logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2 -
I'm expecting a shoebox size accommodation in a cramped apartment or an old house with a picture of the 'last supper' in the kitchen and hanged wooden spoon and fork beside it and a rocking chair beside a grand piano that no one in the house uses. But as I looked around the house, it seemed like my conclusions don’t serve me right. The old lady that offered me a house led me to a beautiful house— a huge beautiful house. It's like a Victorian style house but still have the millennial vibes in it. It was completely set with vintage things; the living room was accentuated with mismatched cushions in a velvet tufted sofa, a wide hairy white carpet on the floor and a grand staircase that leads to the second floor. The foyer were I was standing was full of flowery potted plants with a brown shoe rack on the corner and a white bench was beside it, there’s also an arch mirror with gold edges that made the house screamed how elegant and nice it is to be inside.
"Uhm Granny, are you really serious when you asked me to come with you here?"
Granny faced me then let out a small chuckle. "My child, hindi ka talaga maniniwala sa akin 'no?"
I knotted my brows. Hindi naman sa ganoon, malayo kasi sa expectation ko ang pinakita sa akin ni Granny. As I was saying, she's a granny so I'm expecting an old house full of old things, even though they have fast-speed internet I can't just practically convince myself to live in a beautiful huge house like this.
"I didn't mean to, sorry, it's just that I can't believe that I will live in a house as huge as this."
Granny chuckled but swatted my arms. "Hay nako! Ako nga rin hindi makapaniwala noong unang kita ko rito pero masasanay ka rin. Teka, kumain ka na ba ng hapunan?"
I shook my head meekly like an innocent obedient little kid. Awtomatikong hinawakan ko ang aking tiyan na nagsimulang tumunog pagka-banggit ni granny ng hapunan.
"O kung ganoon, ipaghahanda kita ng makakain. Pumunta ka muna sa kwarto mo, sa second floor sa pinaka-dulo sa kaliwa," magiliw na tugon niya at tinuro sa akin ang grand staircase nila na dark brown at black ang railings.
I nodded and waited for her to head in the kitchen before I opted for the stairs.
Sinunod ko ang instructions ni granny at ng makarating ako sa pinakadulo ng hall napatigil ako, two doors adjacent to each other and has the same style like they were created for a couple appeared. Well, kulay brown lang naman ang dalawang pintuan at pareho ng design sculpture pero bakit kung i-describe ko ang mga pintuan, napaka-admirable ng feeling?
Assuming lang ba ako?
I shrugged that thought off and chose to open the door nearest to me. The scent of sweet melons and pine trees blend as one welcomed me, it brings me back to the times were I woke up on the right side of the bed and it's just the perfect weather to not do anything all day but to listen to the birds sing and let myself drift with the clouds in the sky. Para akong pumasok sa perfume at mellow shop ng magkasabay.
I step my left foot on the room and quickly noticed the bonsai tree beside the color brown bed and the circular lamp on the side. Aw, ang sweet. Para talagang meant to be kami ng room na ito.
Tinanggal ko ang bag at cardigan na suot ko at inilagay sila sa tabi ng floating vanity bago tignan muli ang kabuuan ng kwarto. The room was designed with wooden shed ceiling, a white wall and beige furniture. The curtains were in cream color and the floor was grey, there’s a modern queen-sized bed that was hazel dollar tan in hue at the center.
Agad akong lumapit sa kama at dinama kung gaano ito kalambot. I'm definitely in love with this house! It's amazing how I got this for free, baka ito na ang breakthrough na hinahanap ko matapos ang mga karumal-dumal na nangyari sa akin. I lost my job, my apartment, and my scholarship. Konti nalang at buhay ko na ang susunod, malapit na akong sumuko, buti nalang at may dumating na breakthrough.
Magpapatirapa na sana ako sa kama ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko sa suot kong pouch na pahugis brief case.
I reached for my phone and read the message;
Hi! You're Gary, right?
Napataas ang kilay ko sa text na iyon. The number wasn't registered in my contacts kaya nakapagtataka kung bakit niya alam ang pangalan ko. Ano ba ang dapat na i-sagot sa sitwasyong ito?
After a few seconds of thinking, I finally settled on one.
Reply;
Hello to you too but may I know first who is this? Before I can confirm myself.
Nahiga na ako sa kama at naghintay ng sagot niya. I didn't remember giving my number to anyone but this guy who-knows-my-name took all the audacity to text me first and now he was taking a bit long to reply.
I heaved a sigh. I can feel my eyes getting quite heavy. Nilagay ko sa bedside table ang phone ko at nagpatangay sa tulog na kanina ko pa hinihintay.
"Gary, kumain kana." I am awoken by a voice of an old woman saying my name and what I needed most this time.
"How did you know my name?" I murmured, my eyes were still half-closed and everything my gaze caught was blurry.
I heard the old woman chuckled. "Gumising ka na nga riyan, Ikaw talaga, kumain ka na sa ibaba."
Iminulat ko na ng tuluyan ang mata ko at umupo sa kama. Pagtingin ko sa may-ari ng boses, isang matanda ang nakita ko. Agad kong napagtanto kung nasaan ako. Bakit ako natulog sa kama? Kaninong bahay ito?
"Nasaan ako?"
To my dismay, the old woman just chuckled again. "Ikaw talagang bata ka, ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng mga katanungan mo kapag pumunta ka nang kusina at kumain."
Iniwan niya ako na nagtataka. Hinawakan ko ang leeg ko at minasa-masahe ito, grabe ilang oras ba akong nakatulog? Tumingin ako sa pinakamalapit na bintana sa kama ko at nakita ang bilog na buwan, sunod kong tinignan ang digital clock na parang humpty dumpty at nakitang eleven na ng gabi at isa lang ang ibig sabihin ‘nun, limang oras akong tulog sa isang kama na hindi ko naman alam kung sino ang nagmamay-ari. Grabe, ganoon ba ako kapagod ngayong araw?
Sinunod ko ang sabi ni lola na bumaba sa kusina dahil nagugutom na rin ako at napansin ko na masyado ng gabi pero gising pa rin si lola. Hindi ba siya pagod? Akala ko maagang natutulog ang mga matatanda.
Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang extra clothes sa bag bago pumasok sa banyo at nagpalit ng komportableng damit. I wore a white short sleeve dip dye twisted front tee paired with the same leggings I have on.
Habang nililinis ko ang aking mukha, napatitig ako sa salamin at linapit ng linapit ang ilong ko hanggang sa mapamura ako sa nakita. "Shitting hell!"
Pimple? How can I have a huge pimple in such a short period of time?
Halos manlumo ako sa loob ng banyo habang tinitignan ang ilong ko at parang domino na nakalinya isa-isang natumba ang mga alaala sa utak ko. As realization hit me halos sabunutan ko ang sarili ko pagkatapos. Ang tanga ko. Napapayag akong tumira rito dahil sa free wi-fi?!
-
I carefully went down the stairs while covering my nose with my hair. Ang tanda ko na para sa ganito pero kung makakilos ako mukha akong anim na taon.
Naabutan ko si granny sa kusina na naghahanda ng pagkain sa dining table. Nilapitan ko siya at magiliw na kinawayan. "Hi Granny!"
Ngumiti siya sa akin pabalik at iginaya ako paupo. "Kain ka na, ano? Sasagutin ko na ba ang lahat ng tanong mo habang kumakain ka?"
Kumagat ako sa longganisa na nasa tinidor ko at humigop sa mainit na lugawna nasa mangkok. "Uh, h’wag na po, naalala ko na, aftershock lang po yung kaninang nakita niyo. "Diba po nakatulog ako tapos bigla akong nagising," maganang sabi ko at kinusot-kusot pa ang mga mata ko.
Umupo si Granny sa kaharap kong upuan at tumango bilang pag-sagot. Ako naman ay napatingin sa dining table. "Granny?" pagtawag ko ng pansin niya. "Bakit po tatlo ang plato na nakahapag."
Tinignan ko si Granny na ngayon ay nakatingin din ng taimtim sa akin. "Para kung sakaling maisipan niyang kumain, hindi na siya mahihirapan pang maghanda."
Agad na tumindig ang balahibo ko sa sinabi niyang iyong, pakiramdam ko ay bigla ring lumamig ang paligid ko, iba rin ang pagkatahimik ni Granny ngayon. Dahan-dahang kong binitawan ang hawak kong kutsara at tinidor habang nanlalaki ang matang nakatingin sa matanda. Naku jusko po! Sinasabi ko na nga ba! Dapat sinunod ko ang bilin ng mga tao na 'don't talk to strangers'.
Pano kung masamang espirito pala si granny? Witch? Mangkukulam?
O kaya naman, isang haunted mansion ang pinasok ko at siya ang may-ari na matagal ng patay at kaluluwa niya ngayon ang kausap ko? Pano kung patayin niya ako? Ilibing ng buhay? Ibigti? O kaya gawin niya rin akong manananggal katulad niya
Matinding takot ang bumalot sa buong katawan ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko gamit ang paghinga ng malalim paulit-ulit at sinubakang alalahanin ang lahat ng itinuro sa akin ng bawat palabas sa TV. Hindi dapat ako pahalata na alam ko na ang tunay niyang anyo para may chance pa akong makatakas.
"Ahehehehe," pekeng tawa ko at iniunat ang mga paa ko sa ibaba ng lamesa. "Ganoon po ba? Sige po," mabilis akong tumayo at uminom ng tubig bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "busog na po ako, maglalakad po muna ako sa labas. Alam niyo na po pampababa ng kinain."
Hindi pa man nakakasagot si granny mabilis na akong tumakbo pero hindi ko pa naabot ang pintuan palabas ay biglang dumilim ang paligid.
Punyeta! Pwedeng magmura? Bumilis ang tibok ng puso ko at sa ganitong sitwasyon ang tanging nasa isip ko lamang ay ang katapusan ko.
Anong nangyayari?! Black out?
Nilibot ko ang paningin ko, nangangatog na ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Ang sarap umiyak ngayon, mamamaalam na ba ako sa mga nagmamahal sa akin? Ang bilis naman!
Wala na akong magagawa kung isang witch na marunong ng black magic ang gustong pumatay sa akin. Ako si Margarette o mas kilala sa nickname na 'Gary', eighteen years old at namamaalam sa inyo dahil isa akong matatakutin na nilalang.
Napatingin ako sa loob ng malaking bahay ng may marinig akong kalabog. Hindi naman masyadong madilim dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan at sakto na nasa malawak na pintuan ako na may vision panel sa magkabilang gilid kaya naaaninag ko pa rin ang mga bagay-bagay.
Narinig ko ang mga yabag na papunta sa akin at isang manilaw-nilaw na liwanag. Napatutop ako ng bibig habang sinisiksik ang sarili ko sa pintuan. Ang aga ko namang mamatay! Gusto ko pang maging twenty at mag-binata tapos grumaduate at magkaroon ng pamilya!
Please! Spare me!
Pero huli na ang lahat dahil nakikita ko na ang liwanag na sumusundo sa akin at dumagdag pa ang repleksyon ko sa salamin.
"Margarette."
Nang marinig ko ang pangalan ko mabilis na bumalot sa akin ang takot. Humugot ako ng lakas at sumigaw habang papasugod sa liwanag, naramdaman ko pa ang pagkatumba nito pero wala na akong pakialam. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa hagdan at mabilis na kinulong ang sarili ko sa kwarto at nagtalukbong agad ng kumot.
Sana naman hindi na niya ako habulin pa pagod na ako dahil sa takot at nanlalambot na ang tuhod ko, idagdag pa ang walang katapusang pagtambol ng puso ko na sa tingin ko ay anumang oras ay sasabog na ito.
"Nnggggghhh..."
Napa-diin ang hawak ko sa kumot, bakit hanggang dito ay napuntahan ako ng matanda?
"Nnggggrrhhhh.."
Mas lalo sana akong sisiksik sa kama pero napagtanto ko na ang tunog na iyon ay parang naguunat lang at bagong gising palang.
Teka? Bagong gising? E wala pa namang umaga!
Inalis ko ang kumot at bumungad sa akin ang isang hubad na lalaki na nasa tabi ko at syempre, ano pa nga ba ang magiging reaksyon ko kung sa kaligitnaan ng takot ko ay makakita ako ng gwapong lalaki na nasa kama ko kung hindi sumigaw?

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    Wilson Delacruz

    I want high money for mobile legends

    09/05/2025

      0
  • avatar
    GajeRichard

    Nice story

    08/08/2024

      0
  • avatar
    Prince Osia Batario

    nice story

    18/07/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất