logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 25: Fever

"Here." Napaharap ako sa lalaking may hawak na kape. Alanganin ko iyong kinuha sa kamay nya pagkatapos ay saka sya tinitigan. Sinisigurado kung mapagkakatiwalaan ba sya.
"Don't look at me like that. Di ko nilagyan ng lason yan," kalmado nyang sabi bago hinila ang upuan sa harap ko at doon naupo.
"I'm not thinking like that!" I shrugged. Humigop ako sa kape. Nabalot kaming dalawa ng katahimikan. Sumama ako sa kanya dito sa coffee shop dahil sabi n'ya sasabihin nya sa'kin ang rason bat nya ako sinusundan if ever na pumayag ako na magkape kasama sya. I don't know I just feel like hindi naman sya masamang tao and I'm not thinking that he's one of Reid's men.
"I forgot to tell you, I'm Ross!" Pakilala nya. Inilahad nya ang kanyang kanang kamay para makipag-shake hands pero hindi ko iyon kinuha at tinitigan lang hanggang sa napapahiyang binawi nya iyon, "aren't you gonna tell me your name?"
"No!" Mabilis kung sagot. Natawa sya, "I know you already know me, you won't follow me around without checking my background information," seryoso ngunit kalmado kung saad. He shrugged and raised his eyebrow.
"What else did you know about me?" Tanong ko pa. Pakiramdam ko ay may alam sya tungkol sa'kin na hindi ko alam. Ewan ko ba bakit pumapasok sa utak ko ang mga ganitong isipin pero kadalasan ay hindi ako nagkakamali ng hinala.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay nagbato rin sya ng tanong na nagpakunot ng noo ko at nagpataas ng kuryosidad  ng buo kung pagkatao, "do you wanna know a secret?"
"What... Secret?"
"It's a secret!" He let out a snorting laugh while patting the table. Nanatili akong seryoso habang pinapanood sya. Hindi rin naman nagtagal at nagseryoso na syang muli. Tiningnan nya ako sa mata bago muling nagsalita, "a secret about the missing part of your past." Iniurong nya ang silya at tumayo na.
Halos magdikit na ang dalawa kung kilay dahil sa sinabi nya. A secret about the missing part of my past? I tilted my head while thinking kung anong sekreto tungkol sa nawawalang bahagi ng past life ko. Anong ibig nyang sabihin dun? Kahit anong gawin kung pag-iisip ay parang walang pumapasok sa isip ko. Hindi nagsisink in sa utak ko ang sinabi nya.
" What do you mean  by that? " tanong ko habang pinapanood syang lampasan ako.
Saglit syang tumigil at muling humarap sa akin, "you will know when the time is right," sagot nya bago ako iniwan. Umaapaw na Ang curiousity ko sa buong katawan kaya madali ko syang hinabol pero paglabas ko ng coffee shop ay hindi ko na nakita kahit dulo ng buhok n'ya. Nagpalinga linga ako sa paligid pero para syang isang bula na bigla na lang tinangay ng hangin at kalaunan ay pumutok din. Napahawak na lang ako sa noo ko habang kagat ang ibabang labi. Bumalik ako sa loob ng shop at kinuha ang dala ko saka nanghihinang umuwi sa bahay. Habang nasa byahe hanggang sa pag-aayos ng binili kung mga groceries, pagligo at hanggang sa paghinga ko ay iniisip ko pa rin ang sinabi nya. Sumasakit na ang ulo ko dahil wala talaga akong idea kung ano ang tinutukoy nya sa nawawalang bahagi ng past ko. Is it about my parent's death and the person behind the  murder? Is it about my missing brother?
Natigil ako sa pag-iisip ng bigla iyong sumingit sa utak ko. Agad akong napabangon. Kilala ako ng lalaking yon. May alam sya sa buhay ko na hindi ko alam. Kung ang tinutukoy nya ay tungkol sa nawawala kung kapatid  kailangan ko syang mahanap sa lalongadaling panahon. Sigurado akong matulungan nya ako. Kahit anong hingin nya asking kapalit basta tulungan nya lang ako na mahanap ang kapatid ko.
Dahil doon ay mas lalong nabuhayan ang pag-asa sa puso ko na buhay pa sya. Naniniwala akong buhay pa sya.
Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na rin ako. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nakalampas na ako sa gate saka ko kinuha ang aking cellphone at t-in-ype ang numero bago ako nagtype ng mensahe. Pagkasend ko sa mensahe ay agad ko ring binura ang numero kalakip ang mensahe. Imbes na sa classroom pumunta ay dumeritso ako sa swimming pool na nasa tabi lang ng gym. Nagpalinga linga ako sa paligid kung may tao ba at nagpasalamat naman ako sa isip ko ng makitang wala pa ni isang tao sa paligid. Maaga pa kasi.
"Slay, you're here." Napalingon ako ng marinig ang maarteng boses na nanggaling sa likuran ko. Agad syang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"The fuck, Yv! Ano ba? Bitaw nga!" May halong pagkairitang tinulak ko sya mula sa pagkakayakap sakin. Humiwalay naman sya agad at sumimangot.
"Hug lang e," Nakangusong saad nya. Muli kong chineck ang paligid kung may tao ba.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"
"Nothing. I just want to see you." Nilaro laro ni Yv ang dulo ng buhok n'ya habang nagpapaikot ikot sa harap ko, "we're in the same university pero hindi tayo makapag-usap, " paghihimutok nito. Tumigil na rin sya sa pag-ikot ikot nya na tahimik ko na lang ipinagpasalamat dahil nahihilo ako sa ginagawa nya, "na-miss ko lang bonding nating dalawa hehe. "
Npaikot ang mata ko dahil sa sinabi nya, " wala ka bang photoshoot ngayon? " Pag-iiba ko ng topic.
Nang marinig ang sinabi ko ay agad na namilog ang mga mata nya, "omg!" Maarteng saad nya. Inilagay nya pa ang palad nya sa harap ng bibig nya, "wala hehe." Psh, " binigyan ako ng manager ko ng 2 weeks na bakasyon. One of the reason na rin kaya gusto kitang makita. Shopping tayo?" She smiled from ear to ear. Mabibilis din ang pagsara at pagbukas ng talukap ng kanyang mata which people call it 'pretty eyes'.
"I'll think about it."
"Yey! Asahan ko yan ah--," hindi na nya naituloy pa ang sasabihin ng biglang tumunog ang gate sa likuran namin. Mabilis syang umalis sa harap ko at naglakad lakad sa tabi ng pool na parang walang nangyare. Ako naman ay tumalikod na at lumabas ng gate. Napaangat pa ng tingin sa akin ang lalaking pumasok sa gate. Muntik na kami dun ah.
Dumeritso na ako sa classroom namin at naghintay ng teacher. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pag-vibrate ng phone ko. I checked who messaged me. It was Yv. I read her messaged puro iyon dots and dashes. Napangiti naman ako sa mga kalokohan n'ya. We used codes kapag nag-uusap kami via phone. Nakaugalian na namin yon lalo na kapag medyo confidential ang pinag-uusapan. Hindi ko lang alam kung bakit casual na usapan lang ay ginagawa nyang codes.
"Good morning!" Agad kung naitago ang cellphone ko ng marinig ang boses na yon sa likuran ko.
Nilingon ko si Lee hanggang sa makaupo sya sa tabi ko, "good morning!" Bati ko sa kanya pabalik, "where's Nyxx?" Pahabol na tanong ko ng mapansing hindi nya kasunod si Nyxx.
"Ah-- nasa baba bibili lang daw sya ng kape," sagot nya naman habang inaayos ang mga gamit sa bag nya.
Napa-ahh na lang ako at napatango. Hindi na ako muling nagsalita.
"You didn't tell me na magkakilala pala kayo ni Yvanne." Kaswal na saad ni Lee habang patuloy pa rin sya sa pag-aayos ng mga gamit sa bag nya. Hindi sya lumingon man lang sakin.
Nabigla ako dahil sa sinabi nya ngunit hindi ako nagpahalata, "Y... Vanne?" Kunwaring walang ideya kung tanong.
"Yup, I saw you two kanina sa may pool. Talking," she said. Emphasizing the last word she said.
Sandali naman akong natigil. Tiningnan ko sya mula sa gilid ng mata ko. How did she know? Nandun ba sya? Sabi na e kaya hindi ako sang-ayon sa idea ni Yv na magkita kami dito sa loob ng campus.
"Ahh! May itinanong lang sya." Sagot ko naman, "she seems nice naman," dugtong ko pa. Hindi na muling nakapagsalita pa si Lee ng dumating na si Nyxx na may dalang kape. I greeted her good morning and she enthusiastically greeted me back. Hindi na rin naman kami nakapag-usap ng maayos dahil dumating na ang terror naming teacher sa Filipino. Yvanne is the model na kinaiinisan nina Lee at Nyxx dahil base sa kanila maldita at masama ang ugali nito. They once told me na layuan ko sya if ever na magcross ang landas namin but I can't do that cause Yvanne is my trusted informant. Yup, we are related to each other but we are not friends and she already know that. Alam nya na hindi ako nagtuturing na kaibigan kahit ano pang pinagdaanan namin. I'm helping her and she's helping me. It's all about the benefits that we are gaining in helping each other. She knows that I won't betray her and I know that she won't do that. We both signed an agreement years ago and we're both holding on a same rope. If she cut the rope both of us will fall down. I go down she go down and vice versa.
Natigil ako sa pag-iisip at ang teacher namin sa pagtuturo ng bigla na lang bumukas ng malakas ang pintuan. Singhapan ang lahat ng bumungad doon si Coser. Una kung napansin ang pasa sa gilid ng mata nya at ang maliit na hiwa sa ibabaw ng kanyang ilong. Magulo ang kanyang buhok at basta nya na lang isinabit ang necktie sa leeg nya. Mukhang bagong gising din sya. Dire-diretso syang pumasok sa loob na hindi man lang tinitingnan ang teacher namin o kahit sino man lang sa mga taong nandito sa loob ng classroom kasama na ako. Nakayuko lang syang naupo kalapit ang mga kaibigan nya dito sa classroom. Hindi man lang sya lumingon sa pwesto namin para gawin ang dati nyang ginagawa---ang inisin ako.
Dahil sa behavior nya ay na-trigger na naman ang teacher naming high blood at  umusok na naman ang tenga nya sa galit. Ibinagsak na naman nya ang hawak na libro at nagsimulang talakan ang kawawang Coser na parang walang naririnig dahil naka-ub-ob lang sya at mukhang natulog pa. Muntik ng atakihin sa puso ang teacher namin dahil sa pambabalewala ni Coser sa mga pangaral nya. Anong nangyare dun?
Tumunog ang bell, hudyat na break time na. Balak ko sanang lapitan si Coser na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin sa table nya pero hinila na ako ni Lee pababa ng hagdan at sinabing hayaan ko na lang si Coser. Nainis naman ako kay Lee parang wala lang syang pakialam sa nangyayare sa pinsan nya kesa makapagsalita na naman ako ng masama na alam kung magiging dahilan para makonsensya na naman ako ay pinili ko na lang na manahimik at kumain. Nakinig na lang ako sa usapan nila ni Nyxx tungkol sa nalalapit na Intramurals.
Nang makabalik kaming tatlo sa room ay wala na si Coser sa pwesto nya. Wala akong nagawa kundi titigan na lang ang binili kung snacks para sa kanya at mas piniling itago na lang iyon sa bag ko. Hindi ako nakapagfocus sa klase dahil naiisip ko si Coser. Ano kayang nangyare sa kanya? Bakit sya puro pasa at sugat sa mukha? Hindi nya rin ako pinansin kanina. Hindi ako sanay. Usually kasi pumapasok lang sya para asarin ako at walang sawang sabihin na ang gwapo nya. I find him annoying pero naiinis ako ngayon dahil sa inaasal nya. Gusto ko syang kausapin kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad akong tumakbo pababa ng hagdan para hanapin si Coser. Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Lee dahil baka pigilan na naman nya ako at sabihing hayaan ko na lang si Coser. Idadamay pa ako sa pagkainis nya sa pinsan nya.
Una akong nagpunta sa garden pero wala s'ya, kahit sa locker at gym ay hindi ko rin sya nakita. Tumakbo ako papunta sa may gate at sakto namang nasa guard house si Pain kaya wala ng hiya hiya akong lumapit sa kanya. Sobrang busy ng lalaki na to dahil minsan ko na lang sya makita na pagala gala dito sa campus.
"Hi," hinihingal na bati ko sa kanya ng makalapit ako. Halata namang nagulat sya ng makita ako sa harap nya.
"Hi, Slaine!" Bati n'ya rin pabalik. Natatandaan nya pa pala ang pangalan ko, "do you need anything?"
"Nakita mo ba si Coser?" Tanong ko. Natigil naman sya saglit dahil sa tanong ko.
"You mean, Zico?" Tumango ako bilang sagot.
"Nasa office ko sya kanina e pero umalis din agad. I don't have an idea where did he go. "
" Salamat, " maikling sabi ko bago muling tumakbo palabas ng gate. Hindi na hinintay na makapagsalita pa sya. San kaya nagpunta ang lalaking yon. Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating ako sa waiting shed ng SIS. Inilabas ko ang phone ko at d-in-ial ang number nya pero naka-off ang phone nya. Napayuko na lang ako dahil sa pagod. Naalala ko naman na kahapon ko pa sya hindi matawagan or sinasadya nyang hindi sagutin ang tawag ko. Nag-aalala na ako. Ang weird nya ngayon.
Nakaramdam naman ako bigla ng gutom kaya naisip kung bumili ng dalawang box na Hawaiian pizza at yakult. Dumaan na rin ako sa drug store at bumili ng ointment na pampahid sa sugat at pampawala ng pasa. Umuwi na lang ako sa bahay at humarap sa laptop ko. Kinuha ko ang pendant ng suot kung necklace noong isang araw ng lumaban ako sa UCRB. Kinuha ko ang flash drive doon at sinaksak iyon sa laptop ko. Hinanap ko ang video recording na nakuha noong gabi ding iyon. Kumagat ako sa hawak kung pizza habang ipina-fastforward ang video kung saan ko nakita ang lalaki. I stopped the video ng mapatapat iyon sa mukha nya. Medyo blurry ang picture pero okay na to. I zoomed in the photo, screenshotted it and send  it to Yv through email with the message saying na maghanap ng information about sa lalaking yon.
Hindi ko na hinintay na magreply sakin si Yv dahil alam kong nagrerelax sya ngayon. 2 weeks lang ang bakasyon na ibinigay sa kanya at para sa kanyang may masyadong hectic na schedule, kailangan nyang sulitin ang bawat segundo sa minutong lumilipas. Nahiga na lang ako sa carpet na nakalatag sa sahig at pinakatitigang mabuti ang kisame habang nasa bunganga ko pa rin ang hindi ko pa nangunguyang pizza. Muli kung kinuha ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Coser pero hindi nya pa rin sinasagot.
"Fine," padabog na ibinato ko ang cellphone sa ibabaw ng sofa at nginuya ang pizza. Muntik pa akong mabilaukan ng marinig ang tunog ng doorbell sa may gate. Agad akong bumangon at uminom ng yakult bago malalakas ang hakbang na naglakad palabas ng bahay.
Sunod sunod ang pagdodoorbell at parang may balak pa yatang sirain iyon, "sagliiit!" Sigaw ko habang nakasubo pa rin ang pizza sa bunganga ko. Wala akong idea kung sino ang nagdodoorbell kaya nagulat ako ng makita si Coser sa harap ko.
"Coser.." tawag ko sa pangalan nya ng sya ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng gate.
"Hi," paos nyang saad. Tipid syang ngumiti sa akin pero hindi ako makangiti ng makita ang itsura nya ng malapitan. Meron syang pasa sa gilid ng kanan nyang mata at labi. May maliit syang hiwa sa ibabaw ng ilong at kaliwang pisngi. Magulo pa rin ang buhok nya at nakasuot pa ng uniform. Hindi ko na alam kung saan na napunta ang necktie na kanina lang ay nakasabit sa kanyang batok. Malamlam ang kanyang mga mata at halatang ilang araw ng hindi nakakatulog dahil sa eyebags nya. Tuyot din ang labi nya at nawawalan na din iyon ng kulay. He looked sick.
"Coser!" Malakas kung tawag sa pangalan nya ng muntik na syang bumagsak.
"Okay lang ako," saad nya at marahan akong tinulak. Bahagya syang lumayo sa akin. Mukhang hinang hina sya, "I'm just here to see you," halos pabulong nyang saad.
"Anong nangyare sayo?" Yon na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Don't worry about me, lagnat lang to," natatawang saad nya. Imbes na matuwa ay lalo pa akong nainis dahil sa sinabi nya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang braso nya. Inilagay ko iyon sa balikat ko at inalalayan sya para makapasok sa loob ng gate.
"Slaine," Mahina at nanghihina nyang tawag sa pangalan ko. Hindi ako nagsalita. Sinaraduhan ko ang gate at inalalayan syang lumakad papasok sa bahay, "I'm sorry!" Bulong nya pero hindi ko iyon pinansin. Pinaupo ko sya sa sofa. Nakapikit syang sumandal doon. Nakatayo lang ako sa harap nya habang nakatitig sa kaawa-awa nyang kalagayan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Dapat pala dinala ko na lang sya sa ospital. Kinagat kagat ko ang daliri ko habang nag-iisip kung anong gagawin ko hanggang sa napagpasyahan kung dalhin na lang sya sa ospital. Akmang aalis na ako sa harap nya pero agad din akong napatigil at agad na bumaba ang tingin ko sa braso kong hawak ni Coser. Malamlam ang mata n'yang nakatingin sakin.
"Wag mo akong iwan," parang mapapaiyak na nyang saad. Kita ko ang paghihirap sa mukha nya. Bahagya na lang rin ang pagkakakapit nya sa braso ko dala ng sobrang panghihina. Ramdam ko ang init ng balat nya sa balat ko.
"I- I won't." Hinawakan ko ang kamay nya at inalis iyon sa pagkakahawak sa braso ko bago ko kunin ang cellphone ko at d-in-ial ang numero ni Yv. Ginambala ko na ang pamamahinga nya at humingi ng tulong kung anong gagawin ko sa may lagnat na tao. Wala din daw syang alam kaya tinawagan nya pa ang manager nya para magtanong. Agad ko namang sinunod ang mga sinabi nya. Magtatanong pa sana sya kung anong nangyare pero binabaan ko na sya ng telepono para asikasuhin si Coser na mukhang nakatulog na yata. Maingat kong inalis ang bawat butones ng suot n'yang uniform. Agad kung nasapo ang bibig ko ng makita ang malalaking pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan nya. Naramdaman ko ang mabilis na paglabas ng likido sa aking mata pero hindi ko iyon hinayaang pumatak. Isa isa kung hinaplos ang mga pasa sa katawan nya pero agad din akong napatigil dahil hindi ko kayang makita na nasa ganito syang kalagayan. Madali akong umakyat sa kwarto ko para kumuha ng damit na ipampapalit ko sa kanya. Nakakasama lang ng loob dahil saktong sakto lang sa kanya ang damit ko e mas malaki sya kesa sakin.
Pagkatapos ko syang mabihisan ng manipis ay inihiga ko sya sa sofa. Yong uniform nya na lang ang ikinumot ko sa kanya para hindi ma-stuck ang init sa loob ng kanyang katawan. Hindi ko sya nakitang bumaba sa canteen kanina para kumain kaya nagdiretso ako sa kusina at nagluto ng lugaw na nilagyan ko ng itlog para makakain sya at makainom ng gamot. Hindi ko alam kung anong gamot ang ipinapainom sa may lagnat kaya muli kung inabala si Yv at tinanong kung anong gamot ang pwedeng ipainom pero katulad din kanina ay wala din syang idea kaya tumawag ulit sya sa manager nya.
"Salamat, Yv," saad ko ng sabihin nya ang pangalan ng gamot.
"May itatanong ka pa ba, Slay? Nauudlot pagbu-beauty rest ko sayo e, " parang maiiyak na nyang saad.
" Wala  na. Mag-beauty rest ka na, " sagot ko saka ibinaba ang tawag. Nang maluto ang lugaw ay agad akong nagsandok sa bowl at dinala iyon sa salas kasama ang tubig. Tulog pa rin si Coser kaya iniwan ko muna s'ya para bumili ng gamot sa malapit na tindahan. Gising na sya ng makabalik ako.
" Kumusta ang pakiramdam mo? " Tanong ko saka lumapit sa kanya. Kinuha ko ang bowl na may lamang lugaw at iniabot iyon sa kanya, " kumain ka muna para makainom ka ng gamot, " saad ko.
Tahimik nyang kinuha ang hawak kung mangkok at kutsara pero agad ko rin iyong binawi sa kanya dahil baka matapon. Nanginginig ang mga kamay nya. Hindi ako sanay ng may inaalagaan lalo na kapag may sakit at lalong ayoko ng responsibility pero hindi ko naman kayang hayaan na lang sya lalo na at nasa mahirap syang sitwasyon. Ni hindi nya kayang i-handle ang sarili nya ngayong may sakit sya.
Itinapat ko sa kanya ang huling kutsara pero umiling sya, "ubusin mo na to, last na oh para mainom mo na yong gamot," saad ko kaya wala syang nagawa kundi ubusin ang lugaw.
Iniabot ko sa kanya ang gamot pagkatapos ay muli na syang nakatulog. Tinitigan ko lang sya at binantayan hanggang sa makaramdam din ako ng antok. Nagising lang ako ng maramdaman kung may humahawi sa buhok ko.
"Coser!" Umayos ako ng pagkakaupo at humikab, "okay ka na ba?" Tanong ko.
"Masakit lang ang ulo at katawan ko." Ngumiti sya. Nanatili syang nakasandal sa sofa.
"Ano nga palang nangyare?" Nag-aalangan ko pang tanong. Umangat ako sa pagkakaupo ko sa sahig at naupo sa tabi nya.
Tumaas lang ang balikat nya, "secret," nakangising saad nya. Medyo paos pa rin ang boses nya. Unti-unti na ring nagkakakulay ang labi nya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Nag-uumpisa na naman sya sa pamimilosopo nya. Nanahimik na lang ako at hindi na sya pinilit na magsalita.
"Thank you," agad akong napalingon kay Coser ng magsalita sya, "for taking care of me," dugtong nya. Titig na titig sya sa mata ko kaya bigla akong nailang at agad na umiwas.
Ako naman ngayon ang nagkibit balikat, "don't feel special, naawa lang ako sayo," saad ko at tumayo para lumipat ng upuan. Binuksan ko ang tv pero hindi ako nanood. Pampawala lang ng awkwardness.
"It's just means na concern ka sakin." Tumaas ang kanan nyang kilay.
"Concern and pity are two different thing." Tinaasan ko rin sya ng kilay. Hindi ako magpapatalo.
"They're the same." Pamimilit pa nya.
"They're not!" Matigas kung saad.
"Yes!" Mataas ang boses na saad nya pero hindi naman sa parang galit sya.
"No!" Tinaasan ko rin ang boses ko.
"Yes! Pwede kang maawa sakin pero pwede namang hanggang awa lang, hindi mo ako tutulungan kung hindi ka nag-aalala sakin," pangisi-ngisi nya pang litanya.
Napaikot ako ng mata dahil sa sinabi nya, "I'm just being 'maka-tao'. Alam mo yon?"
"Wow! That was new! Alam mo pala yong word na yon?" Sarkastiko nyang saad.
" Hehe," sarcastic kung ganti dahil wala na akong masabi. Inikutan ko sya ng mata bago tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa. This time ay mas pinili ko na lang manood ng tv kahit na wala akong maintindihan.
Naalala ko naman na meron pa nga pala akong isang box ng pizza na natitira kaya dali dali akong humarap sa table at namimilog ang mata kasabay ng pagtaas ng labi ko ng makitang halos mabulunan na si Coser sa pagkain. Akmang susubo pa sya pero hindi na iyon natuloy at na-stuck na lang sa hangin ang kamay nyang may hawak na pizza ng makita ako.
"Sino nagsabi sayo na kumain ka nyan?" Seryoso at nauumay kung tanong.
Nagkibit balikat sya, "nakahain kasi so it's just means na pwede ko 'tong kainin."
"Ah--nakalimutan ko lang yan kanina kasi dumating ka," hindi makapaniwalang sabi ko. Jusko! Nakakapanggigill naman ang lalaking to. Bakit ba ang pakialamero nya? E halos maubos na nga pizza ko e.
Naiiritang tumayo ako at hinablot sa kanya ang box. May dalawang slice pa naman ang natira. Sinamaan ko s'ya ng tingin habang binubuhusan ng hot sauce ang pizza bago ko iyon sinamual sa bibig ko. This time ay sya naman ang umikot ng mata, kinuha ang remote at inilipat ang chanel na parang sya ang may-ari ng tv at nitong bahay. Tsk. Tsk.
Maghapon lang kaming nakatunganga ni Coser. Nanonood sya ng tv habang ako naman ay nagbabasa ng libro sa hagdan para hindi ko masyadong rinig ang volume. Hindi ako makaakyat sa kwarto ko dahil baka kung anong gawin na naman ni Coser. Naku!
Nang sumapit na ang alas syete ng gabi ay saka ko lang naisip na magluto. Iinom pa nga pala ng gamot ulit si Coser. Sinarado ko ang libro at patakbong bumaba ng hagdan. Hindi ko na sinilip si Coser at nagdiretso na ako sa kusina. Nagluto ako ng kanin at adobong baboy. Nagluto na rin ako ng sinigang para may sabaw ang makakain ni Coser mamaya. Mag-na-nine na ng gabi ng matapos ako kaya agad kung inayos ang lamesa at pumunta sa salas para tawagin si Coser.
"Coser---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko agad kung nasapo ang bibig ko at namimilog ang mga matang dumako ang tingin ko kay Coser na ngayon ay nakahiga na sa sahig at walang malay.
"Coser! Coser wake up!" Shit! Ang taas ng lagnat nya.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất