logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

7 : Hiling

Title : HILING
Lunar Eclipse, ang pinakahihintay naming lahat dito sa planetang Moonlight. Panahong nababalot kami nang kakaibang kapangyarihan. Magagawa naming maglakbay sa ibang mundo sa isang iglap.
“Ron, handa ka na ba?” tinig na nagpalawak lalo ng ngiti sa aking labi.
Sabay-sabay kaming naupo sa ilalim ng liwanag ng buwan. Buong konsentrasyong pumikit at humiling sa Haring Buwan na tugunin ang hiling ng aming mga puso.
“Nais kong dalhin mo ako sa lugar kung saan titibok ang puso kong bato,” taimtim kong dalangin.
Ilang sandali pa’y naramdaman ko ang pag-angat ng aking sarili. Kasabay nang biglaang paghugot nang malalim na hininga ay napamulat ako.
“Saang planeta ako dinala ng aking hiling?” mangha kong tanong sa aking isip.
Awang ang aking mga labi habang pinapasadahan nang tingin ang buong paligid. Maberde rin dito tulad sa aming planeta. Pero kakaiba ang hitsura ng mga nilalang.
“Ahh!” daing ng taong naapakan ko ng ’di sinasadya. “Naman! Kapag malambot, paa iyon! Paa! Hindi semento!”
“Paumanhin, ’di ko sinasadya. Akala ko’y isa kang Android,” saad ko dahil tila tuod siyang nakatingin sa malayo.
“Ano ang pangalan ng planetang ito?”
Naagaw nang aking pansin ang nilalang na nagpatalon ng aking puso. Hawak-hawak ko ang aking dibdib na nilingon ang kausap.
“Mundo ng Pahina at ako naman si Sky. Mula ako sa planetang Earth,” pakilala niya.
“Sky? Earth? Ibig sabihin ay hindi ka rin taga-rito?” kunot-noong usisa ko.
“Tama,” sagot niya.
“Ang ganda niya,” rinig ko mula sa kung saan. Hinanap ko ang nagwika pero wala namang akong ibang katabi maliban kay Sky na tikom naman ang bibig.
“Kahit saang anggulo, napakaganda talaga niya,” himig muli.
“Sino ka?” tanong ng isip ko gamit ang kakayahang tinatawag na telepathy. Naramdaman ko na ’di nalalayo sa akin ang enerhiyang pinagmumulan ng tinig.
Tinitigan ko si Sky na tila nakaintindi na napalingon din sa akin.
“Ako ba ang tinatanong mo?” saad niya na ikinaawang ng aking labi.
“Ma-Marunong kang mag-telepathy?" mangha kong usisa.
“Oo naman. Kami ang tulay ng mga kaluluwa. Iba’t ibang nilalang na patungo sa mundong laan sa kanila ang aming nakakasalamuha at ginagabayan.”
“Ang swerte ko pala at nakilala kita. Puwede ba tayong maging magkaibigan? Ako si Ron mula sa planetang Moonlight,” muli kong pakilala.
“Oo naman. Ako si Sky mula sa Planet Earth.”
“Kaibigan, maaari mo ba akong tulungang makilala ang magandang binibini na iyon?” pakiusap ko habang iminumwestra ng aking paningin ang tinutukoy kong nilalang.
“Walang problema, kaibigan,” nakangiting saad niya. “Halika, lapitan natin at ipapakilala kita.”
Tumango-tango ako saka sumunod dito. Ilang sandali pa’y nasa harapan na kami ng dalaga. Tila tinatambol ng kaba ang aking dibdib. Aninag sa suot kong pang-itaas ang tila nagkakarerahang tibok ng aking puso.
“Lady Ling,” masuyong tawag ni Sky sa dalaga.
Umangat ang paningin niya sa amin ni Sky. Sinalubong ko siya nang matamis na ngiti kahit nangangatal ang aking mga labi.
“Ano ang iyong sadya, Sky?” usisa niya sa kasama ko.
“Paumanhin sa aming biglaang pagdating, pero nais kang makilala ng kasama ko. Siya si Ron, mula sa planetang Moonlight,” saad ni Sky na ikinakaba ko.
Magkaiba ang aming mundo kaya ’di mawala sa akin ang agam-agam na ’di ako nanaisin makilala ni Lady Ling.
“Ikinagagalak kitang makilala, Ron,” saad niya na nagpatalon sa akin nang bahagya.
Inilahad ko ang aking kamay saka nagsabing, “Natutuwa akong makilala ka, Lady Ling.”
Marami kaming napagkwentuhan na lalong nagpatunaw sa aking puso. Hindi ko alintana ang mabilis na paglipas ng oras.
“Oras na,” tinig na aking narinig na nagpakabang muli sa puso ko dahil kinakailangan na naming umalis.
Buong panghihinayang akong nagpalaam kay Lady Ling bago nilisan ang Mundo ng Pahina pabalik sa planetang Moonlight.
Nakabalik ako sa aming planeta na may halong lungkot. Pakiramdam ko’y naiwan ang aking puso sa Mundo ng Pahina.
Nakababaliw na nakatatanga ang kilos ko ngayon. Dahil muli akong nakaupo sa ilalim ng liwanag ng buwan. Dala marahil ng pagnanais kong madugtungan ang aming unang pagkikita, gagawin kong posible ang imposible.
Mariin akong pumikit at pinaglakbay ang aking isip sa dako pa roon. Sa mundong nagpatibok ng aking puso, sa Mundo ng Pahina. Ngunit bigo akong magamit ang telepathy upang makausap man lang siya kahit sa isip. Hindi ko rin alam ang layo ng mundong iyon mula sa kinaroroonan ko.
“Ahh!” sigaw ko sa inis habang napapatingala sa buwan. “Sky . . .” bulong ko. “Tama! Matutulungan niya ako, ni Sky.”
Pumikit muli ako nang mariin habang sinasambit ang pangalan ni Sky, “Sky . . . Sky . . . Sky . . .”
“Huh!” rinig kong tinig.
“Sky? Ikaw ba iyan? Si Ron ito,” pakilala ko agad.
“R-Ron?” paninigurado ni Sky sa akin.
“Ako nga, Sky,” saad ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nagawa kong marinig niya ako sa pamamagitan ng telepathy.
“Ano ang kailangan mo?” tanong nito.
“Tulungan mo akong makausap si Lady Ling,” pagsusumamo ko. “Hindi siya maabot ng aking isip.”
“Imposible talagang magawa mo, dahil nasa kalawakan ka. Ibang dimensyon ang iyong kinaroroonan,” pahayag ni Sky na nagpalaglag ng balikat ko.
“Wala na pala akong pag-asa na makausap siya,” malungkot kong saad. “Ikaw, Sky. Makakausap mo ba siya?”
“Ako? Ah, oo naman. Anumang oras ay maari ko siyang makita at makausap.”
“Ta-Talaga?” masigla kong tanong. “Puwede mo ba akong ibati sa kanya?”
“O-Oo! Si-sige, ako na ang magsabi.”
“Salamat, Sky. Salamat.” Napatalon ako sa tuwa habang napapahaplos sa aking dibdib.
KINABUKASAN, agad kong kinausap si Sky. Hindi ako makapaghintay sa resulta ng aming usapan.
“Ano’ng nangyari, Sky?” bungad ko agad dito.
“Atat? Hindi makapaghintay?” pang-aasar niya sa akin.
“Naalala ba niya ako?”
“Oo naman, katunayan may ipinadala siyang yakap para sa ’yo,” pahayag niya na ikinaisip ko.
“Yakap? Ibig sabihin yumakap siya sa ’yo?”
“Para daw sa ’yo.”
“Ganoon? Paano ko naman iyan mararamdaman, eh, hanggang telepathy lang tayo?” nakisamangot kong saad.
“Isipin mo na lang na yakap-yakap ka niya bago ka matulog para mapanaginipan mo siya,” ani ni Sky na ikinatango ko.
“Tama, Sky. Gagawin ko iyan.” Napahawak ako sa aking baba habang gumuguhit ang ngiti sa aking labi. ’Di ko napigilang kiligin sa kaalamang nagpahatid ng yakap si Lady Ling para sa akin.
Nagpatuloy ang ganoong set-up hanggang naging madalang ang pag-uusap namin ni Sky.
Sa huling kabilugan ng buwan, muli akong humiling.
“Bigyan mo ng kasagutan ang aking mga katanungan,” taimtim kong dasal.
Gaya noong una, naramdaman kong muli ang pag-angat ng aking katawan. Sa malakas na ihip ng hangin dinala ako sa harapan ng dalawang ’di ko inaasahan.
“Sky? Lady Ling?” mangha kong tanong.
“R-Ron?” sambit ni Sky habang titig na titig sa akin.
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa na magkahawak ang mga kamay.
“Ano ang ibig sabihin nito, Sky? Akala ko inililigaw mo ako kay Lady Ling,” sumbat ko.
“So-Sorry, Ron,” saad ni Sky. “Hindi ko rin inaasahan ito.”
Napahilamos ako sa aking mukha, bago ko sila tuluyang tinalikuran. Bumalik akong bigo habang napapaisip na kasalanan ko rin ito. Ako mismo ang naglapit sa dalawa.
MABILIS lumipas ang panahon. Nakalimutan ko na rin ang una kong kabiguan. At sa muling pagsapit ng Lunar Eclipse natagpuan ko ang aking sarili sa lugar kung saan una kaming nagkita ni Sky.
Magaan kaming nag-usap at walang paninibugho akong naramdaman sa aking damdamin. Napalitan ng biruan at tuksuhan ang araw na iyon.
“Sky, paturo akong magsulat ng love story,” sambit ko.
“First step, dapat may jowa ka! Pero kapag wala, huwag ka ng gumawa ng love story,” mapang-asar na sagot ni Sky.
“Bwisit ka! Porke’t may jowa ka riyan. Eh, sa akin dapat iyang si Lady Ling. Inagaw mo lang. Epal ka,” pabiro kong sumbat.
Natawa si Sky nang bahagya sa sinabi ko.
“Napikot,” nakangiti nitong sagot.
“May jowa ka nga, hindi naman ikaw ang mahal. At kapag ako nakapagsulat ng love story, who you ka sa ’kin, Skytot,” pahayag ko na lalo niyang ikinatawa. Maging ako’y naiiling sa mga salitang binitiwan. Nagagaya ko na ang wika ni Sky.
“Kasi pinapaibig mo sa mabulaklak mong mga salita. Puro naman salita. Gagawan ko ikaw ng gore! Torture ka sa akin. Akala mo, ah,” pahayag nito habang napapahawak sa baba na tila may kalokohang naglalaro sa isip.
“Kaya ko ring gumawa ng gore. May kasama pang censored kung gusto mo,” ganti ko sa biro niya.
Nagbiruan pa kami ng suntukan habang natatawang nakatingin sa amin si Lady Ling.
“Ahhh!” daing ko nang maramdaman ang batong tumama sa aking ulo. Hindi ko inaasahang may marahas na tao rito sa Mundo ng Pahina.
“Ang ingay-ingay n’yo!” reklamo ng isang babae habang papalapit sa amin.
Napanganga ako dahil sa hitsura nito na napapalibutan ng kadena ang katawan.
Nang makalapit siya sa amin, nabingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso. Nahihilo ako sa sensasyong nararamdaman kaya napayakap ako sa babaeng papalapit na napapalibutan ng tanikala.
Nanlalaki ang mga mata niya nang masilayan ang unti-unting pagkatunaw ng kadena. Dumistansya siya nang bahagya at mangiyak-ngiyak na nakipagtitigan sa akin.
“Salamat,” saad nito.
Kunot-noo ko siyang tinitigan.
“Ako si Kurapika,” pakilala niya. “Mula ako sa mundo ng Hunter x Hunter. Ginugol ko ang aking oras sa paghahanap ng taong may hawak ng susi sa kadenang nakabalot sa aking katawan. Hindi ko inaasahang maging ang bakal na puso ko ay magagawa niyang tunawin at palambutin. At ikaw iyon.”
Namangha ako sa inamin niya kaya wala akong nasabi kundi, “Kurapika . . .”
“Saan man ang mundo mo, handa akong sumama . . .”
Hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sinasabi. Sinelyuhan ko ng halik ang kanyang labi. Kapwa kami napipikit. At sa muling pagmulat ng aming mga mata ay kasama ko siyang nakabalik sa planetang Moonlight.
Saksi ang buwan sa matamis na halik na aming pinagsaluhan. Hawak kamay kaming tumingala sa buwan na kapwa may ngiti sa labi saka taimtim akong bumulong, “Salamat . . . sa hiling.”

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Talisic Janlee

    200

    14d

      0
  • avatar
    Min Sugar

    cool nice good beautiful wow cute

    12/05

      0
  • avatar
    Charles Batakmagml

    ...............………............

    05/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất