logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

002

"Ang bango-bango mo naman Miss" Sambit nitong may hawak sa akin at inamoy pa ako sa leeg papuntang ulo. Dumiin ang hawak nito sa braso ko. Nagtatawanan naman ang mga kasamahan niya.
"Nasaan ang tapang mo ngayon ha?! basura pala ah! Ikaw ang gagawin naming basura!" Angil ng isa at saka naman idiniin ako ng lalaki sa katawan niya, dahilan para maramdaman ko ang matigas niyang pag-aari, na sana pinutol na lang, tutal 'di naman niya ginagamit sa mabuti. Sabagay, mga basura nga pala sila, 'di nila maiisip 'yun, lalo rin wala silang utak.
"Grabe, nanginginig ako ngayon dahil sa'yo Miss. Huwag ka mag-alala magiging maingat naman ako" Saad nito at doon ko naramdaman ang kamay niyang dahan-dahan gumagapang pataas sa dibdib ko
"Pre! Bilisan mo! Para naman malaman ng babaeng 'yan kung sino ang basura!" Angil ulit ni angry birds "Oh ano? Nasaan ang tapang mo? Akala mo kung sino ka kanina ha? Tandaan mo babae ka lang! At hinding-hindi ka mananalo sa am-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya at bigla na lang siyang bumulagta sa sahig. Buhay pa naman siya mukhang nakatulog lang.
Napabitaw ang dalawang lalaki sa akin kaya naman inayos ko ang damit ko.
"Sino kayo para tratuhin ang babae ng ganiyan?" Sambit ng lalaking humampas doon sa leader ng angry birds
"Aba! May iba na namang humahamon sa atin pre! Dito tayo sa malalabanan ta- ARAY!" Hindi niya naituloy dahil agad ko siyang pinakalmot sa pusa. Pinitik ko lang naman ang egg ni pusa at inilapit sa kaniya. Wala siyang karapatan maliitin ang pagkababae ko. Siya nga lalaki, pero 'di halata. Bumagsak din ito sa lupa dahil mabilis na tumama sa likod nito ang dos por dos ng lalaking nag-aala superhero. Ang ending, lahat sila nakabulagta sa mismong inuman place nila.
Mga bobo kasi sila.
Hinimas ko ang pusa para naman pakalmahin siya "Shhh, it's okay. You're in a good hand now" Pagpapakalma ko rito. Isiniksik naman nito ang mukha niya sa braso ko. Ang cute. Tinungo ko naman ulit ang daan papunta sa mga iniwan kong pagkain kanina
"Wait, Miss!" Rinig kong sigaw 'nung kunwaring tumulong, pero basura din. Hindi ko siya nilingon at nagtuloy lang ng lakad "Teka lang,Miss. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Gusto mo ba dalhin kita sa hospital? Wait, tatawag lang ako ng pulis para mahuli ang mga masama na 'yo- sandali lang, Miss" Hindi ko pa rin siya pinapansin.
Dinampot ko na ang mga plastic at muling hinimas ang pusa saka nagpatuloy ng lakad. Nakasunod pa rin 'yung lalaki habang kausap 'yung mga pulis.
"Yes Sir, pakibilisan na lang po" Utos nito sa pulis na kausap niya. Lakas naman niya? Sana siya na lang ang dumampot sa mga 'yun at nagdala sa presinto. Sumama na rin siya, magkakauri naman sila. Mga basura.
"Teka lang, Miss. I just wanna make sure kung ayos k-"
"Kung titigilan mo ang pagsunod sa akin, magiging maayos ako." Diretsang sagot ko nang hindi siya nililingon
"Pero Miss, bakit ba kasi nandoon ka? Don't tell me iniligtas mo ang pusang 'yan sa mga baliw na 'yon? Hindi mo man lang ba inisip ang sarili mo?" Tumigil ako dahil sa sinabi niya.
Ayoko sanang lingunin siya, pero mukhang wala siyang balak lubayan ako, at mas nakakainis pa iyon, kaysa sa nangyari kanina. Nang harapin ko na siya ay parang natutop ang labi niya.
"M-miss, n-next time hindi ka dapat nakikipag-away sa mga lasing na gaya nil-"
"Wala kang paki. Layuan mo ako, dahil ayokong sinasayang ang oras ko para sa basurang gaya mo" Sagot ko na halatang ikinagulat niya. Bastos na kung bastos, wala akong paki "At tungkol sa ginawa mo kanina? Umaasa ka bang magpapasalamat ako sa'yo?... You're welcome." At iniwan ko siyang nakatulala sa kawalan.
Magpasalamat na lang siya at binigyan ko ng rason ang araw niya ngayon para matuwa sa sarili niya, dahil iniligtas niya ako. Ayokong isipin na iniligtas niya ako, puwedeng sabihin na nakonsensiya lang siya. 'Yun lang. Kaya niya ako sinaklolohan ay dahil takot siyang usisahin ng konsensiya niya kung namatay ako at nasaksihan iyon ng mga mata niya. Takot lang ang mga tao sa konsensiya nila, 'yun lang.
"Andito na tayo Achen" Saad ko at binuksan ang gate ng tinutuluyan kong bahay. Sinalubong naman agad ako ng tahol nila Siri, Canop, Riken, Arc, Rigel, at Bete. Panay ang meow ng mga pusa at tahol naman sa mga aso. Naupo ako kaya mabilis na dumamba sa akin sina Siri. Halos mahiga na ako sa sahig dahil sa lakas nilang apat. Kinoberan ko naman si Achen dahil baka magulat siya at makalmot niya sila Riken.
"Okay babies, stop na. Look I have something for all of you!" Sambit ko at itinaas ang plastic na bitbit ko. Nagsiupo naman silang lahat at parang mga bata tinatahulan ako "Alam ko gutom na kayo, kaya talaga pimadamihan ko kay Nanay Ami ang iuuwi ko sa inyo. But first" Saka ko sila tiningnan at hinampas sa hangin ang palad ko paibaba "Umupo muna kayo"
Nagsisunod naman sila. Ang babait talaga nila. Tinatahulan pa rin ako nila Siri, at Bete. Oo nga pala, may bagong bitbit akong kaibigan nila, este kapatid.
"Oo nga pala, may ipapakilala ako sa inyo." Inilabas ko mula sa pagkakatago sa braso ko si Achen at iniharap sa kanila "This is Achen, ang bago niyong kapatid. Parte na siya ng family natin, okay? 'wag niyo siyang aawayin. Got it, Siri?Canop? Ri- relax, kailangan niyo muna kumain, pati si Achen bago kayo maglaro" Natatawang sambit ko dahil bigla na lang silang dumamba
"Meow..." Napalingon ako sa bandang pinto at nandoon si Procyon, nakaupo habang nakatingin sa gawi ko. Ang pinakatahimik kong pusa.
"Come here Proc! Meet Achen" Hindi ito sumunod sa akin at humiga lang. Napaisip naman ako.
Hmm, this is unusual. Tahimik si Proc, pero lalapit-lapit siya sa akin. Hindi nga niya ako sinalubong kanina e. Tumayo ako at nilapitan siya
"Meow..." Mahinang sambit nito ng himasin ko siya sa noo, pagkatapos ay tumitig lang ito sa kawalan
"Gusto mo bang kumain Proc?"
"Arf! arf!" Tahol ni Siri habang nakatingin sa labas ng gate. Sino naman ang nandoon? Paki ko sa kaniya kung sino man siya.
Kinuha ko na at pinagtabi-tabi ang mga pagkainan nila. Mga lalagyanan ito ng ice-cream na hiningi ko lang sa mga katrabaho ni Nanay Ami, para may pagkainan silang maayos. Ayokong pinapakain sila sa sahig lang. Mamaya ano pang makain nila e. Pumasok muna ako para paghaluin ang kanin at sinigang na sabaw, para naman kina Rigel, Bete at Achen. Si Proc, bubukudan ko na lang nitong isda na sinama ni Nanay Ami. Ibibigay ko na lang sa kaniya, busog naman na ako e.
Napakunot ang noo ko dahil hindi sumunod sa pagpasok ko si sila Siri at Canop, tumatahol pa rin sila sa labas. Kung sino man 'yun, 'wag na siyang pumasok kung gusto niya pang mabuhay. Pagkatapos kong maghanda ng pagkain ay lumabas na ako.
"Arf! Arf! Arf!" Malalakas na tahol nila Siri at Canop. Sina Riken at Arc naman nakatingin lang sa labas.
Punyeta naman, sino ba kasi 'yung tinatahulan nila. Lalabas na sana ako ng gate ng tumigil na sila Siri. At bumalik na ulit ang pansin sa akin. Sino ba ang bobong 'yun. Inilagay ko na ang mga pagkain nila sa kani-kaniyang lalagyan nila. May mga pangalan kasi ang pagkainan nila.
"Sige na, kain na kayo" Sambit ko saka naman nila nilapitan ang mga pagkainan nila. Bumalik naman ako kay Proc na nakahiga pa rin doon.
"Hey, baby Proc. What's wrong with you? Here" At inilagay ko sa tabi niya 'yung pagkainan niya na may isda, pero inamoy lang niya "Sige, magpahinga ka na lang muna ha? Dito lang ang pagkain mo, pati tubig mo. Mamaya, papainumin kita ng gamot ha? Pahinga ka muna" At hinipo ko pa siya sa noo
Agad akong napalingon sa gate dahil parang may dumaan. Tss, magnanakaw ba siya? Kung magnanakaw siya, anong nakita niya para ako ang nakawan?. Killer ba siya? O baka sadyang papansin lang siya, o baka gusto niyang makahanap ng sakit sa katawan?
Pumasok na lang ako sa loob at hindi na pinansin pa kung sino 'yun. Walang gana akong nahiga sa munti kong kama. Buti lumambot na ang higaan ko kahit papaano, kung hindi dahil kay Nanay Ami, ang tigas-tigas pa rin siguro nitong hinihigaan ko ngayon. Napatitig ako sa kisame at kusang kumalat na naman ang isip ko. Hindi talaga ako natutuwa kapag ganito ang takbo ng isip ko. Kapag nakakaramdam ako nito, gusto ko na lang maglaho bigla. Ayokong nalulungkot, wala akong karapatan malungkot. Hindi ako puwedeng mabalot ng lungkot at tuwa, mas gugustuhin ko pa ang magalit. Iyon naman talaga ang bumabalot sa buong kong pagkatao, ang galit. At tingin ko, ang magalit lang ang puwedeng kong maramdaman. Iyon at iyon lamang. Iyon lang talaga ang nararamdaman ko sa loob ng labindalawang taong nabubuhay ako, at marami pang taon.
Gusto ko na sanang gawin ang nais ko, pero hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ko munang masigurado na nasa tamang lagay ang mga mahals ko, sina Nanay Ami at Carl.
Ilang sandali pa ay narinig kong tumatahol na naman sila Siri. Hindi na ako lumabas para silipin kung bakit o sino ang tinatahulan niya. Kung sino man siya, wala akong paki. Basta kapag nakagat siya ng mga aso ko, kasalanan niya. Kinuha ko sa loob ng tote bag ko ang wallet ko para siguraduhin na may pera pa ako pamasahe sa jeep papuntang pinapasukan kong convenience store. Pinuntahan ko si Proc para painumin ito ng tubig na may asukal. Ito ang afford kong remedy muna ngayon para sa kaniya. Hindi naman ako nahirapan dahil may syringe ako. Binili ko talaga ito para sa mga ganitong pagkakataon.
"Kumain ka na mamaya ha? Ayoko sana umalis para bantayan kita. Pero, kailangan ni Mami na mag-trabaho para sa ihahanda natin sa birthday mo. Malapit na 'yun, sa November 13 na" Nakapikit lang ito pero nagalaw ang buntot "Advance Happy Birthday my Alpha Canis Minoris, baby Procyon" At yumuko ako para halikan siya
Nakakaadik talaga ang amoy nila. Suwerte ko, wala akong allergy. Natuwa naman ako ng malingunan kong naglalaro sina Rigel, Bete at Achenar. Nagtatakbuhan lang naman sabay magkakagatan. Nakatitig lang ako at pinapanood sila. Ang cute nila, ng mga mata nilang asul. Oo nga 'no? Parehas silang tatlo na asul ang mata. Kaya pala nagkasunod-sunod silang agad. Ang cute nilang panoorin, gusto ko silang kagatin. Kinuha ko silang tatlo at binuhat sabay-sabay. Ang hirap tiisin ng pagiging adorable nila. Iyon bang kahit wala silang ginagawa at nakaupo lang, aliw na aliw ako sa kanila.
"I LOVE YOUUUUU!!!" Sigaw ko habang akap-akap sila. Lumapit na rin sina Riken at Arcturus "Love na love kayo ni Mami!" Napatingin naman ako sa paahan ko na may dumikit. Awww! Ang Proc ko.
"Alagaan niyo si Proc ha? May sakit siya ngayon. Huwag niyo muna siya kulitin, Rigel, Bete? Bukas niyo na siya laruin. Gagaling na 'yan bukas 'di ba? Gagaling na 'ya-"
"Arf! arf! arf!"
Si Siri at Canopus. Ano bang meron sa labas? Binitawan ko na sila Achen, at hinipo ulit sa ulo si Proc, bago ako lumabas. Wala namang tao pero panay ang tahol nila Siri.
"What kind of trash are you? Killer? Thief? or just a stupid asshole who knows nothing but to be a big waste?" Iritang sambit ko habang nakatingin sa direksiyon kung saan nakatingin sina Siri "Kung matapang ka, lumabas ka" Utos ko rito. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero walang lumabas. Maya-maya ay tumigil na rin sina Siri kaya pinapasok ko na sila.
Bwiset siya kung sino man siya. Sinayang niya ang segundo ng buhay ko kanina. Mga basura nga naman, basura talaga sa buhay ko. Nakakainis, iyon ang unang beses ulit na may nagsayang ng segundo ko. Ang huli pa ay ang kaninang sinabunutan ako ni Hana Hunghang, pero para sa kaniya? You're welcome na lang. Mas napagtanto ng mundo na basura talaga siya at kabilang siya sa basurahang 'to. Kasama ang mga kalahi niyang basura.
"Papasok muna ako. Uuwian ko kayo ng pagkain mamaya, okay? Goodnight mga mahals" At isa-isa silang niyakap "Welcome to our family, Alpha Eridani, my Achen" At kinurot ko ito sa tainga ng mahina
Niyakap ko ulit sila sabay-sabay na dinilaan pa ako nila Canop sa pisngi. Lumabas na ako ng bahay pero sumunod si Siri. Isinara ko na ang gate at nakatingin lang ito sa akin.
"Why Siri? Pasok ka na roon, bantayan mo ang bahay natin ha? Aalis na si Mami. Sige na pasok na, go na" Utos ko na sinunod naman niya agad. Tumalikod na ako at huminga nang malalim.
Teka, bakit may sasakyan dito? Sino naman ang may bisita sa mga katabi kong bahay? Siguro ang may-ari nito ang kanina pa tinatahulan nila Siri. Itinuloy ko na lang ang paglalakad. Nang makarating ako sa sakayan ng jeep ay bahagya akong napatawa ng sarkastiko. Sumakay na rin naman ako at nagbayad. Sa bandang dulo ako ng jeep nakasakay, malapit sa labasan. Napailing na lang ako ulit nang maalala. Kanina kasi, habang naglalakad pa lang ako, pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kaso naisip ko, sino naman ang susunod sa akin? Kung hindi siya magnanakaw, malamang killer siya. Alin man sa dalawa ang balak niya, wala pa rin akong paki. At alin man sa dalawa, wala siyang mapapala sa akin.
Ilang sandali pa nakarating na rin ako sa tintrabauhan ko. Sakto naman na paalis na rin ang kapalitan ko. Nginitian ako nito at ganun na lang din ang ginawa ko. Saktong 10:20 na kaya ako na ang pumalit sa counter.
"O siya, ako naman ang gogora ha. Magkikita pa kami ng babe ko mamaya." Kinikilig niyang sambit habang nag-aayos "Sorry kung itatanong ko 'to ha. Curious lang ba... may boyfriend ka na ba? Imposible kasing wala"
Yumuko lang ako at ngumiti sa sinabi niya.
"Naku! Sayang naman kung wala, ang ganda-ganda mo pa naman. Keri ngang pang miss universe 'yang ganda mo at mukhang may jutaks ka pa. Oh 'di ba, beauty na may brain pa"
Dapat ba akong matuwa sa kaniya? Naiingayan lang ako. Ngumiti na lang ako habang nag-aayos ng mga paninda sa tapat ng counter.
"Kung ako sa'yo, maghahanap na ako ng mayamang mapapangasawa, para tapos ang hirap sa buhay. Diskarte lang 'yan ano ka ba" Saad nito "O siya babush na gorl, naghihintay na ang bebe ko. Ingat ka rito" Saka naglakad palabas ng store
Hmm, duda ako sa mga sinabi niya. Kung usapang diskarte lang, sana mayaman na siya na may asawang mayaman na sinasabi niya. Pero, bakit nagtatrabaho pa siya at nagta-tyaga sa sapat lang na suweldo rito? Nakakatawa talaga ang mga tao, ang hilig nilang magbigay ng dapat 'daw' gawin, pero walang reflection mismo sa kanola. Natawa rin ako ng sumagi sa isip ko ang tanong niya kanina, kung may boyfriend daw ako.
Boyfriend? Teka, ano ba 'yun? Another pasanin lang sa buhay? O baka, sagabal lang sa mga plano ko sa buhay? Wala naman akong balak pasukin ang buhay pag-ibig na sinasabi nila. Bukod doon, hindi rin ako naniniwalang may taong lalapit sa akin, at ayoko rin. Kahit siya pa ang pinakaguwapo at mayamang tao sa mundo. Basura pa rin siya sa paningin ko.
"Good Evening Sir" Bati ko sa kakapasok lang na lalaki. Pamilyar ang mukha niya. Nakatitig lang ito sa akin na siyang ikinataas ng kilay ko "Is there anything wrong, Sir?" Mahinahong tanong ko na ikinabalik ng wisyo niya. Yumuko siya at nahihiyang tiningnan ako.
"Good Evening too, Miss... Denver" Mahinang sambit niya ng makita ang ID ko.
Bwiset. Siya 'yung lalaking nag-ala superhero kanina. Kaya pala pamilyar ang mukha niya, pero napakuyom ang kamao ko nang may maalala ako sa mukha niya.
"Dito ka pala nagtatrabaho?" Masiglang tanong nito na akala mo nandito ako para i-entertain ang tanong niyang obvious
Ngumiti ako kahit gusto ko siyang sagutin ng pabalang "What can I do for you, Sir?" Mahinahong tanong ko na ikinagiti niya
"Uhmmm, saan ba dito may cold coffee?" Tanong niya na alam kong alam naman niya
"Sa dulong bahagi po nito Sir, sa dulong shelf" Sagot ko at itinuro pa ang dulong sinasabi ko. Nang ibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay nakangiti lang ito "May maitutulong pa po ba ako?" Dagdag ko
"Okay na, thank you" Sagot nito at naglakad na patungo sa direksiyong itinuro ko
Buti naman umalis na siya sa harapan ko. Sa loob ng ilang taong pamumuhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. Bakit ako nahihiya sa akin? Dahil ba sa inasal ko kanina? Dahil ba hindi ako nagpasalamat? Tama naman na "You're welcome" ang isinagot ko 'di ba? Lalo at nahanap niya ang purpose niya sa mundo kahit sandali, ang mag-ala superhero, para hindi siya usigin ng konsensiya niya.
"Uhmm, Miss Suplada, available ba 'to rito sa store niyo?" At ipinakita sa akin ang hinahanap niyang product
Miss Suplada? Saan niya naman nakuha ang term na 'yon? Saka, hindi ba niya nadaanan? Madadaanan 'to bago makarating sa dulong shelf ha? May mata ba siya? O tamad lang siya masyado? O baka nagpapansin siya sa akin? Bakit ko iniisip 'to?
"Ito po Sir" Sambit ko nang huminto kami sa tapat ng product na hinahanap niya. Ayoko sana na pumunta rito, pero dalhin ko raw siya.
"Hmmmm" Pag-iisip nito na tumagal pa ng ilang minuto "Ayoko na lang pala. Gusto ko na lang ng rice at isang hiwa ng chicken. Nagugutom na kasi ako, hindi pa ako kumakain"
Oh tapos? Anong paki ko?
"Sige po Sir, hanap na lang po kayo ng mauupuan niy-" Pinutol niya ang sasabihin ko
"Anong spot ba ng upuan dito ang masarap maupo? Gusto ko sana 'yung malamig at malapit sa counter, para maka-order agad ako kapag nagutom pa ako" Dagdag niya
Wala ba 'tong mga paa? Mata? O sariling utak para magdesisyon sa sarili niya?
"Sige Sir, pakihintay na lang po ng order niyo. Ilang minuto lang po it-" Pinutol na naman niya ang sasabihin ko
"It's okay kahit abutin pa ng oras. The longer I wait, the more it'll be fine" Saad niya na nakangiti pa sa akin na kahit walang dimple ay masasabi kon- utangina niya.
"Alright, Sir" At pilit akong ngumiti na kunwari ay natutuwa pa ako sa kaniya. Gusto ko na siyang sakalin.
Inis akong bumalik ng counter. Nakatalikod naman ako sa kaniya kaya malamang ay hindi niya mapapansin ang pagseryoso ng mukha ko. Ilang minuto lang din ay natapos na ako sa pag-prepare kaya hinatid ko na sa kaniya. Abala ito sa telepono niya na nakangiti pa. Buti naman at hindi na niya ako tiningnan.
"Eatwell, Sir" Saad ko, pero hindi niya ako nilingon. Fine. Sinasayang ko lang ang oras ko sa pagpansin sa kaniya.
Habang wala pang customer ay nag-aayos naman ako ng mga paninda dito. Pinupunasan at ina-arange ko ng maayos. Bumabalik naman akonng counter kapag may papasok. Hindi ko naman maiwasang tapunan ng tingin ang lalaking 'yon, lalo at kanina pa siya nakaupo. Actually, lumabas nga siya kanina. Tapos ngayon, naka-laptop na siya. Nang dumaan ako kanina sa likod niya ay doon ko napansin na tungkol sa academic stuffs iyong ginagawa niya, report ata.
Kanina pa siya nandito, alas-tres na ng madaling araw. Panay na rin ang hikab niya, pero kapag lumilingon siya sa akin ay bigla siyang ngingiti. Nakailang bili na rin siya ng iced coffee. Kung hindi sa anyo ng pananamit niya? I mean, naka-jacket, pants, at tsinelas lang naman siya, pero halatang mayaman siya. Kinuha niya kasi 'yung laptop niya kanina doon sa kotseng nasa tapat ng convenience store.
"Anong paborito mong planet?" Tanong nito na biglang sumulpot sa harapan ko
Hindi ko siya pinansin at itinuloy lang ang pagbabasa ko. Hindi naman siya bibili kaya bakit ko siya papansinin? Buti naman umalis din siya sa harapan ko. Pero bumalik din ito na may bitbit ulit na iced coffee. Wala naman akong choice kun'di harapin siya. Hindi na ako nagsalita at kinwenta na lang ang mga binili niya.
"Gusto kong magpunta ng Neptune. Ika-" Agad akong sumingit
"Pumunta ka." At sarkastiko akong ngumiti at pabagsak na inabot ang sukli niya. Pero imbis na mainis ay nginitian lang ako nito
"Here" At iniaabot sa akin ang isang bote ng iced coffee "This one's for you. Take this. It's my treat"
Tiningnan ko lang ang bote at muling binalik sa kaniya ang tingin ko. Muli akong tumawa ng sarkastiko, pero tumawa lang din siya.
"Hindi ka ba nagugutom? Baka nagugutom ka na. Kain tayo? medyo gutom na ulit ak-" Tumigil siya nang hawakan ko ang damit niya at hatakin siya nang malakas palapit sa akin
"O-ops" Utal niya
"Hindi ako nauuhaw, hindi ako nagugutom, at mas lalong hindi ko kailangan ng libre mo. Tigilan mo ako, dahil baka pagsisihan mo ang mga ginagawa mo ngayon" Saka siya binitawan. Hinawakan nito ang damit niya at inayos lang. At ngumiti lang pagkatapos
"Siguro dapat na akong masanay na suplada ka. At masanay din na wala sa dugo mo ang pagpapasalamat” Paliwanag nito
Napupuno ako sa basurang 'to.
"Nilibre ko talaga 'to sa'yo para lumamig ang ulo mo. Masyadong mainit. Abot hanggang Neptune." Dagdag nito
Parang gusto ko na lang siyang saksakin sa inis. Sino ba 'to? Bakit ba ang kalat niya?
"Siya nga pala kanina, bakit mo 'ko tinawag na basura? Mukha ba akong basura?"
Hindi halatang nagtataka siya sa inasta ko kanina ha
"Hindi, pero amoy basura ka" Sagot ko na ikinatawa niya "Kung wala kang magawa sa buhay mong walang kuwenta, tapusin mo na lang, kaysa nanggugulo ka ng ibang buhay"
"Grabe ka talaga sa akin. Para namang may masama akong ginawa sa'yo?" Natatawang sabi niya "Kunin mo na 'to oh" Inaabot pa rin niya 'yung bote
"Gotcha" Sambit ko nang pumasok na sa loob ang kapalitan ko. Ala singko na kasi ng umaga. "Salamat" Sambit ko rito na halatang ikinataka niya. Sa ilang araw kong pagta-trabaho rito ay ngayon lang ako nagpasalamat sa kaniya.
"Siya nga pala, lagi bang dito ang duty mo t'wing alas dyis ng gabi" Sambit ng basurang lalaki na ipinanganak ata para bwisitin ako ngayong araw
Maraming pa siyang sinasabi at tinatanong pero hindi ko siya pinapansin. Nagtataka naman 'yung kapalitan ko. Ipinasok ko na sa loob ko 'yung book at naglakad na palabas ng store. Nakasunod pa rin siya at panay ang tanong.
"Uuwi ka na ba? Gusto mo ba ihatid na kita? Siya nga pala, tanggapin mo sana 'tong treat ko para sa'yo. Birthday ko kasi ngayon, kaya gusto kitang ilibre"
Ang ingay niya. Nakakabwisit lalo.
"Teka, Miss Denver I can give you a free ri- ooooof" Impit niya nang sipain ko siya sa pagkalalaki niya. Kagat nito ang labi niya.
"Kapag kinulit mo pa ako, hindi lang 'yan ang aabutin mo. Hindi ko kailangan ng kahit anong bagay na ino-offer mo, kaya tigilan mo 'ko. Wala akong paki sa'yo, kaya layuan mo ako." Yumuko ako ng bahagya para lapitan siya at tumutok mismo sa kaniya para malinawan siya "Uulitin ko, ayokong sayangin ang oras ko para sa basurang gaya mo. Tigilan mo 'ko" Saka ako naglakad palayo.
Sino ba ang taong 'yun? Bakit ba niya ginagawa ang mga bagay na 'yon? Hindi ba siya nawiwirduhan sa akin? O natatakot sa puwede kong gawin sa kaniya. Hindi nga niya ako kilala, at wala akong balak magpakilala sa basurang gaya niya. Ayoko na siyang makita ulit, lalo at may natatanaw akong imahe sa mukha niya.
Naiinis ako, lalo at ito ang unang beses na nagsayang ako ng maraming laway para sa gaya niya. Nakakabwisit, sana ay hindi ko na siya makita.Buong oras na naglalakad ako pauwi ay ang lalaking 'yon at ang mga sinabi niya ang naiisip ko. Sa sobrang inis ko ay hindi ako tinitigilan ng boses niya. Bwiset.
What's with that man?

Bình Luận Sách (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất