logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 2

Kabanata 2
Me:
hi, wer r we?
Haruto:
May itatanong lang sana ako. Can I? Or should I tell it to you in person instead?
I can almost hear his gentle voice with his replies. I shrugged. Telling me his simple deals in person takes no difference if he say it on chat.
Me:
dito na lang,
Haruto:
By the way, I just wanna ask if you can attend the party of my friend tomorrow?
W-what? Seryoso ba 'tong singkit na 'to? We just met!
Me:
Really? You're inviting me? Seryoso? We just met. Malay mo, akyat-bahay gang member pala ako, Naruto.
Me:
Haruto*
Me:
Haruto kase 'yon pucha
Me:
So, who's your friend? Is that a girl or boy?
Haruto:
He's my pet dog. I want a simple party for him. All of my friends would be invited.
Hindi makapaniwalang binasa ko ulit ang message na iyon. Pet dog? As in pet dog?
Mygawd, pati pala pet dog ay ginagawan ng party? Ngayon ko lang nalaman. 'Pag kasi birthday ng aso ko noon ay pinapakain ko lang ng buto 'tapos ayos na. But sadly, my pet dog died a year ago. Umuwi na lang bigla na may tama ng baril. I grieved for months, kahit ngayon ay na-mimiss ko pa rin ang aso na 'yon.
Humans are really cruel. They are targeting the ones who is weaker than them. Like my pet dog, Kiyo, he was shot by a person. I just wanna pinpoint that creatures, weak or not are still deserving for respect. Animals, they are not just animals. They have a greater purpose that all people should learn about. No one deserves to be devalued unless they did nothing great for the rest of their lives.
Nagtipa ako ng sagot para kay Haruto.
Me:
Sabaok
Me:
ang fancy ng dating ha. ano'ng name ng aso?
Haruto:
Takiro his name was.
I automatically giggled. Pati pangalan ng aso ay parang arigato. Ganito 'yung topo ng mga softie boys na iiwan ka rin naman sa huli!
Me:
His name is cute!
Me:
Okay, I accept your invitation. Just send me the details of the party, okay?
He immediately sent me the address. Isang village iyon sa Calamba. Malapit lang naman dahil taga Sta. Rosa kami ni Karen. Laguna is really good.
"Majimeokchoreom, bang bang bang!"
Iyon agad ang sumalubong sa akin pagkababa ko mula sa kwarto. Karen is dancing some weird hip-hop songs at halos halikan na ang sahig.
Karen is a sucker of k-pop. Halos halikan na nga n'ya ang mga picture ng mga ito dahil sa kabaliwan n'ya. She got many merchandises of k-pop groups. Hindi naman ako tumututol dahil at least, the idols she idolizes are deserving and a truly inspiration, hindi 'tulad ng karamihan sa socmed na famewhore lang naman. No lies.
Nang makita ako ay tumigil si Karen sa pagkanta at sayaw. She went near me.
"Nagluto ako ng ulam at nagsaing na ng kanin. Kumain ka na," sabi niya at pagod na ibinagsak ang katawan sa one-seater sofa sa sala.
"Okay. Anong ulam?" tanong ko at saglit munang umupo sa katabing sofa.
"Tinolang Itachi Uchiha," sagot n'ya.
Umirap ako. "Gago, 'yung totoo?" tanong ko.
"Fried fish. Kumain ka na. I'll just do a concert here," sabi n'ya.
Tama nga si Karen dahil pagkatingin ko sa lamesa sa dining room ay isda ang bumungad sa akin. Pakiramdam ko ay magkakagalis na ako dahil simula noong isang araw ay puro isda na ang ulam namin. But who am I to reject, 'di ba?
Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto para pumili ng susuotin sa party ng aso ni Haruto. I got many clothes from Karen that's why I struggled to choose one. Sa huli ay dinala ko sa living room ang tatlong pinaka magandang dress na nakita ko upang magpatulong kay Karen na pumili.
"Karen," I called her. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Binaba niya ang cellphone na hawak at nagtaas ng kilay
"Ano? Mag-fa-fashion show ka ba?" nagtataka n'yang tanong.
"Tanga hindi." I rolled my eyes. "Ano'ng pinakamaganda sa tatlo?" Itinaas ko ang mga hawak sa ere.
"Ako," aniya.
"Kidding aside, maganda 'yang puff yellow dress. 'Yan na lang suotin mo." Karen smirked.
"Hindi kaya. I think mas maganda 'tong cherry red dress. Mas mukha akong dalaga dito," pagtutol ko. "Ito na lang."
"You're crazy. Tinanong mo ako 'tapos alam mo na naman pala kung ano'ng pinakamaganda." Umirap siya at umambang ihahagis sa akin ang cellphone n'ya.
I sticked my tongue out. Sa huli ay ang puff yellow dress na pinili ni Karen na lang ang napagdesisyunan kong suotin para bukas.
"My god, bukas ka pa naman pala aalis, yet you prepared very early. Sa'n ka ba pupunta?"
"Girl, Haruto invited me. Magpa-pa-party siya para sa alaga n'yang aso!" Humagikhik ako.
Her smile faded. "You never chased for a guy, Cathace," she said.
I know she's serious with that posture. I am not really a die hard person crushing over Haruto. I just find him cute. And of course, I won't be crazy over a man. Sila muna ang mababaliw sa akin bago ako mabaliw sa kanila.
Mayamaya'y narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Bumuntonghininga ako dahil kanina pang kung sinu-sino ang tumatawag sa akin. Lumayo muna ako kay Karen para sagutin ang tawag.
Unregistered number iyon pero sinagot ko pa rin. Sa unang ilang segundo ay walang nagsasalita kaya ako na ang nagsimula.
"Hello? Who is this?"
"Cace..."
My heart pounded with that very familiar voice. Series of memories flashed in my mind for only few seconds.
"How are you, Cace?" he asked.
Para akong napipi. I tried opening my mouth to speak but no word come out. Para rin akong nabingi. I couldn't grasp my senses.
"Hey, Cace. Hindi mo ba gustong kausap si Kuya?" he gently asked with a chuckle.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Finally, my voice became visible in my own ears.
"O-oh my God! Kuya Gin! K-kuya! You called me. I missed you! My Kuya!"
He's my brother, Gideon Tenorio, and he was my only safe haven in living with a depressive home that brought me from being isolated to liberation.
--
Illuminativity

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    RicaMei Gutierrez Dela Pea

    💖💖💖💖👌👏😌

    20/03

      0
  • avatar
    Heinrich Von Serrano

    g cvbhh

    27/01

      0
  • avatar
    Lowell Salubo Pastor

    okgffrddf

    11/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất