logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Sharing dorm with four boys?!

Sharing dorm with four boys?!

hereshehides


CHAPTER 1

"Bakit nakasimangot ka? Naano ka?" tanong ng kaibigan ko nang makasalubong niya akong naglalakad sa hallway ng paaralan.
"Ang daming quizzes, naha-haggard na ako, ti!" reklamo ko at sabay kamot sa ulo.
"Ginusto mo iyang course mo 'di ba, e 'di pagdusahan mo," aniya at tinignan ko lamang siya nang masama.
"Gusto ko naman kaso 'di ko naman aakalain na ganito pala kahirap 'to," sambit ko at sabay padyak sa paa.
"Sobrang laki talaga ng problema ha, review lang katapat niyan," Aniya sabay tapik sa balikat ko. "ililibre na lang kita ng lunch kahit na hindi naman ako ang nagbigay sa'yo ng sama ng loob," dagdag pa niya kaya gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
Kaagad kong ipinatong ang braso sa balikat niya at sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. Hindi ko aakalaing maraming tao pala dito.
"Himala, maraming estudyante ngayon... sabagay, preliminary exam na, right? baka nandito sila para mag-group study," sabi niya at pareho kaming pumunta sa counter.
"Saan pala tayo mauupo nito?" Tanong ko ngunit tila hindi niya ako narinig kaya hindi na ako nag-abala na umulit pa.
"dalawang putahe nga po, kahit anong ulam basta pananghalian," sambit niya sa kahera at napansin ko ang reaksiyon nito sa sinabi ni Jei.
"Bakit naman gan'on sinabi mo, dapat sinabi mo kung anong putahe talaga. Baka pinakuluang medyas pa ibigay sa atin n'on e," reklamo ko.
Tumalikod na ako sa kaniya para sana maghanap ng mauupuan nang isang lalaking naka-hover board ang sumalubong sa akin at pareho kaming natumba.
"Ano ba iyan, t*nga naman n'ong babae,"
"T*nga ng babae, p*tek,"
Napanguso na lang ako sa mga sinasabi nilang t*anga ako e samantalang itong lalaki naman na 'to ang tunay na b*bo. Kung ikaw ba matalino, magho-hover board sa cafeteria?
"Sorry," sambit ng lalaki at inialok sa akin ang kamay niya pero tinapunan ko lang ng tingin at tumayo ako nang hindi man lang hinahawakan ang kamay niya.
"Sa susunod kasi 'wag mag-hover board lalo na kung pupuntang cafeteria," suway ko at ngumiti lang siya nang tipid. "Pa-cool kid kasi," bulong ko pa.
“Sorry talaga,” pahabol pa ng lalaki at saka umalis, bitbit ang hover board niya sa kamay.
Napanguso na lang ako at nang lumingon ako ay nakita ko ang reaksiyon ni Jei. Mukhang hindi siya makapaniwala.
“Bakit ganiyan mukha mo?” Tanong ko at ngumiti naman siya.
“Ngayon lang kitang nakita sumagot nang gan’on sa lalaki,” aniya at hinawakan ang braso ko. “Tara na, kuhanin na natin ‘yong in-order. Kain tayo doon sa outdoor cafeteria,”
Kinuha namin ang pagkain at lumabas na. Naupo kami sa malayo sa sikat ng araw.
“Nga pala, ‘di ba malayo bahay ko? Gusto ko sana may matuluyan muna malapit dito, like dorm gan’on,” sambit ko sa kaniya at bigla naman siyang napatingin sa akin.
“Mayroon akong alam kaso baka hindi mo magustuhan,” aniya at saka sumubo ng pagkain.
“Okay lang kahit pangit basta matutuluyan,”
“Hoy grabe! Hindi ‘yon pangit… baka lang hindi mo magustuhan,” pagdedepensa niya.
“Ayos na iyon, ang mahalaga may matuluyan. So, kailan ako lilipat?” Tanong ko habang nakangiti.
“Ikaw bahala, kung gusto mo bukas basta sinabihan na kita na baka hindi mo magustuhan,” aniya.
“bakit? Dugyot ba? Hindi kaaya-aya?”
“Hindi naman basta,” aniya.
Tinapos namin ang pagkain at bumalik na sa kani-kaniyang klase.
Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad ko nang inihanda ang mga gamit ko para sa pagtuloy sa dorm.
“Anong mayroon at bakit ka nag-iimpake?” Tanong ni mama kaya tumingin ako sa kaniya at nginitian siya.
“Ma, tutuloy po muna ako sa dorm malapit sa school para hindi na rin magastos sa uwian… uuwi naman ako tuwing biyernes ng gabi,” sagot ko at ngumiti.
“O sige basta mag-iingat ka doon ha. Sino makakasama mo sa dorm?” Tanong niya pa.
“Hindi ko pa kilala, Ma pero kaparehas ko lang ng building si Jei, ‘yong kaibigan na lagi kong nakukuwento sa inyo,”
“Ahh…o siya sige basta mag-iingat ka ha,” Aniya. “tulungan na kita diyan sa pag-iimpake mo,” aniya at saka tumulong sa pagtutupi ng mga damit ko na ilalagay sa maleta.
Kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos ng huling klase ko ay sinalubong ko na si Jei sa gate.
“Jei!” pagtawag ko sa kaniya at itinaas ang kamay ko at kumaway.
“Ano? Tara na?” tanong niya at nilagay ang kamay sa baywang ko.
“Oo ba, para na rin mailigpit ko na sa lagayan ang mga damit ko at hindi ako matambakan nang malala,” sagot ko.
Sumakay kami sa isang tricycle at bumaba sa harap ng hindi kataasang building. Napatingala ako at maayus-ayos na rin naman na ang itsura.
“ito na iyon?” Tanong ko.
“oo, ayaw mo ba?” Tanong niya at umiling ako.
“Okay na ‘to. Dapat pala naglakad na lang tayo, sobrang lapit lang pala,” sabi ko at pareho kaming humagikhik.
“May mga maleta ka kaya sumakay na lang tayo,” aniya. “tara na,”
Naglakad kami papasok sa building at nagulat ako sa ayos ng lobby. Para siyang hindi dorm, mas mukha siyang mumurahing hotel.
Umakyat kami sa 3rd floor at naglakad sa napakahabang hallway.
“Ayun ang kwarto mo oh,” turo niya sa pinakadulong room habang naglalakad.
“Bakit ang layo ng napili mo?” Tanong ko.
“Kasi ito na lang ‘yong may bakante kasi ‘di ba maraming estudyante ang nagdo-dorm para mas malapit e occupied na karamihan,” Pag-explain niya kaya tumango na lang ako.
“May ka-share ba ako sa room na iyon?” karagdagang tanong ko pa.
“Oo naman,” aniya at bigla akong kinabahan.
Sana mababait ang mga kasama ko sa kuwarto.
Nakatayo na kami sa harap ng pinto at hinahanap niya ang susi. Bubuksan pa lang sana niya ay bigla itong bumukas, bumungad sa amin ang bulto ng isang lalaki, nagkasalubong ang mga mata namin ngunit hindi iyon nagtagal. Umalis din siya kaagad.
“i-isa ba iyon sa ka-share ko?” Nauutal kong tanong habang nakaturo sa lalaking umalis.
“Uh… oo e, hayaan mo’t mababait naman iyan sila,” aniya at saka binuksan ang pinto.
Pagkatapak na pagkatapak ko ay halos gusto ko nang umatras.
“S-Sigurado ka ba dito, Jei?” tanong ko.
“oo naman,” tugon niya.
Napasinghap na lang ako at ilang beses pinikit ang mata baka sakaling panaginip lang pero hindi.
“Napakadugyot naman nito!” reklamo ko at pumasok na.
Pinagsisipa ko ang mga kalat sa sahig tulad ng balat ng chips, mga sando, tsinelas.
“Ano ba iyan, akala ko ba umalis ka-“ isang lalaki ang nakatapis ng tuwalya ang lumabas mula sa banyo. “B-Babae?”
“Anong babae?” sunod naman na lumabas ang lalaking nakasando mula sa isang kuwarto.
“Ang iingay ng bunganga niyo-“ at isa pang lalaki.
Kaming apat ay nagkatinginan, walang gumagalaw ni nagsasalita. Pakiramdam ko ay nahinto ako sa paghinga.
“Joeros, nakalimutan ko pala ‘yong-“ pumasok naman ‘yong lalaking lumabas kanina.
Hindi ko alam mararamdaman ko, para akong naiiyak na kinakabahan.
“Jei…” tawag ko sa kaibigan ko at hinawakan ang braso niya. “Wala na ba talagang ibang kuwarto?” bulong ko.
“Wala na, ti… pasensiya na,” aniya kaya napabuga na lamang ako ng hangin.
Am I sharing a room with four boys?
:)

Bình Luận Sách (79)

  • avatar
    OkByee

    After reading some d*pressing stories, This novel gave a relief to me. I really like that the boys respected her and they enjoy each other's company. This is a fun read, thank you author.

    19/04/2022

      1
  • avatar
    Raceson Lopez

    beautiful story 👏😍

    13d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    nice stories🥰

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất