logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Thirty Seven

"A-Are you k-kidding me? Di ka na n-nakakatawa Ash" nauutal kong sabi kay Ash.
Kanina pa kasi ako nangungulit sa kanya na puntahan namin si Justice dahil magg-gabi na at hindi pa rin ito umuuwi, nag-aalala na ako. Pero dinala ako ng loko sa isang private funeral.
Ano naman gagawin ko dito? Malay ko ba sinong nakaburol dito?
"You said you want to go to Justice. Nandito na tayo." tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako kaso nauna siyang bumaba kaya sumunod ako sa kanya. Humawak ako sa kamay niya para di ako mawala.
"Eehhh kanino ba kasing lamay to oh, si tita yun ah?!" nakita ko kasi ang mama ni Justice.
Agad kaming nagtungo sa kanya, nginitian ko siya pero naluha siya at niyakap ako ng mahigpit kaya niyakap ko din siya. Di ko alam pero may nagtulak sa akin na sabihin to.
"I miss you mom, dont worry I'm doing fine" feeling ko kailangan ko sabihin to kay tita. I dont know why.
"Oh my Shane, be strong okay? Let's go see Demitri" kinakabahan ako sa tono ng boses ni tita. Para ayokong sumunod sa kanya.
Gusto ko ng umalis dito. Ayokong lumapit sa coffin na pinatutunguhan namin ni tita.
"T-Tita...S-Sino p-po y-yan? B-bakit t-tayo n-nandito?" nag-break na ang boses ko.
Papalapit palang ako sa coffin ay may natatanaw na akong lalaki na natutulog. Hindi pa ako sigurado kung sino yun pero pagkakita ko sa ilong niya biglang bumuhos ang lahat ng luha ko, di ako makatayo ng maayos kaya inalalayan ako ni Ash na nasa likuran ko.
Di ako sinagot ni tita, sa halip ay nginitian niya lang ako habang lumuluha pa din siya at ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking natutulog.
"A-Ash s-sino ba k-kasi y-yan? U-Uwi n-na tayo, b-baka h-hinihintay na a-ako ni J-Justice" hindi ko na halos maintindihan ang sinabi ko basta sigurado akong gusto ko ng bumalik sa condo at yakapin si Justice ng mahigpit.
Namimiss ko na siya. Ang boses niya, ang pagtawag niya sa akin ng 'baby' kahit di na ako baby. Miss ko na ang mga ngiti niya, ang mga mata niyang magaganda at ang pang-aasar niya sa akin. Kahit mahigit two weeks palang kaming di nagkikita miss ko na lahat yun.
"No Shane. Nandito na tayo, you have to face the fact and see him" sagot ni Ash at inalalayan ako para makalapit pa ng maigi sa lalaking natutulog.
No. No. No. This is not real. Im just dreaming. Im having another nightmare. Please wake me up.
"K-Kayo ha, w-wag niyo n-nga akong p-pagtripan. I-Is this a-another p-prank of J-Justice? O-Okay na, natawa na a-ako. Y-You can s-stop now, g-gising ka na J-Justice..." hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko. Iyak na ako ng iyak, wala akong pakialam kahit na pagtinginan pa ako ng mga tao.
"Justice please...gising ka na...kanina pa kita hinihintay sa bahay..." sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kabaong niya. Nakahawak pa din sa akin si Ash kasi wala na akong lakas.
"Shane pahinga ka muna ple--No! Hindi ko iiwan si Justice! H-Hihintayin ko ang paggising niya. Gigising siya Ash, gigising siya. Sabihin mo sa akin, gigising siya diba? Diba Ash?" sigaw ko sa kanya pero tumulo lang ang luha niya habang umiiling.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Justice. Please gumising ka na Justice. Wag kang ganyan.
Akala ko ba mahal mo ako at di mo ako iiwan? Pero bakit iniwan mo ako? Bakit?!! Gumising ka na please!! Ang dami kong gustong sabihin sayo! Please gumising ka na!!
"Ikaw ang pinipili ko Justice...kaya please gumising ka na...mahal na mahal kita...please wake up..." hagulgol ko.
I love you Justice. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang pinipili ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda kaya pwede bang gumising ka na dyan? Ang tagal mo ng natutulog dyan, di ka pa ba napapagod?
Please wake up. Please Justice, Im begging you. Dont leave me. Hindi ko kakayanin to. Di ko kakayanin ng wala ka sa buhay ko.
"Shane my daughter, halika doon tayo sa kwarto." tawag sa akin ni tita kaya pinilit kong tumayo ng maayos.
Nakahawak pa din sa akin si Ash hanggang sa makaabot kami sa isang pinto kung nasaan si tita. Tiningnan niya muna ako matagal bago magsalita.
"Kung ano man ang malaman mo, remember ginawa niya yun dahil mahal ka niya. Dito lang ako sa labas maghihintay okay? Nandito din sina Teen at Clark, di ka namin pababayaan." sabi niya saka ako niyakap at hinalikan sa noo. Pinilit ko nalang na ngumiti sa kanya kahit mahirap at binuksan ang pinto.
Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang papa ni Justice at ang nakababatang kapatid niyang lalaki, si Rojo. Niyakap nila akong pareho ng sabay pagkatapos ay binigyan ako ng mauupuan.
"T-Tita...T-Tito...R-Rojo baby...Im sorry kung hindi ko nabantayan ng mabuti si Justice. Im sorry dahil napabayaan ko siya. Sana patawarin niyo ako" nakayuko kong sabi sa kanila habang humihikbi.
"Oh darling wala kang kasalanan. You did nothing wrong kaya wala kang dapat ihingi ng tawad. In fact, you did something no one else can. Minahal mo ang anak namin." nakangiting sabi ni Tita.
"Maswerte ang anak namin sayo Shane at ganun ka din sa kanya. Alam mo bang noon pilit ko siyang ipinakasal sa anak ng business partner ko pero ipinaglaban niya talaga ang pagmamahal niya sayo. Nakita ko naman kung gaano mo siya pinahalagahan, noon siguro hindi mo pa alam na mahal mo na talaga siya dahil may ibang mga lalaki ang dumating sa buhay mo pero alam kong mahal mo na talaga siya noon pa. Siya naman, hanggang sa bingit ng kamatayan ay ginawa niya ang lahat para sayo..." nagtaka ako sa huling sinabi ni tito sa akin.
"A-Ano po ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanila.
"K-kuya superhero gave his h-heart to you a-ate ganda." sambit ni Rojo na kumakain ng lollipop.
Humina ang buong katawan ko dahilan para muntikan akong matumba sa kinauupuan ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"I-Ibig ba s-sabihin a-ako ang dahilan ng p-pagkamatay niya?" unti unti ng nawawala ang boses ko kakaiyak.
Bakit Justice? Bakit mo ginawa to?!
"No, no. Of course not darling, sina Damon ang may kasalanan kasi sila ang sumaksak kay Justice. Wag kang mag-alala, nahuli na sila ng mga pulis. Makakamit na ang hustisya." pag-comfort ni tita sa akin.
Tumayo ako at naglakad papuntang pinto. Hindi ko na sila pinakinggan. Kailangan kong makita muli si Justice. Kailangan ko siyang tanungin kung bakit niya ginawa yun.
"Zeey/Atseh!" rinig kong tawag nila sa akin pero di ako nakinig. Dumiretso ako kay Justice.
Niyakap ko siya ulit at umiyak na naman ng umiyak. Unlimited yata ang luha ko dahil di ito nauubos.
"Loko ka! Bakit mo ginawa yun ha? Sinabi ko ba sayong ibigay mo puso mo sa akin?" sabi ko sabay turo sa dibdib ko.
"Ako sana yung natutulog ngayon at di ikaw. Loko ka talaga Justice! Akala mo ba natutuwa ako sa ginawa mo? Sa tingin mo ba gusto ko pang mabuhay ng hindi ka kasama? Ano to lokohan? Ang unfair mo! Pwede bang gumising ka dyan! Sagutin mo ang mga tanong ko! Wag kang magtulog-tulogan dyan! Di na ako natutuwa sayo Justice ahh" sabi ko habang patuloy pa din umiiyak.
Naramadaman ko naman na may tao sa likuran ko kaya hinarap ko sila.
"K-Kausapin mo nga t-tong kaibigan mo Clark, ayaw niyang makinig sa ak--SHANE!!!"
"Someone call the ambulance!"
Yun na ang huling narinig ko dahil unti unti ng nawala ang malay ko hanggang sa naging madilim na ang paligid.
Justice...Magsasama na rin tayo...

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    8d

      0
  • avatar
    culasielmer

    ang ganda

    12d

      0
  • avatar
    Franchesca Guanio

    Nice

    12d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất