logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Gelomiah

Gelomiah

PickledPlums


CHAPTER 1

|| CIELO LOCKHEART ||
Habang sakay ng tren na maghahatid sa aking destinasyon, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Hawak ko na sa aking mga kamay ang isang sulat na kahapon ko lang natanggap. Sulat ito mula sa Gelomiah, ang nag-iisang magical school sa buong Terra Magia. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang makakatanggap ako ng sulat mula sa kanila. Para bang nananaginip ako ngunit ayoko ng magising pa!
( F L A S H B A C K )
Kakatapos ko lang sa aking trabaho. Ang sabi ng Head Vetenerarian, siya na lamang ang mag-aasikaso ng iba pang mga gawain dahil mukhang magtatagal pa daw ito. Noong una ay nais ko pa sana siyang tulungan, ngunit ang sabi niya sa akin ay magpahinga na daw ako. Dahil ayaw ko namang iwan siya rito ng nag-iisa ay nagligpit na muna ako. Inayos at itinapon ko na rin ang mga kalat sa labas. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang buong paligid. Tahimik na ang buong lugar. Kani-kanina lang kasi ay may maliit na kaguluhan ang nangyari dito. Mayroon kasing pagtatalo na naganap sa pagitan ng dalawang aso.
Inirereklamo ng itim na aso na ninakaw daw ng puting aso ang butong itinago nito sa likod ng puno. Agad naman itong itinanggi ng puting aso. Dahil sa hindi sila magkasundo, nag-away sila. Dahil alam kong maaari magkasakitan ang dalawang aso, agad ko silang inawat. Bilang solusyon, sinabi ko sa itim na aso na hahanapin namin ang butong kanyang itinago. Tumulong din sa amin ang naka-away nitong puting aso.
Hinanap namin sa buong lugar ang buto hanggang sa makita namin ito. Naroon pa rin ito sa likod ng puno na pinagtaguan ng itim na aso. Kaya lang niya ito hindi nakita dahil natabuan ito ng maraming lupa. Agad na humingi nang paumanhin ang itim na aso sa puting aso. Tinanggap naman ng puting aso ang paghingi nito ng tawad at nagkaayos na sila.
Bago ako pumasok sa loob ay nakita kong pinagtitinginan ako ng ibang tao. Dahil siguro nakita na naman nila akong may kausap na mga hayop. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi rin naman sila maniniwala kung sasabihin kong nakakausap at naiintindihan ko talaga ang mga saloobin ng mga hayop. Kahit nga ang Head Veterenarian ay ramdam kong hindi siya naniniwala sa akin kahit na sinasabi niyang nauunawaan niya ako.
Ipinanganak na talaga akong may ganitong kakayahan. Ang sabi ng yumao kong ama, namana ko daw ang kakayahang ito sa aking ina. Hindi ko nga masabi kung maganda bang kakayahan ang mayroo
n ako. Bukod sa kakayahan kong ito, lahat ng magic spell na gawin ko ay puro na palpak.
Napabuntong-hininga nalang ako. Nagpaalam na ako sa Head Veterenarian at umuwi na ako sa aking bahay. Naupo na muna ako sa sofa upang makapag-pahinga ako. Napansin ko naman ang isang baso ng tubig na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Sinubukan ko naman gumamit ng magic para makuha ang baso ng hindi ako tumatayo para kunin iyon. Kinuha ko ang aking magic wand sa bulsa ng suot kong bestida at inalala ko naman ang isang spell na nabasa ko sa library ng bayang ito.
"Magfadia!" sambit ko sabay wasiwas ng aking wand.
Mamaya-maya pa'y biglang lumutang ang baso sa ere. Dahan-dahan itong lumalapit sa akin. Mukhang tama na ang nagawa kong spell casting ngayon! Aabutin ko na sana ang baso ng malapit na ito sa akin. Ang kaso lang, mas umangat pa iyon hanggang sa huminto ito sa ibabaw ng ulo ko. Mabilis itong bumaliktad kaya naman ang lamang tubig nito ay bumuhos sa akin.
"Ahhh!"
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko pero huli na ang lahat. Basang-basa na ako. Bigla namang bumalik ang baso sa ibabaw ng mesa. Palpak na naman ang magic na ginawa ko. Kukuha na sana ako ng towel para punasan ang sarili ko ng makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.
Agad akong lumapit doon para tignan kung sino ang kumakatok. Pagbukas ko, wala naman akong nakitang tao doon. Siguro ay naglalaro na naman ang mga bata sa paligid. Isinara ko na ulit ang pinto. Pero pagsara ko, may kumatok na naman. Mabilis kong binuksan ulit ang pinto.
"Sino ba iyong katok ng katok? Wala namang tao dito." nasabi ko nalang.
"Dito! Dito! Dito!" dinig kong sabi ng kung sino man. Napansin kong maliit at may kataasan ang boses nito.
"Huh?"
"Dito sa baba!"
Pagtingin ko sa baba, nakakita naman ako ng isang manikang de susi. May dala-dala itong kung ano sa likuran niya. Agad akong naupo upang tignan ang manika. Ito ba ang kumakatok sa pintuan ko kanina pa?
"Uhm..."
"Hindi mo man lang ako papapasukin? Anong klaseng pagtrato 'yan sa bisita?"
Medyo nagulat pa ako dahil bigla nalang nagsalita ang manika. Hindi na niya ako hinintay na magsalita at naglakad na ito papasok sa loob ng bahay ko. Maliliit ang hakbang nito ngunit mabilis naman ang pagkilos niya.
"Uhm, excuse me? Sino ka? Bakit ka nagpunta dito?" alanganin kong tanong sa manika.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinignan niya lang ako. Medyo nailang pa nga ako dahil titig na titig sa aking ang mga mata niyang kulay kahel. Ni hindi rin ito kumukurap. Mamaya-maya pa'y nagsalita na itong muli.
"Ikaw ba si Cielo Lockheart?"
"Huh? Ah, oo. Ako nga. Cielo nga ang pangalan ko. Bakit kilala mo ako?" tanong ko ulit.
"Hmm... Tama naman pala ang napuntahan kong address. Hindi naman pala ako nagkamali sa pagbasa doon sa notice. Hindi kaya si Headmaster ang may pagkakamali? Hindi ka naman kasi mukhang karapat-dapat mapunta doon." sambit ng manikang nagsasalita nang mag-isa.
"Karapat-dapat saan?" tanong ko.
"Hindi kaya'y nawawala na sa tamang pag-iisip si Headmaster?"
"Ugh.... Sino ba ang kausap mo?" Tanong ko. "Ako ba?"
"Mukhang wala na akong magagawa. Basta ang mahalaga ay ginagawa ko ng tama ang trabaho ko." Kinuha ng manika ang isang maliit na balot na nakasukbit sa likod niya kanina pa. Tinanggal niya ang pagkakabalot nito. Nakita ko naman doon ang sulat. Iniabot niya iyon sa akin.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Tignan mo nalang. Ano pa ang silbi ng mga mata mo kung hindi mo ito gagamitin?"
Sinunod ko ang manika. Inusisa ko naman ang sulat. Nakasulat nga sa sobre ang pangalan ko. Nang tignan ko ang harapan ng sulat, literal na napanganga ako. Imposible!
"D-Dry s-seal 'to ng G-Gelomiah, di ba?" hindi makapaniwalang tanong ko doon sa manika.
"Alam ko." simpleng sagot ng manika.
Paanong nagkaroon ako ng sulat mula sa Gelomiah? Ang Gelomiah ay ang bukod tanging magical school sa buong Terra Magia. Halos lahat ng kilalang wizards ay doon nanggaling at nag-aral. Maraming mga magagaling na magicians ang nagmula doon.
Isa pa'y hindi ka basta-bastang makakapasok o kaya'y makakapag-aral doon. Kilala ang Gelomiah dahil ito mismo ang pumipili sa mga estudyanteng nag-aaral dito. Hindi ang mga estudyante ang lumalapit sa eskwelahan dahil ang eskwelahan mismo ang lalapit ang mag-aalok sa'yo na mag-aral doon!
"Buksan mo na kaya ang sulat? Hindi mo malalaman ang laman niyan kung tititigan mo lang 'yan magdamag. Sa hitsura mo palang, mukhangㅡ" sambit muli ng manika ngunit hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. "Hindi bale na nga lang. Baka magkasala lang ako. Basahin mo na nga lang 'yan."
Sa sobrang gulat ko, sinunod ko nalang ulit ang manika. Dahan-dahan kong binuksan ang sulat at binasa iyon. Ayokong madumihan o kaya'y mapunit ng hindi sadya ang sulat na hawak ko. Bawat salita sa sulat ay talagang binasa ko ng husto.
Ang sabi sa sulat, inaaanyayahan daw ako ng Gelomiah na pumasok doon at maging isa sa mga mag-aaral na nag-aaral doon. Ilang beses ko pang binasa ang sulat. Baka kasi mali ang pagkakaintindi ko. Paulit-ulit kong binasa ang sulat mula sa pinaka-umpisa. Hindi talaga ako nagkakamali sa pagbasa. Pareho pa rin ang mga salitang nandoon.
"Hanggang kailan mo ba babasahin ang sulat, ha? Marunong ka naman siguro magbasa ng mabilis, hindi ba?" sabi ng manika.
"Talaga bang inaanyayahan ako ng Gelomiah naㅡ"
"Nabasa mo naman siguro ang sulat, hindi ba? Sa katunayan, isa rin ako sa mga patunay na totoo ang mga nakasulat diyan. Isa akong opisyal na mensahero ng Gelomiah. Naghahatid ako ng mga sulat sa mga inaanyayahan ng Gelomiah para mag-aral doon."
Ilang sandali pa ako napatulala. Parang ayaw pumasok sa utak ko ang mga nangyayari. Sinubukan kong kurutin ang pisngi ng sobrang lakas. Nakaramdam naman ako ng sakit. Ang ibig sabihin, totoo nga ang mga nangyayari ngayon. Talaga ngang inaanyayahan ako ng Gelomiah para mag-aral doon!
"Tapos ka na bang managinip ng gising? Kung oo, mabuti pang mag-empake ka na at pupunta na tayo sa Gelomiah ngayon mismo. Ako na rin ang magsisilbi mong guide hanggang sa makarating ka nang ligtas doon."
"Talaga? Ngayon na talaga?"
"Oo. At kung pwede, magbihis ka nga. Kung hindi mo napapansin, basang-basa ang suot mo. Ngayon palang, gusto ko nang magduda kung tama bang nakatanggap ka ng sulat o hindi."
Tama nga siya. Nawala na sa isip kong basang-basa ang suot kong bestida. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, mabilis akong nagpalit ng damit. Nag-empake na rin ako at sinigurado kong madadala ko ang lahat ng mga kakailanganin ko.
( END OF F L A S H B A C K )
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin na baka nananaginip lang ako. Wala sa hinagap kong makakatuntong ako sa isang prestiryosong eskwelahan tulad ng Gelomiah. Pero dahil hawak ko ang sulat at nararamdaman ko ito, sigurado akong totoo ang nangyayari ngayon. Hindi lang ito basta panaginip lang.
"Hanggang kailan ka ba ngingiti ng ganyan? Para kang baliw."
Kasama ko pa rin ang de susing manika na naghatid sa akin ng sulat. Para sa isang manika, masyado itong bully. Palagi nalang niya sinisita ang mga ginagawa ko. Masama bang matuwa dahil sa magandang balita na natanggap ko?
"Cielo, i-angat mo ako." biglang utos ng manika.
"Ha?"
"I-angat mo ako." ulit pa na sabi nito sa akin.
Nagtataka man pero sinunod ko ang manika. Dahan-dahan ko siyang hinawakan hanggang sa magka-level na ang mukha ko at ang maliit nitong katawan. Walang sabi-sabi ay bigla nalang hinampas ng maliit niyang kamay ang noo ko.
"Aray!"
"Ano? Natauhan ka na ba? Siguro naman titigil ka na sa pananaginip mo ng gising?"
Agad ko siyang ibinaba at sinapo ko ang noo ko. Masakit ang pagkakatama nito dahil gawa sa kahoy ang de susing manika na kasama ko. Sana lang hindi magkabukol ang hampas nito sa akin. Nabanggit niya sa akin na marami silang de susing manika na naghahatid ng mga sulat sa mga estudyanteng napipili ng Gelomiah. Napaisip tuloy ako kung lahat ng de susing manika ay katulad niya. Pero hindi na bale. Kahit na ganoon, hindi ko pa rin mapigilan ang mapangiti dahil sa mga nangyayari ngayon.

Bình Luận Sách (192)

  • avatar
    Unabia Ryan

    thank you 😊

    2d

      0
  • avatar
    John Bensi

    the story is very beautiful

    3d

      0
  • avatar
    FernandezJay-ar Estrada

    the best of all

    10d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất