logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1

Raya De Castro
"Ray!"
Nagulat ako sa pamilyar na boses at nang tingnan ko ang paligid ay nasa kalsada pala ako. "Raya De Castro!" this time buong pangalan na ang tawag sa akin ni Cass. Halatang nag-aalala na ang mukha nito at sumisenyas na ang kamay niya.
Nu'ng una hindi ko siya maintindihan. "Ano?" takang tanong ko pa.
Sinundan ko 'yung tinuturo niya kaya napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ang private car na panay na pala ang busina sa akin.
Nasa main road ako kaya normal lang makarinig ng mga bumubusina pero hindi agad nag-register sa utak ko na ako na pala ang dahilan ng maingay na busina. "Ano ba miss? Nagpapasagasa ka ba?" Yamot ang hitsura ng may-ari ng lumabas ang ulo nito mula sa bintana ng kanyang sasakyan.
Ang alam ko lang kanina kasabay ko si Cass na tumatawid sa daan pero nandu'n na siya sa dulo at ako? Hindi ako umusad?
"Ano ba? Gusto mo ba talagang sagasaan kita?" pagbabanta nu'ng lalaki.
Aatras na sana ako pero may biglang humatak sa akin. Si Cass.
Pa'no siya nakarating agad rito? "Pa-pasensya na po," paghingi niya ng paumanhin sa nagsusungit nang lalaki.
"Buwisit! Mga kabataan ngayon, akala nila suicide ang solusyon sa lahat. Dinadamay pa ako!" Pagmamaktol nu'ng lalaki habang pinapaandar niya ang sasakyan.
Hinintay lang naming makalampas ang private car at agad akong hinarap ni Cass. "Ano ka ba naman bakla! Sana sinabihan mo man lang ako na magpapakamatay ka pala para nasuportahan man lang kita." Sarkastiko man ang tono ng pananalita niya, halata naman sa mga mata niya na natakot din siya sa nangyari.
"Sabunutan kita Cassandra," banta ko sa kanya.
Muli kong tiningnan ang traffic light at hinintay na lumipat sa green ang kulay. "Deja vu?" Paano kasi parang nangyari na 'yung eksena ko kanina.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Wala..." Tinuro ko lang 'yung stop light para malihis ko 'yung bulong ko kanina. "Ang tagal naman kasing mag-green light niyan!"
Bigla tuloy nagpalit ng kulay 'yung stop light.
Magaling, napakagaling!
"O hayan, nag-adjust na sa'yo ang stop light. Nakakahiya naman sa part niya 'di ba?" pang-aasar ni Cass sa akin. "Ano? Tara na po? Baka gusto na po nating magmadali ano?"
Hindi naman na ako umimik dahil wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya. Saka ayokong salubingin ang inis niya. Lalo pa ngayon na salubong na ang kilay niya habang sinisilip 'yung wrist watch niya. On time kasi 'tong babaeng 'to eh. At sigurado ako, kapag na-late kami katakot-takot na sermon ibabato niyan sa akin after class.
Pagtawid namin ay patakbo na kaming pumasok sa university at nagtungo sa Art building.
Pagpasok ay nakita naming halos mag-uumpisa na si Professor Domingo ng 'The Secret of Art' Unit.
"Faster Miss Hernandez and Miss De Castro, my class is about to start," sabi niya.
"Yes, ma'am." Agad naman kaming umupo ni Cass sa dalawang bakanteng upuan.
"Good morning, everyone. Let's start... "
Tinulungan ng mga kaklase ko si Professor Domingo na takpan ang mga bintana ng kurtina, at isarado ang pinto upang walang makapasok na liwanag. She also turned off the light kaya tuluyang naging madilim sa classroom.
Ilang minuto lang ay nagkaro'n ng liwanag na nagmumula sa monitor ng laptop ni Prof. Domingo, saka niya tinanggal ang harang ng lente ng projector.
"My discussion for today, it's about Different Style of Structures," pag-uumpisa niya. Ipinakita ni Prof. Domingo ang iba't ibang klase ng Structures sa boong mundo. "Kung pagmamasdan ang klase ng structures sa iba't ibang bansa tulad ng Byzantine, Renaissance, Baroque, Gothic, Neoclassical, Ancient Roman and Ancient Asian Structures. Masasabi ko na hindi lamang ginawa ito para maging tahanan o maging templo ng mga tao. Posibleng may kinalaman din ang mga structures, upang itago ang sekreto ng kung sino man ang nagpagawa o gumawa nito," pagpapaliwanag ni Prof. Domingo. Matapos magpakita ng ilang structures ay nagpakita naman siya ng ilang mga work of art. "Maniniwala ba kayo na ang mga pulidong sining na 'yan ay parte lamang ng pader ng mga structures na pinakita ko kanina? Sa bawat pader, kisame o kahit saan pa na parte ng istraktura ay may mga nakaukit na sining. Tao, bagay, hayop o minsan mga kakaibang nilalang pa. Ang mga ito ay hindi lang inilagay para maging palamuti o disenyo para mas mapaganda ang istraktura." Ang tahimik ng klase. Talagang nakatutok lang kami sa screen na nasa harap namin. Pumunta sa harap si Prof. Domingo, at nagtanong sa amin. "Sa palagay niyo para saan o sino kaya ang mga work of art na 'to?"
May mga nagtaas ng kamay. Ang tanging cue namin para magsalita ay kapag tinuro na kami ni Prof. Domingo. Nang maituro niya ang mga nagsitaasan ay agad silang nagsalita.
Sa klase ni Prof. Domingo at sa iba pang Unit sa kolehiyo, minsan hindi na pinatatayo ang estudyante. Once may gusto kang sabihin as long na wala ka namang kasabay, maaari ka nang magsalita, pero siyempre hindi lahat gano'n ang senaryo, depende lang talaga sa Professor.
"Lucky Charm," pag-uumpisa ng kaklase ko.
"Their Gods and Goddesses at kung anong kaya nilang gawin. Like may powers sila? Magic?" Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi ni Duke Lasay with matching facial expressions and hand gestures pa kasi siya na parang may something sa kamay niya na hindi namin nakikita. "What? Tama naman 'di ba?" Hindi pa rin kami nahinto sa pagtawa. "Woy, seryoso ako ah. Hindi 'yun joke."
"Sige na, tama ka na. Natawa lang kami, huwag mong masamain," Pang-aalo sa kanya ng katabi niya.
Pero seryoso, ang kwela talaga ng itsura niya kanina kaya akala namin gusto lang niyang magpatawa. Mukha naman nakumbinsi ng mga kaklase namin si Lasay.
Muling nagpatuloy ang bigayan ng mga posibleng sagot sa tanong ni Prof. Domingo.
"Mythical creatures, mga guardians."
"Cultures... Kung paano sila mamuhay, at sumamba sa kanilang Diyos?"
Ito ang maganda sa unit ni Prof. Domingo. Bukod sa chill lang ang mga topic, walang mali sa lahat ng sagot namin.
"Okay, what else?" nanghihingi pa si Prof. Domingo ng sagot.
Nagtaas naman ng kamay itong katabi ko. Si Cass. "Palatandaan, babala, at sekreto..."
"Woh, dark secret..." biglang komento ni Rico Albano, ang pa-pogi naming kaklase. Nagtawanan naman 'yung iba niyang barkada.
"Papansin talaga," banas na bulong ni Cass. Kunwari hindi ko na lang narinig ang sinabi niya. Baka kasi madamay pa ako eh.
"Posible ang lahat ng sinabi niyo, specially sa huling sinabi ni Miss Hernandez. Sometimes may ilang work of art na hanggang ngayon, hindi matukoy kung para saan nga ba o anong mensahe nga ba ang nais ipahiwatig ng may likha sa kanila? Isang sekreto na tanging ang mga haligi na lang ang nakakaalam." Dito na tinapos ni Prof. Domingo ang discussion. Tinakpan na niya ang ang lente ng projector at binuksan naman ng mga kaklase ko ang bintana, pintuan, at ilaw. "Bago kayo lumabas, pag-usapan muna natin ang magiging finals niyo sa akin," sabi ni Prof. Domingo. "Ang gusto kong maging finals niyo ay documentary tungkol sa historical place or ancestral house na makikita rito sa ating bansa."
"Hala bakit 'yun?"
"Sounds boring..."
"No way..."
Iba't ibang reaction ang na-received ni Prof. Domingo sa mga kaklase ko, at parang maraming may ayaw du'n sa ideyang 'documentary' at 'historical' pa.
"Quiet class! Groupings ito kaya 'wag kayong mag-alala," sabi pa niya. May nagtaas ng kamay kaya agad niya 'tong pinaunlakan. "Yes, Mr. Mendiola?"
"Why ancestral house, ma'am?" tanong niya.
"Don't underestimate the History and old structures. Sometimes, nasa kanila ang secret of art. Mataas ang value ng isang art dipende sa kung gaano na 'to katagal, paano ito iningatan at kung anong kasaysayan ang pinagdaanan nito. May obra rin sa mga lumang bahay, na naghihintay madiskubre."
Napahalumbaba na lang ako habang pinakikinggan si Prof. Domingo na nagpapaliwanag sa mga kaklase ko.
"Prof, that's not good idea. What if maka-encounter kaming ghost there?" conyo ni Diane Sandoval. Isa sa maarte kong classmate. Ayaw ko talagang naririnig ang boses ng isang 'to. Madalas kasing ipit ang boses nito at maarte ang bigkas niya sa mga salitang may 'R'. Alam kong natural nang ipit ang boses niya pero 'yung 'R'? No comment na lang ako.
"What if may killer pala sa old house? Oh my gosh! I love my life prof." Isa pa sa maarteng classmate ko na si Kreisha Malabega. Napangiwi na lang ako dahil pilit na pilit ang dating sa pandinig ko. Alam ko namang may mga rich kids na conyo kung magsalita, 'yung sa kanila natural na natural, pero itong isa? Ewan.
Puwede naman kasing magtagalog na lang pero pinahihirapan pa rin nila ang sarili nila.
"O.A buwisit!" inis na bulong ni Cassandra Hernandez sa tabi ko, kaibigan ko na nga pala siya simula noong first year college kami. "Sasapakin ko na 'to," banta pa niya.
Siniko ko siya. "Marinig ka," saway ko.
Nag-aalala kasi ako, hindi sa kanya kundi sa mga maaarte kong classmates. Hindi man halata pero 50% ang masculine side ng kaibigan ko at wala itong sini-sino kapag nairita 'to. Kaya nga kapag badtrip na siya hindi ko talaga sinasabayan madalas.
"Bakit ba? Ang arte eh." Mahina, ngunit damang-dama ko ang pagpipigil niya.
"Ilang taon na tayong nagtitiis pero hindi ka pa rin sanay sa mga 'yan."
Hindi naman na ito nagsalita kaya tiningnan ko na ulit si Prof. Domingo na nasa harap.
"Ilan po ba sa bawat grupo?" tanong ni Rico Albano. Kabarkada niya 'yung mga maarte kong kaklase... Well, bagay sila. Pero kahit ganoon, mautak 'yang feeling pogi na 'yan. Kapag alam niyang mapapakinabangan niya 'yung tao doon siya lumalapit.
"Maximum of three per group and it's up to you kung sino ang gusto ninyong makasama, just to make sure na magiging komportable kayo sa bawat isa," pagkumpirma ni Prof. Domingo sa boong klase.
"Ayos!" pagbubunyi niya. Mukhang may binabalak na naman siya. At sino naman kaya ang lalapitan niya ngayon? Good luck!
Matapos ang ilang oras ay tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase kaya agad kaming nagligpit ng gamit ni Cass at nakisabay sa mga papalabas na estudyante sa building.
"I'm sure karamihan sa pupuntahan ng mga kaklase natin ay 'yung madalas makikita sa internet, like Vigan, Intramuros, Taal Lemery, baka makarating din sila ng Biñan Laguna o kaya Calamba," paliwanag nito, habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"Eh, 'yun lang naman kasi ang mga Heritage Town sa Pilipinas," sagot ko sa kanya.
"Hindi naman sinabi ni Prof. Domingo na tourist spots 'yung puntahan, magkakaproblema tayo kung du'n tayo pupunta, kasi I'm sure naman na pag-aagawan 'yun ng mga classmates natin."
Tama siya, kaya tuloy napahinto ako at nag-isip. "Maganda sana 'yung hindi man sikat basta maraming nakatagong antique art..."
"Na may kakaibang kuwento o sekretong hindi pa naisisiwalat," pagpapatuloy niya sa sinabi ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang makarating sa parke ng university at umupo sa damuhan.
"Dapat 'yung wala sa internet," sabi ni Cass.
"So pa'no tayo mag-re-research kung wala sa internet?"
"Eh 'di magtanong?"
"Pa'no nga? Kanino? Saan?"
Ilang minutong katahimikan ang sumunod sa aming dalawa pero hindi makapagbigay ng matinong impormasyon ang isip namin kaya sa huli? Malalim na buntong hininga na lang ang lumabas sa bibig namin.
"Hirap ano?" pabiro ko kay Cass habang nakangisi. Masarap kasing asarin si Cass kapag nauubusan ng idea.
"Tsk." Sinamaan niya ako ng tingin. "Hinahamon mo ba ako?"
At ayan na naman po ang kaibigan kong amasona.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    Dela CruzElyon

    Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!

    09/02/2024

      1
  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.

    24/10/2023

      1
  • avatar
    VelardeIrene

    nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗

    01/12/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất