logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6: Kay Liit Ng Mundo

KAY LIIT NG MUNDO
I picked the most glamorous dress I had and wear it. It's a blue dress with a length that cover my knees makes me comfortable but backless so I decided not to tie my hair. This is a birthday gift to me from my Lola Ursula.
Umikot ako at napangiti sa nakikitang reflection. I have flaws, but it isn't enough reason to be ugly. Scars are with me since then and those are signs that I've been through a lot, scars make us uniquely beautiful. In and out.
"Goodmorning baby," nakangiting bati ko sa anak mula sa salamin na kagigising lamang.
Nakatayo siya sa hamba ng pintuan habang hawak niya ang paborito niyang manika, si Princess Poppy ng Trolls.
Kinusot-kusot niya ang mata habang humihikab na lumapit sa'kin. Mabilis na kumukurap ang mga mata niyang tumingala sa akin nang makalapit na siya. Hinila pa niya ng bahagya ang bestido ko at kunot noo'ng napatingin sa kaniyang repleksiyon sa salamin.
"You are so beautiful po!" She said and squeeze her doll while looking at my reflection.
Lumuhod ako para pantayan siya, binuksan ko ang salamin at kinuha ang susuotin niya ngayong araw. Kulay asul din iyon, paborito niya ang pink pero ito ang tema namin sa pupuntahan kaya kahit pa ayaw niya wala siyang magagawa. Kinausap narin siya ng tita slash ninang niya tungkol dito, naintindihan naman niya.
"Maligo ka na at baka nandiyan na ang Tito Still mo," utos ko at nilapag sa kama ang damit niya.
Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto ko, ako naman ay kinuha ang sling bag 'tsaka nilagay doon ang cellphone at pitaka. Habang nasa banyo si Saña at naliligo lumabas ako at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal.
"What is that po?" Napangiti ako ng makita ang anak na nakagayak na.
"Bacon," maikling sagot ko.
Inakyat niya ang mahabang upuan at ngingiti-ngiting pinanood ako. Masaya ako na kahit kaming dalawa lang, kuntento na ako roon.
Naagaw ng pansin ko ang pintuan nang may nag-door bell, buti nalang at kakatapos kong nagprito kaya pinunasan ko ang kamay sa basahan at binuksan iyon.
Puting polo na pinaresan ng itim na pantalon, nakangiti siya habang may bulaklak sa kaniyang kanang kamay. Nginitian ko siya pabalik at pinapasok, pero bago iyon ay hinalikan muna niya ako sa pisngi na nag-pagulat sa'kin.
This is the first time he did this!
"Goodmorning beautiful lady," aniya at binigay sa akin ang bulaklak.
Tumango nalang ako dahil hindi ako maka-get over sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko, hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa ginawa niya.
"Tito Still!"
"Hi!"
Kahit pa gaano kaganda ang ngiti ni Still ay alam kong hindi niya gusto si Saña. Kita ko sa mga mata niya iyon, kaya sinabi kong tigilan na niya ang panliligaw sa akin dahil wala naman ng pupuntahan pero mapilit pa rin siya. Kahit na naiinis ako ay kumalma lang ako at inayos na ang makakain.
Still is an arrogant guy. And I don't need a man in my life, I'm happy and contented. Hindi ako pinagpala sa lalaki pero pinagpala ako sa pamilya.
Pagkatapos ng agahan ay agad kaming umalis. Mag aalas nuebe na at matagal pa ang biyahe. Naupo kami ni Saña sa passenger seat sa likod habang si Still ay tahimik na nagdrive. Wala pang kalahating oras ay nakatulog na si Saña, ang ulo niya ay nakapatong sa hita ko.
Sana lang naibibigay ko ang lahat, na hindi ako nagkukulang sa aruga at sa mga bagay na gusto niya. 'Di bale nang maghirap ako basta maibigay lang ang mga kailangan niya.
"You okay Veran?" Tumingala ako kay Still na sinulyapan ako sa salamin.
"Y-Yeah, ikaw? Baka nangangalay ka na ha! Sabing h'wag na kasi eh," saad ko na kina-iling niya.
"Hindi ako mapapagod Veran, basta sa'yo," sabi niya at kinindatan pa ako.
Huminga nalang ako ng malalim at napatingin ulit sa anak.
"Hindi kayo magkamukha" iyan ang palaging sinasabi ng mga tao. At alam ko iyon dahil halos lahat ay namana niya sa kaniyang ama.
Pinasadahan ko siya ng tingin, mula kilay, mata, ilong at labi ay parehong pareho kay Sanio, natatawa ako pag naaalalang siya ang girl version. Pero nalulungkot din, lalo na pag napapaisip ako ng "What if he survived?"
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa biyahe, kinusot-kusot ko ang mata dahil nararamdaman kong tila may humahawak sa hita ko taas baba.
Hindi si Saña ito dahil malaki ang palad. Mabilis kong minulat ang mga mata at sa gulat ay naitulak ko si Still.
Siya ang damuhong humawak sa hita ko! Tiniklop ko ang mga paa at masama ang mga tinging ipinukol ko rito.
"Walang'ya ka! Bastos! Manyak! Baboy!" sigaw ko at sinuntok-suntok ang dibdib niya, kahit nanginginig ang mga kamay ay lumabas ako't tumakbo.
Mabilis ang tambol ng puso ko, rinig na rinig at parang gusto ng humiwalay sa katawan ko, ang tuhod ko ay nanghihina. Hindi ko alam pero parang naging mahina ako, parang anomang oras ay maari na akong bumulagta!
Hindi ko alam kung nasaan na ako, marami akong nakikitang mga puno ng niyog at nahihilo na ako kung saan ako pupunta.
Narito na ba talaga kami? O niligaw lang ako ni Still? At nasaan ang anak ko?!
Muli akong tumakbo dahil narinig ko ang pagtawag ni Still.
"Veran wait! Let me explain please!"
I need to get out of her-
"Please Veran, hear me out!" Sinamaan ko siya ng tingin. I'm trying to escape from his grip but he's too strong!
"Nasaan ang anak ko? Saan mo siya dinala? Anong ginawa mo sakanya?!" Sunod sunod kong tanong.
"Chill, nauna na sila. Kasama na niya sila Kanel and please listen to me Veran," pagmamakaawa niya habang niyuyugyog ako.
"Eat your explanation Still," I said and slap him hard.
Nanliit ang mga mata niya sa ginawa ko, umuusok na rin ang ilong at tainga sa sobrang pula ng mukha niya.
Galit na siya!
"What the hell?!"
Namilipit ako sa sakit dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"What are you doing to her?" A baritone voice came out of nowhere, but thanks to it Still loosen his grip looking at my back with sparkling eyes.
What's happening?
"Let go of her," utos nito kay Still na agad naman niyang ginawa. Hinimas ko ang kaliwang braso ko siyang kaniyang hinigpitan.
Binigyan ako ng pagkakataon na masilip ang lalaki sa likuran ko at napayakap sa bibig ng makilala iyon.
"That woman is coming with me, and you boy..." Tinuro niya ang hilaga. "That's the hotel, just follow those tiny red dots."
Tila naging diyos ang taong nasa harapan namin dahil mabilis na tumango si Still at umalis. Ngunit bago pa iyon ay sinulyapan niya ako at tila may sinasabi pa pero hindi ko nalang pinansin dahil wala rin naman iyong silbi.
"First of all, don't look at me with those sharp eyes and second we'll take the short cut," saad niya at nagsimula ng maglakad papuntang kanluran.
Nangunot ang noo ko, magkasalungat na ang mga daang tinatahak namin pero mas pagkakatiwalaan ko pa ata ang artistang ito kaysa sa lalaking 'yon at isa pa niligtas niya ako.
Isa siya sa mga kinahuhumalingan ng mga babae ngayong araw, magaling siyang umarte at sumayaw.
"Thank you sir Aldrich," usal ko habang sinusundan siya.
Lumingon naman siya sa akin at ngumiti, nakikita ko kung gaano kaperpekto ang mga ngipin niya. Humanga ako dahil minsan lang siya ngumiti.
"Welcome!"
Limang minuto na kaming naglalakad dito sa niyugan at nagsisimula na rin akong mainis dahil sa buhangin na pumapasok sa sandalyas ko, pinunasan ko ang noo gamit ang likod ng palad ko dahil sa tagaktak na pawis.
Pero tila nawala ang pagod ko nang makita ang isang motor.
Lumapit siya roon at sumakay, tumingin siya sa akin ng may naguguluhan ekspresyon sa mukha.
"Watcha' lookin' for? Come!"
Mabilis akong lumapit roon at nahihiyang sumakay, nagsimula na siyang paandarin iyon at wala pang sampong minuto ay nakarating na kami sa napakagandang tanawin.
Maraming babae at lalaki ang napunta sa direksyon namin, kami lang naman kasi ata ang nakamotor dito.
Nagulat ako ng may inilahad siya sa akin, isa iyong keychain na mismong pangalan niya ang naka-ukit. Tiningala ko siya pero hindi ko na siya makita pa, siguro pumasok na sa loob. Swerte ko naman at nakausap ko ang isang idolo.
Napangiti ako ng malawak dahil pagbungad ko palang sa loob ay napaka-refresing na sa mata. Maraming halaman at alam kong mamahalin ang mga iyon dahil mga rare plants.
Isa isa ko namang sinuyod ang kabuuan ng pasilyo at napangiti ng mas malawak pa nang makita ko ang anak kasama ang anak nila Kanel na si Sheine. Kinagat ko ang gilid ng ibabang labi dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko sa katabing table ng mga kaibigan ko.
Kay liit ng mundo, tinatakasan ko na nga iyong kahihiyan sa restong iyon, makikita ko din naman pala siya rito!

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    Juanandonly

    🌹🌹🌹💪🏽

    11/06

      0
  • avatar
    Da Silva AlmeidaAna paula

    muito bom

    01/06

      0
  • avatar
    ParotchilinRose

    good

    27/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất