logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

“Hi miss, anong pangalan mo?” Tanong ng nakatapis lamang ng twalya.
“Bago ko sagutin iyan, bakit ang dugyot ng dorm niyo? Like hello! ‘Di ba kayo marunong maglinis?” pataray kong tanong at suminghap ng hangin.
“Aalis na ako, Joeros,” sabi ng lalaking lumabas kanina pero bumalik.
Tumango naman ‘yong lalaking nakatapis at muling ibinaling sa akin ang tingin.
“Dito ka tutuloy? Sa Clarkson ka ba nag-aaral?” Tanong sa akin ng nakasando.
“oo, malayo bahay ko kaya magdo-dorm muna ako,” Sagot ko at narinig ko ang isang lalaki na bumuga ng hangin.
“Hindi ka ba mapapamahal n’on?” Tanong niya, naka t-shirt at nakashorts at may salamin.
“Mapapamahal pero scholar ako sa Clarkson kaya bale miscellaneous at pagtira ko lang dito ang gastos,” tugon ko at ngumiti. Maayos naman pala sila kausap maliban sa umalis at nakatapis.
“Paano kapag napamahal ka?” Tanong naman ng nakatapis nang may nakalolokong ngiti. “Paano kapag napamahal ka sa akin? Owshiiii~ mic drop,” aniya at tumalon-talon.
Gumusot ang mukha ko habang pinanood siyang tumatalon.
“Tigilan mo mga salita mo, Joeros. Kay bago bago pa lang dito, inaasar mo na kaagad,” suway sa kaniya ng lalaking nakasando. “Magbihis ka na nga doon, baka matanggal pa iyang tuwalya sa’yo,”
“Pagpasensiyahan, ganiyan talaga siya. Pinaka-playboy sa Clarkson,” sunod na sabi ng nakasalamin.
“Ano palang pangalan niyo?” Tanong ko at naupo sa sofa’ng madumi.
“ako si Lawrence, but you can call me Rens,” pagpapakilala ng nakasalamin at lumakad palapit sa akin. “Huwag kang maiilang ha, matino naman ako, ‘di katulad ni Joeros,”
“Anong matino?! Kapal ng apog mo ha!” dinig naming sigaw n’on mula sa kuwarto.
“Ako si Christian pero pwede mo akong tawaging Chris,” pagpapakilala naman ng nakasando at ngumiti sa akin.
“Ako si Lauren, you can call me Ren or Mary,” sambit ko at ngumiti sa kanilang dalawa.
“Mary? Anong connect sa name mo?” Tanong ni Lawrence. “And… our names are sounds alike,”
“Yeah, I just realized it. Mary ‘yong isang nickname kasi my real name is Mary Lauren,”
“Ahhh… Okay, I’ll call you Ren,” sabi niya at ngumiti. “Aalis kami ngayon, mag-isa ka lang muna dito?”
“Ayos lang, mag-iingat kayo,” sabi ko at ngumiti.
Tumayo si Rens sa pintuan kung saan pumasok si Joeros kanina. “Matatapos ka pa ba diyan?”
“Oo saglit, maghintay ka,” dinig kong sagot ni Joeros.
Tumayo ako at kinuha ang isang garbage bag para masimulan nang maglinis dito sa dugyot na dorm na ito.
“Ren,” dinig kong sabi ni Rens. “Huwag ka muna maglinis please,” aniya na nakapagpakunot ng nook o.
“Bakit naman?”
“kasi baka hindi ako makaalis at tulungan lang kitang maglinis,” tugon niya na nakapagtahimik sa akin.
Bakit pakiramdam ko ay may something dito kay Lawrence, ang hirap ipaliwanag. Nasobrahan ata sa pagiging gentleman.
“Hindi, huwag na. Hindi naman kita patutulungin kung magkataon,” sabi ko kasabay ng pagbukas ng pinto na pinasukan ni Joeros.
“What’s up people of this f*cking earth? Ready na ako,” ani nito na may galak sa mukha.
“Tara na, late na tayo. Kanina ka pa nagbibihis diyan, buti natapos ka pa,” Ani Chris at sabay inakbayan siya.
“Hindi kasi ano, basta,” Magdadahilan sana siya ngunit dumapo ang tingin niya sa akin at hindi niya na naituloy ang sasabihin.
Kinakaladkad nila si Joeros palabas kaya ako na lang mag-isa dito.
Sinimulan ko nang damputin ang mga balat ng chips at bote ng softdrinks na nakakalat sa sahig at inilagay sa garbage bag. Sa kamalas-malasan, nakahawak pa ako ng bubble gum, halatang fresh pa.
Bakit gan’on, mukha naman silang matitino at malilinis pero dugyot naman pala? Si Lawrence, mukhang maayos naman, kinaya niya itong ganito karumi?
Sunod kong niligpit ang mga damit nilang lalabhan na sa laundry basket, pinagsama-sama ko na dahil hindi ko naman alam ang mga gamit nila.
Nang matapos ko nang damputin ang mga malalaking bagay na nasa sahig ay nagwalis na ako at nag-mop. Nag-vacuum din ako ng sahig pati ng couch.
Sinunod ko ang kusina. Maraming balat ng prutas ang nakakalat at ang basurahan ay dinadapuan na ng kung anu-anong insekto dahil punung-puno na. Inilagay ko iyon sa garbage bag at kaagad napuno kaya binuhol ko na ang dulo.
Nang buksan ko ang refrigerator ay halos humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa nakita ko. Napakagat labi na lang ako at suminghap ng hangin.
Underwear nasa ref? labis na kadugyutang taglay ng apat na iyon ah.
Pagtapos kong linisin ay sinunod ko ang mga kwarto at inilagay ang mga gamit nang damit sa laundry bag.
Nagtapon ako ng basura sa labas para madaanan ng garbage truck at bumalik na sa dorm. Pinagsama-sama ko ang mga damit at pina-laundry sa katabing laundry shop.
Pagkabalik ko ay tinupi ko ang mga damit nila at inilagay sa sofa. Bahala na sila kumuha ng kani-kanilang damit.
Napahiga na lamang ako sa sofa dahil sa pagod sa paglilinis ng malaking dorm na ito. Ni hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
--
Naramdaman ko na may gumagalaw sa bandang balikat ko kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Hindi ko maliwanagan kung sino siya kaya’t pinili kong maupo.
“Nakatulog ka ata sa pagod, nilinis mo ang buong dorm?” Tanong niya. Hindi pamilyar sa akin ang boses kaya’t kinusot ko nang ilang beses ang mga mata ko upang maliwanagan.
“Ikaw pala…” natigil ako. Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya.
“Marvin,” aniya at naupo sa gilid ko. “Bakit mo nilinis?”
“Kung kayo nakatatagal sa maruming paligid, pwes ako hindi,” sagot ko.
“Sungit mo naman,” aniya. “Medyo pamilyar ka sa akin,” dagdag pa niya habang nakatabingi ang ulong nakatingin sa akin kaya tinapunan ko lang siya ng saglit na tingin.
“H-Ha?” Hindi ko alam bakit ako nautal, basta bigla akong kinabahan nang sabihin niyang pamilyar ako sa kaniya.
“Ahh! Ikaw ‘yong nakabanggaan ko kahapon,” Aniya habang nakaturo pa sa akin.
Dahan-dahan akong tumango at ngumiti ng pilit.
“May tanong pala ako,” sabi ko para na rin maiba ang usapan.
“Ano ‘yon?”
“Napansin ko apat lang ang kwarto dito, hindi ko alam bakit sabi ni Jei, ito na lang ang may available. Saan ako matutulog?” Tanong ko at ngumiti siya sa akin.
“Pwede kang matulog sa kwarto ko,” aniya at hindi ko napigilang kabahan na ewan. Hindi ko maintindihan, bigla na lang akong natulala.
:)

Bình Luận Sách (79)

  • avatar
    OkByee

    After reading some d*pressing stories, This novel gave a relief to me. I really like that the boys respected her and they enjoy each other's company. This is a fun read, thank you author.

    19/04/2022

      1
  • avatar
    Raceson Lopez

    beautiful story 👏😍

    13d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    nice stories🥰

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất