logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

"Anong nangyayari sa'yo?" agad-agad siyang pumunta sa akin nang mapansing nakahawak ako sa tiyan ko.
hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. sobrang sakit halos parang pinipilipit. ano ba 'to?
Sinubukan kong tumingin sa kalendaryo at napapikit na lang dahil sa kung anong date na pala.
"Hoy! t*nga, sumagot ka nga. anong nangyayari sa'yo?" inalog-alog pa niya ako habang tinatanong. kahit masakit ang pagkakaalog niya ay hindi ko magawang magreklamo dahil sa sobrang sakit. "g*gi, may dugo ka!" aniya at napatayo kaagad habang nakatakip ang kamay sa bibig.
"what's happening?" tanong ni Marvin na hindi ko alam kung saan galing kasi hindi ko naman nakikita dahil sa hindi nga ako makalingon.
"Ewan ko ba dito. kanina ko pa tinatanong e hindi naman sumasagot, para akong nagtatanong sa hangin. tapos may makikita kang dugo sa puwet niya," reklamo ni Joeros at kahit na nahihirapan ay hindi ko maiwasang mahiya.
"psh... ngayon ka lang ba pinanganak? don't you know the word period, bro?" he asked.
anong mayroon? bakit nag-eenglish siya ngayon?
"Alam ko iyon, tingin mo sa akin bobo?" sagot naman niya kay Marvin. "Kanina pa kasi tinatanong hindi sumasagot para nga sana matulungan,"
"warm compressor l-lang," nauutal na request ko.
hindi ko alam kung sino ang kumilos pero narinig ko ang sunud-sunod na yabag na tila nagmamadali.
hayst! ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasakit sa abdomen ko. isa pa, kasama ko pa mga lalaki kaya lalong nakakahiya.
"ito oh," pinilit kong dumilat at nakita si Marvin na inaabot sa akin ang compressor.
kukuhanin ko pa lang sana nang maupo siya sa harap ko at inilagay sa tiyan. Ipinatong niya rin ang kamay ko sa compressor para ako na ang humawak.
"may sanitary pads ka ba sa gamit mo?" tanong niya at kaagad akong umiling. "Okay," aniya at tumayo. "Hoy! Joe, bumili ka nga doon ng napkin," utos naman niya sa kasama namin.
"E! ayaw ko nga. Ikaw na lang, nakakahiya kaya bumili ng napkin," pagtanggi niya. hindi ko alam kung matatawa ba ako o iindahin lalo ang sakit ng puson.
"Ang arte talaga kahit kailan," reklamo ni Marvin.
nakarinig ako nang malakas na pagkakasarado ng pinto. hindi ko lang masilip kung sino iyon pero malamang sa malamang ay si Marvin dahil nag-iinarte pa si Joeros na bumili.
hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa sakit. Nagising ako nang may tuwalya sa ibabaw ko para matakpan ang short kong may dugo.
nawala na ang sakit pero mayroon pa rin kahit kaunti kaya tumayo na ako. Muntik ko pang matapakan ang isang boteng tubig at sanitary pads sa baba ng sofa. Sino kaya ang nag-abalang maglagay sa akin nito?
hindi ko na inaalala pa kaya pumunta na lang ako ng C.R. para magpalit na. Bakit hindi ako aware na magkakaroon ako ngayon? mabuti na lang talaga at wala akong pasok ng saturday.
ako na lang mag-isa dito kaya malamang sa malamang ay nagsipasok silang lahat. bigla tuloy akong naging curious sa course na kinukuha nila. hindi man lang nila nabanggit sa akin.
Naghanda ako ng tanghalian para pagka-lunch break nila ay ayos na. hindi na sila bibili pa... pero, mayayaman sila 'di ba? e 'di walang saysay din ito?
naupo na lang ako sa counter table at kinain ang kakaunti sa ulam dahil kanina pa akong walang kain dahil sa sakit na naramdaman ko.
nagluluto kasi ako noon para sana sa umagahan nang biglang sumakit ang tiyan ko, akala ko naman ay dahil lang sa gutom o lamig. Period ko na pala. nakakahiya, nakita pa ni Joeros iyong dugo sa puwet ko.
para akong naeewan sa tuwing naaalala ko iyon. hindi ako mapalagay, kahihiyan talaga.
"Jei..." sabi ko sa kaniya.
"ano? ayos ka na?" nag-aalalang tanong niya. "sorry ngayon lang ako nakapunta dito, paano nag-groupings pa kami kasi may project," aniya.
"Ayos lang iyon saka ayos na rin ako," sagot ko.
"e bakit mo pa ako tinawagan? nagmamadali pa ako," aniya at pinagkrus ang legs.
"Nakakahiya kasi kanina,"
"bakit?"
"hindi na kanina kasi mamatay-matay na ako sa sakit ng puson tapos e 'di nakita ako ni Joeros tapos nakita niya iyong blood stain sa puwet ko," nag-inarte pa akong kunwari umiiyak kaya lalo siyang tumawa. "walang nakakatawa,"
"hahaha... nakakahiya nga iyan, Ren," aniya at saka uminom sa juice na pinrepare ko.
"maling desisyon ata ang tinawagan pa kita. akala ko iko-comfort mo ako, iyon pala hindi!" sabi ko at saka umalis sa kinauupuan.
"hoy, sorry na! huwag ka nang magalit! uwu!" aniya habang hinahabol ako papunta sa kuwarto.
Sinarhan ko siya ng pinto kaya sunud-sunod siyang kumatok para pansinin pa siya. Nag-iinarte lang naman ako at alam kong alam niya iyon. Sa 4 years ba naman naming maging magkaibigan, e.
"Jei," someone called her kaya napakunot ang noo ko. "Sinarhan ka?" tanong pa niya.
"oo, e. nag-iinarte palibhasa hindi kinomfort," natatawang sagot ni Jei kaya mas lalo lang akong naiinis sa kaniya.
"Umuwi ka na. wala kang mapapala kung susuyuin mo iyan," ngayon kilala ko na kung sino ang nagsasalita.
"sige. bye, Lawrence!" sabi ni Jei at narinig ko ang kalabog ng pintuan.
"Lauren," tawag sa akin ni Lawrence. "lumabas ka na diyan, wala na si Jei," natatawang dugtong pa niya.
"Hindi na muna ako lalabas. may gagawin lang akong assignment at saka kung hindi ka pa kumakain, kumain ka na diyan. nagluto ako ng sinigang," sabi ko habang nasa loob ng kwarto.
"Fine. sakto, hindi pa talaga ako kumakain," dinig ko ang boses niyang palayo nang palayo. ibig sabihin ay papunta na siya sa kusina.
naupo na lang ako sa sahig habang nakasandal sa pintuan. wala naman akong dapat iiwas kay Lawrence kaso baka n'ong magkasalubong sila ni Joeros ay sinabi na iyon. madaldal pa naman iyong bakla na iyon.
mga limang minuto na ang nakalipas nang lumabas ako ng kwarto. nakita ko si Lawrence na nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V. habang may kinakain na kung ano.
"mukhang napansin mo iyong tubig at sanitary pads dito sa lapag," aniya at saka ako nilingon.
"ah oo, e," naiilang na sagot ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa kusina para kumain dahil nakaramdam ako ng gutom. kahit snack lang ay ayos na.
"Oh well, hindi nasayang effort ni Joeros," tumatawa-tawang sabi niya na nakapagpatigil sa akin.
Did he do that?
:)

Bình Luận Sách (79)

  • avatar
    OkByee

    After reading some d*pressing stories, This novel gave a relief to me. I really like that the boys respected her and they enjoy each other's company. This is a fun read, thank you author.

    19/04/2022

      1
  • avatar
    Raceson Lopez

    beautiful story 👏😍

    13d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    nice stories🥰

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất