logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

Naka-upo ako sa may harapan ng bahay, at hinihintay ang aking lola na mag-bihis, araw ngayon ng linggo kaya't magsi-simba kami, sabi ni Inang ay sa simbahan nalang namin kikitain si Nanay, kaninang ala-singko kasi ng umaga ay nakatanggap ito ng tawag mula sa amo nito, hindi ko naman na naitanong kung bakit.
"Elo apo, ayon na pala ang Nanay Nelya mo." itinuro nito ang gawing pintuan ng simbahan, at duon ay nama-tayo si Nanay, ngunit bakit kasama nito si Maricel.
"Magandang umaga po." nag-mano ito kay Inang, ng makalapit kami.
"Pagpalain ka iha."
"Alam ko ang ganiyang tingin Elo."
"Bakit po kasama mo si Maricel? hindi po ba ay day-off mo tuwing linggo?"
"Walang maiiwan na maga-alaga sa kaniya, umalis ang Mommy niya. May mas malapit naman na simbahan sa bahay nila at doon talaga sila nagsi-simba, pero tinawagan ako kanina at ipinagbilin sa akin itong si Maricel kaya't dito nalang muna siya sa atin sasama." napa-tango naman ako, nilingon ko ang batang babae, sa loob na ito ng simbahan naka-tingin.
Naka-puting bistida ito, maayos at malinis na naka-ayos ang buhok, simple lamang din ang sandals na suot nito.
"Oh halika na kayo at magu-umpisa na." paga-aya ni Inang sa loob ng simbahan.
"Ang tao likas na mapang-husga iyan. Maka-kita lang ng isang bagay na mali o pangit para sa kanila, ayan at manghu-husga na." napatuwid ako ng pagkaka-upo, sa bandang kanan ay katabi ko si Inang, sa bandang kaliwa ay si Maricel, at katabi naman niya si Nanay.
"Pagkatapos kapag ginantihan naman, kapag tinamaan at na-inis, isu-sumpa ang kapwa tao. Maling-mali ang ganitong gawain mga kapatid. At pagkatapos ano ang mangyayari? magkaka-samaan ng loob? magtatanim ng galit? at mamumuhay ng mayroong hinanakit sa kapwa?"
"Nakasaad sa bibliya, Lukas kabanata anim, bersikulo tatlumpo't pito. At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain." napatingin ako kay Maricel at nakita kong makahulugan ang tingin nito sa akin.
"Bakit ganiyan ka makatingin? humingi na ako ng tawad sa iyo ah." napalingon sa akin si Nanay, napa-tahimik naman ako kaagad.
"Simple lang ang sagot mga kapatid, hindi mahirap ang sinasabi sa atin ng Panginoon. Kung ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mo gawin sa kapwa mo, madalas kasi kung ano ang ginawa sa atin, ay ganoon din ang gusto natin gawin pabalik, nagpa-pataasan tayo, naghihintayan."
"Father naman, sinaktan niya ako e, sasaktan ko din siya, iyong mas masakit. Father kapintas-pintas naman talaga siya, nagsasabi lamang ako ng totoo. Siya ang nagkamali kaya't siya ang humingi ng tawad!" saad ng Pari.
"Ganiyan po tayo madalas mga kapatid," nakita ko ang ilan na nagsi-yukuan.
"Ang solusyon diyan, matuto tayong tumanggap ng ating pagkaka-mali, matuto tayong maging mapagkumbaba, at higit sa lahat matuto tayong magpa-tawad, dahil kung hindi natin iyan matutunan, hindi tayo makakalaya, makukulong tayo sa kadiliman, ina-alis natin ang presenya ng Panginoon sa ating buhay."
Naka-upo kami sa may upuan sa may gilid sa labas ng simbahan, sandaling nagpa-iwan si Nanay at Inang sa loob para magtulos pa ng kandila. Nilingon ko si Miracle na tahimik lamang, hinahangin ang mga kulot na maliliit na buhok nito sa harapan ng kaniyang mukha. Kinalabit ko ito dahilan ulang mapalingon siya sa akin.
"Hindi mo pa ba ko napapa-tawad sa mga nasabi ko ng biyernes?"
"Napa-tawad na, ang sabi ko nga sa iyo ayos na hindi ba?" mahinahon na pag-sagot nito sa akin.
"Bakit ganoon ka sa akin makatingin kanina ng nagse-sermon iyong Pari?" napatitig ito sa akin, maya-maya ay tumawa, bahagya pa akong hinampas sa aking braso.
"Nais ko lang, bakit iyan agad ang inisip mo?" hindi ako naka-sagot dito.
"You're guilty." tumawa itong muli, napa-kamot naman ako sa aking sintido.
"Anong guilty? tigilan mo na ang madalas na pag-gamit ng Ingles, mahalin mo ang wikang Filipino." ngumisi ako dito.
"Ang guilt, ay mararamdaman mo kapag naka-gawa ka ng kasalanan." ng matapos niyang sabihin iyon ay iniba ko na ang usapan.
"Kung wala ang Mommy mo dahil may pupuntahan kaya't wala kang maka-kasama sa bahay niyo, nasaan ang Daddy mo, nasa trabaho?"
"Hindi ko alam." nilaro nito ang maliit na bag na kaniyang dala-dala.
"Paanong hindi mo alam? Daddy mo kaya iyon. Baka totoo iyong sinasabi ng mga kaaway mo." natuptop ko ang aking labi ng masabi ko ang mga salitang ito sa kaniya, bumahid sa kaniyang mukha ang takot, lungkot at sakit. Sa isang katulad niya ay kay daling basahin ng kaniyang nadarama.
"P-Pasensya na." hindi ako nito kinibo, na-gui-guilty na naman tuloy ako.
"Ang alam ko ay mahal ako ng Daddy," lumingon ito sa akin.
"Mahal niya kami." itinuon nito ang tingin sa malayo matapos iyon alisin sa akin, tumahimik na ako.
Matagal na katahimikan ang dumaan, hindi pa rin naman kasi lumalabas sina Nanay at Inang mula sa loob ng simbahan. Pinili ko na lamang libangin ang aking sarili sa pagmamasid sa paligid.
"Mang Kanor." napatayo ako kaagad, marahil ay bakas ang aking pagka-galak kung gaano kalapad ang ngiti sa aking labi.
"Mang Kanor?" nagtatanong na lingon sa akin ni Maricel, tumango naman ako dito.
"Halika." ngumiti ako dito, kinuha ang kaliwang palad nito tsaka ito pina-tayo.
"T-Teka Elo, saan tayo pupunta? baka hanapin tayo nina Nanay at ng iyong lola." hinila ko na ito, at magka-hawak ang aming kamay na tumakbo papunta sa sorbeterong si Mang Kanor.
"Oh ikaw pala Elo, isang tsokolateng sorbetes tama ba?"
"Tama po Mang Kanor, ngunit may kasama po ako ngayon." napatingin ito sa katabi ko na si Maricel.
"Hello po, ako po si Maricel." pag-bati nito.
"Ngayon lamang kita nakita iha. Elo, sino ba ang magandang batang ito na kasama mo? hindi mo naman siguro kapatid dahil mukhang magka-edad lamang kayo."
"Siya po ang ina-alagaan ni Nanay."
"Ah, siya pala ang alaga ng Nanay Nelya mo, o siya, ano ang sa kaniya?" napalingon ako kay Maricel ng bahagya ako nitong sikuhin.
"Elo, wala akong pera."
"Huwag ka nga Maricel, kay yaman niyo kaya." sabi ko dito ng may tonong hindi talaga ako naniniwala sa kaniyang sinabi, kahit na ililibre ko naman talaga siya.
"Kahit na, hindi ako pinapayagan ni Mommy na humawak ng pera, maliban kung kailangang-kailangan, halimbawa ay sa baon ko sa eskwelahan, tsaka lalo na kapag ang kasama ko ay si Nanay." kapwa kami napatingin kay Mang Kanor ng tumawa ito.
"Paano ba iyan Elo?"
"Ililibre ko po talaga siya Mang Kanor." nilingon ko si Maricel.
"Ililibre mo ako?" tanong nito, tumango naman ako, akala ko naman ay katulad ito ng ibang tatanggi pa, ngunit natuwa ako sa sumunod niyang sinabi.
"Ang gusto ko ay katulad din ng sayo, favorite flavor ko sa ice cream iyong chocolate."
Pagkatapos bumuli ay bumalik kami kung saan kami naka-upo kanina.
"Ang sarap pala ng ice cream ni Mang Kanor, sana ay nagagawi din siya sa school namin."
"Kung hindi sana madaling malusaw ang sorbetes ay bibilhan kita tuwing uwian at ibibigay ko sa iyo, tutal pinupuntahan ko naman si Nanay sa eskwelahan niyo." bahagya itong natuwa.
"Ang kaso madali nga malusaw hindi ba, hindi rin naman pababor sa atin kung nanaisin natin na sana matigas nalang ang ice cream." kapwa kami natawa, napatitig ako dito at nakita ang bahid ng tsokolate sa gilid ng kaniyang labi.
"May bahid ka ng tsokolate sa gilid ng iyong labi." sabi ko dito.
"Ay, ganoon ba?" pinunasan niya iyon.
"Oo nga, buti nalang at sinabi mo."
"Syempre, tiyak naman na ako din ang mala-lagot kung hindi ko sasabihin sa iyo, tapos makita ni Nanay iyan."
"Bakit kaya natagalan sila si loob?" nagkibit balikat ako, tiwala naman ako na hindi kami iiwan nina Nanay dito.
"Maricel?"
"Hm?" nilingon ako nito, habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang kamay, kapwa kaka-ubos lamang namin ng sorbetes.
"Alam kong hindi naging maganda ang impresyon ko sa iyo ng una natin na pagkikita, ngunit nais kong maging kaibigan ka, maaari ba?" gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito, pangyayari na sadyang tatatak sa isipan ng kahit sinong makaka-kita nito.
"Oo naman, marami akong kaibigan ngunit puro babae, ngayon ay nakaka-galak na magkakaroon ako ng isang kaibigan na lalaki, at anak pa ito ng aking Nanay."
Alam ko ang pakiramdam ng kasayahan, ngunit ng araw na pumayag siya na maging magkaibigan kami, ay kakaibang saya ang aking naramdaman. Marahil ganoon talaga kapag, umayon sa nais mo ang kasagutan ng isang tao, ng kapalaran.
Ngunit hindi nga pala sa lahat ng oras ay papabor ito sa iyo.
"Pasensya na mga bata at natagalan kami, may nakita kasi ang Inang na kakilala niya." napalingon kami sa aming likod at duon ay nakita naman si Nanay at ang aking lola. Tumayo na kami ni Maricel.
"Si Inang talaga, mabida."
"Hay nako Elo, nais mo ba na kurutin kita sa iyong singit?" kaagad akong napa-iling.
"Parehas talaga ni Nanay na mapanakit." bulong ko kay Maricel.
"Paraan lamang nila iyon ng pagdi-displina." bulong naman nito sa akin pabalik.
"Tila biglang naging malapit kayo sa isa't-isa?" pabalik-balik ang tingin nito sa akin at kay Maricel.
"Ihang maganda, sabihin mo kung ano ang ipina-kain sa iyo nitong apo ko?"
"Inang naman." napa-simangot ako, tinawanan ako ni Maricel.
"Meron nga po, ini-libre niya ako ng ice cream, masarap po iyon lalo na at parehas din kami ng paboritong flavor."
"O hindi ba Inang, sadyang madali lang maging malapit sa akin ang isang tao dahil sa aking kabaitan."
"Ikaw talaga Elo."
"Magkaibigan na nga po pala kami Nanay."
"Mabuti kung ganoon."
"Nanay, tutal wala naman po ako kasama sa bahay, pwede po ba na sumama muna ako sa inyo?" napangiti ako sa ideyang iyon ni Maricel.
"Oo nga po Nanay, Inang."
"Pasensya ka na Maricel, pero nag-text nga pala sa akin ang Mommy mo, susunduin ka daw ngayon dito ng isa pang driver niyo, kailangan mo ng umuwi." nadismaya naman ako sa sinabing iyon ni Nanay.
"Pero wala din naman akong kasama duon Nanay."
"Naroon ang Daddy mo, tsaka siya ang pinuntahan mg Mommy mo, kaya't kakain daw kayo sa labas." gumuhit ang saya sa mukha nito, kakaiba iyon, duon ko napagtanto na iisa lamang ang uri ng kasayahan, ngunit tila nagkakaroon ng pagkaka-iba, dahil sa iba't-ibang dahilan.
Nagpa-pahinga sa kaniyang silid si Inang, at tinutulungan ko naman si Nanay na magtanggal ng mga sira at tuyong dahon na nasa mga halaman namin dito sa likod ng bahay ni Inang.
"Nanay ikaw na lang po duon sa kabilang paso ng halaman, mayroon po kasing malaking palaka."
"Hindi ka naman kakainin ng palaka Elo, dapat ay matuto kang harapin ang kinakatakutan mo, darating iyong araw na may pangyayari sa buhay mo na kailangan mong harapin, kahit sa tingin mo ay hindi mo kaya, kahit para sa iyo sobra iyong nakaka-takot."
"Hindi naman siguro Nanay, pwede naman po sigurong umiwas o kaya ay takbuhan iyon, katulad na lamang ng ginagawa ko ngayon."
"Nako Elo ah, may pagka-pilosopo ka na." hindi na ako kumibo sa kadahilanan na takot akong pingutin nito ang aking pera.
Sandaling katahimikan ang dumaan, ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa ngunit malayo ako sa halaman na may palaka, hanggang sa maisipan ko na mag-tanong.
"Nanay, totoo po ba na may kabit iyong ama ni Maricel." napatingin sa akin si Nanay.
"Bakit mo itina-tanong iyan Elo?"
"Nais ko lamang po malaman."
"Huwag mo ng alamin, masamang nanghihimasok sa ibang pamilya. Ituon mo ang iyong isip sa sarili mong buhay." mahinahon naman na pagkakasabi nito, napa-isip tuloy ako, naghinala.
"Nanay, madali lang naman po ang aking katanungan, ngunit bakit ayaw mong sagutin, bakit po hindi mo masagot?" nagtatakang tanong ko dito, tuluyan naman na ako nitong hinarap.
"Emmanuelo anak, may mga tanong, mga pangyayari na meron naman na talagang kasagutan at rason, ngunit palaging may tamang oras o panahon para sabihin iyon."
Ito ang mga salitang sinabi sa akin ng aking ina, ngunit hindi niya nasabing, minsan bago ko malaman ang kasagutan at rason sa isang bagay ay kailangan ko munang masaktan mg lubusan.

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    12d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    15d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất