logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 1.2

CONTINUATION...
Ngunit nang makabili naman ako ay pabalik na sana ako ng opisina niya nang may kung sinong taksil ang bumangga sa balikat ko dahilan para matapon sa damit ko ang kapeng barako! Gulat, hapdi dahil mainit at galit ang namutawi sa akin.
I looked around and wondered the person who bumped me.
"Argh! Sino ba 'yon?! Pagod na ako ah! Nakakainis na kayo!" nagulo ko ang buhok ko sa sobrang inis at galit. Napatingin naman sa akin ang ilang nadaanan ako at ang iba'y natatakot na umiwas pa.
"Hala, sino ba 'yon?"
"Aba, ewan!"
"Nakakatakot 'no, pre?"
"Gago, malamang! Sayang nga lang at kay ganda-ganda pa."
Napaungot naman ako sa narinig ko. At nagmukha na nga akong baliw! I did a long and heavy sigh before continue walking and preventing myself to explode again.
Dumaan muna ako sa restroom at nilinis ang sarili. Buti at may tissue roon. Sinarado ko nalang ang butones ng nakapatong sa sleeves ko para matakpan ang mantsa. Pagkatapos ay pabalik na sana ako sa cubicle ko nang may maalala.
"Darn it," napatakbo tuloy ako ng wala sa oras. Pagkarating ng coffee shop ay huminto ako saglit at saka huminga muna. Inilibot ko ang mata sa buong lugar at nakitang walang masyadong tao.
I bit my lip. "Siguro naman hindi masamang umupo muna," I whispered to myself. Baka naman pwede siyang maghintay ng kahit kaunti roon at magpapahinga muna ako.
Um-order ako ng iced-coffee at cinnamon rolls para kahit papaano ay may magawa ako habang nagpapahinga. Paubos na rin ang pera ko kaya mas lalo lamang akong nanghina. Umupo ako sa pang-isahang upuan at doon kumain. Habang kumakain ay hindi ko naiwasang tignan ang labas dahil katabi ko lang naman ang bintana. Mula dito ay maganda ang view dahil matatanaw mo ang mga sunod-sunod na sasakyan.
I remembered my relatives out of a sudden. Hindi ko alam kung bakit ko sila naalala. Kapatid ng papa ko ang kumuha sa akin noon, si tita Calli. Tita Calli is a wonderful woman and I really idolize her for being so calm everytime. Kahit 'kita mo ang inis sa kanya ay ngingiti pa rin siya, sa kanya ko natutunan ang pagiging fine lady. She's a beauty, too. Nakapag-asawa siya ng mayor at nagkaroon ng dalawang anak, sina Mojito at Margarita. Mababait silang lahat sa akin, not until tita Calli died. She died on a breast cancer stage 2 and because of that, the two children moved to America to study.
Hindi ako sumama dahil mas gusto ko rito kaya naman I was left alone but with their father, mayor Geoff. The reason why I ran away is he's been hurting me physically. Naging lasinggero siya dahil hindi na namin na-contact ang dalawang magkapatid at idagdag pang namatay nga si tita Calli kaya umabot siya sa depression.
At first, nagtiis ako kahit nasasaktan ako dahil naging mabait sila sa akin. But one night had come, he tried to harrass me. Buti nalang at nakatakbo ako at nakatakas. That's why I brought myself here in manila and the rest is history.
Buhat noon ay nawalan na talaga ako ng connection sa kanila. Tuloy ay hindi ko napigilang mapalalim ang isip ko na nasa puntong hindi ko namalayang alas-siyete na ng gabi.
Dali-dali akong tumayo at umalis ng lugar na dala ang hindi nabawasang iced-coffee. Naalala ko bigla si Cohan, baka nag-aalburoto na iyon. Mamaya sigurado akong 'pag nakita ako no'n ay masasampal niya ako sa inis. E sorry nalang siya, pagod ako e.
Pagkarating sa building ay may mga nag-uuwian na. 9 ang out ng halos lahat kasi kaya naman mas lalo akong nataranta. Ngunit nang nasa elevator na ako ay napatigil ako.
Siguro naman umuwi na siya. Hindi naman na niya hihintayin ang isang cup ng kape 'diba. At saka halata namang gusto niya akong pahirapan,
Kaya naman ang sana'y opisina niyang destinasyon ko ay pinindot ko nalang sa floor kung nasaan ang cubicle ko. Pagkakuha ng mga gamit kabilang ang bag ay sumakay na ulit ako ng elevator at habang naghihintay ay hindi ko alam pero hindi ako mapakali.
At natagpuan ko nalang ang sariling patungo sa kanyang opisina. Natigilan ako. Ano ba'ng iniisip ko?! I sighed. Iche-check ko nalang para kumalma na ako. Hinigpitan ko ang hawak sa iced-coffee at nagtuloy ng lakad.
Madilim na sa opisina niya at mukhang sarado na rin. "Tsk! Bakit ba kasi nagpunta pa 'ko rito?" bulong ko at tatalikod na sana nang makarinig ako ng tunog mula sa loob.
Kinutuban agad ako at sa sobrang bilis ng galaw ko ay hindi ko na namalayang nabuksan ko na pala ang pintuan ng kanyang opisina na napag-alaman kong hindi pala naka-lock.
Nanuyo ang lalamunan ko at napaawang ang labi nang makita ko siyang nakahalukipkip na nakatingin sa sahig habang may tila malalim na iniisip. Tanging lamp shade lang sa tabi niya ang bukas dahilan para makilala ko ang mukha niyang kay gandang tignan.
Nang bumukas ang pinto ay napalingon siya sa akin. Nagulat pa ako dahil mabilis siyang napatayo. Kapwa natigilan kaming dalawa sa kanyang ginawa pero nagsalita na rin siya.
"Akala ko... hindi ka na babalik," namamaos ang kanyang boses nang sabihin niya iyon.
Wala akong nasabi kaagad. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ibig sabihin, hinintay niya talaga ako?
Napakurap ako. "A-Ano bang sinasabi mo? N-Nagpahinga lang ako saglit sa coffee shop--"
"Grabe ka naman palang magpahinga," I could sense sarcasm on his tone. Seryoso niya iyong sinabi kaya natahimik ako.
He heaved a sigh, brought his key and suit and walked towards me. Napaatras pa ako ng kaunti ngunit natigil rin ng humarap siya sa akin.
"Sa susunod, kung magpapahinga ka.. siguraduhin mong walang naghihintay sa iyo." tiim-bagang niyang sabi.
"B-Bakit mo ba kasi ako hinintay? At saka sino ba ang--hoy! Kape ko 'yan!" natigil ako sa pagsasalita nang kuhanin niya ang kape sa kamay ko.
Lumakad siya papalayo at itinaas ang iced-coffee ko, iwinawagayway.
"Daming sinabi," I heard him muttered.
Pinanood ko lang siyang makalayo hanggang sa hindi na siya nakita ng paningin ko. Bumuga ako ng hangin at napairap,
"Ang labo niya,"

Bình Luận Sách (18)

  • avatar
    De PedroJohn Leenard

    pretty

    09/04

      0
  • avatar
    MendozaKen

    nice story

    13/07/2023

      0
  • avatar
    Anj Rosete

    Big thumbs up for the writter👍 ang ganda ng story.

    06/07/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất