logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Seven

Isang malakas na tilaok ng manok ang gumising sa kahapon ko pang natutulog na kaluluwa. As in di na talaga ako nakagising para kumain.
"3 am..." Madaling na pala. Grrrr...Tunog ng tiyan ko. Gutom na yung mga alaga ko sa loob. Sino bang hindi? Di ako kumain ng lunch at supper.
Nasa labas na ako ngayon ng cabin ko. Stretching muna pag may time bago pumunta ng garden. May interactive garden dito kung saan makakapili ka ng mga paborito mong prutas at gulay na gusto mong kainin.
Crank. Narinig kong bumukas din ang kabilang cabin. Sumilip ako ng slight para matingnan ko sino ang lumabas. Parang lalaki. Ay lalaki pala talaga. Naka-hoodie kaya di ko makita ang mukha. Palagay ko magj-jogging yun.
Oh well, di naman siya pinunta ko dito. Where are we going? To the garden! Where are we going?! To the garden!! Where are we going?!! To the garden!!! Tara na mga boots, samahan niyo ako sa aking paglalakbay patungong harden ni eden. \^0^/
"Lalalala...Hello my lovies, im going to pick you na." masaya kong sabi sa mga gulay at prutas na nasa garden. Ilang hakbang lang naman mula cabin ko ang garden.
Wala pang tao dahil madaling araw pa kaya nakukuha ko talaga ang gusto ko. Di yung tira-tira. Yehey.
Nags-skip ako habang naglalakad na dala yung basket ko pero di ko namalayan na may tao din pala na kasalubong ko kaya aksidente ko siyang nabangga.
"Aish...sorry" nalaglag ko yung basket ko dahil sa lakas ng impact. Muntik na nga din siyang makahiga sa lupa, buti nalang malakas ang gravitational force niya. Heh. Di ko alam sinasabi ko.
"Ayy naku wag na okay lang ako..." pinulot niya din kasi yung basket ko na nalaglag sa lupa kaya sabay namin nahawakan ito.
"Ahhh" nagkasabay din kasi kami sa pag-angat kaya nagkabunggo ang mga ulo namin. Ang sakit nun ah. Wala pa nga akong energy tapos nakaranas na ako ng mga banggaan.
Hinawakan ko ang ulo ko na masakit pa rin. Napansin ko naman na kanina pa siya walang imik at nakayuko pa rin kahit na ilang beses na kaming nagkabangga. Di ba siya nasaktan? Ano to? Manhid lang ang peg niya? Galing ah. Magpaturo kaya ako sa kanya kung paano? Charot.
Hahawakan ko sana siya sa braso kaso bigla siyang tumalikod at naglakad. Ano problema niya? Alam niya bang walang sino mang lalaking ang pwedeng tumalik sa isang Shane Zia Gomez? Choss. Biro lang.
"Hoy, di ka ba nasaktan? May masakit ba sayo? Gusto mo samahan kita sa infirmary dito?" hingal kong tanong sa kanya. Hinabol ko kasi siya para malaman kung okay lang siya. Kasalanan ko din naman kasi yung mga nangyari.
"Uh, pipe ka po ba? Bakit ayaw mo magsalita?" nakatalilod pa din kasi siya sa akin at di pa rin nagsasalita.
Nakakastress tong lalaking to ah. Akala mo sinong famous. Snob lang ang peg. Tss. Bahala siya sa buhay niya, kung ayaw niyang magsalita edi wag.
"Kung ayaw mong magsalita o sumagot okay lang na--" hindi ko natuloy ang binulalas ko dahil sa kaharap ko ngayon.
"Im okay." nginitian niya ako sabay talikod at lakad palayo.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Siya nga, di ako nagkamali.
"Chan..." pero paano? bakit? anong ginagawa niya dito?
Sinundan ko siya sa kanyang paglalakad at napadpad kami sa isang completely vacant na lugar pero puno ng wild na damo.
"Chan? Ikaw ba talaga yan?" tiningnan ko siya ng mata sa mata. Ngumiti naman siya sa akin. Yung ngiting halos di na makita ang mata.
"A-anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba? Bakit ka nandito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya
Pansin ko naman na huminga siya lang malalim.
"Slow down Shiz. We have all the time right here" lumapit siya sa akin ng unti-unti at niyakap ako. Gusto ko rin sana siyang yakapin pabalik pero di ko magalaw ang katawan ko, parang naka-lock ito sa iisang pwesto lang.
"But for now, let me hug you..." "C-Chan" "nan dangsin-i geuliwoyo (I miss you)" May kung anong bagay naman ang tumulo mula sa aking maliliit na mata.
Di ko akalain na maiiyak ako dahil sa sinabi niya, dahil nandito na siya, dahil sa mga nangyari sa amin noon. Bumabalik ang lahat ng mga pangyayaring iyon ngayon. Ang saya at lungkot, lahat ng naramdaman ko.
"B-bakit ngayon ka lang b-bumalik?" hikbi ko. Di ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.
Hindi naman siya sumagot agad sa halip ay hinaplos niya lang ang likod ko para patahanin ako. Alam niya pa rin akong patahanin.
"Mianhe Shiz. For taking it so long to come back" bulong niya sa tenga ko. Mas lalong bumuhos ang mga luha kong kanina pa hindi nauubos. Unlimited siguro to katulad ng sa mang inasal na unli rice.
"Aish. Bakit ba ako naiiyak..." humiwalay ako sa yakap naming dalawa at pinahid ang kamay ko sa mukha kong basa na. Nakakahiya kasi di ako nakapagbihis simula kahapon. Baka mabaho na ako. Jusme.
Lumapit naman siya ulit sa akin at hinawakan ang mukha ko. Alam niyo bang siya ang first kiss ko? Kasi college na kami nun, may edad na at alam na namin ang ginagawa namin pero hindi pa kami umabot sa puntong nag-ano na kami. Kiss lang talaga. Proud virgin ang ate, kaya gayahin niyo ako mga kids. Ganern!
"You're still so beautiful..." hindi naman ako makatingin ng diretso. Nahihiya ako kasi baka may muta sa mata ko or worst may natuyong laway malapit sa bibig ko. Ugh.
"Let's go grab some breakfast" tumango nalang ako sumama sa kanyang maglakad. Nabigla naman ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Hindi naman ito ang first time ko pero parang may dumaloy na kuryente kasi. Ewan, di ko maexplain.
Nasa loob na kami ng resto at pinaupo niya ako sa inupuan ko kahapon. Siya yung umorder ng food namin. Nakalimutan ko na kanina pa pala ako nagugutom.
Ilang minuto lang ay dala niya na yung pagkain namin. Inabot niya sa akin yung strawberry shortcake at hot choco. Di ako sanay sa mga ganitong pagkain lang pero dahil gutom na talaga ako ay kakainin ko na to.
Natapos ang kainan namin na walang umiimik pero napansin ko na di niya ginalaw ang pagkain niya. Siguro may weight limit siya kasi nga artista na siya. Maraming bawal.
"So bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Di na ako makatiis na di magsalita. Naglalakad-lakad kami ngayon papunta doon sa flower field. Kaka-4 am palang kaya wala pa talaga masyadong gising. Malaya din siyang maipakita ang mukha niya.
"Vacation..." napa-ahh naman ako sa sagot niya. Yun lang pala, akala ko kung ano. "And also to win you back" kalmado niyang sabi. Napa-ubo naman ako ng slight nung marining ko yun.
Bakit ba ang dami nila? Ganun ba ako ka in demand ngayon? Choss. Char lang yun.
"Ay gandang biro niyan Chan ah" nag-fake laugh ako. Nakarating na kami sa field at umupo sa may bench. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Parang Tonight with Boy Abunda ang peg.
"Im serious Shiz. I know I broke your heart but I didnt broke up with you. I know it'll be hard but I will do my best to make you love me again." napalunok nalang ako ng laway ko. Ano bang pinakain niyo sa mga ex ko at isa isa silang bumabalik sa buhay ko? Mabuti nalang talaga at hindi nasali si Joaqx sa panliligaw.
"Because I never stopped loving you(korean)" masaya niyang sabi sa akin. Ngumiti nalang din ako sa kanya kasi wala akong masagot.
"Ahh, tama na nga yan. Kwentuhan mo nalang ako sa buhay mo ngayon" pilit kong pag-change ng topic. Masyado pang maaga para sa mga kadramahan.
"Well, I am a solo singer in Korea. Nothing much happened after that" nag-pout naman ako. Tss. Napaka-secretive talaga.
"joh-a, igyeoss-eo(Okay you win), what do you want to know?" Haha. yes! Di niya pa rin ako matiis.
"May naging girlfriend ka ba doon?" "Wala." "Weh? Sa pogi mong yan? At sikat ka pa, sure kang wala talaga? Madami kayang magagandang artista doon" ano? Inaalam ko lang naman kung may girlfriend ba siya doon. Posible naman diba?
"eobs-eum(None). Whenever someone asks me to date them, I politely reject them." "But why? Di mo type?" umiling naman siya.
"It's because I never considered you as my ex. To me you're still my girl and I cant cheat even if my girl isnt around" Bigla naman uminit ang mukha ko. Grabe ah, akala ko ba malamig dito sa Tagaytay? Eh bakit ang init?
Inayos ko ang pagka-upo ko. Humarap ako sa mga bulaklak at butterflies. Sumandal naman siya sa shoulder ko. Pinatong niya yung ulo niya saka hinawakan ang kamay ko.
"neolang-i il-eul geuliwo (I miss doing this with you). I really missed you" okay na sana yung moment. Napangiti ako sa mga sinabi niya habang nakatingin sa magagandang bulaklak pero biglang nag-vibrate ang phone ko. Panira ng moment.
Ayy hindi pala panira ng moment...
Kenny calling...
"Kenny? Your ex? Kenneth?" Sunod-sunod niyang tanong. Nakita niya kasi name sa screen. Jusme. Paano ko ba ii-explain?
"Ahh oo. Siya nga" "Why is he calling you? I didnt know you contact each other now" Alam na alam ko ang tonong yan ng boses niya. As if kalmado pero nagseselos na.
"Di naman. Bago lang kami nagkita ulit, nung pumunta kami sa bahay ni Joaqx..." bigla naman siyang napabangon.
"Joaqx? You dont mean your first boyfriend right?" tumango nalang ako. Panay pa rin ang tawag ni Kenneth sa akin.
"Why dont you answer that? It seems important" nakatingin siya sa malayo ng tignan ko siya. Nagseselos talaga siya.
"No. It's me and you time ngayon. It can wait" napansin ko naman na lumawak ang ngiti niya. Di pa rin siya nagbabago.
Feeling ko wala naman talagang nagbago sa kanilang lahat. Maliban lang kay Joaqx na unti-unti ng nagbabago dahil may anak na siya.

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    TorregosaKian

    oooooo

    1d

      0
  • avatar
    Aya Clara

    masaya sya kahit Walang boyfriend

    1d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    11d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất