CHAPTER 1 – "Gary naman eh! Bakit ganyan?" frustrated na tanong sa akin ni Ricafer. Sinubuan ko siya ng french fries bago sinagot, "Ricafer, wala na tayong magagawa, nangyari na ang dapat na mangyari sa simula pa lang." Pumalumbaba siya at sumimangot. Mukhang tutulo na rin ang luha niya dahil sa sinabi kong iyon kaya sinubuan ko ulit siya ng fries. "At ano? Paano ka na niyan mabubuhay gayong wala ka ng trabaho?” Inilagay ko ang kamay ko sa baba ko at napaisip. Tama siya wala na nga akong pagkukunan ng pang-araw-araw ko ngayon at mahihirapan na akong mabuhay. ‘’Sa ngayon, kailangan kong maghanap ng matitirhan," wala sa sariling sagot ko habang nakatingin sa lamesa namin na puno ng french fries at milktea. Kasi kung hindi ako makakahanap ng matitirhan, baka pulutin nalang ako sa kalye, mahirap magsimula ng walang bahay na matutuluyan. Wala pa rin akong nahahanap na bagong trabaho at kung iisipin, kailangan ko na rin na magbayad ng tuition. Nawala kasi ang scholarship ko dahil nawala rin ako sa President's list na parang bula. Tinignan ko ang babae sa harap ko, si Ricafer Gomez, ang bestfriend ko mula elementary, ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay ayaw namin bitawan ang isa't-isa kaya heto kami ngayon, nag-aaral sa M-University pero hindi kami magkapareho ng course at malayo sa CBA Building ang Educ Building kaya malimit ko na siyang makikita na siya namang ikinapuputok ng butsi niya. I was born in Australia but my nationality is Filipino, anim na taon ako nang pumunta ako rito at bago ako mag-pitong taon inayos na ng mga magulang ko ang lahat ng mga dokumento ko para maging filipino citizen. I have flawless white skin, a set of big eyes and shiny ebony hair, I also have red flimsy lips which really resembles my dad. Mom said I looked more like dad. Kaya siguro binigay niya ako sa puder ng dad ko. I hated her because of that. It’s the same with my father; it just doesn’t feel right to be around him. So I ran away from dad. Tutal nag-eighteen naman na ako, it's okay to live independently, kasama ko naman si Ricafer na handa akong damayan sa paghahanap ko ng bagong matitirahan. "You know the real score between me and my parents, kaya pabayaan mo na ako. I'll make sure that I could survive this as soon as possible, atsaka andyan ka naman para damayan ako diba?" Dagdag ko at sinubuan siya ng burger at pinainom narin ng milktea niya para mas mapadali ko siyang mapapayag at pampalubag-loob na rin sakanya dahil mukhang siya pa ang stress kung para sa akin na nawalan ng trabaho at bahay. Her cheeks were instantly bloated with food, she pushed it on one side and formed a cheek pocket before she growled. "Whahh thh hhech? Iikaa nga-uggh MARGARETTE!" And too late, sa lahat ng sinabi niya ang pagbanggit niya lang ng pangalan ko ang malinaw na narinig ko. "Too late Ricafer, tumayo ka na 'ryan at bumalik na tayo sa M-University." I stood up and held her hand, forcing her to walked through the exit. "Madaya ka talaga." "Am not," I snorted and heard her sighed dramatically before I continued, "just practical." - Nang makarating sa grounds ng university, maglalakad na sana kami papunta sa registrar office ng biglang napasigaw si Ricafer at tinuro ang nasa likod ko. "Omg!" But it was really too late; bago pa ako makatingin sa tinuturo niya something crashed against my whole body that caused me to fell on the ground. Suddenly, everything hurts. Every muscles in my body were hurting that I cannot endure the pain I could only close my eyes. "GARY! Margarette! Doc, iligtas niyo si Gary!" My only friend shouting on the top of her lungs snapped me out of reverie. I slowly opened my eyes and noticed Ricafer weeping in tears beside me. "Ugh... What the hell are you doing?" Umupo ako at tinignan ang mukha niya ng mabuti. "GARY!!! Waahh akala ko may dadalawin nanaman ako sa sementeryo!" Nakakabinging sigaw niya at agad niya akong niyakap. My forehead nuzzled and I automatically put my hand over my head. "Baliw na Ricafer, hindi ko pa oras, ano ba?!" pasigaw kong sabi at tinignan siya ng masama. I still have time to live, I am not that weak compared to what Ricafer might picture in her mind. Humalukipkip ako at pinagpatuloy ang sinabi, "sabihin mo nalang kaya sa akin kung ano ang nangyari?" Mukha namang natauhan ang kaibigan ko at umayos ng upo, tumikhim muna siya bago magsimulang magkwento, in details. "Omg! Gary! Rage naman kasi hindi tumitingin sa dinadaanan 'yan tuloy." Agad na umalis si Rage sa sinasakyan niyang bisikleta at pinuntahan si Gary. "Mukhang nahimatay siya," nababahala ang boses na sabi niya at agad na linagay ang isang kamay sa likod ni Gary at ang isa naman ay sa bandang tuhod. "Teka! Ako si Ricafer Gomez ako ang bestfriend ng babaeng yan! Bakit mo siya binuhat?!" Ngumiti si Rage at muling tinignan ang nahimatay na si Gary. "Alam ko, pero hayaan mong buhatin ko siya papunta sa infirmary, tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nawalan ng malay." "At! At! Kyaaahh!" Nagtatalon si Ricafer sa tuwa habang inaalog ako. "Hihilingin mo talaga na humaba ang lalakarin papunta sa clinic. Ang dami kayang nakakita sayo na buhat-buhat ka ni Rage, biruin mo ang prince charming ng University also known as Rage Frias bigla nalang susulpot at bubuhatin ka? It's really a dream come true," she said dreamingly, her eyes gleamed and I could imagined she thought she was another Disney character in movies before getting back to her seat. I rolled my eyes at her at tumingin sa kabiling direksyon. "For you," I said in a sour voice. Tumingin ulit ako sakanya at sinabing, "Alam mo naman na hindi ko pinapansin si Rage masyado dahil focus ako sa ibang bagay." I lived my life the way I wanted it, and I really wanted to focus on my studies and earning decent money now, nothing else. "Eh? Alam ko, pero aware ka sa existence niya at sa title na hinahawakan niya," she looked at me and wiggled her brows like they’re a caterpillar before she continued, "pero for all I know, may HD ka rin sakanya like the other students here." "Like you in short, pero kahit pa naman magustahan ako ni Rage, no doubt hindi rin ako ang makakatuluyan niya," sabi ko and the next thing I knew, Ricafer giggled and bumped my shoulders while pinching my side and insisting that I like Rage. "Ayiiiee! Edi inamin mo na may gusto ka rin sakanya." I looked down and smile a little. Rage Frias, the University Prince Charming, same age as mine, and my pseudo hero. Umalis ako sa kama at sinuot muli ang sapatos ko. “Tara na nga! Baka masaraduhan pa tayo sa admin office!” - Pagkatapos naming makapag-enrol sabay kaming naglakad pauwi ni Ricafer, malapit na sana kami sa kanyang bahay ng bigla siyang tumigil at tumingin sa akin na may bahid ng pagtataka. "Gary, paano ka pala uuwi? Wala ka pang nahahanap na bahay diba." I gave my friend a wide grin. "Hindi naman iyon problema, make me stay in your house and pretend that it's just a sleepover." Tumingin siya sa akin ng nakataas ang kilay at hinawakan nanaman ang balikat ko tsaka inalog-alog. "Nek nek mo! Oi bes, nakakarami ka na ah, mahiya ka naman sa mga kuya ko, buti sana kung may pampa-suhol ka man lang sakanila, pero wala e!" Bumagsak ang dalawang balikat ko. "Eh?!! Alam mo naman na shortage ako ngayon. Sakto na lang ang naipon ko para pang-tuition." She crossed her arms and snorted. "Alam mo feeling ko ginagamit mo lang ako. User friendly ka!" Tinignan ko siya ng nakaawang ang bibig, she seemed really serious when she said that. Naku! Nagpapalambing nanaman ang kaibigan ko. Lumapit ako sakanya at siya naman ang inalog ko sa magkabilang balikat. "Ricafer naman e! Hindi ko yun gagawin sayo, desperate lang talaga ako at short ako sa pera ngayon, ikaw lang naman ang bestfriend ko since highschool at ikaw lang forever, loyal ako sayo 'no." She squinted her eyes on me as if assessing if I’m just bluffing or not; I smiled to assure her that I really meant what I said. Tinapik niya ako sa magkabilang pisngi. "Heh! Pinagsasabi mo 'ryan?! Ang layo sa topic natin," biglang sumeryoso ang mukha niya at puno ng pag-aalalang tinuloy ang sinasabi niya, "pero Gary, seryoso ako kanina, hindi ka talaga pwedeng tumuloy sa bahay ngayon, umuwi kasi yung isa ko pang kuya galing Pampanga kasama ang pamilya niya." I twitched my lips to the side but I still looked at her with a happy face. "I understand Rics. I will just sleep on one of the benches in the park and wake up with full of energy ready to face this semester! Paano see you tomorrow besshywaps!" Tinalikuran ko siya matapos kong sabihin iyon, hindi na ako nag-abalang tumingin pa ulit kay Ricafer. I don't want my bestfriend to see me wetting my cheeks with the tears that don't like to stop from falling. I guess life really took me down on this day. Ito na siguro ang tyansa para sumuko na ako. Ricafer’s the last option in a box that has only a few categories, pero pati iyon ay hindi gumana. Ang tigas kaya ng mga benches sa park, malamok pa at mainit, baka rin mapagtripan ako ng mga multo 'don. I stopped on my track making sure that I'm meters away from Ricafer before I texted her my sweetest goodnight with a kiss marked. Pero bago pa ako makapagsimula ulit ng lakad may biglang tumawag sa buong pangalan ko. "Margarette Robles." Agad kong hinanap ang pinangalingan ng boses at nakita ang isang matandang babae na may hawak na flashlight ang tumawag sa akin. Agad na kumunot ang noo ko, paano niya nalaman ang pangalan ko? I pointed myself and mouthed if it was really me whom she's talking to. Tinawag niya ang pangalan ko, kaya baka nga ako. Ako lang naman ang tao ngayon at siya rito sa park. I slowly walked toward her, weighing the facts and choices in my mind if I should really go or just ran away. In the end, I chose the primer. Mas matimbang ang naunang choice sa akin. Siguro dahil na rin sa pagiging desperate ko na h’wag matulog sa bench ng park? "Ano po ang kailangan nila?" I tried changing my voice in a polite tone and slightly bow my head as a sign of respect. Sa paglapit ko sakanya, nakita ko ng kabuuan ang pigura ng matanda; she’s a lot older than I expected, her hair were all grey and white and she was holding a flashlight and a cane. "Hindi ba kailangan mo ng matutuluyan?" maikli at straight-to-the-point na tanong niya na nakapag-pinting ng dalawang tenga ko. "Uhm? Sort of? Pano niyo po nalaman?" Kunot-noong tanong ko. The grandma in front of me curved her lips to formed a smile. She looked older than fifty though. I wonder if her age was in the middle of sixty based on her old hair tied in a low bun. "Hindi ka na mag-aalala iha, I can offer you a house, kalahati lang ng renta ang babayaran mo libre tubig, kuryente at wifi, may tagapagluto karin kapag weekdays," malumanay at nakangiting sabi niya. And right before the passing of light I saw my eyes gleamed together with the street light. "Sigurado po kayo?" I asked in a sweet voice, baka joke time lang 'to at nasa gitna na ako ng pagsama sakanya biglang pagtatawanan ako ng buong camera crew at ipapakita ang camera. Granny chuckled and lifted her wooden cane from the ground. "Bakit naman ako magbibiro? Masyado na akong matanda para sa ganyan, narinig kasi kitang naghahanap ng matutuluyan kaya naman sinabi ko sa iyo ang bahay, kailangan kasi ng kasamang tumira ng apo ko roon. Ano payag ka ba?" The voices inside my head said hesitate but my heart already replied with hearts fluttering around. "Yes, I would love that!" Who am I to resist free wifi anyway? Hello? I'm also part of the millennial era and I guess this was the answer for my problem.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
I want high money for mobile legends
09/05/2025
0Nice story
08/08/2024
0nice story
18/07/2024
0Xem tất cả