logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 20: Who's Your Boss?

Alas dose ng madaling araw ng magising ako. Sumasakit na ang pantog ko kaya madali akong bumangon at nagtungo sa banyo habang hila-hila ang dextrose. F-in-lush ko ang bowl at lumabas na. Lumapit ako sa table at kumuha ng tubig para uminom. Habang umiinom ay may napansin akong bagay na nakapatong sa sofa. Kanina ay wala iyon doon.
Naalala ko naman bigla si Coser. Baka bumalik sya noong tulog na ako at siya ang nagdala ng bag ko dito.
Ibinaba ko ang baso at naglakad palapit sa sofa. Kinuha ko ang bag ko at agad na binuklat iyon. Agad kung hinanap ang cellphone ko at agad ko naman iyong nakita. Mabuti na lang at may percent pang natitira.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng phone ko ay tumunog agad iyon. Lumabas sa screen ko ang notification ng email ko. Nabasa ko kung kanino iyon galing kaya naupo ako sa sofa at agad na binuksan iyon upang malaman kung ano ang laman ng email.
I read her email. At doon ko lang naalala na may dapat nga pala akong asikasuhin ngayon. Ahh! Why did I forgot about that? Hindi ko pwedeng ipagpaliban ito. Kailangan ko ng i-grab ang opportunity. Dito ako magsisimula.
Agad kung tinanggal ang dextrose na nakaturok sa akin. Hinablot ko ang bag ko at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Hindi na rin ako nag-abalang ayusin pa ang pagkqkasara ng pinto. Tumingin ako sa tigkabilang dulo ng hallway at pailan ilan na lang ang nakikita kung tao. Kadalasan ay puro nurse lang na chinecheck ang kanilang mga patients.
Naalala ko na nakasuot nga pala ako ng hospital gown kaya dali-dali kung hinanap ang laundry room na sa ground floor ko pa nakita. Kumuha na lang ako ng mga damit na nakatupi doon at iyon ang sinuot habang palinga linga sa paligid. Itinambak ko na lang sa isang tabi ang hospital gown na sinuot ko at lumabas na ng hospital building na parang walang nangyare. Isinuot ko sa aking ulo ang hood ng suot kung jacket at nakayukong naglakad sa tabi ng kalsada.
Malamig ang hangin dahil madaling araw na din. May pailan ilan pa akong nakikita na mga tao na naglalakad din. Mukhang pauwi pa lang galing sa night shift nilang trabaho. Mabuti na lang at malapit lang dito ang lugar na nakalagay sa email kaya hindi ko na kailangan pang maglakad ng malayo.
Huminto lang ako sa paglalakad ng makita ko na ang lugar na hinahanap ko. Muli kung binasa ang makulay na signage. Ito na nga. Binuksan ko ang pinto at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Malakas na tugtugin ang bumungad sa akin. Agad na sumalubong sa aking ilong ang nakakasulasok na amoy ng sigarilyo at alak. Kahit madaling araw na ay marami pa rin ang mga taong nagkakasiyahan dito at nagpapakalunod sa alak. Mga babaeng halos maghubad na sa kanilang mga damit at mga lalaking parang mga asong ulol sa kakatingin. Meron na ring mga naghahalikan sa gilid na mukhang mga kasing edad ko lang. Halos lahat Ng nandito sa tingin ko ay lango na sa alak.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang paligid. Hinahanap ang aking mga target. Walang pumapansin sakin dahil lahat sila abala sa kani-kanilang mga ginagawa sa kanilang buhay. Napahinto lang ako sa paglalakad ay noong makita ko ang limang lalaki na nakapaikot sa iisang table. Lahat sila ay may kalampungan na babae. Mukhang lasing na lasing na sila dahil sa dami ng bote ng alak na nakatumba sa ibabaw ng kanilang table. Meron na ding gumugulong sa lapag. Napangisi ako ng mapagmasdan ang kanilang mga ngiti. Huli na yan.
Lumapit ako sa table nila. Hinila ko ang isang babae at itinulak na lang kung saan. Natigilan sila sa paglalandian at agad na sumama ang tingin sa akin ng lalaking inagawan ko ng babae. Naupo ako sa tabi nya. Napansin ko ang pagngisi ng lalaki at ang kanyang mga kasamahan naman ay muling bumalik sa kanilang kasiyahan.
"Gushto mo ikaw na lang ang pumalit sha kanya.." nakangising saad ng lalaki. Kunti na lang at mahihiwalay na ang butones ng suot nyang suit dahil sa katabaan nya at kalakihan ng tiyan. Halos masuka naman ako ng maamoy ko ang mabahong alak na sumama sa hangin ng magsalita sya. Parang kagagaling nya lang sa pagsusuka. Dugyot.
Inakbayan ako nito at mas inilapit pa ako sa kanya. Kinuha nito ang isang bote ng alak at tinungga iyon. Pinagmasdan ko lang naman sya sa kanyang ginagawang paglaklak sa alak. May natapon pang alak sa damit niya pero hindi niya iyon inintindi. Nanliit ang mga mata ko ng mapansin ko ang tatlong black dots na kurting triangle sa kanyang kamay. Inilapit niya ang kanyang mukha sa ulo ko at inamoy amoy ang buhok ko. Mahigpit kung hinawakan ang patalim sa aking kamay. Bahagya akong ngumiti.
Inilapit ko ang bibig ko sa may tenga nya saka nagsalita, " I guess, you're a part of black," saad ko sa kanyang tainga. Nang marinig ang sinabi ko ay bahagya syang lumayo sa akin. Lumuwag din ang pagkaka-akbay nya sa akin.
"Sino ka?" Tanong nito. Parang nahihinawan ito.
Ngumiti ako at bahagyang yumuko upang mapagmasdan ko ang hawak kung patalim, "Hindi mo ba ako namumukhaan, attorney Shin?" Hinawakan ko ang neck tie nyang nagulo na at marahan iyong inayos.
Ramdam ko ang biglaan nyang pagiging alerto. Alam kung nakakahalata na sya.
"I'm no longer a part of that organization," Ani niya. Halata sa kanyang boses ang munting pagpapanic, "matagal na akong kumalas sa organisasyong iyon," nagmamadali ang bawat nyang pagsasalita at hindi rin sya makatingin sa akin ng diretso.
Tumawa ako ng mahina, "I know that you are lying, attorney Shin. You must be dead by now," saad ko. Inilapit ko ang dulo ng patalim sa kanyang tagiliran. Dahil sa ginawa ko ay namilog ang kanyang mga mata dala ng pagkagulat. Mukha namang hindi napapansin ng kanyang mga kasama dahil pare-parehas silang abala sa babae at alak, "you know the rules very well, attorney," bulong ko sa tenga nya. At sa pamamagitan ng pagbulong ko na iyon ay ipinapahiwatig ko na sa kanya na malapit na ang katapusan nya, "now tell me, who's your boss?" Sa boses ko na iyon ay parang ibang tao na naman ang nasa loob ng katawan ko. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa kutsilyo at mas inilapit iyon sa kanyang tagiliran.
"I-i don't know, he never showed his face even once,"saad nya. Paulit-ulit pa syang umiling.
"Don't lie to me," nanggigigil kung saad. Pakiramdam ko ay namumula na Ang aking kamay sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa patalim.
"I don't know," sagot nya. Napansin ko naman ang paggalaw ng kamay nya. Dahan dahan nya iyong pinagapang sa kanyang likod. Nagkunwari akong walang nakikita. Naging mabilis ang pangyayare. Nakita ko na lang ang baril na naka tutok sa akin. Narinig ko ang malakas na pagputok ng baril. Nanlalaki ang mata nj Attorney Shin sa harap ko habang unti-unti syang yumuyuko upang tingnan kung saan tumama ang bala ng baril ko. Ang kamay nyang nakaunat na may hawak na baril ay dahan-dahang bumagsak kasabay ng pagbagsak ng baril sa sahig ang paghandusay nya sa sofa. Agad na umagos ang pulang likido mula sa katawan nya.
Sorry but, I'm faster than you.
Namalayan ko na lang na nagkakagulo na sa paligid. Kanya-kanyang sigaw ang mga tao. Nahimasmasan sa kanilang pagkalasing ng umalingawngaw ang tunog ng baril. Kanya-kanyang takbuhan sa direksyon kung saan maaaring lumabas at makatakas sa sitwasyon na maaaring magpasangkot sa kanila. May mga nagkakabungguan pa. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikipagsabayan na ng atake sa apat na lalaking kasamahan pa nitong pinatay ko. Lahat sila ay may mga tattoo sa kanilang kamay na kahalintulad ng kay Attorney Shin. Gulo-gulo na Ang paligid. Tumba na lahat ng upuan at lamesa. Butas butas ang mga sofa dahil sa tama ng baril. Hindi ko na rin naiinda ang sakit ng katawan ko dahil sa nangyare kahapon kung saan kinidnap at binugbog ako ng mga alipores ni Yella.
Mas malaki ang advantage ko sa kanila dahil mga lango na sila sa alak. May mga edad na rin sila at wala na silang panama pa sa lakas ng isang batang napupuno ng galit. Nakita ko na lang na nakahandusay na silang lima sa sahig apat sa kanila ang wala ng buhay. Tinira kung buhay ang isa sa kanila para naman may mag report sa kanilang boss na nandito na ako, na dumating na ang tunay nyang makakalaban. Ang maghihiganti sa pagkamatay ng mga magulang ko. Sinigurado kung hindi sya makakalakad at makakapagsumbong kung sino ang gumawa nun sa kanila.
Tumakbo na ako palabas ng night club ng marinig ko ang tunog ng sasakyan ng mga police. Tumago ako sa mataas at makapal na halaman at ng abala na silang lahat sa loob ay saka ako paika-ikang tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagkatok ng kung sino sa pinto. Wala pa sana akong balak na bumangon pero mukhang wala din yatang balak na tumigil kung sino man ang hudas na katok nang katok sa pinto. Ke aga-aga nambubulabog agad. Wala ba 'tong orasan sa kanila.
Mumukat-mukat akong bumangon. Sa sofa pala ako nakatulog. Tumayo ako para sana pagbuksan ang kumakatok ng bigla akong mapaupo ulit. Naramdaman ko ang pananakit ng kanan kung hita. Nang tingnan ko iyon ay may nakapulupot na tela sa hita ko. Halos mapuno na rin iyon ng dugo. Saka ko lang naalala ang mga nangyare kagabi.
Naalala ko tumakas ako sa hospital kagabi. Pumunta ako sa nightclub at hinanap si Attorney Shin. I asked him who's their boss but I got no answer. Hanggang sa magkagulo na at nasaksak pa ako sa hita. May dumating na mga pulis kasabay ng pagtakas ko sa kaguluhang ako rin ang nagsimula.
Muli akong tumayo at dahan-dahan na naglakad palapit sa pinto. Paghawak ko sa door knob ay doon ko lang napagtanto na may mga tilamsik ng dugo ang kamay ko hanggang sa suot kung jacket.
Nagitla ako ng muli na namang kumatok ang kung sino. Parang gusto ng sirain ang pinto ng bahay ko. Hinayaan ko na lamang ang mga dugo sa aking kamay at tuluyan ng binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang naiiritang mukha ni Lead. Tinabig nito ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob. Muntik na akong mapaupo buti na lang at nakahawak ako sa knob kaya na-i-balance ko pa ang sarili ko.
Nainis ako sa ginawa nya kaya inis ko syang hinarap, "problema mo?" Tanong ko dito. Ke-aga-aga nang-iimbyerna. Hindi nya ako sinagot kaya muli akong nagtanong, "how did you know my place?"
"I heard what happened," saad nito. Hindi man lang pinansin ang tanong ko.
"Oh?" Masungit kung tanong. Nanatili akong nakatayo sa likod ng pinto habang hawak ang door knob. Anong nangyare kaya? Yong nangyareng pag-kidnap sa'kin or yong nangyare kagabi? "Sa pagkakaalam ko wala ka na dapat pakialam kung ano man ang mangyare sakin," saad ko.
"I came here because I was worried," saad ni Lead. Tiningnan ko sya na parang amaze na amaze ako sa sinabi nya.
"Worried? You? You wanted to kill me, you don't have the rights to be worried about me." Tumataas ang dalawang kilay ko habang nagsasalita, "ahh worried ka kasi gusto mo ikaw lang ang papatay sakin, nakakapag-alala nga naman kapag naunahan ka." Napatango tango ako. Hindi nawala sa aking labi ang pagngisi.
"Slaine!" Tawag ni Lead sa pangalan ko. Mataas ang kanyang boses.
"What?!" Sigaw ko rin sa kanya. Nawala ang ngisi sa aking mga labi at napalitan iyon ng seryosong mukha. Maging si Lead ay mukhang naiirita na rin sakin. Bakit sya maiinis e totoo naman sinabi ko. He said it so many times already. Gusto nya akong patayin, "I don't know what I have done to you but I'll gladly accept my fate," saad ko sa mahinahong tono, "but before you do that, do me a favor, let me kill my parent's murderer first then after that you can do whatever you want to do with my life." Ilang sandali ko pa syang tinitigan sa kanyang mga mata bago ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa door knob at pa-ika-ika syang nilampasan. Wala na naman akong narinig na salita mula sa kanya kaya tahimik na lang din akong umakyat ng hagdan kahit na nahihirapan akong igalaw ang kanan kung paa. Sa bawat hakbang ko ay nararamdaman ko ang sakit ng sugat ko.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay malakas kong sinaraduhan ang pinto saka sumandal sa likod nun. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit gustong-gusto akong mawala ni Lead sa mundong ito. Bukal sa loob ko ang sinabi ko kanina. Sa tingin ko ay iyon lamang naman ang misyon ko kung bakit ako nabuhay sa mundong ito ang bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ko.
Napagpasyahan kung linisin muna ang aking buong katawan. Hinubad ko ang suot kung jacket na puro tilamsik ng dugo saka iyon itinapon sa basurahan. Itinapat ko ang aking katawan sa maligamgam na shower at hinayaan na tangayin ng tubig ang dugong natuyo na sa aking katawan.
May isang oras din siguro akong nakatayo sa loob ng banyo at nakababad sa shower bago ako nagdesisyon na patayin na iyon at magbihis. Baka lumaki ang bayarin ko sa tubig. Paubos na ang pera ko. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit at ipinulupot iyon sa katawan ko. Palabas na sana ako ng madulas ang paa ko sa tiles hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig ng banyo.
Naramdaman ko ang pagtama ng likod ng ulo ko sa tiles. Napapikit ako ng biglang mandilim ang paningin ko. Pakiramdam ko ay naalog ang aking utak dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko. Awtomatik na tumulo ang luha sa aking pisngi mula sa aking mga mata. Hindi ko magawang bumangon dahil sa pagkakadulas ko dahil sumasakit ang aking hita. Nararamdaman ko ang pag-agos ng dugo mula roon.
Sa mga oras na 'yon nasambit ko na lang ang pangalan ni Lead.
Ilang minuto na akong nakahiga dito sa malamig at basang tiles ng banyo. Hindi ko magawang nakabangon dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking likod at hita. Dagdag pa na hindi pa ako totally nakaka-recover sa ginawang pambubugbog sakin ng mga alipores ni Yella ng kidnap-in nila ako.
Lumipas pa ang ilang segundo ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto ko. Sandali akong nanahimik at muling pinakinggan ang ingay. May kumakatok sa pinto ng kwarto ko at tumatawag sakin. Si Lead siguro. Akala ko nakaalis na sya. Hinihintay nya ba ako?
Hindi nya malalaman na nandito ako sa loob. Baka isipin nya na natutulog ako at iwan ako dito kaya sumigaw ako ng malakas.
"Lead, I'm here! Help me!" Naiilang na sigaw ko. Hindi ako sanay na humingi ng tulong pero ngayon kailangan ko talaga sya. Buti na lang talaga at hindi pa sya umaalis.
"Slaine?" Narinig ko ang pagtawag ni Lead sa pangalan ko. Malapit na Ang boses nya kaya marahil ay nakapasok na sya sa loob ng kwarto ko.
"I'm inside the bathroom! I need your help!" Sigaw Kong muli.
Napapikit ako ng mariin ng biglang bumukas ang pinto at marinig ang boses nya "Slaine?! You okay?!" Naramdaman ko si Lead sa tabi ko. Hindi ko pa rin iminumulat ang aking mata. Nahihiya ako sa sitwasyon ko ngayon. Buti na lang talaga at may tuwalya ng nakapulupot sa aking katawan kung wala hinding hindi ako hihingi ng tulong sa kanya.
"Slaine! Slaine, are you awake?" Naramdaman ko ang marahan nyang  pagtapik sa pisngi ko. Nagmulat naman ako ng mata. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nya pero agad din iyong nawala ng magmulat ako, "what happened?" Tanong nya pa ulit.
"I slipped," tanging sagot ko na lang. Napunta ang atensyon nya sa sugat kung nagdudugo pa rin. Agad nya akong binuhat at inilabas sa banyo. Inilapag nya ako sa naroong upuan.
Napaiwas ako ng tingin ng bigla na lang syang maghubad sa harapan ko, "what the fuck are you doing?!" Sigaw ko sa kanya. Mariin ang pagkakapikit ko habang nagsisimulang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Ramdam ko din ang pang-iinit ng mga tenga ko.
Hindi nya ako sinagot bagkus ay itinupi nya ang kanyang damit at ipinatong iyon sa sugat ko, "where is your first aid kit?" Tanong nya. Nagmamadali ang kanyang pagsasalita na animo'y natataranta. Itinuro ko naman ang direksyon papasok sa loob ng banyo. Sinenyasan nya ako na hawakan ang damit na nakapatong sa sugat ko para bumagal ang pagdurugo na agad ko namang sinunod. Paglabas nya ng banyo ay dala na nya ang first aid kit.
Naramdaman kong gumalaw ang dulo ng tuwalya na nakapatong sa hita ko. Gulat akong tumingin kay Lead na ngayon ay nakaluhod na sa harap ko, "What the fuck are you doing?!" Sigaw ko sa kanya sa ikalawang pagkakataon. Agad na gumuhit ang pagkagulat sa aking mukha. Naging triple na ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin. "Your wound's bleeding," maikli nyang saad. "It needs to be treated, it might get infected,"dagdag pa nya. Sya na ang humawak sa damit nyang nakapatong sa sugat ko at nag-apply ng pressure para tumigil ang pagdurugo.
Masyadong napwersa ang sugat ko, medyo malalim din ang pagkakabaon ng kutsilyo at isa pa sariwa pa ito kaya magalaw lang ng kunti ay grabe na ang pagdurugo. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkapahiya kaya umiwas na lang ako ng tingin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nililinis at ginagamot na nya ang sugat ko. Pinagmasdan ko si Lead sa kanyang ginagawa. Ang gentle nya kumilos. Ang gaan ng kamay nya na para bang iniiwasan nyang masaktan ako. Pinagmasdan ko sya. Concentrate na concentrate sya sa ginagawa nya. Ang kinis din ng mukha nya na para bang alagang-alaga nya iyon. Hindi naman ganun kalakihan ang katawan nya pero mahahalata mong nagpupunta sya sa gym. Tumigil ang mga mata ko sa ibaba ng balikat nya. Napatitig ako sa hindi naman kahabaan na peklat. So far, iyon pa lang ang imperfection na nakikita ko sa physical nyang kaanyuan pero kahit na may peklat sya hindi naman iyon nakapagpabawas sa kagwapuhan nya. Masama lang talaga ang ugali nya. San nya kaya nakuha ang peklat na yan? Ano kayang story behind that scars?
Tila may bumubulong sa akin na hawakan ko ang peklat na 'yon pero baka magsulat sya at isipin na minamanyak ko sya. Baka magkaroon na naman ng war sa pagitan naming dalawa. Mahihirapan akong makipaglaban sa kanya dahil sa kalagayan ko ngayon pero mapilit ang kung sino man ang nasa utak ko. I had this urge na hawakan ko ang peklat. Sinubukan kung iangat ang aking palad na nakahawak sa tuwalya ko pero hindi ko pa man iyon naaangat sa ere ay nagsalita na sya.
"I'm done," saad nya. Kinuha nya isa-isa ang mga ginamit nya sa paglilinis ng sugat ko at itinapon iyon sa maliit na trashbin malapit sa study table ko kasama ang damit nya. Napatitig na lang ako sa hita ko na ngayon ay meron ng bandage na nakapalibot.
Tumayo na sya. Buong akala ko ay lalabas na sya at aalis pero iniikot nya lang ang paningin nya sa buong kwarto ko hanggang sa tumigil ang paningin nya sa harap ng closet ko. Naglakad sya papunta doon at walang paalam na pinakialaman ang gamit ko.
Sa gulat ay sinubukan kung tumayo para pigilan sya sa ginagawa nya pero nanakit lang ang likod at hita ko dahilan para mapaupo akong muli at mapapikit ng mariin. Muli akong nagmulat ng mata at nakita kung yong lagayan ko ng mga underwear ang binuksan nya.
"What the fuck?! Lead!" Sigaw ko sa kanya, "what the fuck are you going to do?! That's my thing!" Natataranta kung sigaw. Naghahanap ba sya ng pwede nyang suotin? Porke ba mataba ako iniisip nya na magkakasya sa kanya ang mga damit ko. Is he insulting me? What an asshole. Hindi ko naman sinabi na gamitin nya yong damit nya para sa sugat ko. Hindi na huminahon ang puso ko at pakiramdam ko ay mas lalo lang umiinit ang aking tenga at gumagapang na iyon pababa sa pisngi ko.
Muli nyang sinarado ang closet ko at ibinato sa akin ang nakuha nyang mga damit sa closet ko, "maybe you can do that alone," saad nya na ang tinutukoy ay ang pagbibihis, "I'll be waiting outside." Iyon lang ang sinabi ni Lead at agad na akong tinalikuran. Lumabas na sya ng kwarto ko at sinarado iyon.
Napahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko ay matagal akong nagpigil ng hininga dahil sa nangyare. Napayuko na lang ako at tinitigan ang mga damit na nakapatong sa lap ko. Parang gusto ko na lang maglaho bigla at wag ng magpakita pang muli kay Lead ng makita ko ang underwear na kinuha nya. Kulay red iyon na may design na strawberry sa gilid. Regalo iyon sa akin ni Hazzy dahil na cute-an daw sya pero isang beses ko lang iyon sinuot. Hiyang-hiyang ako sa mga oras na ito, I swear. Napapikit na lang ako at mariin na kinagat ang pang-ibaba kung labi.
Arrrrgh!

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất