logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3: Did I?

DID I?
I sit as I put the flowers in his tombstone. While praying for his guidance my eyes can't hold the tears anymore and I started to cry again.
"Sobrang sakit parin," saad ko sa kawalan at humagulgol na naman.
Pinunasan ko ang pisngi gamit ang likuran ng palad pero wala paring tigil ang pagbuhos ng luha ko kaya kinuha ko ang panyo at tinapal sa mukha.
Every weekend I visit him and pray, kahit pinagbabawalan ako ng mga kaibigan kong pumunta rito dahil masasaktan lamang daw ako ngunit walang sinuman ang makakapigil sa kagustuhan kong mapuntahan siya.
Siya at siya lamang ang hinahanap ng puso ko, anim na taon na ang nakalipas pero parang bagong sugat lang ito. Parang kahapon lang ay masaya kaming naglalakad, magkahawak kamay habang umiindayog kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Masakit ngunit unti-unti kong tinatanggap, kahit matagal humilom ang sakit na dinulot ng pagkamatay niya ay kinakaya ko pa rin. Kailangan kong maging matatag para sa anak namin. Hindi kami kasal, oo pero mayroong ebidensya ng pagmamahalan naming dalawa.
Ngumiti ako at sinimulang ikwento ang mga nangyayari sa buhay namin ngayon, kung gaano kakulit ang anak niya, kung gaano ako nahihirapan sa trabaho at kung paano ko itataguyod ang pamilya dahil ako lang ang maaasahan ng kapatid ko.
Bata palang kami nang mawala ang mga magulang namin, hindi ko alam kung paano mabubuhay ng wala sila pero kinaya ko. Sanay kami sa marangyang buhay pero nagbago ang lahat.
Lumayo ang loob ng kapatid ko sa akin simula ng pangyayaring iyon, pinag-aral ako ng Lolo't Lola sa siyudad habang ang kapatid ko ay sa probinsya kaya isang beses sa isang taon niya lang ako kinakausap, minsan ay napipilitan pa siya.
Napag-aral ako ni Lolo dahil sa pagsasaka niya pati na rin sa tulong ng ilang tiyahin ko at ngayon matanda na sila, dumagdag pa ako ng problema pero nagpapasalamat ako dahil nakapag-tapos din ako ng pag-aaral.
"She always play your guitar, she even throw cereals on your sister's daughter," usal ko at napapailing nang maalala ang ginawa ng anak ko.
Pareho silang dalawa, makulit pero walang humpay kung lumambing.
Nilabas ko ang mga pagkain sa basket at ini-alay. Tatlo ang basket ko, ang isa ay para sakanya at ang dalawa ay para sa matandang nakatira dito sa sementeryo.
I stand and fix my dress, I'll see him again next Saturday, if I got the chance though.
Tinahak ko ang masikip na daanan papunta sa bahay ni Aling Laxy.
"Veran!" Kumaway ako nang makita ang tumawag sa ngalan ko, kasama ang apo nitong si Gala.
"Hello po!" bati sa akin ni Gala ng makalapit na ako sakanila.
"Hi," responde ko. "Oo nga pala Aling Laxy, may dala uli akong pagkain para sainyo ni Gala," sabi ko ng may galak.
"Naku naman! Napakabait mo talaga Veran pero nakakahiya na, sobrang dami mo nang naitulong sa amin ni Gala!" Natawa naman ako sa turan niya, pinalo ko ang pwet niya 'tsaka nilapag ang mga pagkain.
"Sabi kong 'wag na kayong mahiya sa akin eh! 'Tsaka pasasalamat ko na 'to dahil palagi niyong nililinis ang puntod ni Sanio." Lumapit ako sa puntod ng hindi ko kilalang patay at nilagay ang mga pagkain doon.
Aling Laxy always keep this place clean, of course they made it their home. Inanyayahan kong sa bahay na sila tumira pero ayaw nitong si Aling Laxy. Sampung taong gulang na itong apo niyang si Gala, ilang beses tumigil sa pag-aaral dahil kulang sa gamit.
Kaya simula noong nalaman ko iyon ay ako na ang bumibili ng gamit niya para maipagpatuloy ang pag-aaral.
"Thank you po Ate Veran," pasasalamat ng inosenteng bata. Kinurot ko ang pisngi nito at lumapit kay Aling Laxy na nagdidilig na.
"Mauuna na po ako, may aasikasuhin pa ako eh," pamamaalam ko.
Tumango siya at nagpasalamat na naman ng maraming beses. Hinatid naman ako ni Gala palabas ng sementeryo.
"Sandali lang Gala!" tawag ko sa batang papaalis na, nakangiti naman siyang bumalik.
"Ano po 'yon Ate?"
Kinuha ko ang wallet sa isang basket at kumuha ng limang daan, nangunot ang noo ko.
Bakit parang may nawawala?
Binigay ko kay Gala ang pera at tinanong kung nakita ba niya ang larawan ni Sanio pero hindi naman daw. Nagpasama ako sakanya na bumalik sa puntod ng yumao kong nobyo pero wala din naman doon.
Nakagat ko ang ibabang labi nang maalalang tinanggal ko nga pala ang larawan niya kanina nang nagbayad ako sa dalagitang nagtitinda ng mga bulaklak!
Mabilis akong nagpaalam kay Gala at nagmadaling bumalik sa pinagbilhan ko kanina ng bulaklak, mabilis ang kabog ng puso ko dahil natatakot akong baka mawala ko 'yon.
"Ang tanga ko talaga!" bulalas ko ng makababa ako ng tricycle, mabuti nalang at nakabukas pa ang tindahan.
Dala ang dalawang basket ay mabilis akong pumasok, 'di alintana na malapit banggain ang lalaking naka-white polo.
Hingal na hingal kong binaba ang basket sa sahig. Inosente akong tinignan ng dalagita, pawis na pawis na ako at ramdam ko na ang malagkit kong pangangatawan.
Huminga muna ako ng malalim bago nagtanong.
"Ineng wala ka bang nakitang larawan?" Napaisip naman siya sa tanong ko.
"Sandali lang po," aniya sa mababang tinig at pumasok sa isang pintuan. Pagbalik niya ay nakahinga ako ng maluwag nang iwagayway niya ang larawan ni Sanio.
Mabilis kong hinablot ang larawan niya at napahagulgol, niyakap ko ang larawan naming dalawa at tila naging gulaman ang tuhod ko upang mapa-upo sa sahig. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko dahil sa pag-aakalang mawawala ko ito.
Nag-aalalang lumapit sa akin ang dalagitang nagbabantay ng shop at dinaluhan ko. Mas lalo akong naiyak dahil sa paghagod niya ng likod ko.
Akala ko mawawala na siya, ito nalang ang naiwan mula sa mga nasunog kaya 'di ko kakayaning mawala ito.
Nahiya naman ako sa dalagita kaya nag-sorry ako bago umalis, pumunta ako sa office ng paaralang pinagtratrabahuan ko at kinuha ang ilang mga paperwork. Pumunta ako sa malapit na restaurant at doon gagawin ang mga tratrabahuin, nagulat ako nang makita roon ang binatilyong nabangga ko kanina, yumuko ako at umupo sa bakanteng upuan at ang galing naman dahil malapit lang ako sakanila ng nobya niya.
Nilibot ko ang buong paligid at napalunok dahil ako na lang yata ang walang kasama. Kinalog ko ang ulo dahil sa naisip at bumalik sa ginagawa.
Inayos ko ang salamin at seryosong tinatama ang mga sinagutang papel ng mga estudyante ko nang may magsalita malapit sa akin.
Tumingala ako pero wala naman akong nakita, natanawan ko iyong binatilyo kanina na nagbabayad na sa cashier. Kunot noo naman akong napatingin sa table nila na marami pang putahe, kung makikita mo ay wala masyadong nagalaw.
Umiling ako at bumalik sa ginagawa pero muling napatingin sa pagkain nang kumalam ang tiyan ko.
Bakit pa ngayong wala akong pera!
Busangot na napa-upo roon ang binatilyo, hinawakan nito ang rosas kaya kinapalan ko na ang mukha na lumapit doon. Gutom na gutom na talaga ako!
Nang maupo ako roon ay hinayaan niya lang akong kumain, kumakain siya pero paunti-unti lang. Siguro pareho sila ni Saña, ayaw sa seafoods.
Tinuon ko na lang ang tingin sa pagkain ng alimango dahil nakaka-intriga siya kung makatingin saakin.
Napasulyap ako sa wall clock ng restaurant, mag-aala una na at hindi ko pa naipapasa iyong mga papel! Naku naman baka magsara na ang school!
Binilisan ko ang pag-kain at nagpasalamat nang matapos, mabilis kong inayos ang mga papel at nagmamadaling lumabas.
Pumara ako ng traysi, sa kasamaang palad ay punong-puno kaya wala akong choice kundi maglakad. Napabuntong hininga na lang ako at tinahak ang daan pauwi.
Kung pupunta pa ako ng school paniguradong nakasara na, sa susunod ko na lang kukunin 'yong mga basket ko.
Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makitang malapit na ako sa inuupahang bahay. Pagmamay-ari 'to ng kaibigan ko, sinabi niyang 'wag na akong magbayad pero nakakahiya naman kaya binigyan niya ako ng 50% discount.
Ikakasal na kasi siya at sa bahay ng asawa na niya siya titira, matagal din siya sa abroad kaya kami ni Saña ang nanirahan sa pamamahay niya.
"Oh nandito na pala ang Mama mo!" Napaawang ang bibig ko nang makita ang kaibigan sa bahay, mabilis ko siyang niyakap at nakipag-kumustahan.
"Okay lang, maganda parin, ikaw?"
"Mas maganda parin sayo," sagit ko at natawa dahil sa pag-irap niya.
Kinarga ko si Saña na maraming dumi sa mukha, paniguradong pinakain na naman siya ni Richelle ng chocolate!
"Buti at nakabisita kayo ngayon," sabi ko habang pumasok sa kusina at nagtimpla ng juice.
"Pupunta sana kami sa kaibigan niyang photographer na anak ng mayor pero naisipan naming dumaan muna rito," tugon ni Rich na sinundan ako.
Tulog pa si Saña nang iwan ko rito kanina at magaling naman ang batang ito kaya hindi ako masyadong nag-aalala. Kayang-kaya niya ang sarili.
"Siya nga pala Veran, ito na 'yong damit mo." Binigay niya sa akin ang isang box habang kinikilig pa. Nakangiti ko iyong kinuha at nagpasalamat sa kaibigan.
"At syempre mayroon din para sa flower girl!" Binigay niya ang isa pang box, at si Saña na mismo ang nagbukas no'n.
Lumapit ako sa kanila nang matapos kong timplahin ang juice at nilapag sa bilog na mesa.
Tuwang-tuwa siya na makita ang kulay berdeng gown.
"Thank you po Tita, Tito!" Nagagalak nitong pasasalamat at yumakap kay Dan at Rich.
"Ikaw Saña, gusto mo bang magkaroon ng Papa?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ni Rich.
Ang babaeng 'to talaga!
"Ano bang pinagsasasabi mo Rich, tumigil ka nga!" Tumawa lang ang bruhilda at uminom ng juice.
"Anong sagot mo baby Saña?" Tanong naman ni Dan.
"Tumigil nga kayong dalawa riyan! Pag kayo nagkaanak, sinasabi ko sa inyo, sasabihin ko kung gaano kayo karupok!"
Tumayo si Richelle at pinalo ako sa pwet, sinamaan ko siya ng tingin at gumanti naman siya. Gaya gaya 'to na namamalo ng pwet!
"Ganyan ka na ba ka-bitter kaibigan?" Pagtutulad niya sa boses ni Boy Abunda at umupong muli sa tabi ng mapapangasawa.
"Hindi ako bitter, sadyang mahal ko lang si Sanio!"
Humalagpak naman sa tawa si Dan kaya sinipa ko siya. This brat!
"If you really love him, move on Veran, move on dear Cousin."
"I already moved on," sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanila.
Alam kong hindi sila naniniwala.
But did I really move on? Or it's just me lying to my own self?

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    Juanandonly

    🌹🌹🌹💪🏽

    11/06

      0
  • avatar
    Da Silva AlmeidaAna paula

    muito bom

    01/06

      0
  • avatar
    ParotchilinRose

    good

    27/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất