logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Five

Sa kasamaang palad ay di ko napanoud ang live show kaya magtitiis ako ngayon sa replay. Bakit ba kasi sobrang late ng show na yun? Talagang literal na late ah.
"Magandang gabi sa inyung lahat...nandito na ang guest natin, please welcome Park Zi Shan"
"Magandang gabi." bati niya sa mga audience at viewers at host.
"So i'll be straight to the point, bakit mo alam ang pagsasalita ng tagalog?"
"I studied here in the Philippines that's why I know the language and the culture but not as much as before"
"Woah...not many of us know your background here. So kung nag-aral ka dito may mga naging kaibigan ka ba o di kaya'y girlfriend?" Bakit ako biglang kinabahan sa tanong ng host?
"Yes, I have a few. Konti lang. Girlfriend? Yes, I have" Kalma niyang sagot. Nagtilian naman ang lahat.
"Can you tell us about her? Kung paano niya napa-ibig ang isang Park Zi Shan" Sht. Kailangan pa ba talagang itanong yan? Grabe ang host ah. Masyadong pakialamero.
"She was my english tutor, she's the reason why I speak fluent in english. She was my first girlfriend, she's very pretty and down to earth." Ano ba Chan, wag ka ng mambola. Nakakainis ka.
"Parang inlove ka pa rin sa kanya base sa expression mo, so bakit kayo naghiwalay?"
"I left her here because of some family matters but I didnt broke up with her. There was no formal break up. I promised her that I'd come back here and here I am now" Ahhh tama na Chan! Bakit mo ba sinasabi yan sa harap ng maraming tao?
"So she's the reason why bumalik ka dito?" tahimik ang buong paligid.
"Yes, she is one of the reason but my main reason why I came is for my fans because I love my fans more than anything else" nagsigawan ang lahat ng tao sa studio.
Di ko na kaya to. Kailangan ko ng...
"Shane? Si Kenneth to." perfect timing.
Binuksan ko ang pinto para makapasok siya sa condo ko. Alam niya address ko kasi nga siya naghatid sa akin pauwi kahapon.
May usapan nga pala kami. Magandang chance din to para mawala sa isip ko si Chan at yung mga sinabi niya.
"Pasok ka Kenny" first time ko siyang tinawag ulit na Kenny. Yan kasi yung tawag ko sa kanya noon, di kasi ako mahilig sa mga endearments.
"Ahh busy ka ba? Parang pinagpapawisan ka" "Hehe wala to. Kakagaling lang mag-zumba" palusot ko sa kanya.
Naglakad naman siya papuntang sofa at umupo na parang nasa bahay lang niya.
"Magbihis ka na Shane, mamamasyal tayo" ngumiti at tumango nalang ako bago pumasok sa kwarto ko para makapagbihis.
Kailangan mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Chan. Pero baka naman hindi ako yung nauna niya tutor. Tama, siguro marami na siyang naging tutor bago ako pero yung sinabi niyang babalikan niya...Aish! Ano ba Shane tama na nga kakaisip mo kay Chan.
"Tara na?" nakalabas na pala ako sa kwarto ng di ko man lang namalayan.
Ugh. Lutang na lutang talaga ako ngayon.
Bumaba na kami papuntang parking lot para sumakay sa kotse niya. Nang makarating kami dun ay pinagbuksan niya ako bago siya sumakay. Napaka-gentleman as always.
Tahimik pa rin ang byahe namin papuntang hindi ko alam kung saan pero ang sabi niya kanina surprise daw. Tanging speaker lang ang nag-iingay.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang pamilyar na lugar.
"Bakit tayo nandito?" Nasa skwelahan kami ngayon. Noong high school pa kami. Kung saan kami nagkakilala.
"Surprise. Tara pasok na tayo, may ipapakita ako sayo" bumaba kaming dalawa sa kotse at naglakad papasok sa school. Di pa rin ito nagbabago, malaki pa rin at maganda.
Pero may nadagdag na mga building at isa sa mga building ang nakakuha ng atensyon ko.
"Naalala mo yung sinabi ko noon? Na magtatayo ako ng museum dito kasi gustong gusto mo ng mga historical artifacts at artworks?" Di ako makapaniwala. Nagawa niya? Siya ba talaga ang nagpagawa ng building na to? Para sa akin?
"Seryoso ka? Para sa akin to?" tiningnan ko siya ng seryoso.
"Well, para to sa mga esudyante dito ngayon pero ikaw ang talagang dahilan kung bakit ko to pinatayo dito. Halika" Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa museum.
Pagpasok namin talagang literal na naka-nganga lang ako. Grabe, saan niya nakuha ang mga to? Ang ganda. Kung replica lang to bilib pa din ako sa ganda.
Dumiretso kami sa art gallery kung saan nakalagay ang mga pictures at paintings ng mga sikat na artist sa bansa. Talagang pinagastusan niya ang mga ito.
May tatlong painting talaga na nakakuha ng atensyon dahil nakalagay ito sa gitna kaya nilapitan ko agad.
Art: Lady of my dreams, My girl, The one who got away
Artist: Kenneth Gio Villanueva
"Wow. Ikaw nag-paint nito Kenny?" Ang ganda kasi ng mga paintings. Totoong totoo talaga pero parang may kamukha yung babae.
Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko.
"Ikaw ha, sino inspiration mo dito? Ang emo ng ginawa mo" pabiro kong sabi sa kanya.
Nakatingin lang kami sa paintings habang nagsasalita. Hindi pwedeng hindi ko kunan ng picture to. Napaka-instagram worthy ng mga ito.
"Ikaw. Ikaw ang inspirasyon ko..." napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Di mo talaga napansin? Kamukha mo yung babae sa painting. Una kong pininta yan noong una palang kitang nakita sa skwelahan natin. Grabe, na-excite ako lalo nung nalaman ko na classmate kita kaya inspired talaga akong gawin ang Lady of my dreams."
Hindi naman ako nakapag-salita. Wala akong magawa. Oo, napansin ko na may kamukha ang babae sa painting pero di ko inexpect na ako pala yun.
Yan pala yung una niyang naramdaman? Bakit di man lang niya sinabi yun noon? Takot lang peg niya?
"Yang ikalawa naman ay ginawa ko noong araw mismo na sinagot mo ako. Proud na proud ako dahil naging girlfriend na rin kita. Walang katumbas na saya ang naramdaman ko noong naging tayo"
"G-grabe ka Kenny ha, ang lalim ng pinaghuhugutan mo. H-haha" wala akong ibang masagot sa kanya kaya dinaan ko nalang sa biro.
"Wala yan sa pangatlo kong painting. Natatandaan mo ang lugar na yan? Diba yan yung lugar na palagi nating pinagtatambayan noon kapag nagc-cut tayo?" Oo nga. Ito yung favorite place naming dalawa. Palagi kaming nagd-date doon at nagkakatuwaan. Nakakamiss yung mga araw na yun.
"Oo naalala ko, pero bakit malungkot? Diba dapat masaya?" pagtataka kong tanong
"Kasi yan yung araw na naghiwalay tayo. Yung araw na iniwan kita mag-isa sa lugar na yan. Yung araw na ibinuhos mo lahat ng luha mo. Ikaw ang babaeng umiiyak sa painting na yan. Babaeng punong puno ng sakit. Ginawa ko yan noong araw din mismo ng hiwalayan natin." Naalala ko yun.
Pero grabe, di ko akalain na maaalala niya ang lahat ng yun. Hindi ko na talaga tanda ang lahat ng nangyari.
"Di ko alam na natatandaan mo pa rin yun lahat..." hinarap niya ako at tumingin ng napaka-sincere na tingin.
"Di mo alam kung gaano ako nasaktan noong naghiwalay tayo. Walang araw at gabi na hindi ako nasasaktan, lalo na kapag nalalaman ko na umiiyak ka dahil sa akin." naglakad kami papuntang bean couches. Gusto kong umupo dahil baka di ko kayanin ang lahat ng to.
"Sus. Wala na yun, kalimutan mo na yun. Kinalimutan ko na nga yung panahon na niligawan mo si Cindy sa harapan ko pa talaga" natatawa kong sabi sa kanya. Masyado na kamin g madrama ang atmosphere namin dito.
"Pinagsisisihan ko ang araw na yun. Ginawa ko lang naman yun dahil na-blackmail ako ni Cindy pero ikaw lang talaga ang mahal ko noon, hanggang ngayon"
"Weh? Di nga? Hahahah" sorry na. Di ako marunong mag-handle ng mga seryosong bagay.
"Seryoso ako Shane. Kung papayag ka, gusto kitang ligawan. Gusto ko maging akin ka muli" huminto ng slight ang heartbeat ko. Tama ba tong naririnig ko?
Liligawan niya talaga ako ulit? Ibig ba sabihin nito mahal niya pa rin ako hanggang ngayon? Hindi ako makapaniwala. Mahigit sampung taon na noong huli kaming nagkita.
"T-talaga? Nananaginip lang ba ako? Sampalin mo nga ako" natawa naman siya sa sinabi ko. Hmmp. Wala kayang nakakatawa dun.
"Seryoso ako Shane. Mahal kita at hindi nagbago yun kahit ilang taon na ang lumipas. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." lumapit sa siya akin at hinalikan ako sa noo.
Sht na malagkit. Bakit ako pinagpapawisan? Woh. Ang init ng paligid. Sira ba yung aircon? Ayusin niyo naman.
"Mahal na mahal kita Shane..." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    TorregosaKian

    oooooo

    1d

      0
  • avatar
    Aya Clara

    masaya sya kahit Walang boyfriend

    1d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    11d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất