logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

006

Friday
Yes I have a girlfriend, that's why I'm here. Glad to had you tonight. I enjoyed your hand on my shirt! And oh! your face near at my chest! Goodnight Miss Stormy! Kita na lang tayo bukas!
'Yan ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Hindi ‘ko sigurado kung nakatulog ba ako o hindi, o gaya ng madalas lumilipas lang ang oras, tapos kailangan ko ng pumasok. This is kind'a weird, something I have to bothered about. Iniisip ko 'yung tibok ng puso niya habang nakadikit ang tainga ko sa dibdib niya, mabilis iyon, sobrang bilis. Bukod doon, hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman, at alam kong hindi dapat. Mali 'to at isa siyang mali sa buhay ko. Hindi ko na dapat nakilala ang taong 'yun, ginugulo lang niya ang isip ko. Ang sarap niyang isumbong sa girlfriend niya ng matigil na ang kasusunod niya sa akin. Kanina, bago ako pumasok ay naabutan ko siyang nasa labas ng bahay. Nakasandal sa kotse niya at seryoso ang mukha. Pero nang makita niya ako ay agad itong ngumiti, para bang nabuhayan siya? Fuck? Bakit ito ang iniisip ko? Bakit ko iniisip ang seryoso niyang mukha na agad nagbago noong makita niya ako? Fuck again. Marami akong dapat isipin bukod sa kakulitan niya.
Gaya ng alam ko, kinulit niya ako na ihahatid na raw niya ako papasok, pero hindi ko na lang siya pinansin. Nakasunod lang siya sa akin at iniwan ang kotse niya sa harap ng tinutuluyan ko. Habang nagbibigay ako ng resume ko sa mga ina-applayan ko ay nakasunod lang ito sa akin. Panay ang daldal niya tungkol sa buhay niya na akala mo may paki ako. Wala nga akong naintindihan halos dahil 'di ko talaga siya pinapakinggan. Hanggang sa daanan ko na rin ang cellphone ko at i-check kung kailan ko ito makukuha. Tapos napagtanto ko na lang na wala na siya sa tabi ko nang makasakay na ako ng jeep.
Sa totoo lang, kaya hindi ako nakikinig sa kaniya ay dahil may iba akong nararamdaman. Pakiramdam ko may nakasunod sa amin.
Hindi ko alam, baka masyado ko lang din bang iniisip ang nakita ko kagabi. Basta magkikita rin naman kami, 'wag lang siyang excited dahil mas may dapat akong pagtuunan ng pansin ngayon kaysa ang gaya niya. Sana lang ay magaling na ang sugat niya at wala ng naiwan dito kung sakaling magkita ulit kami. At siguraduhin niyang matatakot niya ako, ulit.
Tahimik naman ang buo kong araw dito sa school ngayon. Hindi naman ako sinalubong ng batuhan, sampal, sabunot, suntok, o kahit ano pang basurang bagay na puwedeng gawin sa akin ng Hunghang team. Naubusan na siguro sila ng ideya kung paano ako susubukin galitin, kaya naisipan na lang nila sumuko. Mga mahihinang basura. Sinimulan nila ang laro at ngayon tatapusin na lang nila ng ganun? Malabo 'yun. Baka nag-iisip lang sila ng bagong gagawin sa akin. Bilis-bilisan naman sana nila, mukhang mauuna pang tumuyo ang sugat sa labi ko dahil sa sampal ni Hunghang Hans kaysa sa pag-iisip nila gamit ang maliliit nilang utak. Bukod doon, masyado rin akong masaya ngayong araw para isipin ang patulan sila kung sakali.
Kanina pa ako nga ako nakangiti habang nakikinig sa last subject prof namin na nagdi-discuss sa harap. Hindi na ako makapaghintay sa kasasabi lang na balita kanina. Pupunta nga raw dito sa School ang mga benefactors ng scholarship. Masaya ako kasi makikita ko na rin ang benefactor ko. Bukod doon, sigurado akong magbabanggit sila ng iba pang mga detalye sa kaniya at mula doon, makakakuha ako ng bagong impormasyon. Mas maraming detalye, mas mapapadali ako sa mga kailangan kong gawin. Hindi ko akalain na magiging masaya ako ngayong araw, may halong pagka-excite na rin na sana mag-sabado na. Malapit na rin naman mag-uwian, isang oras na lang. Sa ngayon ay nanamnamin ko muna ang galak na nararamdaman ko para bukas. Mukhang hindi ata ako makakatulog nito sa sobrang excited.
"Does anyone here believe that life exists outside of this Earth, where we're living... anyone?" Tanong ng professor namin
Seriously? Tanong niya 'yan?
"I am" Mahinang sambit ko pero dahil nga tahimik ang klase ay narinig pa na iyon. Nawalan na ako ng choice kun'di tumayo at ibigay ang panig ko dahil tinawag na rin ako ng prof.
"Oh, how did you believe from that then?" Tanong niya ulit
"Simply because a lot of planets exists. I just believe those planets consists of unidentified species, that surely much better than human" Walang pag-aalinlangan kong sagot. Napanganga naman silang lahat na akala mo bago lang ang narinig nila. What? Marami naman ng balitang ganun ah? The aliens? They don't believe at them? Crap.
"Okay, but human body consists of oxygen, carbon, hydrogen, and nitrogen that makes up life. How'd you believe from that unidentified species then out of this world?" Sambit nito saka naupo sa table niya
She surely didn't get her questions either
"Yes Ma'am, but I wasn't referring to a human. I was referring to an unidentified species that not even a professional biologist here or an astrobiologist can put a name then" Mahinahong sagot ko.
"Okay then, how'd you come up from that idea of believing that life exists outside of this world" Tanong niya na parang inulit lang niya
"I just believe in the universe. Everything has behind of them. Behind of you there's a table, behind the table there's a board, behind the board, there's another room, so as the clouds. That obviously travelled by some of the austronauts and cosmonauts.We're living in a place that even us don't know much better. Behind these, there's a life we don't even know. Behind of this Earth, there's a life exists that still undiscovered." Sagot ko na bahagyang ikinangiti niya
"Is that the reason why did you choose a Science major in biology?" She asked as if gusto kong sagutin. Buti na nga lang ay tumunog na ang bell kaya agad na nagmadali ang mga basura kong kaklase na makalabas. Lalabas na rin sana ako pero biglang lumitaw ang prof ko sa harapan ko "You have a strong belief in life. I see it. Goodluck Miss Denver" Saka tinapik ang balikat ko at lumabas na
What? I didn't even answer her a scientific with a strong evidence. I just said what I believe, that's what exactly happened.
"Wow, UN-I-DEN-TI-FIED SPE-CIES" Napalingon ako kay Hana na lumitaw sa likuran ko. Sa tabi niya ay ang Hanz hunghang "No wonder kung bakit naniniwala ka, gaya ka kasi nila"
Tss. Wala talaga akong oras sa kanila. Binuhat ko na ang tote bag ko at umalis na. Buti naman at hindi na nila pinigilan pa gamit ang paghila sa buhok ko, o paghawak ni Hans hunghang sa braso ko.
Actually, that's very unusual. Baka may binabalak silang mas malala? Wala pa rin akong paki.
Gaya kahapon ay nagpalipas lang ako ng oras sa benches. Nagbasa lang ulit ako ng libro. Habang nagbabasa ako ay agad akong napangisi. Naalala ko kasi 'yung magkasintahan kahapon. Kawawa 'yung babae. Sana naman kasi pumili siya ng matinong lalaki 'di ba?
'Di ko rin maiwasang isipin ang basurang lalaki na sunod nang sunod sa akin, este si Ariz. Weird, mas bagay sa kaniya na tawagin ko siyang Mr. Trashy, or basura lang. So, about business stuffs pala ang course niya. Saan kaya siya nag-aaral kung hindi rito? O kung hindi rito, bakit nandito siya kahapon? Siya ba may-ari ng school na 'to? O baka isa siyang kanang kamay ni Ja- nevermind. Kung inutusan man siya 'nun, mabuti nang mas bantayan ko siya sa galaw niya. Baka kung ano ang gawin niya sa akin.
Lalo at hindi pa ako tapos sa goal ko.
Hihikab-hikab akong napakamot sa ulo ko. 'Di ata talaga ako nakatulog. Pero hindi rin nagtagal ay may sumulpot sa harapan kong basura.
Putcha...
"Good Afternoon Miss Stormy" Nakangiting bungad niya sa akin habang nakasalumbaba sa harapan ko "Let's have a late lunch?"
Saka niya inangat ang paper bag na bitbit niya
"Bakit nandito ka?" Tanong ko rito habang abala siya na iassemble ang mga binili niya sa table. Napansin ko naman agad ang pasa nito bandang labi. Mukha siyang matino, pero mukhang basag ulo rin. Anong klaseng basura ba 'to?. Ngumiti naman siya bago sumagot
"Napadaan lang ako. Sakto nga nakita kita ulit dito" Sambit niya saka tumigil at hinawakan ang baba niya "It seems world is in my side hahaha" Saad niya saka muling tinuloy ang pag-aayos
Tiningnan ko na lang siya habang nag-aayos.Nang matapos siya ay kinuha na niya ang mga kubyertos at nilagyan ang pagkain ko saka sa kaniya. Saka muling ngumiti. Nag-sign of the cross pa ito bago tuluyang kumain at nagpasalamat. Ganun din ang ginawa niya kagabi bago siya kumain. "Kain na tayo" Saad niya
I shrugged saka napailing na lang "Akala ko ba hindi ka na magpapakita kapag sinabayan kita mag-dinner kagabi?" Tanong ko rito "Hindi ka ba marunong tumupad ng pangako?"
"Pangako? I didn't promise anything?" Sambit nito na talaga umaarte pang kunwari wala siyang alam
"Nevermind Mr. Trashy" Seryoso kong sabi saka sinuot ang tote bag ko. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
And that made me freeze...
"You have to insert energy, bago ka maglinis ng building I" Saad nito
Paano niya nalaman? I mean, tama ba alam niyang naglilinis lang ako doon for no literally paid job purposes? Baka nag-iisip lang ako masyado.
"Umupo ka na muna, please?" Nakangising saad niya.
Ewan ko, ayoko naman. Pero sinunod siya ng katawan ko. Umupo ako nang payapa. Hindi ko siya sinamaan ng tingin or whatever para insultuhin siya at sabihing hindi ako natutuwa sa ginawa niya.
"Crispy friend chicken pala 'yang nabili ko, kumakain ka ba ng maanghang? I mean ayos lang ba sa 'yo 'yan?" Mahinahong tanong nito
I have to bring back myself. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinangiti niya "Mukha bang may choice ako?... again, you're welcome" Sambit ko saka ngumisi ng sarkastiko na nginitian lang niya.
Tahimik naman kaming kumain, bago niya basagin iyon ng isang tanong.
"Miss Stormy, anong tingin mo sa'kin?" Diretso niyang sabi
Gusto ko sanang matawa pero seryoso ang mukha niya ng sabihin niya 'yun. Seryoso ba siya?
"Tingin mo ba masama akong tao?" Aniya ng hindi ako tinitingnan.
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Ni hindi nga kita kakilala. Malay ko ba sa'yo" Pagdiretsa ko. Totoo naman 'di ba? Mukha bang kilala ko siya? Paki ko ba sa kaniya 'di ba?
Ngumiti ito bago tumingin sa akin "Kahit kailan talaga ang sungit mo. Lagi ka bang may ano, 'yung ano" Nahihiyang sambit nito
"Wala. Pero lagi talagang iinit ang ulo ko kapag ikaw ang kaharap ko" Sagot ko saka uminom ng tubig "Pero kung gusto mo ng sagot, I'll answer you" Saka ako bahagyang lumapit sa kaniya
"Tingin ko... oo masama kang tao" Saka ako ngumiti at muling kumain
"Grabe ka naman, masama talaga? Hindi ba puwedeng makulit lang ako sa 'yo?" Aniya.
Baliw ba ang mga tao? Magtatanong sila tapos kapag sinagot hindi tatanggapin? O kokontrahin nila. Mga basura nga naman. Pero, hindi nga. Hindi naman siya masama, makulit lang. Pero ang kakulitan niya ay para na ring kasalanan sa akin. Masama na rin.
"You asked me 'di ba? Pasalamat ka nga sinagot pa kita. Nasayang din ang segundo ko sa pagsalita" Ani ko saka muling sumubo ng pagkain
"Wala ka bang boyfriend?"
"Pffft!" Malakas kong pagpigil sa tawa ko "Are you out of your mind?!"
Kumunot ang noo niya
"No? Why? What's wrong with my question?" Takang sambit niya
"Alam mo kung anong mali? 'yung buo mong tanong. Pati 'yang utak mo, at ikaw. Isa kang mali" Saad ko ng hindi man lang nagdalawang-isip. Bakit naman 'di ba?
Ngumisi ito saka bahagyang lumapit sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin "Trust me, I'm a good one. But don't worry,
I'll prove you na hindi ako gaya ng ibang nakilala mo, o... nagustuhan mo?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya natawa na lang ako ng malakas, pero sarkastiko pa rin "PFFFFT! HAHAHAHAHAHAHAHHA!" malakas kong tawa sa sinabi niya. Napaatras siya at bahagyang naging patanong ang eksyperesyon ng mukha niya
"OMG, I'm sorry, I'm just overwhelmed sa katangahan mo" Diretsa ko na ikinangisi niya "Ayon naman sa hitsura mo, hindi ka naman mukhang baliw, teka... adik ka ba? dati ka bang nagtutulak o user mismo?" Sambit ko saka ngumiti ng nakakaloko
"Tsk, sa hitsura kong 'to? Adik?, kung magiging adik lang din ako, ako na papatay sa sarili ko. Kaysa si Dad ang pumatay sa akin hahaha" Aniya na hindi ko itatangging nagpangiti sa akin.
"Ako may tanong" Sambit ko na halatang nagpagulat sa kaniya. Napaawang kasi ang bibig niya ng bahagya "Bakit mo 'ko sinusundan?" Diretsa ko saka tumigil sa pagkain ko, pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin.
Pero, alam na alam kong bigla siyang hindi naging komportable dahil sa tanong ko. Well now, it makes sense. Napansin kong uminom siya ng tubig bago ako sinagot. Lalo ang pagkuyom niya ng kamao dahilan para mamula ang kamay niya pagkabukas nito. Kinakabahan siya, ramdam ko.
"S-sinus-" I cut his words saka ako tumayo
"Just call me Nichole" I said saka inilahad ang palad ko sa harapan niya "Nichole Denver, 19 years old. At naniniwalang basura ang mga nag-aanyong tao... parang ikaw" Pagtutuloy ko. Nakatitig lang ito sa akin at sa wari'y parang- Naiiyak?
"Pinaghihintay mo ba ang kamay ko?" Pagtataray ko dahil hindi niya pa rin kinukuha ang palad ko. Mabilis naman siyang tinayo at gaya kahapon pinunasan niya muna ang palad niya saka tinanggap ang palad ko
"Ariz" Pagpapakilala niya ulit
"Alam ko" Saka binawi na ang palad ko
"Sabi ko nga" At nahihiyang yumuko
Binuhat ko na ang bag ko saka na siya nilagpasan. Naririnig ko pa siyang nagsasalita pero hindi ko na siya nilingon. Sapat na 'yon, ang makilala niya ako- Nichole Denver.

Bình Luận Sách (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất