logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

STAY AWAY
Hariane Fia Qiaoug's POV
Run! Oh my, just run self!
Hindi ko alam kung ilang metro o kilometro na ang tinatakbo ko. Pagod na pagod na ako pero hindi ako pwedeng huminto.
Napatigil lang ako sa pagtakbo nang sumabit ang suot kong sáya sa isang kahoy. Pilit kong tinatanggal iyon pero hindi ko magawa dahil kulang na kulang ang aking lakas para rito.
Palapit nang palapit ang mga yabag. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Nagmamartsa ang kaba ko na niyayakap ang buong pagkatao ko.
Mas lalo lang tumindi ang takot at pangamba ko nang may humawak ng mahigpit sa balikat ko na para bang nagsasabi na "Ito na, nahuli rin kita sa wakas."
Pero, hindi pwede ito! Kilala at pinagkakatiwalaan ko ang taong ito.
Haharapin ko na sana siya pero...
"Fia! Fia!" sigaw ng lalaki na pumutol sa isa pa lang bangungot ng buhay ko. "Nananaginip ka," aniya.
Niyakap ko kaagad si Dane dahil sa takot na aking nararamdaman. Bakit gano'n? Parang totoo ang panaginip kong iyon?
"Ayos lang, walang mangyayaring masama sa iyo. Nandito ako," pampalubag-loob niyang sabi sa akin.
"D-Dane..." turan ko. "Sasaktan niya ako. Totoong gusto niya akong saktan. Natatakot ako."
Mas lalo pang humigpit ang yakap sa akin ni Dane. Patuloy pa rin ako sa pag-iisip sa panaginip ko.
"Bakit ako sasaktan ni Gyreck?" I said at the back of my head.
Alam kong lagi kaming magkagalit pero bakit niya naman iisipin na saktan ako? Bakit parang totoo talaga ang sitwasyong iyon?
"Anong oras na?" tanong ko na nakapagpahiwalay sa yakap namin.
"Masyado pang maaga," aniya. "Alas tres pa lang ng madaling araw. Matulog ka ulit."
Gustuhin ko mang sundin ang utos ni Dane sa akin pero hindi ko magawa. Ayaw nang pumikit ng mga mata ko at hindi na rin ako masyadong tinatablan ng antok.
Pareho na lang naming napagdesisyunan ang bumaba. Nagtimpla siya ng kape para sa kanya at gatas naman ang para sa akin. Makakatulong daw para maikalma ko ang aking isip.
Umupo siya sa harap at inilapag ang baso na may lamang gatas.
"Anong napanaginipan mo?" usisa niya saka sumimsim sa tasa niyang may lamang kape.
"Nothing serious," pagsisinungaling ko.
"Nothing serious ka riyan. Kung makasigaw ka nga kanina akala mo isa kang baka na malapit nang ikatay," pang-aasar niya. "Bakit mo rin nasabi na sasaktan ka? Ano bang bangungot ang pinagdaanan mo?"
Lumagok din ako ng gatas para mawala ang kaba sa pagkikwento. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ikwento ang bagay na ito kay Dane but I trust him. Alam kong pipilitin niya akong intindihin.
"Si Gyreck," panimula ko. "Napanaginipan kong hinahabol niya ako at nasa makaluma kaming panahon. Para siyang sundalo na hindi ko maintindihan. Gusto niya akong saktan sa hindi ko rin malaman na dahilan."
"Nanlilisik ang mata niya kaya tumakbo ako. Tumakbo ako pero naabutan niya pa rin ako. Salamat dahil dumating ka kaya hindi naituloy ang bangungot ko," dagdag ko. "There's just part of me na curious sa kung ano sanang nangyari kung hindi mo ako ginising."
Nilagok lahat ni Dane ang kape niya ng isang bagsakan. Napapikit pa siya habang umiinom at tumayo para yakapin akong muli.
"Hindi ka niya masasaktan."
I feel so relieve after Dane said that.
"Ayaw mo ba kay Gyreck?" tanong niya na nakapagpagulo sa isip ko. Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya ulit sa kanyang upuan.
Napaisip ako, bakit hindi ko kaagad masabi kay Dane na ayaw ko talaga kay Gy kahit ayun ang sinisigaw ng utak ko?
"Galit ako sa kaniya, Dane. Galit na galit dahil sa lagi niya akong pinapahirapan. Lagi siyang humahanap ng dahilan para mag-away kami at ang presensya niya ang sumisira sa buhay ko," paliwanag ko. "Pero parang hindi ko siya kayang kamuhian talaga."
I sighed. Bakit parang bumigat na naman ang nararamdaman ko?
"Bakit hindi mo na lang hilingin na mawala siya sa buhay mo at hindi ka na guluhin pa?" nakayuko si Dane nang magtanong sa akin, nahihiya, nag-aalinlangan.
"Kaya kong sabihin iyon kung gugustuhin ko, Dane," sagot ko na nakapagpaangat ng kaniyang ulo. "But I know I can't do that."
"Why?" he asked.
"Because I believe that words are powerful, Ty."
Nabigla ata siya nang banggitin ko ang apelyido niya. This is the first time I call him by his surname so I'm so sure that he's confused because of that.
"Maaaring masabi ko ang nararamdaman ko pero baka makasakit naman ako ng tao. I always curse Gyreck's name in my mind every time we fight. Pinagmumura ko siya sa utak ko sa sobrang galit and I think that's enough."
Ibinaon na naman ni Dane ang ulo niya sa lamesa.
"You're right, Ria," aniya. "I'm so sorry. I should have not said that."
Sasabihin ko pa sana na, na hindi niya kailangang mag-sorry pero lumakad na siya palayo sa akin. I know, may gustong sabihin si Dane pero hindi niya mailabas. I know him very well.
Siya ang tipo ng tao na malihim pero mapagkakatiwalaan. May tinatago siya pero sa palagay ko ay para rin iyon sa makabubuti. Halos magpipitong-taon ko pa lang siyang kilala pero I know him a lot na.
Mas matagal pa nga ang samahan namin nina Gyreck, Hades at Shack kaysa kay Dane. Kasama ko ang pinsan ko at dalawa pang asungot for almost my whole damn life pero mas kilala ko pa si Dane.
Hindi ko alam kung may tinatago rin ba sila Hades kaya hindi ko sila gano'n kakilala gaya ng lalim ng pagkakakilala ko kay Dane.
Sina Hades ang nagpakilala sa akin kay Dane. Akala ko noong una suplado siya. Galing ako no'n sa hospital para sa isang check-up tapos binangga niya ako. I thought sinadya niya iyon but that was all an accident.
Dahil naging magkakaklase kami, mas lalo ko siyang nakilala. Kapag nag-aaway si Hades at Shack dahil sa akin, siya ang pinipili kong samahan.
Not until, lumipat siya ng school.
Sobrang lungkot ko. Halos isang buwan kaming hindi nagkita o nagkausap man lang. I have no choice but to hang out with Shack and Hades, again. Lagi nilang pinagtatalunan kung sino ang magbabayad ng kakainin ko.
5 years ago, umalis nga si Dad at isinama si Hades. Doon lang ulit kami nagkausap ni Dane. Inalagaan niya rin ako habang wala si Hades.
Mas kilala niya rin ako kaysa sa ibang tao. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat. Tiwala ako na hindi niya ako makakayanang saktan.
Bahagya na naman akong nakaramdam ng antok. Gustuhin ko mang umakyat muli sa guestroom para matulog ay tinamad na ako.
Isang mahabang araw ang naghihintay sa akin mamaya kaya naman kailangan ko ring magpahinga. Salamat sa gatas na itinimpla ni Dane sa akin at tinamaan na naman ako ng pagiging antukin.
               ------------------------------------
Gyreck Qiaoug Hellises' POV
"Kingina! Ano bang problema ng isang iyon?" atungal ko sa dalawang kasama ko. "Bakit hindi niyo ako tinulungan na pilitin siyang umuwi? Dapat kinaladkad ko na lang siya eh!"
Ginulo ni Hades ang buhok niya na para bang banas na banas na sa mga pinaggagawa ko ngayon.
"Let's give her some space, bro," alo ni Shack sa akin saka tinapik-tapik ang balikat ko. Agad ko ring tinanggal iyon dahil sa inis.
"Space? With whom? Hindi pwede," angal ko. "Kasama niya si Dane Morisse roon! Kasama niya ang pamilyang Ty!"
Hades chuckled kaya napunta sa kanya ang matatalim kong tingin. Hindi siya natitinag. Mas lalo pang nang-inis sa pag-ngisi-ngisi niya.
"Ano bang kinakatakot mo, Gyreck?" he chuckled again.
Author, please allow me to use his face as my punching bag. The hell! He's really getting into my nerves.
"Doon naman talaga siya nakatira, 'di ba? Pilit mo siyang inaagaw kaya mas lalo niya ring inilalayo ang loob niya sa iyo, Gy."
Pinaningkitan ko siya ng mata dahil naguluhan ako sa sinabi niya. Paanong ang pagiging concern ko ang dahilan para lumayo ang loob ni Hariane sa pamilyang Qiaoug? Sa pamilya namin?
"Takot ka bang hindi mo na makuha ang benipisyo mo kay Fia once na lumayo na siya sa atin?" he laughed. "I pity you. Nakakaawa ka nga talaga."
Inawat na ni Shack ang lalaking kaharap ko bago pa may masabing masamang bagay pero agad ko na siyang pinaulanan ng mga suntok.
Tangina naman oh! Bakit hindi siya lumalaban? Gusto niya bang markahan ko siya ng mga nag-ngangalit kong kamao?
"Boys!"
Natigil ang pag-amba ko ng suntok  kay Hades dahil may dumating.
"T-tita L, help," pagmamakaawa ni Hades sa nanay ko.
Duguan na ang mukha niya pero parang kulang pa yata sa kaniya iyon. 'Di bale, marami pang opportunity para mabasag ko ang bungo mo, Hades Allauigan.
Iniupo ni Mama ang lalaking galing sa giyera. Nyeta naman, hindi kasi lumaban. Mukhang ako pa ata ang talunan dito kahit ako ang maraming suntok sa kanya.
"Gyreck Qiaoug, please explain," utos ni Mama. "By the way, where's my Hariane?"
This is another reason why am I so eager na maiuwi si Hariane. Alam kong hahanapin siya ni Mama. Mahal na mahal siya ng lahat ng parte ng Qiaoug dahil naniniwala sila na si Hariane or should I say, Fia Shause ang may kakayahang h-um-andle ng mga ari-arian.
Mga manggagamit.
Isang dugo lang ang nananalaytay sa amin kaya siguro nakuha ko sa kanila ang pagiging manggagamit ko. Gandang pamana naman nito.
I hate being a part of Qiaoug. But I also hate it when I'm Hellises—my father's surname, na inalis din sa akin nang mamatay ang tatay ko. No one knows why, aside from my mom and other members of Qiaoug ancestry.
Umupo na rin ako sa Dining chair para makapagpaliwanag.
"She's gone," panimula ko.
"What do you mean by 'she's gone?'" tanong ni Mama na hindi pa rin nakatingin sa akin dahil masyado siyang busy sa pagdampi ng bulak na may gamot sa mukha ni Hades.
"She's now gone. Hindi na siya babalik."
Biro lang ito para inisin si Mama pero bakit parang nalungkot ako sa ideyang iiwan kami ni Hariane para sa pamilyang Ty?
Hindi ba dapat ay matuwa ako sa ideyang iyon? Why am I acting weird these past few days?
"W-what?" sigaw na tanong ni Mama.
Naidutdot niya ang bulak sa mukha ni Hades na puro pasa na.
"T-tita," atungal pa sana ni Hades pero hindi niya magawa dahil binulyawan na ako ni Mama.
"Pinalampas ko ang hindi pagsasabi ng totoo kay Hariane tungkol sa kaibigan niyang matanda. And this time, you broke your own promise, Gyreck! Nakakaini---"
"Mom! Calm down!" pagpapakalma ko sa kanya dahil kulang na lamang ay ihagis niya sa akin ang lahat ng bagay o tao na makikita niya, kahit si Hades na ngayon ay pinupunasan ang sarili niyang mukha.
"Nag-sleep-over lang si Hariane sa mga Ty. Si Dane ang mag-aayos ng mga gamit niya para bukas sa pagpasok. Don't overreact."
Padabog na umupo ang nanay ko at tinignan ako ng nang-uusisa.
"Totoo ba iyang sinasabi mo? Baka nagsisinungaling ka na naman at hindi na talaga siya babalik dito? Sinungaling ka pa naman."
Naningkit ang mata ko. May diin pa talaga ang pagkakasabi ng, "Sinungaling ka pa naman."
I lied because I think that's the right thing to do.
"Whatever, Mom. Isipin niyo na ang gusto niyong isipin."
Umakyat ako sa kwarto ko. Susundan pa sana ako ni Shack pero hindi ko siya pinayagan. Wala ako sa trip para pakisamahan siya ngayon.
Fia Shause is my mortal enemey. Napunta sa kanya ang lahat ng para sa akin. Hindi lamang ang kumpanya at mga ari-arian, kung 'di pati na rin ang pamilya ko.
Mang-aagaw siya. Kaya gano'n na lamang ako kung magalit sa kaniya. Gusto ko siyang mapaalis dito sa bahay. She's nothing but a hindrance on my plans.
Si Tito Emmanuel, ang kinalakihang tatay ni Fia ay isa ring manggagamit. Fia Shause always finds a way para umangat muli ang kumpanya kapag nalulugmok ito.
Hindi ko alam kung dala iyon ng pagkakabangga niya but I must admit na nagbago na talaga siya matapos iyon. She's a normal girl back then in our nursery days.
Paminsan-minsang nakagagawa ng katangahan, or should I say lagi. Gustong-gusto ko siya dati dahil napakadali niyang paikutin sa mga kamay ko.
Sunod-sunuran siya sa akin at masaya kaming dalawa with Dane, of course.
Pero ngayon, nagbago na talaga ang lahat. Umikot ng tuluyan ang mundo at parang bumaliktad na ang lahat.
She's my girl back then but now, she's a mortal enemy na kailangan kong maitaboy sa pamamahay namin.
Sa tingin ko ay malapit na rin iyong mangyari.
Soonest.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    jisooyah

    Even tho its not completed, the plot, the storyline, and every character is interesting that made me follow the author.Hope that this book receive its deserving acknowledgement. Gonna recommend this

    23/01/2022

      0
  • avatar
    Jyrelle Alicando Rubi

    i love it

    12/08

      0
  • avatar
    Kent Archie Onida

    Okay I’m going back home now and then I’m going back to the house and then head to bed I’ll be there soon I tuio be able and I have some more of that too I hope you have a great weekend bye love love mama bye mama hi love you bye love love mama bye mama kiss me kiss

    19/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất