logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Maaga palang abala na si Gemima sa shop dahil sa dumating na shipment galing ibang bansa. Sumabay din ang pag iimbertaryo ng araw na iyon kaya halos hindi na siya magkandaugaga. May mga customer din na dumating na kailangan i-assist ni Mitche.
Mag aalas onse na ng huminto muna siya sa ginagawa. Lumapit sa kanya ang kaibigan at sinabing dumating na ang pinadeliver na pagkain. Nang may bigla siyang naalala ang katulong na isinama niya.
"Napansin mo ba si Fiona?"
"Nasa opisina mo."
Agad naman niyang pinuntahan ito sa loob ng opisina niya. Natagpuan niya itong naghihilik sa sofa. Napapailing na binalikan si Mitche na inumpisahan ng lantakan ang mga pagkain na nakahain sa antigong lamesa.
"Bakit mo nga pala isinama si Fiona?" tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya,sige lang nguya sa kinakain nito.
Siya naman namili ng mga pagkain na nasa styrofoam. Kinuha niya ang lumpiang sariwa.
"Humabol sa'kin,natatakot daw maiwan sa bahay mag-isa." Sagot niya dito saka sumubo ng pagkain.
Bahagya naman natawa si Mitche, uminum muna ito ng tubig dahil parang masasamid.
"Batang humabol lang sa mommy? kala ko nga kaya mo isinama para may makatulong tayo dito ngayon. Nagulat nalang ako na parang nabaril sa sagingan ang itsura sa loob ng opisina."
"Ikaw talaga.. wala kasing tulog yan kaya siguro hindi na nakaya ang antok." Paliwanag niya.
Uminum narin siya ng tubig ng makatapos kumain.
Natatawa padin ang mukha ni Mitche,hindi nalang niya ito pinansin dahil marami pa siyang dapat gawin.
Madilim na ng marating nila ang bahay. Dumaan pa kasi sila sa supermarket para bumili ng mga stock sa bahay. Nag take out nalang din siya ng pagkain para hindi na magluto si Fiona.
Nasa biyahe palang pauwi ng bahay,kapansin pansin na ang pagiging tahimik nito. Hindi nalang niya pinansin dahil pagod din siya sa maghapon sa shop.
Nang makarating sa bahay, nadaanan nila sa sala ang malaking banga. Pinag-iisipan niya kung saan niya ito pwedeng ilagay o kung maari kayang ibenta nalang niya. Naisip niyang isama nalang niya sa kanyang koleksyon total wala pa siyang antigong banga.
Nang makatapos ng kanilang hapunan, umakyat na si Gemima sa kanyang silid. Gusto niyang maagang makapagpahinga. Hindi pa man nag-iinit ang likod sa pagkakahiga isang katok sa pinto ang kanyang narinig. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan.
Bumungad sa kanya si Fiona na naka ternong pajama . May dalang unan at higaan na manipis na mattress. Parang nahulaan agad niya ang gusto nitong mangyari.
"Ate please... pwede po dito ako sa kwarto niyo matulog?" pagsusumamo nito.
Niluwangan niya ang bukas ng pinto saka napabuntong hininga na lamang. Hindi niya talaga maunawaan ang nangyayari dito. Hinarap niya ito habang nakatingin sa kanya.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo huh? kanina sumama ka sa sa'kin sa shop,ngayon naman gusto mo dito sa kwarto ko matulog." Madiplomasya niyang saad dito.
"Natatakot po kasi ako ate sa malaking banga sa sala eh." Sagot nito sa kanya.
"Hayan kana naman eh.." parang muubusan na siya ng pasensya, "ano naman ang meron sa banga na yon? eh katulad lang din iyon ng ibang antigong gamit dito sa bahay. Ngayon kapa natakot eh noon pa tayo maraming antique dito."
Yumuko lang ito at hindi sumagot. Naiisip niya na maaaring nagdadahilan lamang ito. Baka may ibang kailangan ito sa kanya. Bukas nalang niya aalamin ang totoo. Hinihila na talaga siya ng antok dahil sa pagod.
"Ok sige,pwede ka naman matulog dito ngayong gabi."
Nakita niyang biglang nagliwanag ang mukha nito sa kanyang sinabi.
"Salamat po ate." Agad na itong naglatag ng mahihigaan sa sahig.
Napapailing nalang na bumalik na siya sa kanyang higaan. Bago pumikit tinanong pa niya ito kung ayos lang ito sa sahig na matulog, sumagot naman ito ng ayos lang.
Mahimbing nang natutulog si Gemima habang si Fiona ay mulat parin ang mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng pagka alinsangan ng paligid katulad noong isang gabi. Dapat hindi siya nakakaramdam ng alinsangan dahil may aircon ang silid ng amo.
Kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras. Limang minuto bago ang alas dose ng hating gabi. Nilingon niya ang amo na kanina pa himbing ang tulog.
Habang tumatagal lalong tumitindi ang maalinsangan pakiramdam niya. Bumibilis narin ang pintig ng dibdib niya. Ang mga kamay niya nag-uumpisa ng maglangis dahil sa pawis. Nararamdaman narin niya ang pag tayo ng balahibo sa buong katawan.

Napalingon siya sa pinto ng silid. Pinakiramdaman niya ang labas nito. Mula sa dim light na ilaw ng silid, naaninag niyang parang may anino ng paa sa labas ng pintuan. Napatingin siya sa seradura kung may pipihit ba nito. Nakita niyang bahagya itong gumalaw,hindi ito gagalaw kung walang pumipihit sa labas. Gumalaw din ang rosary na isinabit niya sa may pintuan kanina nang makitang tulog na ang amo.
Nagising si Gemima na wala na si Fiona sa kanyang silid. Sa tagal na nitong naninilbihan sa kanila wala siyang masabi dito. Maliban nalang nitong nagdaan na pinagtataka niya sa bigla nitong naging matatakutin.
Katulad ng inaasahan niya,nagpumilit muli itong sumama sa kanya. Isinama nalang niya ulit , marahil ay isa sa mga dahilan nito ay pagkainip sa bahay. Inaalala sa isip kung kelan ba niya ito huling pinagbakasyon.
Nang makarating sa shop,agad niya itong kinausap sa opisina. Sinabi niya ang plano niyang papagbakasyunin muna ito sa kanilang probinsya. Ngunit ang reaksyon nito ay hindi niya inaasahan.
"Ayuko ate...hindi kita pwedeng iwan lalo na ngayon!" hysterical nitong saad na nagpataas ng kilay niya. Hindi na niya talaga ito maunawaan.
"Bakit naman? ayaw mo bang makasama ang pamilya mo kahit isang buwan lang? Babalik ka naman pagkatapos ng bakasyon mo. At isa pa matagal na yung huling bakasyon na ibinigay ko sa'yo." Pagkumbinsi niya dito.
"Inaalala kasi kita ate...wala kang kasama sa bahay."
Na touch naman siya sa sinabi nito.
"Hwag mo kong intindihin kaya ko ang sarili ko. Ang mahalaga makapagbakasyon ka sa pamilya mo. Alam ko mis mo na sila."
Parang maiiyak ito na hindi niya malaman. May nakita din siyang takot sa mga mata nito. Bago matapos ang pag-uusap nila napagkasunduan nila na bukas na ang alis nito.
Kinagabihan,sa silid niya muli ito natulog. Kinabukasan maaga palang nakahanda na ang gamit nito. Ihahatid niya muna ito sa terminal ng bus bago dumiretso sa shop. Bago umalis marami itong ibinilin, katulad na sa gabi hwag na siyang lalabas ng silid kahit anong ingay ang marinig.
May ibinigay itong maliit na bote, ilagay daw niya sa ilalim ng unan bilang proteksyon. At ang panghuli sana daw ay hwag niyang ikagalit ang sasabihin nito. Itapon nadaw niya ang banga,masama daw ang kutob niya dito na wala itong magandang idudulot sa bahay at sa buhay niya.
Gustuhin man niyang magalit dito,nagtawag na ang kundoktor na malapit nang umalis ang bus. Hindi nalang niya ito pinagsabihan.
Habang nag mamaneho ng kotse,hindi mawaglit sa isip niya ang sinabi ni Fiona tungkol sa banga. Hanggang makarating sa shop iyon parin ang laman ng isip niya.
Nakatulala tuloy siya sa kawalan.
"Sana ako ang laman ng isipan mo ngayon." Sabi ng isang baritonong boses sa likod niya.
Kahit hindi niya ito lingunin alam na alam niya kung sino ito.
"Good morning sir Xander!" bati ni Mitche dito. "May mga bago po na dating sir baka may magustuhan kayo. i-aassist ko po kayo."
"Ok..baka nga may magustuhan pa kong iba maliban sa amo mo." Makahulugan nitong saad na sa kanya nakatingin. Umiwas naman siya ng tingin at nagpaalam na may gagawin lang sa opisina.
May isang oras din siyang nagkulong sa opisina. Pumasok si Mitche na may dalang isang supot na may pangalan ng isang sikat na restaurant. Nakakunot noo naman na tiningnan niya ito.
"Pinabibigay ni sir Xander.. hwag kadaw magpapagutom." May pilyang ngiti pa ito sa labi.
Tinitigan lang niya ito.
"Mabuti pa kainin na natin ito habang mainit-init pa." Sabi nalang nito.
Maaga siyang umuwi galing shop. Sinuri niya muli ang banga. Kinuhananan niya ng picture ang mga nakaukit ditong letra at maging ang mga imahe ng mga taong waring mga nagsasayaw.
May Ilang oras ng nakahiga siya sa kanyang kama ngunit hindi pa din siya dalawin ng antok. Baka naninibago lang siya na wala si Fiona sa bahay. Tiningnan niya ang oras sa tabi ng higaan niya,mag aalas diyes na pala. Naisipan niyang bumaba ng kusina upang magtimpla ng gatas. Bubuksan na sana niya ang pinto nang maalala ang bilin ni Fiona na hwag nang lalabas ng silid sa gabi.
Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot ng mga sandaling iyon. Minabuti nalang niya na bumalik nalang sa higaan. Alumpihit siya sa higaan, nakakaramdam siya ng alinsangan. Parang gusto niyang maligong muli. Napatingin siya sa cellphone na nag vibrates,indikasyon na may nag text sa kanya.
Galing kay Fiona ang mensahe. Hanggang sa text nagbibilin ito na hwag siyang lalabas ng silid sa gabi kahit anuman ang mangyari. Kahit makarinig pa siya ng kakaibang ingay lalo na sa may bandang sala.
Nagtext din siya dito. Sinabi niyang hindi siya makatulog dahil hindi sanay na wala siya sa bahay. May ilang sandali rin sila nagpalitan ng text bago siya nagpaalam na matutulog na.
Samantala sa sala ng bahay,bago sumapit ang alas dose ng hating gabi muling uminit ang buong paligid. Lumalabas narin ang puting usok sa loob ng banga. Isang nilalang ang lumabas mula dito upang maghasik na naman ng lagim.

Bình Luận Sách (27)

  • avatar
    Niffah Baraacal

    hi, guys

    20d

      0
  • avatar
    LindaPetra

    boa

    26/07

      0
  • avatar
    Myrna Castorico

    so very enjoy

    16/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất