logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 26: An Order

Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Sobrang init nya na hindi ako makatagal na hawakan sya dahil para kung napapaso. Sobrang taas ng lagnat nya. Akala ko okay na sya kanina dahil nagawa na nya akong asarin pero heto at nawalan na sya ng malay ng hindi ko alam. Triple na ngayon ang kabog ng puso ko dahilan para mahirapang mag-function ang utak ko kung anong gagawin ko.
Mabigat si Coser at mas malaki sya sakin kaya naman hirap na hirap akong maihiga sya ulit sa sofa. Mukha lang syang payat pero pahirapang buhatin. Kumuha ako ng maliit na tuwalya saka ko iyon binasa sa malamig na tubig at inilagay sa noo nya. Kinumutan ko na rin sya dahil nanginginig sya kahit na ang init naman ng kanyang katawan. Naupo ako sa sahig malapit sa kanya at hindi binitawan ang kanyang kamay.
"Hmm..." Agad akong napa-angat ng ulo ng marinig ang boses ni Coser. Nakapikit ang kanyang mga mata pero hindi malaman kung saan nya ibabaling ang kanyang ulo. Nakakunot din ang kanyang noo. Mukhang nananaginip sya.
"Coser!" Kalmado kung tawag sa pangalan nya. Kita ko sa mukha nya ang paghihirap.
"Coser!" Malalasa na ang pagpapanic sa aking boses. Binitawan ko ang kamay nya at lumuhod. Hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi.
"Coser!" I called his name softly, "shh! It's alright! It's alright! I'm here! I won't leave you!" Bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung magandang idea ba yon ng makita ko ang luha na nagpilit na makatakas sa kanyang kaliwang mata. Ilang segundo ang lumipas at pansin ko na ang pagkalma nya. Pagalaw galaw ang talukap ng kanyang mata kaya dali dali akong pumunta sa kusina at kumuha ng ice cubes. Tinawag ko ang kanyang pangalan at sinabing ibuka ang kanyang bibig na agad naman nyang sinunod kahit na hirap sya. Pinalusot ko ang ice cubes sa kanyang bibig.
"Wag mong lulunukin yan ah," paalala ko dahil baka bigla nyang malunok. Kailangan nyang makainom ng tubig pero mukhang hindi nya kayang bumangon kaya ice cube na lang ang inilagay ko sa bibig n'ya para na rin bumaba ang kanyang lagnat.
Iniwan ko na si Coser sa salas at mag-isang kumain ng makaramdam na ako ng gutom. Binalikan ko na lang ulit sya ng matapos akong magligpit. Sinamahan ko sya sa salas hanggang sa mag alas dose ng umaga. Nang magising sya ay saka ko lang sya pinakain at muling pinainom ng gamot. Inalalayan ko rin sya na umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko para maayos ang pagpapahinga nya. Alam ko namang sikip sya doon sa sofa.
Hindi ako natulog at mas pinili ko na lang na magbasa ng libro habang binabantayan si Coser. Aksidenteng napadako ang tingin ko sa maamo nyang mukha pero hindi si Coser ang nakikita ko kundi ang mukha ng best friend ko. Bigla naman akong nakaramdam ng bigat sa dibdib ko kaya lumabas na lang ako sa kwarto at bumaba ng hagdan para sa sofa mahiga.
Chineck ko ang oras sa screen ng cellphone ko. Alas dos pa lang pala. I-o-off ko na sana ang phone ko ng bigla na lang iyong umilaw pero agad ding namatay. Nang muli ko iyong tingnan ay halos mahulog na ang eyeballs ko sa sahig ng tumambad sa akin ang singkwentang hindi nasagot na tawag mula kay Lead. Lampas sampo din ang pinadala nyang message mula pa kaninang umaga. Ano kayang kailangan nito? Nagkibit balikat na lang ako at tuluyang pinatay ang cellphone ko. Hindi ko na kinaya ang antok kaya nagdesisyon na lang akong matulog.
Hindi ko alam kung anong oras na pero tirik na tirik na ang araw ng bumangon ako. Nahulog ang kumot na nakabalot sa katawan ko na ipinagtaka ko dahil wala naman akong naalala na nagdala ako ng kumot dito sa sofa kagabi. Bigla namang pumasok sa isip ko si Coser kaya dali dali akong tumakbo paakyat ng hagdan at itinulak ang pinto ng kwarto ko. Tahimik at wala ng Coser na nakahiga sa kama ang bumungad sa akin. Maayos na nakatupi ang higaan ko. Muli akong tumakbo pababa ng hagdan at dumeritso sa kusina pero wala akong naabutan. Nanghihina akong naupo sa silya. Magaling na siguro sya kaya umuwi na. Hindi man lang ako ginising.
Nagtimpla na lang ako ng kape. Nakatulala lang ako habang humihigop ng para akong sinuntok ng maalala kong lunes nga pala ngayon. Halos madapa at napapamura akong tumakbo paakyat ng hagdan. Hindi na ako nag-abalang maligo. Nagbihis na ako at tumakbo palabas ng bahay. Halos madapa naman ako palabas ng gate ng bigla akong huminto. Parehas kaming gulat na napatingin ni Lead sa isa't isa. Kalalabas nya lang sa kanyang kotse at hindi ko mahitsurahan ang kanyang mukha. Straight na straight ang kanyang mukha at nakikita ko sa mata nya na parang kanina pa sya iritang irita. Maging sa kilos nya ng malakas nyang isarado ang pinto ng kanyang kotse dahilan para mapaatras ako.
"Get in." Mahina at walang kabuhay buhay nyang saad.
Hindi ko naman alam kung sino ang kinakausap nya kaya nag-aalangang itinuro ko ang sarili ko, "a-ako?"
"May iba pa bang tao dito?" Iritang tanong nya.
Awkward naman akong napatango tango na parang nage-gets ko na ang sinasabi nya saka dumaan sa kanyang likod para pumasok sa loob ng sasakyan nya. Sumunod din naman sya agad. Walang imik na pinaandar nya ang sasakyan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. And it's getting awkward. Dati na naman syang tahimik pero iba ang aura nya ngayon. Pa-simple ko syang sinilip sa gilid ng mata ko. Diretso lang ang tingin nya sa unahan.
"Why aren't you answering my calls?" He asked out of the blue.
"Ha?" Narinig ko ang sinabi nya. Hindi ko lang inaasahan na magtatanong sya about dun, "maghapong naka-off ang phone ko," sagot ko.
"You're with Zico the whole night," hindi yon tanong. Sinabi nya yon na parang siguradong sigurado sya.
Hindi ko alam kung pano nya nalaman. Sinabi ba ni Coser?
"I saw him coming out of your house," he said like he read what's on my mind.
"He was sick that's why I let him stay over night," walang gana kung sagot saka bumaling sa kanan ko. Pinanood ko na lang ang nadadaanan naming mga puno, gusali at mga tao.
"You let him stay there? Bakit hindi mo na lang dinala sa hospital? " Parang hindi makapaniwalang saad nya.
Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi nya. Agad na nag-init ang ulo ko. Bumaling ako sa pwesto nya at naguguluhan syang tiningnan, "what's wrong with that?" Tanong ko. Inisip ko kung anong mali sa pagpayag ko na mag-stay si Coser sa bahay ko. Wala namang mali dun ah. Tinulungan ko lang yong tao.
"Kayong dalawa lang? What if my ginawa syang hindi maganda sayo?" This time ay humarap na sya sakin. Matalim ang tingin nya. Wala naman akong mahanap na rason kung bakit s'ya nagagalit. Saka anong sinasabi nya? Ni minsan hindi ko naramdaman na may masamang plano sakin si Coser. Anong iniisip nya? Papatayin ako ni Coser? Natawa ako sa naiisip ko. Myghad! Bakit ganyan sya mag-isip. Psh.
"What?" Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya,"Damn it! He's my friend! What am I  supposed to do with that? Hayaan sya?" Mataas ang boses na saad ko. Nakatitig lang ako sa kanya waiting for his response pero hindi s'ya nagsalita. Nakatitig lang s'ya sa daan," and why are you suddenly acting like my boyfriend!" Para kung dinagukan ng bigla nyang ihinto ang sasakyan. Napapikit ako ng mariin at akmang sisigawan na sya ng maunahan nya ako sa pagsasalita.
"I'm not acting as your boyfriend," may diing sagot nya.
"Then what!? A brother?" Natigilan sya ng marinig ang sinabi ko. Pansin ko ang paghinga nya ng malalim bago muling pinaandar ang sasakyan. Paikot ang matang umiwas ako ng tingin sa kanya. Walang paa-paalam na lumabas ako sa sasakyan nya ng huminto na iyon. Tumakbo ako papunta sa canteen at bumili ng sandwich. Bigla akong nagutom sa sagutan namin kanina ni Lead. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang asal nya. Ano bang pakialam nya kung hinayaan kung malipasan ng gabi si Coser sa bahay ko. Baka nakakalimutan nya yong sinabi nya sakin na gusto nya akong patayin. Sa kanilang dalawa sya ang mas dapat kung iwasan at hindi dapat pagkatiwalaan.
His Point Of View
"Kelan mo balak gawin ang iniuutos ko sayo?" Umay na tanong nya. Hindi sya nakatingin sakin. Nakatuon lang ang kanyang paningin sa hawak na libro. Magkacross ang kanyang mga hita at parang isang prinsesang nakaupo sa kanyang trono.
Hindi ako nagsalita. Mahina akong natawa. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Hindi man lang sya nag-abalang tingnan ako, "sino ka ba para sundin ang utos mo?" Nang-uuyam kung tanong sa kanya.
Dahil sa sinabi ko ay agad syang lumingon sa akin. Matalim ang kanyang titig at nakataas ang kanyang kanang kilay pahiwatig na hindi nya nagugustuhan ang pagsagot ko sa kanya, "baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin. Buhay nating dalawa ang nakasalalay dito." Gigil na saad nya sakin.
"Wala akong pakialam!" Lumayo ako sa kanya at hindi makapaniwalang napailing.
"Ano?"
"Matagal ko ng kinalimutan ang kasunduan nating dalawa!" Sigaw ko, "I won't do what you want, I won't kill her! I'm done being your puppet!"
Hindi sya makapaniwalang humarap sakin. Gigil na itinapon niya ang hawak na libro at namimilog ang mga matang naglakad palapit sa akin, "bakit? Don't tell me nahulog ka na sa babaeng yon?" Sarkastiko syang tumawa.
Hindi ako nagsalita. I comb my hair using my fingers out of frustration. Kahit kelan naman hindi nawala yong nararamdaman ko para sa kanya. Kahit ano pang nagawa nya dati, kahit ilayo nila ako sa kanya hindi na magbabago yon. Hindi ko sya kayang sundin. Alam kung sya lang ang makikinabang ng lahat kapag sinunod ko ang plano nya. Hindi na ako bata para sumunod sa lahat ng gusto nya.
"Wag mo akong idamay sa katangahan mo sa babaeng yon. Sundin mo ang utos ko habang may awa pa ako sayo!" Mababa ngunit madiin ang pagkakabigkas nya sa bawat salita, ipinapahiwatig na nauubusan na sya ng pasensya pero hindi ako natinag. Natatakot ako sa pwede nyang gawin pero hinding hindi ko ipapakita sa kanya ang kahinaan ko kahit nasa harapan ko na yon mismo.
"Hindi ko kailangan ng awa mo!" Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay agad kung naramdaman ang hapdi sa kanan kung pisngi. Mariin akong napapikit habang nanatiling nakatagilid ang ulo ko. Pakiramdam ko ay sandali akong nabingi dahil sa ginawa nya. Nang magmulat ako ng mata ay unang bumungad sa akin ang nanginginig nyang kamao probably because of anger.
"Wala kang utang na loob," ani niya, "mamili ka, papatayin mo sya o ako ang papatay sa kanya?" And with that, she left. Napaurong ako ng banggain nya ako sa balikat at nagdire-diretsong lumabas sa library nya. Napapikit na lang ako ng mariin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa iniwan nyang salita. Ikinuyom ko ang palad ko at nagtitimping kinagat ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo na nagmumula doon. Nanatili akong nakaupo sa sofa hanggang sa marinig ko ang sunod sunod na pagpasok ng mga tauhan nya sa loob ng library kung nasaan ako. Hindi na ako nagpumiglas ng ikulong nila ang aking ulo sa sakong tela. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at marahas na hinila patayo hanggang sa makalabas ng library. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto. Napaluhod ako sa sahig ng itulak nila ako. Walang pag-iingat na hinila nila ang sako na nagtataklob sa ulo ko. Nanatili akong nakayuko at nakapikit, hinihintay kung anong gagawin nila sakin. Alam kung impyerno na naman ang mararanasan ko dito.
Ilang sandali pa ay isang lalaki ang tumayo sa harapan ko. Pailing iling nya akong tiningnan habang nakangisi. Hinablot nya ang damit ko dahilan para tuluyan akong mapatayo. Malaki ang katawan at braso nya compared sa akin. Hindi ko na ipinagtanggol pa ang sarili ko ng maramdaman ko ang mala-bato nyang kamao sa aking mukha. Sa lakas ng pagkakasuntok nya sakin ay tumilapon ako sa kabilang sulok ng kwarto. Hindi ako agad nakatayo dahil sa hilo. Agad kung nalasahan ang parang kalawang sa loob ng bibig ko.
"Ugh!" Ingit ko ng maramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Tumagilid ako para sana tumayo ngunit hindi kinakaya ng braso ko na suportahan ang nanlalambot at nanghihina kung katawan. Kulang na lang ay maligo ako sa sarili kung dugo at tuwing uubo ako ay tumatalsik mula sa bibig ko ang kulay pulang likido kahit na sa aking ilong. Ramdam ko ang hapdi at sakit sa bawat parte ng aking katawan. Ako na lang mag-isa ang natira sa kwartong pinagdalhan sakin ng mga tauhan nya at tanging ungol ng paghihirap ko ang syang maririnig sa apat na sulok ng impyernong ito. Muli kung sinubukang bumangon pero agad din akong bumagsak, umiikot ang paligid ko pati ulo ko ay sumasakit. Sa kalagitnaan ng paghihirap ko'y nagawa ko pang ngumisi. Kilala ko sya. Alam kung kapag hindi ko sinunod ang utos nya sya ang gagawa nun in order to satisfy herself and my mother. Hindi ko maatim na sarili kung kamay ang papatay sa kanya. Sa ngayon ay wala akong magagawa kundi saluhin lahat ng parusa na ibibigay nya. Ipinangako ko sa sarili ko at sa kanya na poprotektahan ko sya kahit kapalit nun ang buhay ko. Yon na lang ang nag-iisang paraan para mabayaran ko lahat ng mga kasalanan ko sa kanya at sa lahat ng sakit na iniwan ko sa kanya simula ng ilayo nila ako sa kanya. Inilayo nila ako sa nag-iisang dahilan bakit hanggang ngayon lumalaban pa rin ako, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako. I will protect her until my last breathe,  even if it cost my life, and even if it means betraying my mother.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất