logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Dahan-dahan ang aking paglakad, habang papalapit ako sa pintuan ng bahay, mahirap na baka mabungaran ako ng utos ng aking lola, madalas kasi ay ganoon ang pangyayari, papupuntahin ako nito sa tindahan para bumili ng mga rekado para sa ulam na lulututin nito.
Mula sa bahagyang pagkaka-yuko ay napasilip ako sa pintuan ng marinig ang boses ng aking ama.
"Ano ka ba naman Carlito, ako pa talaga ang uutangan mo ng pera?, hindi naman na ako nagtra-trabaho, matanda na ako!" nakita ko ang marahas na pag-gulo ng aking ama sa kaniyang buhok, mula dito ay amoy ko ang simoy ng alak, lasing na naman ito.
"Ikaw naman Inang, bawal ang madamot, tiyak naman na binibigyan kayo ni Nelya ng pera dahil dito tumutuloy iyong Emmanuelo na iyon dahil mas mapapa-lapit siya sa eskwelahan na pinapasukan niya." halos hindi ko pa iyon maintindihan dahil paputol-putol ito sa pagsa-salita.
"Susmaryosep naman Carlito anak!, may pamilya ka, kung mag-trabaho ka kaya, hindi ka ba naaawa sa asawa at anak mo?" mas gumilid ako sa pinto ng bahagyang bumaling ang tingin ng aking ama sa labas ng pintuan.
"Inang, mayaman iyong pinagtra-trabahuhan ni Nelya, tsaka malaki naman daw mag-sweldo iyon, kaya't bakit pa ako magtra-trabaho?" narinig ko ang paghagikgik nito.
"Tsaka iyong si Emmanuelo, kahit hindi na iyon mag-aral, masasayang lang ang pera, wala din naman iyon mararating! dapat nga ay nagtra-trabaho nalang din iyon." nakita ko ang pagsampal ng aking lola dito, umatras akong muli, tulala na lamang sa mga bato na nasa aking harapan.
"Hindi ko alam kung bakit naging ganyan ka, ni maayos naman kitang pina-laki!" napahawak ako ng mahigpit sa aking bag, naramdaman ko ang luha sa aking pisngi, bumuntong hininga ako ng malalim at tumakbo paalis.
Bahagya ng madilim ang kalangitan at paligid, naka-upo ako sa isang malaking bato, narito ako sa tagong lumang abandonado na bahay, hindi naman masiyadong kalayuan sa bahay ni lola, ngunit iwas ang mga tao dito dahil maraming kwento-kwento na madami daw multo dito.
Hindi ako naniniwala duon, kapag namatay ang isang tao at naging multo, mananatili na sila sa langit at hindi makakapunta pa dito sa lupa. Pinunasan ko ang aking luha sa pisngi.
Maswerte pa din iyong mga tao na hindi bilib o tiwala ang ibang tao na may mararating sila sa buhay, dahil kung iku-kumpara iyon sa mga sinabi sa akin ng aking ama, ay hindi nito matutumbasan ang sakit na aking nadarama, iba pa rin talaga kapag iyong mismong kadugo mo ang nag-maliit sa iyo.
Nang tuluyan ng mag-dilim ang kalangitan, ay nag-pasya na akong umuwi, nadatnan ko ang aking lola na
nasa pintuan, tiyak na ako ang ina-abangan nito, nakahanda na ang aking tenga para sermunan nito, o tanungin kung bakit gabi ako naka-uwi ngunit wala akong narinig hanggang sa matapos ang aming hapunan, nagtataka ako ngunit mas mabuti na iyon.
"Inang, ako na po dito." pagtutukoy ko sa mga ililigpit na pinagkainan, napatingin ako dito ng hawakan nito ang aking kanan na kamay.
"Alam ko na narito ka na kanina, at narinig mo ang pagu-usap namin ng Tatay mo." hindi ako kumibo, ng tanggalin nito ang pagkaka-hawak sa aking kamay ay iniligpit ko na ang aming mga pinagkainan, ibinigay sa aso ang sobrang kanin, dahil tumawag na si ina kanina, at hindi daw ito makaka-uwi.
Pagkatapos ay pinunasan ko na ang lamesa, ang aking lola naman ay naka-upo at tila hinihintay akong matapos.
"Inang, hindi pa po ba kayo magpapahinga?" bahagya itong ngumiti sa akin, sumenyas ito na umupo din ako sa katapat na upuan.
"Nakita kitang tumakbo kanina, ako na ang humihingi ng tawad sa mga sinabi ng Tatay mo." bahagya akong ngumiti.
"Bakit ganoon si Tatay, Inang? Hindi niya ba kami mahal ni Nanay?" inilapit ng aking lola ang kaniyang upuan sa akin.
"Elo apo, gusto kong sabihin sa iyo na intindihin mo na lamang ang mga sitwasyon, ang mga pangyayari, ngunit masiyado ka pang bata." napatitig ako dito, tila narinig ko na naman ang mga salita ng aking ama sa aking isipan.
"Pero Inang, hindi man ito naiintindihan ng aking isipan, hindi ko man maunawaan mabuti ang nakikita ng aking mga mata, naiintindihan ko iyong sakit na aking nararamdaman," gumuhit ang lungkot sa mukha nito.
"Palaging nakatanim sa aking isipan na magbabago pa si Tatay, na titigil siya sa kaniyang mga bisyo, na makakapag-hanap ng magandang trabaho para sa aming pamilya, ngunit habang nakikita ko ang pagka-pagod ni Nanay, habang paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang kaniyang mga gawain at salita, natatanong ko ang sarili ko, magbabago pa nga ba ang Tatay?"
"Apo, darating ang araw na magigising ang Tatay mo sa kung ano ang tama at mali. Ngunit sa ngayon, gawin mong puhunan iyong hirap ng Nanay mo, iyong pangmamaliit sa iyo ng Tatay mo, para magtagumpay ka at makaahon sa hirap,"
"Tandaan mo, na ang mga bagay o salita na humihila sa iyo pababa, ang nagpapahina sa iyong loob ang mabisang daan para mas lalo kang magpursigi na iangat ang iyong sarili." napaiwas ako ng tingin.
"Ngunit paano po kung tama si Tatay, na wala akong mararating?, paano kung masayang lang ang lahat ng hirap ni Nanay?" bahagya itong natawa.
"Elo, hindi mo maaaring pangunahan ang panahon. Ang mahalaga ay ginagawa mo ang lahat para makasabay sa agos nito."
"Tsaka, tila nalilimutan mo na iyong palagi kong sinasabi sa iyo." napanguso ako.
"Hindi naman inang."
"Kung gano'n ay ano iyon?"
"Mayroon at mayroong naniniwala sa iyo, ito ay ang mismo mong sarili, at kung hindi man ay ang nasa itaas."
Pinuno ako ng mga pangaral nina Nanay at Inang, bata pa lamang ako. Maaga nila akong binalaan, na ang buhay ay hindi basta lamang magiging mabait sa akin, ito ay mapanakit, madalas hindi ito papabor sa aking kagustuhan, ganoon pa man ay kailangan ko daw matutong tumanggap, ito man ay makakasakit sa akin. Ngunit, sadyang hindi pala maiiwasan na, magkaroon ka ng hinanakit.

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    12d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    15d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất