logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Mahina akong nakikipag-bidahan kay Antonio, matalik kong kaibigan at kapit-bahay din sa bahay dito ng aking lola. Kanina bago dumating ang aming gurong matalinhaga ay inaya ko na itong umupo sa bandang likod upang hindi kami masiyadong mapansin. Mahirap na, kung nasa harapan ako, paano na lamang kung makatulog akong muli sa klase niya?, tiyak na mababato na naman ako ng pambura sa pisara.
"Ano ang iyong sinabi ng marinig mo sa iyon? nagpakita ka ba sa Tatay mo? o nanatili sa pinagtataguan mo?" sumandal ako sa upuan, habang patuloy na gumuguhit ng kung ano-ano sa likod ng aking kwaderno. Naga-aral naman akong mabuti, sadyang nakaka-antok lamang talaga ang klase na ito.
"Tumakbo ako paalis doon, sadyang sumama ang aking loob, naiinis ako sa kaniya."
"Mabuti na rin iyong ginawa mo Elo, kung nagpakita ka sa Tatay mo panigurado na pagi-initan ka lang naman nito." napa-asik ako ng mahina, pinunit ko ang napag-guhitan kong pahina, na gumawa ng ingay.
"Ignacio, Garcia! nakikinig ba kayo sa akin?" nagsilingunan ang aming mga kaklase sa amin ni Antonio.
"Nako, patay tayo." bulong nito sa akin.
"Ano ba ang pinagbibidahan niyo diyan? bago nais niyo naman ibahagi sa amin? Siguraduhin niyo lang na may koneksyon sa pinaga-aralan natin iyan." napakamot ako sa aking sintido.
"Pinagu-usapan lamang namin ang aking ama, guro." ang akala ko ay magagalit ito, at may bigla na naman lilipad na chalk, patungo sa amin.
"Mabuti naman at kahit papaano ay may koneksyon iyan sa tinatalakay natin ngayon." nagkatinginan kami ni Antonio, hindi na ako muli nakapag-bida pa, ngunit ano nga ba kasi ang tinatalakay namin ngayon sa klase?.
"Kaya't mahalin niyo ang inyong mga magulang, huwag kayong magtatanim ng hinanakit ngunit halimbawa ay napangaralan kayo, tandaan niyo na sila ang nakaka-alam ng makakabuti sa inyong mga anak nila." napa-isip ako sa sinabi ng aming guro, nagtaas ako ng aking kamay.
"Ano iyon Ignacio?"
"Alam din po ba nila iyong makaka-sakit sa amin?" tanong ko dito, bahagya naman akong dinunggol ni Antonio.
"Oo naman, kaya nga kung minsan ay nagagalit iyong mga magulang natin sa atin kapag sumusuway tayo sa mga ipinagbabawal nila, dahil ang gusto lang nila ay ilayo tayo sa mga bagay na makaka-sakit lang sa atin." pag-sagot ng aming guro.
Maaga kaming pinauwi ngayong hapon dahil mayroong pagpu-pulong ang mga guro, dali-dali naman na akong lumabas ng classroom namin.
"Elo, hindi ka na naman sasabay sa akin, tama ba ako?" tumango ako dito.
"O siya, magi-ingat ka na lamang."
"Ikaw din kaibigan."
Nagagalak kong tinahak ang daan papunta sa Maria Clara Elementary School, gugulatin ko si ina. Ngunit tila inilipad ang aking kasayahan ng hangin ng matandaan ko ang tinalakay namin sa klase kanina.
Paano kung hindi naman pangaral? bata pa lamang ako, hindi ba't dapat ay hindi pa ganitong klase ang aking nararamdaman?
Kahit ano daw ang mangyari ay huwag magtatanim sa magulang ng hinanakit, dahil sa huli ay laman at dugo ko pa din ito, nasabi na din sa akin ito ni Inang, ngunit paano kung nakikita kong nahihirapan at sinasaktan ni Tatay si Nanay, na hindi niya ginagampanan ang pagiging haligi niya ng tahanan, hindi pa ba sapat na rason iyon para magkaroon ako ng hinanakit dito?
Iniinom ko ang binili kong palamig, nauhaw kasi ako, mga magka-kalahating oras na din simula ng narito ako, nagu-umpisa na din mag-uwian ang mga estudyante, tiyak na malapit na din si Nanay, dahil susunduin niya ang alaga niya dito.
"No, my father is not a cheater!" halos masamid ako sa nakita ko, paglingon kong muli sa banda malapit sa gate ng eskwelahan.
"Really? kalat na kalat na kaya, anak ng cheater, anak ng cheater!" sandali kong itinaas ang aking ulo, tila mag-durugo ang aking ilong.
"Hindi nga sabi." itinulak ng nagi-isang babae iyong dalawang babae na magkasama, ngunit hindi naman ito natinag.
"Lumalaban ka na, e sinasabi lang naman namin ang totoo."
"Iyan ang hirap sa inyo, ang hilig niyo maki-alam sa buhay ng may buhay."
"Kayong mga bata kayo, magsi-tigil nga kayo." pagba-bawal naman nitong tindera, sinisipat ko naman ang guard house, ngunit mukhang wala tao duon.
"Ah, pakialamera pala!" naudlot ang pag-inom ko sa palamig ng itulak ng dalawa iyong isang babae, dahilan upang matumba ito at gumuhit sa mukha ang sakit ng bahagya nitong maitukod ang kaniyang siko.
"Aba hoy, kay ba-bata niyo pa, tumigil na kayo." sigaw muli ng tindera, ambang pupuntahan na iyong mga naga-away, ang ilang mga estudyante ay nakiki-isyoso na din. Itinapon ko na ang plastik ng palamig na iniinom ko sa basurahan na nasa gilid ng tindahan.
"Ako na po ang bahala." isinukbit ko na ng maayos ang bag ko sa aking balikat at tinungo ang mga naga-away.
"Mga binibini, tila may sabong na nagaganap dito." napatingin ang mga ito sa akin, narinig ko naman ang ilang tawanan sa paligid.
"Who are you?" sabi ng isa, nilingon ko ang mataas na tarangkahan ng eskwelahan. Buti nalang din pala at hindi ako nag-aral sa pribadong paaralan na ito, nailigtas ko ang pagka-ubos ng aking dugo.
"He's cute, but I think he's not studying here." saad naman ng isa, habang nakatitig sa akin.
"Ako?, Ako nga pala—" natigil ako sa pagsasalita ng may ituro ang isang babae sa kaniyang kasamahan.
"Andiyan na iyong Yaya niya!" nanliit ang mga mata ko dito, sinundan ang itinuturo at nagulat ako ng makitang si Nanay iyon.
"Hoy mga bata kayo, ano na naman ang ginawa niyo?" dali-daling sumakay sa isang kotse ang dalawang babae na tumalak sa isang babae, at unti-unti na din nagsi-alisan ang mga ibang estudyante na nanonood kanina. Napalingon si Nanay sa akin, bahagyang nagulat.
"Elo, kanina ka pa ba dito?" hindi ako kaagad naka-sagot, bumaling ang tingin niya duon sa babae kanina na natumba at ngayon ay mahinang umiiyak, hawak-hawak ang gasgas sa kaniyang siko.
"Susmaryosep! may gasgas ang siko mo, tiyak na mapapagalitan tayo ng Mommy mo niyan" pinagmasdan ko ang mga ito, ibig sabihin...
"Elo ano? hindi mo pa ako sinasagot".
"Maaga po kami pina-uwi dahil may pagpu-pulong na magaganap ang mga guro, kaya't naisipan ko po na tumuloy dito." napahimas ako sa aking batok, bahagya ng pinagpa-pawisan, tila hindi kasi maganda ang awra ni Nanay ngayon.
"Maricel, halika at sumama ka muna sa bahay namin para malinis at magamot natin bago tayo tumuloy umuwi sa inyo."
Balingkinitan ang katawan, bahagyang singkit ang mga mata, matangos ang ilong na ngayon ay namumula dahil sa pagkaka-iyak, maganda ang kulay ng balat nito, halatang nagmula sa mayaman na pamilya, hindi nahihirapan.
"Ngunit p-paano po si Mang Leo?" ipinilig ko ng bahagya ang aking ulo, ang boses nito ay maihahalintulad ko sa mga pampatulog na musika, tila boses ng isang anghel, nasilayan ko din ang malalim na biloy sa kanang bahagi ng pisngi nito.
"Sadyang hindi ko talaga kasama iyong driver mo, dahil nasiraan ang kotse, kaya't talagang ma-mamasahe tayo ngayon."
"Elo, nakita mo ba ang nangyari?" bumaling muli sa akin si Nanay, dahan-dahan naman akong tumango.
"Ano?" tanong nito, tiningnan ko iyong Maricel, nagbaba ito ng tingin.
"Nakipag-away po siya."
"Hindi ako nakipag-away Nanay." saad naman nito, nagulat naman ako sa kaniyang itinuran, Nanay pala ang tawag niya sa aking ina.
"Nakita kita kanina na nakikipag-sagutan sa kanila kanina, kaya't sa madaling salita ay nakikipag-away ka." lumapit ito kay Nanay.
"Nanay, hindi po iyon totoo. Alam niyo naman po na lagi akong ina-away nina Lily."
"Tsk, aminin mo na kasi na pala-away ka, dahil sa iyo ay nadadamay si Nanay." nakita kong nang-gilid ang luha sa mga mata nito, napalunok naman ako ng pinanliitan ako ng mga mata ni Nanay.
"Huwag ka na umiyak Maricel, pagpa-sensyahan mo na itong aking anak na si Emmanuelo, kung minsan ay kung ano-ano na lamang talaga ang lumalabas sa bibig niyan." napa-simangot ako, at kunot ang noo na inalis na lamang ang tingin sa kaniyang alaga.
"Elo, halika nga dito at kunin mo itong palangganang may laman na tubig at bimpo, tulungan mo ang magandang bata na iyang punasan ang kaniyang sugat, at ang Nanay Nelya mo ay bumili ng ipapahid na gamot sa tindahan." narito na kami sa bahay, tahimik lamang na naka-upo iyong si Maricel sa isang upuan, ni hindi nga ata ito gumagalaw simula ng umalis sandali si Nanay para bumili ng gamot.
"Inang, hindi pa po ako nakakapag-bihis." sabi ko naman, habang napapa-kamot sa aking sintido. Nilingon ko naman ito at sa pagkakataon na iyon ay nag-tama ang aming paningin. Maamo naman ang kaniyang mukha, ngunit tila naiinis ako dito, dahil sa kaniya ay nasasangkot si Nanay sa gulo. Pinagtaasan ko ito ng isa kong kilay, aligaga naman itong iniwas ang tingin.
"Elo, ano ba?" wala na akong nagawa, nagbabanta na ang boses ni Inang, kaya't kailangan ko na itong sundin.
"Ano ba ang problema mo? kanina pa kita tinatawag, kay bagal mong sumunod."
"Eh Inang, bakit kasi kailangang tulungan ko pa siya? kahit ilapag ko na lamang ito doon."
"Bakit tila may inis ka sa batang iyon? siya ang ina-alagaan ng Nanay mo, kaya't dapat nga na makipag-kaibigan ka sa kaniya."
"Siya ang dahilang kung bakit nasasangkot sa gulo si Nanay." kunot ang noo kong sagot.
"Elo, hindi ka pwedeng manisi na lamang o manghusga na lamang kaagad ng isang tao." napatingin ako dito.
"Hindi sa lahat ng oras, kung ano ang nakita mo ay iyon na dapat ang paniwalaan mo, na iyon na ang magiging basihan mo kung anong klase ba siyang tao."
"Hindi magiging sapat ang unang pagkikita, upang lubusan mong makilala ang isang tao, tandaan mo iyan apo. Ayokong maging mapang-husga ka kaya ko ito sinasabi sa iyo, ang salita ang pinaka-nakakasakit, hindi ang suntok, hindi ang gasgas, hindi ang kahit anong pisikal na pananakit."
"Paano po kung hindi ko kayang iwasan iyong panghuhusga?"
"Hindi maaaring hindi mo kayang iwasan, kailangan mong mag-ingat, kung hindi makaka-sakit ka lamang ng damdamin ng isang tao, at sa dulo ay ikaw din naman ang magsi-sisi."
Dahan-dahan akong lumapit dito, hindi pa rin naman ito gumagalaw sa kaniya kinau-upuan, hindi rin naman nagsa-salita, napatingin lamang ito sa akin ng maramdaman nito ang presensya ko sa kaniyang tabi.
"Hayaan mong ako na ang magpunas diyan sa sugat mo." naging malikot ang mga mata nito, hindi ko alam kung natatakot ba siya sa akin.
"Pasensya ka na sa mga nasabi ko kanina." nilingon na ako nitong muli.
"Aaminin ko na naging mapang-husga ako, nang nakaraan kasi ay ikaw din pala iyong dahilan kung bakit si Nanay kina-usap ng namumuno sa Guidance niyo, at kanina na naman ay napa-away ka."
"Ayos lang, sorry din." napangiti ako, piniga kong ang bimpo na may maligamgam na tubig, ng idampi ko iyon sa kaniyang sugat ay bahagya itong napdaing.
"Mas lalo ka masasaktan kung hinihila mo sa akin ang iyong braso." sumimangot ito, pinigilan ko naman ang matawa.
"Huwag ka mag-alala, hindi naman na ako naiinis sa iyo, kaya't hindi ko ito ididiin sa sugat mo."
"S-Sige."
"Bakit ka ba kasi nila ina-away?" nakita ko ang pag-guhit ng lungkot sa mukha nito.
"Lagi nilang sinasabi na may kabit daw si Daddy, I know its not true, my father love me so much, at hindi ko naman nakikitang naga-away sila ni Mommy." unti-unti akong napatango, ibinabad muli ang bimpo, tsaka pinigang muli para kumatas ang tubig dito.
"Kaya mas mabuti siguro kung hindi ka nakikipag-away."
"Alam mo kasi..."
"Emmanuelo, iyan ang aking pangalan, Elo na lamang."
"Alam mo kasi Elo, iba ang nakikipag-away, sa napapa-away." napahinto ako sa pagdampi ng bimpo sa kaniyang sugat"
"Hindi naman masama makipag-sagutan, kung tama naman ang iyong ipinaglalaban."
"Sa nangyari, napa-away lamang ako, at nagsabi lang ako ng katotohanan." napatitig ako dito.
Siyam na taon siya noon, at sampung taon ako ng una kaming magkakilala. Naging dahilan pa ako ng kaniyang pag-luha ng mga panahon na iyon, dahil sa aking maling akala.

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    12d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    14d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất