 'yong story.
"Lande. Chickboy, ah." pagbabanggit ko sa title ng story. Binuksan ko na lang ang bag ko at kinuha ang binili kong pagkain para sa recess. Naglabas ako ng apat na lemon square at dalawang dutchmill. Natuon tuloy sa pagkain ko ang paningin ni Mimi. 'Andiyan na ang baboy!
"Seriiiiiii," tawag niya sa nickname ko. Nang tingnan ko siya ay papikit-pikit pa ang mga mata niya.
Pinagkunutan ko siya ng noo. "Are you making puppy eyes? 'Cause if you are, it's gross, Mimi."
Ngumuso pa ang bruha. "'To naman. Parang puppy eyes lang eh. Pero Seri..."
"Oh?" Kinuha ko ang dutchmill na para sa akin at itinusok ang straw dito.
"Sa 'yo lang ba 'yan? May ka-share ka ba diyan?" Dahan-dahan niyang kinukuha ang dutchmill mula sa ibabaw ng lamesa. Akala naman niya hindi ko siya nakikita.
Pinagtaasan ko siya ng kanang kilay. Tinampal ko ang kamay niya kaya nagugulat siyang nabitawan ang hawak na dutchmill.
"Seri naman eh!" Nakangusong hinawakan niya ang natampal kong kamay. Akala mo naman masakit ang ginawa ko sa kaniya.
"'Wag kang pasimple, Mimi. Pasalamat ka kaibigan kita at binilhan na kita ng pagkain. Basa kasi ng basa kaya nakakalimutang bumili. Sige na, kunin mo na 'yan pati na 'yang lemon square," mahaba kong litanya sa kaniya. Pagkalabas ko mula sa Computer Laboratory na room namin, pumunta agad ako ng cafeteria at bumili ng foods. Alam ko naman kasing babad na naman sa pagbabasa ng pocket book ang friend ko. Sanay na sanay na talaga ako.
Pairap naman niyang kinuha ang sariling lemon square at dutchmill. "Ang daming sinabe eh sa akin mo rin naman pala ibibigay," aniya at binuksan na ang lemon square. At hindi niya kinain, nilamon niya. Ang baboy talaga nito.
Napailing ako. "Pakiusap, 'wag mong lamunin. 'Wag ka namang gahaman, Mimi. Ang baboy mo talaga pero hindi naman tumataba," pakiusap ko sa kaniya bago sumipsip sa iniinom na dutchmill.
"Sama mo, Seri. Oo na. Idadahan-dahan ko na." Muli niyang itinuon ang paningin sa binabasa habang kumakain.
Tumikhim ako. "Wala ka bang bagong pocket book?" tanong ko sa kaniya. "Makikihiram ako."
"'Ayan. Gusto mo rin pala magbasa." Nagbuklat siya ng isang pahina. "Wala. Bibili pa lang ako mamaya. Samahan mo ako sa book store ah," aniya habang hindi inaalis ang paningin sa libro.
"Okay," tinatamad kong sagot at pinagpatuloy ang pagkain sa lemon square.
Hindi na siya nagsalita kaya ang tahimik na naman. Hindi pa naman ako sanay na tahimik ang paligid. Maingay akong tao eh. Kaya imbes na magsayang ng laway sa taong busy sa pagbabasa ay nagpalinga-linga na lang ako sa paligid habang kumakain. Pinagmamasdan ko ang bawat estudyanteng naglalakad, nakaupo at nag-uusap. Hindi rin pinalampas ng aking mga mata ang mga bench na punong-puno ng mga estudyanteng kumakain. Pero agad na nahinto ang paningin ko sa katapat naming bench. There was a guy sitting there silently and seriously. Hindi katulad ng ibang bench na punong-puno ng mga estudyanteng masayang nag-uusap, siya ay mag-isa lang. Nag-iisa at tahimik na nagbabasa ng libro.
He is wearing the same school uniform I am wearing, 'yong panglalaki. White long sleeve polo and black long pants with a gray collar jacket and black and white stripe necktie. Katulad ni Mimi ay nagbabasa rin siya but in a silent way. Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha. Hindi masyadong natatakpan ng libro ang kaniyang mukha kaya kitang-kita ko ang napakagwapo niyang mukha. Mula sa pwesto ko ay makikita ko na kung gaano kakapal ang kaniyang itim na mga kilay. Singkit din ang kaniyang mga mata at halatang matangos ang ilong. Maputi rin siya at halatang may lahi na pagka-Korean o Japanese. But I notice something. There was no emotion in his face. Nothing.
Who is he?
"Mimi," tawag ko sa pangalan ng aking kaibigan nang hindi inaalis ang paningin sa lalaki.
"Oh?" sagot niya. Halatang sa libro pa rin nakatutok.
"Kilala mo ba 'yong lalaking nakaupo sa katapat nating bench?" Inginuso ko pa ang katapat naming bench. Narinig ko ang mahina niyang daing na naiinis. Tila naistorbo ko yata siya sa pagbabasa pero wapakels. Nagtatanong ako. 'Wag niya ako magan'yan-gan'yan. Pupunitin ko binabasa niya.
Inirapan pa ako ng bruha bago niya tignan ang lalaking tinutukoy ko. "Ah, 'yon ba? Balita ko transferee s'ya dito. Kahapon lang siya pumasok. Bakit?" Binalik niya ang tingin sa akin, "interesado ka sa kaniya?" Papalit-palit naman sa pagtaas ang dalawa niyang kilay.
Napaismid ako. "Hindi, 'no. Nagtataka lang ako kasi nag-iisa s'ya." Muli ko siyang pinagmasdan. Parang walang pinagbago ang emosyon niya kanina. Gano'n pa rin.
"Kung ako sa 'yo hindi ko s'ya lalapitan." Sinarado niya muna ang librong binabasa at ibinigay sa akin ang buong atensyon.
Nakakunot ang noong tinignan ko siya. "Bakit naman?" taka kong tanong at muling ngumuya ng kinakain.
"Kahapon ko pa 'yan pinagmamasdan, may naglalakas-loob na lapitan s'ya kaso parang hangin lang sila. Hindi man lang pinapansin. Sa libro lang nakatitig," kwento niya at sumimsim sa iniinom na dutchmill.
"'Di nga?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Pwede ba 'yon? Grabe naman siya!
"'Yon 'yong napapansin ko sa kaniya."
"Ay, dakilang stalker ka na ah." Ngumisi pa ako.
"'Di ah. Napapansin nga lang, diba? Manahimik ka na nga lang d'yan, Seri. Tantanan mo na ang pagsasalita mo. Naiingayan ako sa 'yo." Muli niyang bunuksan ang libro at nagbasa.
Bumaba ang tingin ko sa natitira ko pang lemon square sa mesa. Dumampot ako ng dalawa at nagkuha sa loob ng bag ng isang chuckie. Madami akong naka-stock na pagkain sa bag. For emergency lang naman eh. Emergency kapag gutom ako. Tumayo ako at huminga ng malalim. Mukhang napansin yata ng kaibigan ko ang ginagawa ko.
"Don't tell me lalapitan mo s'ya?" Napatingin ako sa kaniya at nakatingin na rin siya sa akin.
Tensyonado akong ngumiti. "Oo," maikli kong sagot.
Napabuga siya ng hangin. "Seri, kung ako sa 'yo, maupo ka na lang at kumain. Hindi ka niya papansinin, girl."
"Pake ko? Ibibigay ko lang 'yong pagkain. Hindi pa yata s'ya kumakain."
"Ano 'yon? Naaawa ka sa kaniya? Oy, I'm telling you, 'di 'yan poor, promise. Sinasabi ko sa 'yo, umupo ka na lang at magbasa ng notes mo. May one hour pa tayo para makabalik sa kaniya-kaniyang klase. 'Wag mong sayangin ang oras mo para lang sa kaniya," pangangaral niya sa akin. Tinapik pa niya ang inuupuan ko kanina na katabi niya lang.
"Makikipagkaibigan lang ako." Bumaba ang tingin ko sa hawak kong lemon square. Determinado akong kausapin 'yong lalaki at makipag-close sa kaniya.
Napapalatak siya. "Girl, he doesn't need a friend. Please, hindi uubra ang kaingayan mo sa kaniya," pakiusap niya sa akin. Halatang gustong-gusto talaga niya akong pigilan.
Nag-angat ako ng tingin at unang nakita ko ang mukha ng lalaki. Ang gwapo niya talaga.
"Just watch me," nakangisi kong sabi at naglakad papalapit sa lalaking tinitignan ko kanina pa. Habang naglalakad papalapit sa kaniya, pinagmasdan ko ang bawat pagkilos niya. Kaso para siyang robot kung umasta. Iyong parang walang feelings at hindi gumagalaw. Huminga ako ng malalim at inilabas ang abot-tenga kong ngiti.
"Hi!" masiglang bati ko sa kaniya nang makarating ako sa tabi niya. Pero ang loko hindi man lang yata narinig ang malakas kong pagbati sa kaniya. Todo tutok sa libro ang mga mata.
"HELLO!" Sumigaw na ako pero nandoon pa rin ang ngiti sa aking labi. Iyon bang sigaw na may ngiti pero agaw atensyon. Napansin ko ang tingin ng mga tao sa paligid ko. Now I got their attention. Pero siya? Wala pa ring reaksyon.
"I just want to give you this food." Inilagay ko sa tabi ng librong binabasa niya ang pagkain. "Baka hindi ka pa kumakain." Again, hindi niya ako napansin.
Tumikhim ko. "I also want to be friends with you." Tinitigan ko siya sa mukha pero no reaction pa rin.
Ano 'to? Bingi? Gwapo nga, bingi naman.
Napabuga tuloy ako ng hangin. "SIGE, PAKABUSOG KA!" sabi ko na lang. Baka nga may problema sa pandinig.
"Miss, what are you doing?" Nagulat ako nang may isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa tabi ng lalaking nagbabasa.
"A-ahm... binibigyan ko lang siya ng pagkain. Hindi pa yata siya nagre-recess," sabi ko sabay napakamot sa batok. Saan siya nanggaling?
"Ah, actually, I already bought our foods for recess." Dumako ang tingin ko sa hawak niyang plastic bag. "Natagalan lang talaga ako ng pagdating kaya mukhang hindi pa siya kumakain. Pero sige, tatanggapin 'yan ng kaibigan ko." Nakangiti niyang inilapag ang plastic bag na may lamang pagkain sa mesa. Pero in fairness ah, gwapo rin 'yong lalaki. Pero mas gwapo itong bingi na katabi ko.
"Kaibigan mo s'ya?" Tumingin ako sa lalaking dahilan ng pagpunta ko rito. Mukhang tama nga si Mimi sa sinabi niya. 'Ni hindi man lang nagbago ang emosyon niya at mukhang hindi niya napansin ang presensya namin. Hindi nga ba napansin o sadyang ayaw lang pansinin?
"Yup," tipid nitong sagot.
"Eh bakit hindi ka man lang niya pinapansin? Tignan mo, oh. Nagbabasa lang siya at walang pake sa paligid." Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya.
"He's just always like that. Pagpasensyahan mo na. And..." Bumaba ang tingin niya sa lemon square na nilapag ko rin sa mesa kanina. "...thanks for the food."
"Para lang 'yan sa kaniya," seryoso kong sabi.
"Ah eh..." napapahiya niyang sabi. Mukhang naniwala sa tono ng pananalita ko.
Kaagad akong ngumiti para mawala ang pagkapahiya sa mukha niya. "Charot! Joke lang syempre. Kainin mo na rin 'yan. Marami pa akong gan'yan." Natawa naman siya nang bahagya.
"Sige, alis na ako," paalam ko. Muli kong hinarap 'yong lalaking nagbabasa na hindi man lang ako pinapansin. "AALIS NA PO AKO AH!" muli kong sigaw dito. Napakamot na lang ng batok 'yong lalaking kausap ko kanina.
Ngumiti pa ako bago tumalikod at nilapitan si Mimi. Pailing-iling siyang tumingin sa akin.
"Just watch me daw ah." Inismiran pa ko ng bruha.
"Hays." Buntong-hininga ko at umupo na para bang nakakapagod ang ginawa ko.
"Nakakaawa ka, Seri." Ipinatong niya sa mesa ang braso at ipinatong dito ang ulo. She give me a disappointed look. Isang tingin na hindi siya makapaniwalang naging kaibigan niya ang isang tulad ko.
"Bastos na 'to. At least hindi nasayang ang effort ko. May kumausap sa akin eh." Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Eh, kaano-ano daw n'ya?" tanong niya. Sandali pang sumulyap sa katapat naming bench bago tumingin sa akin.
"Kaibigan. Robot yata s'ya." Umiling-iling pa ako. Mukhang mas daig pa nga ang robot eh. Ang robot kausapin mo, papansinin ka. Pero s'ya... mukhang mahihirapan ako sa isang iyon.
"Ha?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Hindi man lang kami pinansin." Napabuntong-hininga ulit ako at napatingin sa katapat naming bench kung nasaan ang lalaki. Tahimik lang na kumakain 'yong kausap ko kanina. Habang siya ay nagbabasa pa rin.
"Hayaan mo na 'yon. Basa ka na lang ng notes." pang-e-encourage niya sa akin at muling binalik ang tingin sa binabasang libro.
"No. I'm not going to give up. I'm sure may something sa kaniya kaya sobrang cold niya sa lahat ng tao," determinado kong ani.
Sure akong may something sa kaniya kaya siya gano'n. Lahat naman ng tao ay may dahilan at may pinagmulan ang ugaling meron sila ngayon. Sa dami ng taong nakakasalamuha ko araw-araw, sa kaniya lang ako nahirapan sa pakikisalamuha. Last time I check naman eh friendly pa rin ako.
Anyare na? Hindi ba tumalab ang alindog ko?
"What do you mean?" Napasinghap siya at iiling-iling na napatingin sa akin. "Serinade, huwag siya ang pagkaabalahan mo," pakiusap niya sa akin.
Tinignan ko siya ng seryoso. "No, Mimi. I'll do everything para mapansin niya ako."
"You're just kidding, right?" hindi makapaniwalang tanong niya at nawala ang buong atensyon sa binabasa.
"Do I look like kidding? Listen to me, Mimi. Mapapansin niya ako. I swear," may pinalidad ang tono ng aking boses.
Mapapansin niya ako. Hintayin niya lang.
Itutuloy......

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất