logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 19: Hospital

Iminulat ko ang mga mata ko at puting ceiling ang nabungaran ko. Sinubukan kung bumangon pero hindi ko kinakaya dahil sumasakit lang ang tiyan ko. Para kung nabugbog dahil hindi lang tiyan ko ang masakit pati na rin ang buong katawan ko. Natigilan naman ako sandali ng may marealize ako. Pinagmasdan ko ang buong kwarto. Light green ang pintura ng wall. Merong isang set ng sofa at lamesa kung saan may mga nakalagay na bulaklak at prutas. Napadako naman ang aking tingin sa ibabaw ng palad ko. Doon ay nakita ko ang dextrose na nakaturok sa akin. Nasa hospital ako. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong tulog basta ang naalala ko lang galing ako sa bookstore ng may mga lalaking pilit akong pinasakay sa van tapos paggising ko nasa abandonadong building na kami. They want me to apologize to Yella for what I did to her but I refused tapos binugbog pa ako nung babaeng mukhang tomboy. Iniwan nila ako doon tapos dumating sina Nyx at Coser. Itinakas nila ako. Nakatulog na ako at ngayon ay gising na ulit. Siguro ay nasa school sina Coser kaya wala sila dito ngayon. Kahit nahihirapan ay pinilit kung bumangon. Inalis ko ang nakaturok na dextrose sa akin at dahan dahan na tumayo sa kama. Naglakad ako patungo sa may pinto. Kailangan ko ng umalis dito bago pa ako maabutan ni Coser. Akmang bubuksan ko na ang pinto pero kusa na iyong bumukas. Napaatras ako para hindi ako matamaan ng pinto. Speaking of the devil. Heto na sya. Mula doon ay pumasok ang lalaking balak ko na sanang takasan. Si Coser.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Coser. Tuluyan na syang pumasok sa loob. Nakasuot pa sya ng school uniform at nasa balikat ang kanyang bag. Mukhang pagkalabas ng school ay dito agad sya dumeritso. Tiningnan ko kung bubukas pa ba ang pinto at papasok doon sina Lee at Nyx pero wala. Mukhang may practice sila ngayon.
Humarap akong muli kay Coser, "uuwi na," sagot ko. Agad din akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Akmang lalampasan ko na sya ng harangin nya ako gamit ang kaliwa nyang kamay, "problema mo?" Nakakunot ang noo kung tanong sa kanya. Naiinis na naman ako lalo na ng maalala ko na sya ang dahilan kung bakit ako napunta sa ganitong klaseng sitwasyon.
"Hindi ka pa pwedeng umuwi, sabi ng nurse bukas ka pa madidischarge," hinawakan nya ng magkabila kung balikat at mahina nya akong tinutulak-tulak pabalik sa kama. Kahit magmatigas ako ay walang panama ang lakas nya sa lakas ko dagdag pa na masakit talaga ang buong katawan ko. Tumayo ako at sinubukan na lumapit sa may pinto pero agad nya din akong nahuli at pwersahan nya akong pinaupo sa kama.
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa ginawa nya, "Hindi mo man lang ako tinanong kung may pambayad ba ako bago mo ako dalhin dito," reklamo ko. Kulang na kasi talaga ang perang natitira sakin tapos na-ospital pa ako. Problema ko pa kung san ako hahanap ng pera.
"Tulog ka pano kita matatanong," pamimilosopo nya, "saka sinabi ko bang ikaw magbabayad," humila sya ng upuan at doon naupo. Nanatili naman ako sa pwesto ko.
"Ayaw kung magka-utang sayo," umay kung sabi. Nagcross arms pa ako.
"Wala din naman akong sinabi na magkaka-utang ka sa'kin," nangingiti nyang saad pero yong ngiting maaasar ka lalo.
"Wag mo nga akong pilosopohin," sigaw ko sa kanya. Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw kung makita ang mukha nya. Naiinis ako sa presensya nya.
"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Tanong nya sakin.
Huminga ako ng malalim, "I already told you, stop acting like you care because I know you're not," saad ko. Napapataas na rin ang boses ko. Naramdaman ko ang panghahapdi ng lalamunan ko tanda na malapit na naman akong umiyak. Nakakainis lang kasi everytime na nagagalit or naiinis ako nauuwi na lang palagi sa pag-iyak. I hate myself for being too emotional.
Nakatingin lang naman sakin si Coser. Medyo kumukunot ang noo nya na parang hindi nya maintindihan kung anong sinasabi ko, "Hindi kita maintindihan, Slaine. Ano bang sinasabi mo?"
"Kasalanan mo ang lahat kung bakit nangyare sakin to. Never in my entire life I have felt humiliated," pakiramdam ko ang hina hina ko ng mga panahong yon. Hinayaan kung masaktan nila ako ng ganun-ganun lang. Ang babaw nila. Ang babaw ng dahilan nila, "from now on, I want you to stay away from me, pretend that you didn't know me. I want a peaceful life, Coser," Ani ko. Napayuko ako kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko mula sa aking kaliwang mata. Hindi na nagsalita pa si Coser kaya nanahimik na rin ako. Tumayo sya sa upuan at naglakad palapit sa may pinto. Binuksan nya iyon saka lumabas. Mas lalo akong napaiyak. Parang gusto kung bawiin yong sinabi ko pero nangunguna yong pride ko. Kahit papano naman kasi ay napalapit na ako sa kanya.
Ilang sandali pa simula ng lumabas si Coser sa kwarto ko ay muling bumukas ang pinto. Akala ko ay bumaik sya pero hindi. Si Lee at Nyx pala iyon. Agad kung pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi ko at bahagya silang nginitian.
"Hii," bati ko. Halos wala ng tinig na lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang pagkapaos. Parehas pa silang nakasuot ng school uniform. Mukhang katatapos lang din ng practice nila at imbis na sa kani-kanilang bahay dumeritso ay dito pa sila pumunta.
"Kumusta ka? Kumusta pakiramdam mo?" Magkasunod na tanong sakin ni Lee na agad naupo sa tabi ko. He checked my wounds. Lumapit naman si Nyx sa table at inilapag ang mga dala nyang pagkain pagkatapos ay saka sya sumandal doon sa lamesa.
"Okay na ako," matipid akong ngumiti, "medyo masakit lang ang katawan ko," Sabi ko.
"Nanggigigil ako sa Yella na yan. Ang kapal ng mukha. Akala mo naman maganda," naiinis na saad ni Lee, "Hinding hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sayo. Ano resbakan na ba natin?" Tanong ni Lee. Tumayo sya at umaktong may susuntukin sa harap nya. Pasuntok suntok pa sya sa hangin na akala mo isa syang professional boxer. Hinahampas hampas nya pa ang payat nyang braso, "nakahanda na muscles ko. Nangangati na ang kamay ko na masapak sya," saad ni Lee. Ano kayang magagawa ng mala-patpat nyang braso. Mukha ngang isang ihip lang ng hangin matatangay sya e. Dahil sa mga kalokohang ginagawa ni Lee ay napatawa na lang kami ni Nyx kahit si Lee ay natawa na rin sa sarili nya.
"Kidnap-in din natin yong mga nang-kidnap sayo tapos bugbugin din natin. Ano? G ba kayo?" Nanghahamong saad ni Nyx, "ako na bahala dun sa tomboy. Panget panget nya hampasin ko sya ng tobo sa mukha e," pahabol pa ni Nyx. Napapangiti na lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Alam ko namang they are just trying to make me laugh.
"Thanks to the two of you..., " saad ko. Nagpakita ako ng isang matipid na ngiti, " for helping me."
"It's nothing. Magagawa ka ba naman naming pabayaan?" Hinila ni Lee ang bangko na kanina ay inupuan ni Coser at doon siya naupo. Sumeryoso na rin ang mukha nya.
Bigla naman akong may naalalang itanong, "pano nyo pala nalaman na na-kidnap ako saka kung saan nila ako dinala?" Tanong ko. Nagtinginan naman ang dalawa.
Nyx's Point of View
Habang nagdidisscuss ay nagpaalam ako sa teacher namin. Sinabi kung magc-cr lang ako at agad nya naman akong pinayagan. Binulungan ko si Lee kung gusto nya bang sumama pero sinabi nyang tinatamad sya. Lumabas na ako at masayang naglakad pababa ng hagdan. Imbes na sa Cr ako magdiretso ay sa cafeteria ako nagpunta. Hindi naman talaga dun ang tungo ko. Sa cafeteria talaga ang pakay ko dahil nakaramdam ako bigla ng gutom. May pasayaw sayaw pa ako habang naglalakad. Nang makarating ako sa cafeteria ay agad akong kumuha ng chips at inilagay iyon sa bag ko. Nagdala ako ng bag. Baka kasi makita ni ma'am na may dala akong pagkain baka magtaka sya. Mahirap na. Bumili na rin ako ng pasta at fries saka soda. Naupo ako sa bakanteng table malapit sa isang babae na mukhang tomboy. May kausap ito sa telepono habang hawak ang burger sa kaliwa nitong kamay. Sinadya ko talagang lumapit sa kanya dahil parang naulinigan ko ang pangalan ni Slaine. Makikichismis lang ako.
Nag-start akong kumain habang nakikinig sa mga sinasabi nya.
"Ginawa nyo ba ang iniuutos ko?...good dalhin nyo sya sa lugar na itetext ko...make sure na hindi kayo matatakasan nyan," iyon ang mga salitang narinig ko sa kanya bago nya ibaba ang telepono. Marahas syang kumagat sa hawak nyang burger at nagsalita sa hangin, "Slaine Ferrer, that bitch, pagsisisihan mo ang ginawa mo sa Yella ko," galit nitong saad. Sunod sunod itong kumagat sa burger na hawak niya hanggang sa maubos iyon at ngayon ay punong puno na ang kanyang bibig. Dugyot.
Naalarma naman ako ng marinig ng malinaw ang pangalan ni Slaine. Anong binabalak nilang gawin kay Slaine? Kinidnap ba nila si Slaine? Paniguradong utos to ni Yella.
Lumabas ang babae mula sa pinto ng cafeteria at nagtungo sa parking area. Hindi ko na inubos pa ang kinakain ko at agad ko na syang sinundan. Baka papunta na sya kung saan nila dinala si Slaine.  Sinundan ko sya hanggang sa makasakay sya sa kulay pulang kotse at nagdrive palabas ng  campus.
Agad naman akong sumakay sa kulay puting kotse at nagdrive din palabas ng campus. Buti na lang at hindi pa sya nakakalayo. Naka-focus lang ako sa kulay pulang kotse na nasa unahan ko dahil mahirap na kapag nakawala ito sa paningin ko. Dumeritso ito sa may medyo liblib na lugar. Maraming sirang sasakyan sa paligid ang nilalamon na ng mga ligaw na damo at baging. Inihinto ko ang aking sasakyan ilang metro ang layo sa kanya. Mula sa salamin ng aking kotse ay pinagmasdan ko ang babae. Pumasok ito sa loob ng isang gusali na halatang matagal ng inabandona. Agad-agad naman akong lumabas sa aking sasakyan at lumapit sa gusali. Nakatayo lang ako sa bukana niyon. Hindi ako makakapasok ng ako lang mag-isa. Hindi ko alam kung ilan sila sa loob. Madali kung kinuha ang telepono sa aking bulsa at tinawagan ang number ni Zico. Sya ang unang taong pumasok sa isip ko na pwedeng makatulong sakin lalo pa at involved dito sa Slaine.
[What?] Bungad ni Coser pagkasagot na pagkasagot ng tawag.
"Zico, i-i need your help. Slaine was being kidnapped," saad ko. Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay binaba na ni Zico ang tawag. I texted him the location. Paulit-ulit kung inihampas ang cellphone sa palad ko. Natataranta ako. Kinakabahan. Nag-aalala ako para kay Slaine.
20 minutes pa siguro ang pinaghintay ko bago ko makita ang isa pang kulay pulang kotse na paparating. Kay Zico iyon. Bumukas ang dalawang pintuan ng kanyang kotse at mula sa passenger seat ay nakita ko ang paglabas ni Lee. Sinabi ko kasing isama nya si Lee. Baka kasi magalit sya samin kapag nalaman nya ang nangyare kay Slaine tapos ay wala man lang syang alam at naitulong man lang. Tumatakbo nila akong nilapitan.
"What happened?" Tanong ni Coser. Humihingal pa ito at kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala para kay Slaine.
"Pumasok yong babae sa loob. I think nandun si Slaine. Hindi ko alam kung ilan sila dun," paliwanag ko naman. Naririnig ko na lang ang mahihinang pagmura ni Zico sa kanyang sarili. He must be so worried about Slaine. Balak na sana naming pumasok ng gusali pero nakarinig kami ng malakas na tawanan. Papalapit ang mga ito sa amin. Sumilip kami sa may pinto at doon namin nakita ang apat na estudyante. Masaya silang nag-uusap at nagtatawanan habang naglalakad palabas. Isa na doon ang babaeng tomboy na sinundan ko para makapunta dito. Nanliit ang mga mata ko ng makita ko ang tumalsik na dugo sa kanilang mga uniform. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. What did they do to Slaine? Did they killed her? Wag naman sana.
"I know she can't untie herself. Dun na sya mabubulok," mataray na saad nung isang babae na payat. Merong highlight na purple ang kanyang buhok. Nagtawanan naman sila kahit wala namang nakakatawa sa mga pinagsasasabi nila. Sa sobrang galit ko sa kanila ay sumugod na ako. Lumabas ako sa pinagtataguan namin at tumakbo palapit sa kanila. Umikot ako sa ere at pinasalubungan ng tig-isang sipa ang dalawa sa kanila. Natumba silang dalawa habang dumudugo ang parehas nilang ilong. Gumuhit ang gulat sa dalawa pang estudyante na natira habang nakatingin sa akin. Masama ko silang tiningnan. Narinig ko naman na sumunod na sakin si Zico. Nagkatinginan kaming dalawa saka namin sabay na tiningnan ang dalawa. Yong dalawa naman na sinipa ko ay muling nakabangon. Nagsimula ang war sa pagitan namin. Hindi ko alam na marunong pala sila sa pakikipaglaban pero kahit anong runong nila. Nanaig na sa akin ang galit. Gigil ko silang pinagsisipa at pinagsusuntok hanggang sa magsibagsakan sila sa sahig na dumadaing sa sakit. Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na pumasok sa loob. Sa gitna noon ay nakita namin ang isang babae na nakaupo sa bangko. Nakatali ang kanyang mga paa at kamay. Nakayuko rin ang kanyang ulo at halata mo ang panghihina sa kanya. Agad kaming tumakbo ni Coser at lumapit.
"Slaine?!" Tawag ko sa kanya.
"Slaine!" This time ay si Zico na. Lumapit ako sa kanya at inalisan sya ng tali sa kamay. Nanatili syang nakayuko.
"Slaine, you okay?!" Tanong ni Zico habang inaalisan nya ng tali si Slaine sa paa. Hindi sumasagot si Slaine. Nanatili lang syang nakayuko. Mukha namang hindi pa sya nawawalan ng malay kaya inalalayan namin syang makatayo pero mukhang hinang hina na sya kaya muli syang bumagsak pero agad din syang nasalo ni Zico. Nakahawak lang ako sa likod nya. Ibinaba sya ni Zico sa sahig saka nya binuhat si Slaine na bridal style. Lumabas kami ng gusali at naghihintay na doon si Lee. Ipinasok ni Zico si Slaine sa backseat at naupo naman sya sa tabi nito. Naupo ako sa passenger seat katabi ni Lee.
Umikot si Lee sa kanyang upuan upang tingnan ang dalawa sa backseat, "is she okay?" Tanong nito. Alam kung nag-aalala rin sya Kay Slaine.
"She's not," sagot naman ni Zico, "we need to take her to the hospital," dagdag pa niya.
Umayos na naman ng upo si Lee, "okay, let's go!" Saad nya. Nagsimula na syang magdrive paalis doon.
May makasalubong kaming sasakyan ng police. Inihinto ni Lee ang sasakyan sa tabi at ganun din ang police car. Bumaba ang isang matangkad pero mataba na lalaki. Nakasuot ito ng police uniform at hawak niya ang handle ng baril na nakasabit sa kanyang bewang. Lumapit ito samin at agad namang dumungaw si Lee sa bintana.
"Tito, ikaw na ho ang bahala doon. Just make sure po na walang makakatakas kahit na isa sa kanila," Ani Lee sa pulis. Tumango naman ang pulis at sumenyas na mauna na kami. Kilala ko iyon dahil kapatid iyon ng daddy ni Lee. Marahil ay tinawagan iyon ni Lee kanina habang nirerescue namin si Slaine. Dumeritso kami sa pinakamalapit na hospital upang agad na magamot ang mga sugat ni Slaine. Nang sabihin ng doctor na okay na sya at kailangan na lang ng pahinga ay bumalik na kami sa school dahil meron kaming quiz na hindi pwedeng ipagpaliban. Babalik na lang kami mamaya dito para bisitahin si Slaine at dalhan ng makakain.
Slaine's Point of View
Napatango tango na lang ako sa ikinukwento ni Nyx. So iyon pala ang nangyare. Ipinulupot ko ang pasta sa hawak kung tinidor saka iyon isinubo. Pinagsaluhan na namin ang dalang pagkain ni Nyx. Habang kumakain ay nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Only to find myself laughing with their corny jokes. Tuluyan ko ng nalimot ang bigat ng damdamin ko saka na rin ang mga nangyare kanina. Para tuloy biglang naglaho ang galit na kanina ay nararamdaman ko para sa kanila lalo na kay Yella.
"Syanga pala," saad ni Lee ng makabawi sya mula sa pagtawa, "nag-away ba kayo ni Zico?" Tanong nya.
Kumunot ang noo ko. Umiling-iling pa ako, "nope, why?" Sagot ko naman. Hindi naman kami nag-away e. Sinabihan ko lang sya na layuan na ako para manahimik ang buhay ko.
Tumango tango si Lee, "makasalubong kasi namin sya sa hallway kanina, Lee pointed her thumb backwards. "He didn't even say a word. Mukhang badtrip," kumuha ng popcorn si Lee saka iyon isinubo.
"Ah," iyon na lang ang nasabi ko, "Hindi naman. Baka b-in-usted ng babae nya," natatawa ko na lang pagbibiro. Lee and Nyx chuckled. Nanahimik na lang ako at kumain ng popcorn. Maya maya lang ay may cellphone na tumunog. Sabay pa kaming napatingin ni Lee kay Nyx. May tumatawag sa kanya.
Nyx answered the call, "mom..." Ah mommy nya pala yong tumatawag. Baka hinahanap na sya, "I'm still here at the hospital...," Saglit akong tinapunan ni Nyx ng tingin at tipid na ngumiti. Hindi ko na sya nangitian pabalik dahil umiwas din sya agad ng tingin, "yup, she's okay na po...okay...bye," ibinaba na nya ang tawag at humarap sa aming dalawa ni Lee, "ahmm kailangan ko ng umuwi. Hinahanap na kasi ako sa bahay e," saad ni Nyx.
Tumango ako saka matipid na ngumiti.
"Hindi ka pa ba sasabay, Lee?" Baling ni Nyx kay Lee.
"Pasabay na ako. Slaine, uuwi na kami ah," paalam ni Lee. Tumayo si Lee at lumapit sakin. Niyakap nya ako bago nya kunin ang bag nya. Ganun din ang ginawa ni Nyx. Yumamap din sya sakin.
"Salamat ah. Ingat kayo," saad ko. Kumaway pa ako sa kanilang dalawa.
"Babalik kami bukas," huling sinabi ni Lee bago sila lumabas ng kwarto ko. Tahimik na ulit ang bawat sulok ng kwarto. Hindi na bumalik pa si Coser. Hindi ko alam kung masama ba ang loob niya dahil sa sinabi ko. Tumayo ako at iniligpit ang mga kinainan namin. Itinapon ko ang mga basura saka ako muling nahiga sa kama ko. Sumasakit kasi talaga ang katawan ko tuwing gagalaw ako.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sa pag-aakalang si Coser iyon ay nagpanggap akong natutulog. Kumalabog ang aking dibdib ng biglang may humawak sa kamay ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtusok ng kung ano sa ibabaw ng palad ko. Naramdaman ko ang pagtaas ng kumot sa katawan ko hanggang sa marinig ko ang yabag palabas ng kwarto ko. Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata at doon ko lang napagtanto na nurse pala yong pumasok. Ibinalik nya rin yong dextrose na nakaturok sakin.
Hays. Naiinip na ako. Dati rati pangarap ko ma-ospital. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko sa hospital. Ngayon hindi na ako natutuwa. Sanay naman akong mag-isa at palaging tahimik ang paligid pero hindi ko kinakaya ang katahimikan sa apat na sulok ng kwartong ito. Gusto ko ng umuwi.
Huminga lang ako ng malalim at pumikit na pero agad din akong napamulat ng bigla na lang lumitaw ang mukha ni Lead sa isip ko.
Bigla ko syang naalala. Alam nya kaya ang nangyare sakin? Ano kayang ginagawa nya ngayon? Nag-aalala din kaya sya sakin-- napatigil ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay at natawa na lang ng mahina sa sarili ko. Mag-aalala? Si Lead? No way. Baka nga natuwa pa yon sa nangyare sakin kung alam man nya e. I remember, gigil na gigil nga pala syang mapatay ako.
Teka--bakit ko ba sya iniisip? Tsk.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất