logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2: Can We Be Friends?

After 6 years
Binasa ko ang nakasulat sa maliit na papel na aking hawak na halos mapunit na sa sobrang pagka-gusot.
Habang naglalakad ay napapansin ko ang ilang mga studyante na napapatingin sa akin sabay magbubulungan. Naiilang man ay hindi ko na lang sila pinansin. Dala na rin siguro ng hindi ako sanay na napapalibutan ng maraming tao. Pinanatili ko na lang ang malakas at seryosong ekspresyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ang building na kanina ko pa hinahanap.
Dire-diretso akong umakyat ng hagdan papunta sa second floor ng building.
Maraming estudyante ang nakatambay sa corridor. Labas pasok ang mga ito sa classrooms. Sobrang ingay na halos kulang na lang ay isda at karne para maging palengke ang buong corridor.
Laking pasasalamat ko ng wala ni isang estudyante ang tumingin o pumansin sa akin hanggang makapasok ako sa sariling classroom. Karamihan sa aking mga kaklase  ay sa unahan nakapwesto kaya lihim akong napangiti bago hinila ang bangko sa hulihang bahagi ng silid at doon prenteng naupo. Inihilig ko ang aking likod sa sandalan ng bangko. Inilabas ko na rin ang yakult at earphone mula sa aking bag.
Inilagay ko sa shuffle and aking playlist at sinimulang pakinggan ang isa sa paborito kong kanta habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong nakikipagkwentuhan sa iba ko pang kaklase. Mas mabuting makinig sa musika kaysa makinig sa kwentuhan ng mga kaklase ko na wala naman akong maintindihan. Binuksan ko ang yakult na hawak ko saka lumagok dito.
Pero kahit nasa middle na ang volume ng aking tugtog ay rinig ko pa rin ang maingay nilang tawanan.
"Sana makatagal ako sa school na ito," bulong ko sa aking sarili habang nilalamukos ang bottle ng yakult na wala ng laman. Tumagilid ako at sinipat ang maliit na trash bin malapit sa may teacher's table. Inangat ko ang kamay ko at saka parang bola na pina-shoot ang bote ng yakult.
3 points!
Maya-maya pa biglang natahimik ang mga tao sa loob ng classroom kong nasaan ako na animo ay may dumaang mga anghel sa kalagitnaan nila. May pumasok palang babaeng hindi naman katandaan. Nakasuot ito ng teacher's uniform. Ito na marahil ang guro namin para sa unang asignatura ngayong umaga. Tumunog na rin ang bell hudyat na magsisimula na ang klase sa buong campus.
Pagkatapos bumati ng teacher na pumasok ay pinaupo agad kami nito at walang paligiy ligoy pa at nag-start na itong mag-discuss. Pinilit Kong makinig sa kanya para naman Hindi ako mag-isip ng Kong ano-anong bagay na magiging dahilan para lumipad na naman ang aking utak. Seryoso akong nakikinig hanggang sa matapos si ma'am at magpa-quiz agad. AGAD.
"Get 1/4 sheet of paper and answer this," sabi ng aming guro habang nakatutok ang mga mata nito sa kanyang laptop.
Napangiwi na lang ako habang nakatitig sa tv Kung saan nakalagay ang sasagutan.
Tahimik kung kinuha ang bag ko. Sinilip ko ang loob nito at nadismaya ako sa aking nakita.
Sandali kung sinulyapan ang katabi ko saka ako pasimple g bumulong sa kanya, "Please give me some paper," bulong ko sa katabi ko. Nagkunwari akong busy sa paghahanap ng kung ano sa bag ko. Tumigil lang ako ay noong biglang may lumapag na wamport sa ibabaw ng desk ko.
"Thanks." Pabulong kung sabi ng hindi pa rin lumilingon sa kung sino man ang nahingan ko. Habang nagsasagot ay nag roll call si ma'am para sa attendance.
"Mr. Zin Coser Mendez." Biglang tawag ni ma'am pero walang sumagot. Naka-dalawang tawag pa ito ng may sumigaw.
"Ma'am Wala pa po. Hindi pa po pumapasok." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.
"Ms. Perri nasan si Mr. Mendez?" Tanong ng aming guro.
"Nagbabakasyon pa po yata ma'am." Muling sagot naman ng kaklase ko.
Hindi ko na Lang inintindi ang usapan nila at nagsimula na akong magsagot. Wala akong pakialam kong tama pa ba iyong mga isinusulat ko o Mali na. Ang mahalaga ay meron akong maipasa.
Tahimik na nagsasagot ang buong klase ng mapansin kong lumabas si ma'am. Bumalik lamang siya ay ng tumunog na ulit ang bell. Hindi na rin namin natapos ang sinasagutan dahil wala ng oras.
"Pass your paper, finished or not finished," anunsyo ng aming guro. Ipinasa ko ang papel sa unahan. Break time na pero nanatili lamang ako sa loob ng classroom. Nakinig na lamang ako ng kanta at hinintay na dumating ang kasunod na teacher.
Lumabas ako sa room ng tumunog ang bell para sa lunch break. Kanina pa ako nagugutom kahit naka-dalawang tasa naman ako ng kape kaninang umaga bago pumuntang school.
Pagdating sa cafeteria ay pumila agad ako. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga pagkain na nasa menu bukod sa pasta at juice na may iba ibang flavor na prutas kaya kong anong sa tingin ko ang masarap ay iyon na lamang ang pinindot ko sa malaking screen na nasa harapan ko.
Malapit sa bintana ang nakuha kong pwesto dahil iyon na lang rin ang bakante. Halos ma-occupied na ang lahat ng tables kahit malaki at malawak ang cafeteria. Sa totoo lang ay wala sana akong balak na pumunta dito sa canteen dahil nakaka-suffocate ang mga tao pero nagugutom na talaga ako.
Tahimik akong sumusubo ng pagkain habang suot suot ang earphone at nakikinig ng music. Hangga't maaari ay ayaw kong makarinig ng kahit anong ingay galing sa mga tao sa loob ng cafeteria.
Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay may naglapag ng tray sa tapat ko.
Dahan dahan kong inangat ang aking ulo upang tingnan kong sinong dora ang naki-share sa table ko. Ngumiti sa akin ang babae saka may sinabi.
Hindi ko narinig ang sinabi ng babaeng kadarating pero nabasa ko ang galaw ng kaniyang bibig. 'pa-share' ang kanyang sinabi ayon sa aking pagkakaintindi.
Tumango ako, "Hmm. Do what you want," halos pabulong kong sabi. Inalis ko ang suot kong earphone saka muling nagpatuloy sa pagkain.
Ngumiti ang babae saka ito nagsimula na ring kumain, "Hi...Miakie Lee Perri nga pala pero Lee na lang ang itawag mo sa'kin," pagpapakilala nya sa kanyang sarili kahit hindi ko naman siya tinatanong, hawak pa nito ang tinidor at siyang ginawang pang-kaway.
"Slaine." Tipid na sagot ko saka sumubo ng pasta.
Umayos ng pagkakaupo ang babaeng nagpakilalang Miakie Lee, "Nga pala, hindi mo siguro ako napansin kanina...magkaklase tayo." Magiliw nitong pagbabalita.
Sandali ko syang tinapunan ng tingin, "Ohh really?" Sandali akong na-estatwa na akala mo ay mayroong malalim na iniisip pero wala naman pero agad din akong yumuko at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako interesado. Pero...pamilyar nga ang surname nya. Siya yata 'yong babaeng tinanong ni ma'am kanina about dun sa di pa pumapasok hanggang ngayon. Hindi ko alam kong 'yun nga 'yong tinanong ni ma'am sa kanya pero 'yun 'yong unang pumasok sa isip ko.
"Can we be friends?" Biglaan nyang tanong dahilan para mapahinto ako sa pagsubo.
"No." I answered quickly.
"Why?" Tanong nya.
Ibinaba ko ang hawak na kutsara at tinidor ngunit nanatiling nakapatong ang kamay ko sa ibabaw ng table, "Wanna know...the reason why?" Sandali akong humintosa pagsasalita upang obserbahan sya, mukha namang hinihintay nya ang isasagot ko, "saka na kapag close na tayo."
Agad syang napasimangot dahil sa sinabi ko, "Pero ayaw mong maging magkaibigan tayo, diba?"
"Yes!" I answered quickly.
"So, you won't tell me why..." She said with a hint of disappointment, I guess, in her voice.
Pinatunog ko ang aking daliri, "Exactly!"
Madali Kung inubos ang pasta na kinakain ko at um-exit sa canteen. Kaibigan? Ha. Is she trying to make me laugh? I don't need a friend. I want to tell her that but I don't want to be harsh either. She look kind and fragile. Buong buhay ko nasanay akong mag-isa kaya siguro hindi ko na kailangan ng kaibigan. Sanay rin akong walang tumutulong sa akin kahit minsan nagmamakaawa na akong tulungan nila ako. Sinanay nila ako. Bukod pa don natatakot akong baka hindi ako maging enough. Baka Hindi ko mapunan 'yung ginagawa ng isang kaibigan. At baka masaktan ko lang sila o madamay pa sila sa kaguluhan ng buhay ko. At isa pa lahat naman temporary at walang nag-sstay. Ma pamilya mo man 'yan o kaibigan lang dadating ang araw na iiwanan ka rin nyan at natatakot akong maiwan ulit. You know, people are good at leaving, betraying and hurting people.
Pagkatapos ng lunch break at makapagpahinga ay halos magkasabay rin kaming bumalik ni Lee sa room. Nauna ako sa kanyang pumasok dahil may tumawag na teacher sa kanya.
Pagkaupo ay kinuha ko ang libro na nakita ko sa ilalim ng bangko ng nasa unahan ko. Nagbuklat buklat ako habang kunwareng nagbabasa. Mula sa peripheral vision ay nakita ko si Lee na naglalakad palapit sa direksyon ko. At tama nga ang iniisip ko ng maupo sya sa tabi ko. Bigla akong nailang dahil na Rin siguro sa sya pala ang seat mate ko na hiningan ko ng papel kanina na akala mo ay may patago.
Wala namang masyadong nangyare ngayong hapon pero nakaka-stress ang science. Tahimik Lang ako habang nagkaklase. Sa sobrang antok na nararamdaman ay parang gusto ko ng tukudan ng posporo ang dalawa Kong mata para Hindi bumagsak. Para Hindi tuluyang antukin at makatulog sa klase ay patago na Lang akong nag-earphone at naglaro ng sniper sa cell phone ko.
Napasipa ako sa sahig ng Hindi tumama sa ulo ng target ang bala. Iisang bala na Lang ang natitira at meron pa akong dalawang target. Tumatakbo ang target ko at kailangang hindi sila makawala sa open space.
Papatayin Kita! Bwesit ka! Masyado mo akong pinapahirapan ha!
Itinutok ko sa target ang sniper at saka ito pinaputukan. Headshot.
Wala na akong bala pero may natitira pang isang target.
The target is running away.
"Shit." I cursed. After mag-load ng bala ay muli kung itinutok ang rifle sa target saka ni-released ang bala.
"Right, Ms Ferrer?" Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong cell phone ng marinig ko ang tanong ng teacher namin at pagtawag sa pangalan ko. Agad akong napaayos ng upo at diretsong napatingin sa unahan ng maalala ko ang earphone ko kaya nakangiwi akong yumuko ng dahan dahan saka pasimpleng itinago sa buhok ko ang earphone. Hindi ko sya sinagot dahil hindi ko naman alam kong about saan ba ang itinatanong nya. 'Yan kasi Slaine laro pa.
"What are you doing? Are you sleeping?" Umiling ako sa tanong ni ma'am. Mukha ba akong natutulog.
"No...ma'am." sagot ko sa kanya ng bahagyang napapangisi. Nang muli itong humarap sa direksyon ko ay mabilis kung inalis ang ngisi sa aking labi at kunwaring seryosong nakikinig sa mga sinasabi n'ya.
Nang magbell ay inayos nito ang kanyang mga gamit at nagpaalam," 'Wag n'yong kakalimutan ang sinabi ko. Class dismissed." Sinundan ko ng tingin ang teacher namin hanggang makalabas sya ng room.
"Bullshit!" Mura ko ng makita ang dalawang words na lumabas sa screen ko ng muli kung tingnan ang aking cellphone.
'Mission Failed'
Kasalanan ng teacher na 'yun eh kung bakit natalo ako. Kainiss. Maipapanalo ko na sana 'yun eh. Kalahating buwan ko na itong nilalaro pero hindi pa rin ako makaalis sa third mission.
Inis kung pinagsisipa ang likod ng bangko sa unahan ko. Nang marinig ko na ang bell ay agad kong hinablot ang mga gamit ko at isinilid sa bag bago lumabas ng room.
"Slaine! Slaine!" Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa taong tumatawag sa pangalan ko. Nakita ko si Lee na naglalakad palabas ng room habang hinahabol ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan syang sumabay sa mabibilis kung hakbang.
"Uuwi ka na ba?" Tanong nito.
"Oo." Matipid kung sagot.
"Baka gusto mong sumama samin ni Nyx kumain saka bumili na rin ng notebook na pinapabili ni ma'am. Hindi ka naman busy, diba?" Pilit syang humahabol sa mabibilis kung hakbang.
"Busy ako," kinuha ko ang earphone ko at saka ko isinaksak sa cellphone ko.
"Talaga? Sayang naman. Pero next time ahh sama ka sami---"
Hindi na naituloy ni Lee ang sasabihin nya ng mas bilisan ko ang lakad ko at ilakas ang volume ng speaker. Hindi na sya nakasabay pa ng tumakbo na ako palabas ng gate. Sinabi ko ng ayaw ko syang maging kaibigan pero kinakausap pa rin n'ya ako.
Bahagya kung ikiniling ang ulo ko saka binagalan na ang paglakad. Balak ko na sanang umuwi sa bahay at matulog ng maaga kaya lang ay bigla kung naalala na may bibilhin pa pala akong notebook na sinabi ni ma'am kanina. Narinig ko 'yun. Multi-tasker ako e.
May sikat pa naman ang araw kaya naisip ko na lang na maglakad. Hindi na ako nag-inarte at sa pinakamalapit na mall na lang ako nagpunta dahil uwing-uwi na talaga ako. Nang makarating ay nag-ikot ikot muna ako habang tumitingin tingin ng tinda sa paligid hanggang makapunta sa second floor kung nasaan ang bilihan ng mga school supplies.
Plain at walang style na notebook ang pinili ko dahil hindi naman ako fan ng science. Panget ang subject panget din ang notebook para fair. Oh diba?
Andami kasing arte ni ma'am imbes na isang notebook na lang 'yung dala dala ko araw-araw pinadagdagan pa. Ipadala ko kaya sa kanya 'yan. Tss
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit at saka dumeritso sa kusina para magluto. Ako lang mag-isa ang nakatira sa malaking bahay na ito kaya solo ko lahat ng gawain except sa paglalaba na iniuupa ko na lang. Kapag sabado na dinadala ko sa bahay nina aling Maria ang mga damit kung marurumi at sya na ang bahalang maglaba. Binili ni daddy ang bahay na ito para dito na daw kami tutuloy kapag nagbakasyon kami dito sa Pilipinas. Plano namin na magkakasama kaming babalik dito pero ngayon ako na lang mag-isa at hinding hindi na mangyayare ang plano naming pumunta dito ng magkakasama.
Bago pa man tumulo ang mga luha ko dahil naaalala ko na naman sila ay hinango ko na ang piniprito kong itlog. Mayaman kami pero pa-itlog itlog lang ako. Nakakawalang gana naman kasing magluto at kumain kapag mag-isa ka lang.
Pagkatapos kung kumain ay nanood na lang ako ng Doraemon.
Ang boring ng buhay ko. Paulit-ulit na lang ang mga nangyayare. Matutulog. Kakain. Papasok sa school. Malulungkot. Repeat.
Kailan kaya magkakaroon ng exciting na part sa buhay ko. Kainiss. Minsan talaga magbibigti na ako. Pero joke lang 'yun mamamatay muna ang mga traydor na pumatay sa magulang ko bago ako mamatay. Tss

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất