logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 23: Car Race

Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas ng campus pero hindi ako dumeritso sa bahay. Tumambay lang ako sa LJS Cafe habang hinihintay na dumilim ang paligid. Nang sumapit ang ala syete ng gabi saka lang ako nagdesisyon na lisanin na ang cafe. Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa tapat ng isang mall. Una kung nakita ang babaeng nakasandal sa railing sa labas ng mall. Nakayuko lang ito. Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakluban iyon ng kulay itim na cap. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng mall hanggang sa maramdaman ko na nakasunod na sa akin 'yong babaeng nakatayo lang kanina sa labas ng mall. Hinayaan ko lang iyon at umakyat ng second floor. Nakayuko lang ako at naka-focus ang tingin sa sahig na nilalakaran ko, walang pakialam sa mga taong nasa paligid ko.
Pumasok ako sa isang boutique kasunod pa rin ang babae. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako. Ang suot kung black loose shirt ay napalitan ng white fitted sando, may suot din akong black leather jacket na siyang tumatakip sa stomach rolls ko, fitted black leather jeans at black boots, black shades at black cap. At para na rin makasigurado na walang makakakilala sakin oras na lumabas ako ng boutique na to ay nagsuot na rin ako ng wig na hanggang balikat ko lang ang haba kumpara sa tunay kung buhok na hanggang bewang. Lumabas ako ng boutique, this time nasa tabi ko na Ang babaeng kanina'y nakasunod lang sakin, tinapon nya sa direksyon  ko ang car key na agad ko rin namang nasalo. Sabay kaming lumabas ng mall at sumakay sa kulay pulang Ferrari na nakaparada sa parking lot.
Kapwa kami napatingin sa isa't isa oras na makaupo kami sa loob ng sasakyan at kumurba ang ngisi sa aming mga labi.
"Let's go!" She said while pointing her finger on the road. Ngumisi ako at walang awat na pinaharurot ang sasakyan.
Huminto kami sa tapat ng isang napakalawak na field. Maraming ilaw sa paligid na nagsisilbing liwanag. Halos magkabungguan na rin ang mga tao sa sobrang dami. Sa may bandang kaliwa ng open field ay may nakatayong napakalaking building. Gawa iyon sa salamin kung saan may nagplaplay doon na video ng car racing. Sabay kaming bumaba ng kotse. Maingay na paligid ang bumungad sa amin. Panay pustahan at kung sino ang mananalo ang naririnig kung usapan ng mga tao sa paligid.
"Mauna na ako, baka may makakilala pa satin dito," saad nya na palinga linga pa sa paligid.
"Tss! Sa palagay mo ba may makakakilala pa sayo nyan? Ni mata mo nga di ko makita e," iritadong saad ko habang pinapasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng brown na trouser at white na top. Pinatungan nya iyon ng mahabang cardigan. Nakalimutan nya yata na nasa Pilipinas sya. Nakasuot pa sya ng itim na facemask, tinted na dior  shade at black Gucci cap. Nakasuot din sya ng long blonde wig. Muntik ko na nga syang hindi makilala kanina e. Tinawanan nya lang naman ang sinabi ko.
"Mahirap na 'no? Baka pagkaguluhan pa ako ng mga tao dito," maarteng saad nya. She flipped her fake hair. Oo nga pala,  model nga pala sya. Nakalimutan ko na. Tss.
" Oo na, alis na," pagtataboy ko sa kanya dahilan para maramdaman ko ang masama nyang titig sakin. Nagkibit balikat lang ako at nag-iwas ng tingin.
"Aalis na ako, "paalam nya. Humakbang na sya papasok sa kotse nya pero agad ding bumalik at inilapit ang bibig nya sa tenga ko, " mag-ingat ka, Slaine may black dito." Hindi na nya ako hinintay na makapagsalita pa at agad na s'yang sumakay sa kotse nya bago iyon pinaharurot paalis. Kulang na lang ay dumapo lahat ng alikabok sa mukha ko dahil sa ginawa nya. Bastos!
Napailing na lang ako bago nakapamulsang humarap sa dagat ng mga tao. Kinuha ko ang kulay pulang tela sa bulsa ng suot kung jeans saka iyon itinali sa aking kaliwang pulsuhan katulad ng ibinilin nya sa akin habang bumabyahe kami papunta dito. Agad na natuntun ng mga mata ko ang mga taong kasapi ng black organization. Madali ko silang nakita dahil sa mga tattoo nila sa kanilang kamay na hindi na nila pinag-abalahang takpan man lang. Psh! Dito ko lang pala kayo matatagpuan!
Naglakad ako sa gitna ng napakaraming tao. Ang iba ay sinasadya ko ng itulak dahil siksikan na talaga. Pumasok ako sa mataas at gawa sa bakal na gate. Nang makapasok ay doon ko napagmasdan ng maayos ang paligid. Sa gitna ng napakalawak na field ay naroon ang isang malawak na closed highway habang sa paligid naman ay mga benches kung saan pwedeng maupo ang mga manonood ng laban. Hindi agad ako bumaba. Pinagmasdan ko muna ang mga taong nakaupo sa benches hanggang sa makita ko ang mga taong tinutukoy nya kanina, ang ilan sa member ng black, na papasok na rin sa field. Naupo sila malapit sa kinatatayuan ko pero hindi ako natinag. Panigurado namang hindi nila ako kilala. Napansin yata ng isa sa kanila na kanina pa ako nakatitig sa pwesto nila kaya lumingon ito sakin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at pinakinggan na lang ang boses ng babae sa speaker na syang nag-a-announce na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laban dahilan para mas lalong umingay ang paligid. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko na sinasakop na ng kaba ang dibdib ko. I began to shake my hands. Nagsisimula na rin kasi iyong manginig. Ito ang kauna-unahang beses na sasali ako sa car race. Hazzy taught me how to drive but I've never tried joining car racing ever. This is my first time joining this kind of thing and I can't stop my heart from beating loud and fast. It's been years since huli akong nakapagdrive ng kotse.
Muli kung narinig ang boses ng babae sa speaker na sumasakop sa buong field. In-announce ng babae na magsisimula na ang laban. Isa isa na ding tinawag ang mga kalahok at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at mas nadagdagan ang pangangatog ng tuhod ko ng makita ang mga makakalaban ko. Nakakatakot ang ekspresyong nakaukit sa kanilang mukha. Mukhang sanay na sanay sila sa field na ito at mukhang kayang-kaya nilang dalhin ang laro at ipanalo ng walang kahirap hirap.
"Number 009!" Narinig kung sigaw ng emcee. Nang marinig ang sinabi ng announcer ay mas lalong nadagdagan ang ingay ng mga tao. Sobrang lakas ng sigawan nila na halos tumalbog na ang dumi ko sa tainga. May pagtayo pa sila mula sa kanilang kinauupuan habang patuloy sa pagsigaw lalo na ng bumaba na sa hagdan ang isang lalaki. Nakasuot ito ng kulay itim na hoodie at puno ng tattoo ang kanyang mga braso. Marami din syang suot na alahas at lahat iyon ay gold. Mayabang syang naglakad patungo sa baba kung saan naroon ang sasakyan na gagamitin nya. Itinaas n'ya ang kanyang dalawang kamay at kumaway sa mga taong energetic na energetic sa pagcheer sa kanya.
Sa mga oras na yon ay halos magdikit na ang aking mga kilay. Napupuno na rin ng curiousity ang aking isipan kung sino ang lalaking ito at halos lahat ng tao dito sa field ay numero nya ang isinisigaw. Narinig ko pang tinatawag nila itong 'king' which I find it cringe.
Pa-simple akong yumuko at hinawakan ang wireless earphone sa aking tainga, "who is he?" Tanong ko.
Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng umuubo na parang nabilaukan ang nasa kabilang linya bago ko narinig ang kanyang boses na sa pagkakawari ko ay puno pa ng pagkain ang kanyang bibig, "he's number 009," she answered, "sya ang tinuturing na pinakamagaling sa UCRB, mag-ingat ka sa kanya, Slay, he's a trickster. Don't let your guard down, marumi yang maglaro," paalala nya.
Napatango na lang ako kahit alam ko namang hindi nya yon makikita. Nagpasalamat ako at nagfocus na lang sa baba kung nasaan ang mga taong makakalaban ko. Ilang sandali pa narinig ko ng tinawag ng announcer ang number ko, "and not but not the least, our last racer for tonight, number 010!" Umalingawngaw ang boses sa buong field. Nag-ipon ako ng hangin sa baga ko bago ko iyon mabilis na pinakawalan. I tried to act cool. Bumaba ako sa hagdan habang nasa loob ng bulsa ng suot kung leather jacket ang dalawa kung palad. Nakayuko lang ako habang patuloy na bumababa sa hagdan. Kahit isang sigaw ay wala akong narinig bagkus ay mahihinang tawa ang sumakop sa aking pandinig. Pinilit kung pakalmahin ang sarili ko dahil sa inis na namumuo sa loob ko.
"Ohh!" Muling pagsasalita ng announcer ng makita akong pababa ng hagdan. Waring nagulat siya sa nakita, "ohh wow! She's a girl. What a brave little girl!" Sarkastikong saad nito saka nagpakawala ng isang nang-aasar na tawa, "good luck, baby girl!" Pahabol pa nito dahilan para mas lalong magtawanan ang mga taong nanonood. Hindi ako nagsalita, ni hindi ako nag-angat ng ulo upang pagmasdan ang mga mata nilang nanghahamak. Tumuloy ako sa kotse ko ngunit hindi pa man ako nakakarating kung saan  nakapwesto ang kotse ko ay hinarang na ako ng mga lalaking makakalaban ko. Isa na doon ang lalaking may numerong 009.
"Mukhang mali ka ng napuntahan, munting babae. Are you sure you're gonna compete with us?" Nangmamaliit na tanong ng lalaking may numerong 009. Nanatili akong nakayuko pero ramdam ko ang mapanuri nyang mga mata. Hindi ako nagsalita.
"Lakas ng loob! You look weak!" Narinig kung saad ng isa pa sa kanila. Muli ko na namang narinig ang tawanan nila.
"Gusto mo bang makipag-deal samin?" Tanong ni racer number 009. Sa punting yon ay nag-angat na ako ng ulo at nakita kung tumingin sya sa likod nya kung saan naroon ang iba pa naming makakalaban, "if I won, samin ka ngayong buong gabi," saad nito. Narinig ko ang pagsipol ng isa sa makakalaban namin at ang pagtawa ng iba. Ang iba naman ay hinampas hampas pa sya sa balikat na parang chinecheer pa sya. Sa puntong yon ay umakyat na lahat ng dugo  sa aking ulo. Gusto ko syang sipain sa mukha hanggang sa Wala ng makakilala sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Maraming tao sa paligid isa pa pera ang habol ko dito hindi gulo.
Muli kung narinig ang boses ng announcer, pinapasakay na kami sa aming mga sasakyan at magsisimula na ang laban. Wala sana akong balak patulan ang mga hayop na to pero hindi ako magpapatalo sa kanila. Inalis ko ang suot kung mask at ngumisi. Sinalubong ko ang ni 009 at pinagmasdan ang mga lalaki sa likod nya.
"If I won, I want you to cut your head," saad ko sa mababa ngunit sa matigas na paraan. Nakita ko biglaang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nya. Kita ko ang pagguhit ng kaba sa mukha nya pero agad din iyong napalitan ng ngisi.
"Matapang ka ah, hindi mo ba ako kilala?" Lumapit sya sakin pero hindi ako natinag sa pagkakatayo ko.
"Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka, but I'm warning you, don't underestimate me, you don't know what I can do, " sinabi ko ang mga katagang iyon sa pinakamababa at kalmado kung boses. Tumalikod na ako at dumeritso sa kotseng gagamitin ko. Akmang papasok na ako ng aksidenteng mapatingin ako sa crowd. Pumatak ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo sa bench. Nakasuot sya ng cap at itim na mask, magkacross ang kanyang mga hita at aakalain mong isa syang prinsipe sa kanyang pagkakaupo. Hindi ko kita ang mata n'ya pero sigurado akong sa akin sya nakatingin. Ramdam ko iyon. Pamilyar sa akin ang lalaking iyon. Parang nakita ko na sya pero pinilit ko na munang hindi iyon alalahanin at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse ko. Inayos ko ang seatbelt at inihanda ang aking sarili sa magaganap na laban ngayong gabi. Ipinaalala ko sa aking sarili na kailangan ko ng pera kaya kailangan kung manalo sa laban na ito.
Pagkatapos ng ilang minutong paghahanda ay umalingawngaw na sa buong field ang ingay ng pinaputok na baril. Mas lalong nagkagulo at lumakas ang ingay ng mga taong nanonood. Nakita ko ang mabilis na pagharurot ng kotse ng mga kalaban ko pero ako ay prente lamang na nakaupo sa driver's seat habang pinapanood ang mga sasakyan na nag-uunahan na ngayon.
Nakarinig ako ng static sound sa aking tainga at ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses nya, "be careful, slay, walang rules na sinusunod ang UCRB. Lahat ng paraan pwede nilang gawin para manalo sila, kung kinakailangan nilang pumatay ay papatay sila para lang manalo. I'm warning you, kahit kailan ay hindi sila naging patas," muling paalala nya.
"Sure, thanks," maikling sagot ko. Hindi ko na sya narinig na magsalita kaya muli ko ng ibinalik ang atensyon ko sa mga kotseng ngayon ay papalayo na. Kumurba ang ngisi sa aking labi bago ko isinara ang bintana ng aking kotse at pinaharurot na rin ang sasakyan ko. Nangunguna ang kotseng may nakatatak na 009 sa hulihang bahagi ng kanyang sasakyan kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko. Isinubo ko ang bubble gum na kakabukas ko pa lang at nilaro laro iyon sa bibig ko hanggang sa maabutan ko si 009. Tumaas ang sulok ng labi ko bago ko buksan ang windshield ng aking kotse, hindi tinted ang salamin ng sasakyan ni 009 kaya kitang kita ko ang seryoso nyang mukha habang nagmamaneho. Lumingon sya sa akin at yon ang nagbigay ng pagkakataon para ngitian sya sa nang-aasar na paraan. Kita ko ang pagkunot ng noo nya at ang pagtigas ng kanyang bagang. Pinalubo ko ang sinapa kung bubble gum na muntik ko pang malumod ng umuga ang sinasakyan ko. Ibinangga ni 009 ang kotse nya sa kotse ko. Shit! Naging kalmado ako. Nawala sa isip ko na wala nga palang rules na sinusunod dito. Naalala ko naman ang mga paalala nya sakin bago kami pumunta dito. Allow sa gitna ng laban ang baril at patalim. Kahit magkapatayan na walang makikialam. Matira matibay. Matira panalo. Nainis ako sa ginawa nya. Tiningnan ko sya ng masama pero ngumisi lang sya na parang nang-aasar. Hinahamon talaga ako ng lalaking to! Sige lang, hindi mo kilala kung sinong kalaban mo. Nang-aasar na kinuha ko ang bubble gum sa bibig ko at itinapon ko iyon sa sasakyan nya, tumama iyon sa bintana ng kotse nya. Ngayon para na syang isang cartoon character na umuusok ang ilong at tenga sa galit. Ako naman ang napangisi ngayon, bago pa sya makaganti ay inunahan ko na sya. Binangga ko ng binangga ang gilid ng kotse nya hanggang mayupi ang gilid nito at mabasag ang bintana. Sinimulan nya ito kaya ako ang tatapos. Umaabot na sa langit ang kayabangan nya, babawasan ko lang ng kunti. Muli kung binangga ang kotse nya hanggang sa marinig ko ang pag-scratch nito sa semento. Nagugutom na ako at gusto ko ng matapos ang labang ito. Medyo nauuna na ako ng mapansin kong naglabas sya ng baril at itinutok iyon sa sinasakyan ko. Kitang kita ko sa side mirror ang pagdilim ng mukha nya. Napayuko ako ng wala sa oras ng paputukan nya ang sinasakyan ko dahilan para bumagal ang takbo. Basag na Ang salamin ng sinasakyan ko sa likod.
"Fuck!" Isa lang ang gusto ko, ang makakain na pero mukhang hindi pagkain ng tao ang makakain ko kundi bala ng baril na nagmumula sa kalaban. Mas pinabilisan ko ang pagpapatakbo sa sinasakyan ko ng muli na naman syang magpaputok. Malapit na ang finish line kaya dapat ay makaisip ako ng paraan para tigilan nya ako at parang umaayon naman sa akin ang tadhana ng makakita ako ng isang maliit na dagger sa kaliwang bahagi ng dash board. Maliit lang iyon kaya siguro hindi ko na napansin kanina. Kinuha ko iyon. Muling nagpaputok si number 009.
"Tss!" Naiinis na ako sa ginagawa nya. Hindi nya talaga ko tinitigilan kaya kahit delikado ay binitawan ko ang manibela at dumungaw sa bintana ng kotse ko. Parang nagulat pa sya sa ginawa ko pero agad din siyang ngumisi na parang siya na ang panalo. Muli nyang itinutok ang baril sa akin. Ayokong mamatay ng gutom kaya agad kung sinipat ang gulong nya at pinakawalan ang dagger na hawak ko, target ang kawawa nyang gulong. Bago pa man nya naiputok ang baril ay nakabalik na ako sa upuan ko. Sinilip ko sya sa side mirror at kitang kita ko ang pagkalabit nya sa gatilyo ng baril. Hindi ba sya nauubusan ng bala? Handang handa talaga e. Naglakbay ang bala nito papunta sa direksyon ko. Bago pa man ako matamaan niyon ay agad na akong nakayuko, naramdaman ko ang paglagpak ng maliliit na bubog sa likod ko. Buti na lang at nakasuot ako ng jacket kaya hindi ako niyon nasugatan. Nasundan pa iyon ng pagputok at this time ay narinig ko na ang pagsingaw ng gulong ng kotse ko.
"Shit! Shit! Shit! No!" Natatarantang sigaw ko. Lumingon ako at nakitang nakatigil na ang kotse ni number 009 dahil sa nakatatak na dagger sa gulong ng kotse nya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa manibela ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Determinadong makarating sa finish line.
Malakas na singhapan ng mga tao ang narinig ko ng makita nila akong lumabas mula sa kotse ko. Parang nalugi ang kanilang mga mukha at hindi makapaniwala na ako ang nanalo. Mukhang ipinusta nila ang lahat ng kanilang pera kay number 009. Nararamdaman ko pa ang hilo dahil sa nangyare kanina dagdag pa na nagugutom na ako.
"Woah! Is this real? Is this fuckin' real!" Muli kung narinig ang boses sa malaking speaker. Katulad ng mga tao sa paligid ay hindi rin ito makapaniwala, "can you believe it? the fastest racer in UCRB has been defeated by a little-looking -weak girl?" Natatawang wika ng announcer. Napailing na lang ako at naglakad na parang walang narinig.
" Fuck you! " Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses mula sa likod ko. Alam ko na kung sino ang taong yon. At talagang may kapal pa sya ng mukhang humarap sakin ah.
" Is that your way of saying 'congrats'? " Nakangisi kung tanong. Mabagal akong humakbang palapit sa kanya.
Matalim ang kanyang tingin sa akin. Kitang kita ko rin ang pagtigas ng kanyang panga. Gusto Kong matawa sa itsura nya ngayon pero itinabi ko na lang iyon sa sarili ko bagkus ay tinanong ko sya, "are you ready to cut your head off?" Ng dahil sa tanong ko ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nya, mukhang nawala sa isip nya ang deal namin kanina, napalitan iyon ng kaba at takot. Doon ay tuluyan na akong natawa, "chill, I was just joking. I know you can't do that," natatawang saad ko. May panunuya ang tono ng boses ko. Mas lalo pa akong lumapit sa kanya at bumulong, "but, I can do it for you~" I whispered in a singsong voice. Hindi sya nagsalita. Nakatayo lang sya at parang anumang oras ay maiihi na. Tss. Yabang lang pala meron sya. Itinaas ko ang makapal na perang hawak ko at iyon ang ginawang pang-wave bago ngingisi-ngising umalis sa harap nya.
Malapit na ako sa entrance ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Tumigil ako sa paglalakad saka ko bahagyang itinaas ang suot kung cap para mas makita ko ng malinaw kung sya ba talaga yon. Sandaling nagtama ang paningin namin. Lalapitan ko sana sya pero mabilis syang humalo sa karamihan ng mga tao at nawala na parang bula. Sya yong lalaking nakita ko sa abandonadong building, sya rin yong lalaking nakita ko sa loob ng field kanina and everytime na makikita ko sya palagi syang nakatingin sakin na parang kilala nya ako and I feel like our meeting isn't just a coincidence. It's like he's following me, at least it's what my intuition is telling me, but why? What's the reason? Does he know me? Cause I don't know him.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na ako nagbalak na hanapin pa sya ng kumalam na ang tiyan ko. Umalis na ako sa UCRB at nagtungo sa malapit na store. Bumili ako ng noodles, may free hot water sila kaya doon na rin ako kumain. Finally, I already have money. Bukas na lang siguro ako maggogrocery. Nakaramdam na ako ng antok at pagod sa maghapon kaya nagdecide na akong umuwi.
"Congratulations!" Malakas na tili nya sa kabilang linya. Inilayo ko sa aking tenga ang telepono at ipinatong iyon sa ibabaw ng table.
"Thanks!" Matipid na saad ko. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang nagpapalit ako ng damit.
"I know you can do it! Edi nakahanap sya ng katapat nya!" I heard her tssk. Natawa naman ako. I can already imagine her face right now. Baka tumataas baba na naman ang kilay nya. Inihiga ko ang katawan ko sa malambot kung kama. Doon ko mas naramdaman ang pagod at antok. Sya dapat ang lalaban sa UCRB kanina pero dahil sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng pera sinabi nyang ako na lang. Nung una hindi ako sang-ayon kasi I don't believe in my driving skills pero pinilit nya ako, sabi n'ya yon lang ang pinakang mabilis na paraan para magkapera ako except na lang kung magnanakaw ako. Nakakatawa no. Sinabihan nya ako na magnakaw na lang daw if hindi ako sasali sa UCRB. Hindi ko na naalala na hindi ko pa pala napatay yong call kaya naiwan ko syang nakabukas at tuluyan na akong nakatulog.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất