logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Heaven Knows

Heaven Knows

cz_santos


Chapter 1

Dumating ka na ba sa punto na binato mo ng mga katanungan, at hinanakit ang Diyos? May mga sitwasyon ba o mga pangyayari sa buhay mo na tila walang katapusan at kasagutan, na tila sadyang kay hirap maintindihan?
Ano ba ang gumugulo sa iyong isipan? Ito ba ay mga katanungan? kagaya ng bakit may saya at lungkot? bakit may liwanag at dilim? bakit kailangang may pagdating at paglisan? bakit mayroong buhay at kamatayan?
What is the most painful question?
What is the hardest to accept and let go?
Alam mo ba kung ano ang pinaka-masakit na parte sa lahat ng uri ng pag-ibig?
Hayaan niyong subukan kong sagutin ang mga katanungang ito, sa tulong ng aming kwento.
Maybe its really hard to understand, its not easy to know why, its seems like its too impossible to find the reason. But maybe its only him who knows, maybe heaven knows...
Hampas ng alon ang aking naririnig, unti-unti ng umiingay ang dagat dahil nagu-umpisa ng sumingaw ang araw sa kalangitan. Kinuha ko ang mainit na kape na nakapatong sa maliit na lamesa sa aking gilid at ininom iyon dahan-dahan.
Napa-pikit ako sandali para namnamin na mabuti ang lasa nito, matamis ngunit malalasahan mo din ang pait, parang ang buhay pala ng isang tao.
Tinitisod ko ang mga maliliit na bato na aking nadadaanan, kakatapos lamang kami pauwiin ng aming guro, at ngayon ay papunta ako kay Nanay.
Naalala ko na naman ang aming guro sa Character Education, napaka-talinhaga talaga nito, kung minsan ay halos buhay na lamang niya ang ituro niya sa amin.
"Ang pag-ibig ay maaari ka buoin, ngunit maaari din durugin, ito ay sadyang nakaka-takot." pagu-ulit ko sa sinabi ng aming guro. Napatingin ako sa puso na nakasabit sa mga nada-daanan kong tindahan, malapit na kasi ang araw ng mga puso, ganoon pa man ay may kumawala ng mahinang tawa sa aking bibig.
"Kung ganoon ang pag-ibig pala ay isang uri ng pandikit, bato at isang..."
"Multo, ang pag-ibig ay isang multo?" napahimas ako sa aking batok at nakagat ang pang-ibaba kong labi ng mapatingin sa akin ang ibang kasabayan ko sa paglalakad.
"Isang kabaliwan, para sa akin ang pag-ibig, ay ang pagdagdag ng aking ina sa baon kong pera sa eskwela." unti-unti akong napangisi, habang bumubulong sa aking sarili.
Kapag marami kasing sobra sa baon ko na pera ay mayroon akong pantaya kapag naglalaro ng balik-bayan, o iyong laro kung saan gamit ang isang pares ng tsinelas ay kailangan mapatamaan ang isang kapares nito. Mayroon akong pambibili ng laruan na pogs at text, ngunit ang pinaka-gusto kong paglaanan ng sobra kong baon na pera ay ang paborito kong tsokolate na sorbetes ni Mang Kanor.
Hindi kalayuan ay natanaw ko na ang mataas na gate ng Maria Clara Elementary School, unang tingin mo pa lamang ay mapagtatanto mo ng isa itong pribado na paaralan. Mula sa kabilang banda ay nakita ko si Nanay, sandali naman akong napatitig sa nasalubong kong kotse, tuwing pumupunta ako dito ay nasasalubong ko iyon.
Isinukbit ko ng maayos ang aking bag sa aking balikat, pinagpag ko ang aking uniporme, mahirap na baka makatikim ako ng pingot kay Nanay kapag nakita niyang madungis ako, ang sakit pa naman. Kakaiba naman kasi kumapit minsan iyong alikabok o dumi, hindi marunong bumitiw, hahabulin at hahabulin ka, mas malala pa sa linta, madalas sobrang kapit.
"Nanay!" patakbo akong lumapit dito, ang aking kamay ay nasa ere, kumakaway dito, malapad ang ngiti sa aking labi.
"Elo, hindi ba at sabi ko sa iyo na dumiretso ka na sa bahay ng lola mo at huwag mo na akong dinadaanan dito?" napakamot ako sa aking sintido.
"Nanay, uutusan lamang ako ni lola sa bahay." napangiwi ito, pansin ko naman ang mga pawis sa noo nito.
"Nako Elo ah, huwag kang tamad. Magsasayang ka lang ng pagod mo, alam mo naman na madalas na hindi mo ako maabutan dito, at kung maabutan mo man ay hindi pa rin ako sa'yo makakasabay umuwi dahil may gagawin pa ako sa trabaho ko."
"Oo na nga po Nanay. Sadyang gusto ko lamang makita ang mala-bituin na ganda ng aking ina." ngumiti ito, napangisi naman ako.
"Nawa'y dagdagan niya nga ulit ang aking baon na pera bukas." agad nitong ini-angat ang kaniyang kamay, akmang pupuntiryahin na naman ang aking tenga.
"'Nay, naman..." napasimangot ako, narinig ko naman ang bahagyang pag-tawa nito, napagmasdan ko itong muli.
"Bakit tila pagod na pagod ka Nanay, tingnan niyo po ang pawis mo, malapit ng maging isang waterfalls."
"Hay nako, ikaw talaga. Inaway na naman kasi iyong alaga ko, ako naman naging taga-awat."
"Sus! Palaaway naman pala iyong alaga niyo Nanay, dapat ay pinabayaan niyo na."
"Hindi naman iyon palaaway anak, mabait na bata iyong si—"
"Kahit na Nanay, mamaya kapag sumugod dito iyong magulang ng mga kaaway no'n ay madamay ka pa, at mapasama." ginulo nito ang aking buhok, inialis ko naman iyon.
"Kakaiba talaga magmahal itong anak ko oh."
"Syempre naman Nanay, basta ba..." natawa ito, napailing-iling na lamang.
"Oo na, basta at mag-aral ka ng mabuti, huwag magbulakbol, makinig lagi sa guro. At iyong laging kong pinapa-alala sa iyo?"
"Huwag sasama sa mga uto!"
"Tama, hayaan mo at kapag nag-aral ka na mabuti matutupad mo iyong mga pangarap mo, mabibili mo iyong mga gusto mo."
"Oo naman Nanay, tsaka titigil ka na dapat sa pagtra-trabaho mo 'pag-nangyari na iyon." kapwa kami ngumiti sa isa't-isa.
"O s'ya, sige na at umuwi ka na. Magpalit ka kaagad ng damit para hindi ka matuyan ng pawis, kung may takdang-aralin ay gawin na, para kung may gagawin ay makatulong ka din sa lola mo."
"Ikaw Nanay?"
"Kakausapin ko pa iyong namumuno duon sa Guidance, tsaka didiretso na ako ng mansiyon, sa trabaho ko."
"Kailan kayo ulit uuwi?"
"Anak, alam mo naman na busy din si Nanay sa trabaho niya hindi ba, pero kapag maluwag naman ay nakaka-uwi ako tuwing gabi, o kahit tanghali" tumango ako.
"Sige po Nanay, magi-ingat po kayo." hinalikan ko ito sa pisngi, bahagya naman nitong pinisil ang aking ilong, bagay na madalas niyang ginagawa, bagay na gusto kong ginagawa niya.
Habang papauwi ay napatingin ako sa kalangitan, nagku-kulay kahel na iyon, grupo-grupo ang mga ibon na lumilipad, papauwi na sa kanilang tahanan.
Marahil kung hindi ganoon ang aking ama, kahit papaano ay hindi masiyadong mabibigatan si Nanay sa kaniyang trabaho, sa paghahanap ng pera.
Sabi ni lola bata pa ako, marami pang mga bagay na hindi maiintindihan, mga pangyayayari na mahihirapan akong maunawaan. Siguro nga ay tama ito, dahil ang totoo'y napakaraming katanungan sa aking isipan, at isa dito ay...
Bakit may mahirap at mayaman? Bakit may mas nakaka-taas at nasa ilalim?
Ngunit, ayon kay lola ang mga katanungan ay parte na ng buhay ng isang tao, kahit masagot mo ang isa, ay mayroon at mayroon pa din mangyayari sa buhay mo, na magda-dagdag sa mga katanungan sa iyong isipan.

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    12d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    15d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất