logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

Kinabukasan ganon pa rin ang nangyari, papasok ako at dadaan sa College Of Engineering at magbabakasali na makita siya. 7 am na at hindi ko pa nakikita ang sasakyan niya sa mga nakapark dito sa tapat ng Heroes Park.
Kaya nang makitang mag 7:15 na ay nagdecide nakong pumasok sa klase dahil malapit lang naman ang Building namin sa COE kaya naman wala akong pangamba na malelate ako.
Natanaw ko na si Cesar na nasa labas ng Classroom at mukhang hinihintay ako. Nang makita niya ako ay mabilis siyang humakbang papunta sakin.
Kumaway naman ako bago siya makalapit ng husto.
"Akala ko hindi ka papasok." Aniya.
"Bakit naman hindi?" I rolled my eyes. Ganito palagi ang tunguan namin sa isa't isa ganito din kami kaclose kaya kahit maging brutal o maging masungit ako sakanya ay sanay na siya.
"Palaging may irap na kasama?" Natatawa niyang sabi.
"Pake mo ba. Halika na pasok na tayo." Mabilis niyang nahabol ang braso ko at hinarap ako sakanya.
"Kain tayo mamaya libre ko." Kaya naman natawa na ako. Dahil palagi naman niya ako nililibre anong bago doon?
"Ewan ko sayo Cesar!" Natatawa ko pa rin nang tinalikuran siya at pumwesto na sa silya ko.
Tinanaw ko ang mga kapwa estudyante ko na nakapila sa bawat hilera ng mga pagkain. Hindi ko alam kung paano natapos ang subject namin na ganon ganon lang at ngayon ay nandito na kami sa Canteen para kumain.
Hinayaan kong si Cesar na ang pumili at bumili ng kakainin namin. Tutal naman ay libre niya kaya siya na don.
Habang nagmamasid sa mga taong nagsisiksikan sa gitna ay isang grupo ang nakita kong nagtitilian at halos himatayin na.
Umirap ako ng isang beses at bumaling ulit sa pwesto ng grupo na mas dumami pa. Halos hindi magkamayaw sa pagpaypay dahil bukod sa mainit na, nakukuha pa nilang mag ingay sa hindi ko alam ang dahilan.
Karamihan sakanila ay naging kaklase ko noong mga nakaraang year. Pero dahil hindi ko naman din sila naging close ay hindi rin kami nag-papansinan kahit pa nagkakasalubong na kami.
Binaling ko nalang ang sarili ko kay Cesar na papunta na ulit dito na may bitbit na ng tray.
Pagkababa palang niya ng tray ay narinig ko na naman ang grupo kanina, pero laking gulat ko ng pati ang college student's dito ay nakikitili at nakiki-isyoso. Kaya naman sinundan ko ang kanilang mga mata at halos mabilaukan ako kahit wala pa akong sinusubo.
Si Sir Sarmiento may kasamang babaeng matangkad na sobrang puti. Hawak-hawak niya ang baywang ng babae.
Nagsimula na akong macurious sa nakita. Kaya imbis na mag enjoy ako sa nakahain ay nagkaroon lang ako ng maraming tanong at matinding pagkadismaya sa nasaksihan.
Habang nasa gitna kami ng pagkain ay hindi ko maiwasan na mapadpad ang mata ko sa pwesto kung saan sila nakaupo ng babaeng hindi ko kilala.
Teacher din ba 'yan dito? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita? Girlfriend ba niya yan. Imposible, sinearch ko kahapon ang account niya. Wala namang nakalagay na in a relationship, so sino itong babaeng kung makakapit sa braso ng Calix ko ay ganon nalang.
Napabaling ang babae sa pwesto namin, mas naging galaite pa ako ng makitang ngumiti siya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ganyan ka makatingin?" puna ni Cesar.
Bumaba ang tingin ko sa pagkain tsaka sumimangot.
"Iisipin ko na may gusto ka rin sa Professor na 'yan. Kung ganyan ka makaasta." napa-angat ako ng tingin sakanya.
"Ano kamo!? Asa ka naman. Hindi ganyan ang type ko." sabay irap ko.
Bago pa siya magsalitang muli ay inunahan ko na siya.
"Ikaw Cesar, nagagandahan kaba sakin?" I asked him.
Biglang nagseryoso ang mukha niya sa kaninang nakangisi.
"Hindi ko na dapat tinatanong ito sayo, pero--"
"Hindi ko na rin dapat sagutin yan dahil alam kong alam mo kung gaano ka kaganda." Seryoso pero may bahid na pagka-irita sakanyang boses.
"Well, hindi ko alam kung ganon."
"Bakit ba ganyan ang mga naging tanong mo, ikaw lang ang nakikita kong maganda dito." sabay iwas niya ng tingin bago muling sinubo ang huling slice ng pancake.
Hindi ko alam, pakiramdam ko kapag bumabaling ang tingin ko sa pwesto nila Sir at doon sa babaeng 'yon nakukuha kong mainsecure, nakukuha kong ikumpara ang sarili sakanya.
Hindi naman ako ganoon kabelieve sa sarili ko, maganda ako pero alam ko ring maganda ang babaeng' yon. Kaya nga ganito nalang ang pag-iisip ko.
She looks matured, her body screams that she's sexy, and it shows that she's capable of dating anyone her age. Especially now, with my ultimate crush.
And I can't accept it, because my eyes see the difference between me and her. I couldn't even compare myself before. But now? It made me jealous, not because she's beautiful and perfect. She could talk to Sir Sarmiento whenever she wanted, and it was impossible for me to talk to him for long.
Dumaan pa kami ni Cesar sa harap nila pero ni hindi ko manlang nakita na tinapunan niya ako ng tingin.
Halos manginig ang tuhod ko at ilingon ang ulo sa kung saan sila nakapwesto.
Hindi ko narinig ang usapan nila. Ano kaya ang pinag uusapan nila, importante ba iyon. Mas lalo akong nanlata dahil pati dito sa room namin ay 'yon ang topic.
"Mukha ngang Girlfriend' yon ni Sir. Bagay sila. Pero ayokong makita si Sir na may kasama ng girlfriend." si Lisa.
"Pero ganon talaga, nasa tamang edad na si Sir. Kung kaedad lang natin siya baka malay natin isa sa atin ang maging girlfriend niya. Pero bata pa tayo ah." nagtawanan sila at sinang-ayunan ang sinabi ng isa ko pang kaklase.
Matamlay akong naupo at pilit na iwinawaksi ang nakita ko. Ano ba naman ito. Dapat hindi ko na iniisip. Maging masaya nalang ako sa lovelife ng crush ko. Pero kasi, hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Bata pa ako pero yung paghanga ko sakanya ay pang matanda na. Ayoko naman talagang maging ganito. Pero kasi, nasanay ako na hinahanap siya. Nasanay ako na walang rin siyang nakakasamang babae. Ngayon lang talaga kaya parang hindi ko kaya na magkaroon siya ng Girlfriend.
Bakit Eury, gusto mo na ikaw ang maging Girlfriend kaya ayaw mong magka girlfriend siya ng iba. Gusto mo ikaw lang.
Umiling-iling nalang ako.
"Hoy, kanina kapa ganyan. May problema kaba?" tanong ni Cesar ng makalapit na sakin.
"Wala. Wag mo akong pansinin." Sabi ko, at sinimulan ng magbuklat ng libro para makapag review. Makasagot manlang kapag may tinanong mamaya.
Lumipas na naman ang oras at uwian na naman. Parang nawalan ako ng gana magkikilos. Ganito ba talaga kapag alam mong may mahal na ang crush mo. Yung tipong kahit alam mong may girlfriend na hinahanap mo pa rin, umaasa kapa rin.
Euricka, your still a minor. Hintayin mong maging legal age ka bago ka lumandi ng ganiyan. Aagggrrh. Ano bang kahibangan ito.
Nasa gate na ako ng hindi ko namamalayan. Tinakasan ko si Cesar para hindi niya ako mapansin na ganito. Mamaya mapaamin ako non na isa rin ako sa nagkakagusto sa Professor.
Ayoko lang na tinutukso niya ako na bata pa daw ako, kaya dapat bata rin daw ang magustuhan ko. Pangit daw kapag matanda sa akin. Magmumukha daw kaming mag-ama. Kaya imbis na ipagmalaki ko sakanya 'yon. Nilihim ko nalang para hindi na niya maasar.
May nakita akong maliit na bato, sinubukan kong sipain ito. Hanggang sa natuwa at nalibang ko ang sarili ko.
Habang palayo ng palayo ang bato ay mas nag-eenjoy ako sa paglalakad. Bahagya akong tumakbo para masipa muli ang bato nang may malakas na bumusina kaya naman halos masubsob ako sa pagmamadaling huminto.
Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa gitna na pala ako ng daan at isang sasakyan na itim ang nasa harap ko na.
Lagot na, muntikan na akong masagasaan. Langya naman nawala nga ang pag-iisip ko sa problema ko sa pag-ibig, ito naman ang pumalit.
Dahan dahan akong naglakad sa gilid at binalewala ang nangyari pero laking gulat ko ng gumilid ang sasakyan sa mismong harap ko.
Kinabahan naman ako dahil baka nagalit ko ang driver at baka isumbong pako sa baranggay dahil sa kalsada ako naglalaro.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Balak ko sanang tumakbo at takasan ang muntikan ng makasagasa sakin pero isang tunog na hudyat na palabas na ang driver ng sasakyan.
Kaya naman umatras ako at balak balak ko na talagang tumakbo pabalik ng school nang makita ko kung sino ang driver nito.
"Palaruan ba ang kalsada?" Malamig at may bahid na galit ang kanyang boses.
Lumunok ako ng husto at pumikit ng palihim. Tama ba ang nakikita ko. Si Sir Sarmiento ba itong nasa harap ko, na muntik na akong mabangga?
"Are you listening?" Isang matigas na ingles ang pinakawalan niya.
Kaya naman bago pa siya ulit magsalita. "So-sorry po Sir. Hindi ko po kasi napansin na--".
"Damn. Paano kung nabangga kita?" pagalit niyang sabi.
Mas nangatog ang tuhod ko at hindi ko na mahanap ang isasagot ko sakanya.
"Uh.., wag po kayong mag-alala. Alam kong kasalan ko, kaya hindi ko po kayo sisisihin o ano pa man--" halos himatayin ako nang hindi na naman niya ako pinatapos at mabilis siyang nagsalita.
"That's not what I'm thinking paano nga kung nabangga kita, I could never forgive myself." Aniya at matalim ang tingin sakin.
Bakit naman, kasi nagkasala siya kahit hindi naman siya ang may kasalanan.
"Okay lang Sir. Pasensya na po hindi ko na po uulitin. " sagot ko. Ambang tatalikod na, dahil hindi ko na kaya ang paninitig niya sakin. Pakiramdam kong namumula na ang buong mukha ko sa kahihiyan.
"Hindi na talaga mauulit 'to. Kung gusto mong maglaro doon ka sa playground. Damn this kid." pabulong niyang sabi sa dulo.
Kid? So tama nga ako. Bata lang talaga ang tingin sakin ni Sir. Kanina medyo kilig pa ako, ngayon naman ay kirot sa dibdib ang gumuhit sa akin. Nanginig ang balikat ko.
Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita muli. Dahil baka mas lalo ko lang hindi magustuhan ang ibibitaw niyang salita..
Alam ko sa sarili ko na bata pa ako. Nakikita ko rin 'yon sa aking itsura at katawan. Pero yung marinig mula sa taong gusto ko ang salitang' yon ay hindi ko matanggap.
Hindi ko matanggap na wala talagang pag-asa na mapansin niya ako. Siguro kahit hindi na bilang isang pag-ibig. Bilang kaibigan nalang sana. Pero bakit ko nga ba naiisip na makipag kaibigan pa. Estudyante lang ako at isa siyang Professor parang ang hirap isipin na maging magkaibigan ang batang estudyante sa isang binatang Professor. Parang hindi magandang kombinasyon.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo nako at tanaw ko na ang bahay namin. Naramdaman ko nalang na hingal na hingal na pala ako at basang basa ang mukha ko ng luha ko.
Fuck Eury, ang bata mo pa. Wag kang oa na para bang siya lang ang lalaki sa mundo. Sinubukan kong iconvince ang sarili na bata pa nga ako at kapag tumanda na ako, makikilala ko din ang lalaking kaya akong mahalin at magiging Boyfriend ko.
Sa ngayon siya ang gusto ko, pero kapag lumipas pa ang taon at panahon baka mabago ang ihip ng hangin at magulat pa ako na hindi ko na siya gusto at may iba na akong gugustuhin.
Nakarating ako sa bahay ng nag-uusap si Mommy at Daddy ng tahimik. Humalik ako sakanila bago kumuha ng inumin sa ref.
"Kamusta ang pag-aaral mo anak." tanong ni Mommy.
Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang kamay ko, bago humarap sakanila.
"Fine mom."
"Bakit parang matamlay ka." balewalang tanong nito sakin.
"Pagod lang sa paglalakad. Sige po akyat nako. Tawagin niyo nalang po ako kapag kakain na." Humalik ulit ako sakanila habang pinagmasdan si Daddy na seryosong nakatanaw sakin. Hindi manlang siya nagsalita at hinayaan niya akong makalapit sakanya ng hindi ako kinakamusta.
Kapag pasok ko sa kwarto ay sinalampak ko agad ang katawan ko at hinayaan na kalimutan ang pangyayari na 'yon.
Kinabukasan ay wala pa rin ako sa mood. Feeling ko wala ng saysay ang pagpasok ko kung palaging sumasagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Sa buong araw na' yon. Nalaman kong may Girlfriend siya, tapos nung siya pa ang muntikan na makasagasa sakin. At yung sinabi niyang Kid ako?!? Hindi ko talaga iyon matatanggap kahit pa totoo iyon.
Mas pinamumukha niya lang sa akin na wala akong chansa na magustuhan niya, alam kong hindi niya alam na gusto ko siya. Pero the hell, alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako kahumaling sakanya at ngayon sa mismong bibig pa niya nanggaling ang pinaka ayokong naririnig sa kahit na sino.
Oo bata na kung bata. Pero tatanda rin ako. Kaya wag niyang sabihin na Kid ako. Dumaan din siya sa pagiging bata kaya naman siguro alam niya ang ganitong pakiramdam. Pero langya, hindi nga niya alam na gusto ko siya kaya wala siyang pakiealam kung masasaktan ba ako don sa sinabi niya.
Sabihin na nating normal sakanya 'yon. Pero para sakin ay big deal yon. Dahil sakanya pa ng galing. Ayos lang sana kung sa iba eh. Kaso bakit sakanya pa. Matatanggap ko sana kung hindi siya.
Papasok na ako ng gate ng makita ko kung kaninong sasakyan ang papasok na rin sa gate. Binuksan niya ang bintana niya at kinausap ang guard. Napabaling pa siya ng tingin sakin kaya nag iwas agad ako ng tingin at daan.
Dumaan ako kung saan hindi niya madadaanan. Nagmadali pa ako para lang makasiguro na hindi niya ako makikita.
Habang mabilis na naglalakad ay isang kamay ang humaplos sa aking braso na may kasamang diin.
Hindi ko pa siya nakikita pero kinabahan na agad ako. Ayoko sanang lumingon pero masyado akong nasaktan sa paraan ng pagkakahawak niya.
"Bakit ka nagmamadali." Mabilis kong binawi ang braso ko at tinalikuran siya. I rolled my eyes.

Bình Luận Sách (133)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    nakakatuwa nmn po magbasa ng mga novela

    14d

      0
  • avatar
    ArribaAceey

    nice

    25d

      0
  • avatar
    Trisha

    my peyborit 🫶🥹

    18/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất