logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

BESTFRIEND
Hariane Fia Qiaoug's POV
Bahagya kong nilagyan ng butas ang pinto nitong guestroom at kitang-kita ko na nasa labas ng kwarto na ito ang tatlong lalaki na tinataguan ko. Mukhang hinihintay nila ang paglabas ko.
Umaasa ba silang lalabas ako? Tss, e 'di umasa sila sa wala. Kakapal ng mukha nila para mag-away sa harap ng magandang tulad ko.
Patuloy ko pa ring inaaayos ang mga gamit ko. Paikot-ikot ang tatlo sa may lamesa at paminsan ding nagkakabungguan dahil sa katangahan nila.
Paano ko ba natagalan ang pag-uugali nila? Baka kahit sinong makasama nila ay agad na susuko. Kaya nga ba hanga ako kay Tita L dahil napalaki niya nang maayos ang tatlong kurikong.
Tapos dumagdag pa ako.
Himalang buhay pa rin naman si Tita Louise sa kabila ng mga konsumisyon na binigay namin sa kaniya simula pagkabata. Baka nga kaya umalis ang tatay ko dahil sobra kaming sakit sa ulo.
Dahil mukhang walang balak na magsialis ang mga kurikong sa labas ng kwarto kung saan ako naririto ngayon ay napagdesisyunan ko na dumaan na talaga sa ilalim ng lupa. Echosera!
May maliit na butas ang pader nitong kwarto at isa itong daanan palabas.
"Sana makalabas na ako rito," bulong ko sa aking sarili.
Maya-maya ay nakarinig ako ng sigaw mula sa mga kalalakihan sa labas ng kwarto ko.
"Tol, sunog na yata iyong sinaing mo!" boses ni Hades.
"Hindi naman ako nagsaing, tanga" tugon ni Shack.
Sumilip ako sa pinto at nakita kong tinapunan ng tingin dalawang lalaki ang pinsan kong si Gyreck.
"Nakalimutan kong ipatay!" tarantang sagot ng pinsan ko.
Sabay-sabay silang napasapo sa kanilang ulo at mukhang mga problemado sa kanilang buhay.
"Patayin mo na roon!" utos ni Hades.
"Hindi ako marunong," nahihiyang sagot ni Gy.
"Tara na nga!"
Kita ko ang pag-alis nilang tatlo. Papaiwan pa sana si Shack pero hinila na siya ni Hades na hindi rin marunong magpatay ng kalan.
Mga wala talagang silbi.
Nakakita ako ng pagkakataon para makatakas sa bahay na ito. Kinuha ko ang maleta ko at iba pang mga gamit na hindi na kasya sa maleta.
Tumingin pa ako, kaliwa't-kanan bago lumabas nitong pinto para makasigurado na walang makakasagabal sa plano ko.
Himala naman na walang sagabal. Napansin kong napapadalas na ang pagiging swerte ko. Lakas ko talaga kay Lord. Baka sa sobrang lakas ko sa kanya, bawiin niya na kaagad ako rito sa mundo.
Just kidding!
Nang makalabas ako sa bahay ay agad kong tinawagan si Dane. Doon muna ako sa bahay niya matutulog.
"Hello, Ria, napatawag ka?" panimula niya. "Don't tell me gusto mo na namang gumawa ako ng paraan para magkasama kayo ni Shack?"
Tignan mo itong kaibigan ko. Masyadong judger. Hindi naman iyon ang dahilan ng pagtawag ko, masyado siyang mapanghusga sa akin. Well, maganda rin naman ang idea na iyon!
"Hoy grabe ka sa akin!" bulyaw ko sa cellphone ko para mabingi na ang kausap ko sa kabilang linya. "Para kang tanga, kailangan ko lang naman ng karamay eh."
May nalalaman pa akong pag-iyak-iyak kunwari para naman makonsensiya siya.
"R-Ria? May problema ka talaga?" alalang tanong niya. "Nasaan ka? Puntahan kita. Send me your location."
Parang ngumiti ang buong pagkatao ko dahil sa pag-alala niya para sa akin. No wonder, maraming babae ang naghahabol sa angking kakisigan at pagiging gentleman niya.
"Hoy! Ang sabi ko 'send me your location.' Dali na. Pupuntahan kita," bilin niya bago ipatay ang tawag.
Hinihintay ko ang kotse na b-in-ook ko rito sa tapat ng bahay namin. Sinabi ko kay Dane na magkita na lang kami sa coffee shop niya at huwag nang mag-abala pang sunduin ako.
Habang naghihintay ay napalingon ako sa loob ng bahay. Nagulat at nanlaki ang mata ko nang biglang sumilip si Hades sa bintana.
Shit. Pahamak.
Parang nataranta si Hades at dinig dito sa labas ang pagtawag niya sa pangalan ni Gyreck at Shack. Gosh, patay na ako nito.
Urgh! Sana dumating na iyong kotse!
Nakatanggap ako ng text at kaagad ko iyong tinignan dahil sa taranta.
"Ma'am, may iba pong magsusundo sa inyo. Traffic po kasi rito sa dinaanan ko. Nandyan na raw po siya."
Napa 'thank you Lord' ako sa aking nabasa. Palabas na sina Hades para habulin ako. Sakto naman ang pagdating ng kotse sa harapan ko kaya agad akong sumakay.
Pinara pa nila ang sinasakyan ko pero sinabi ko sa driver na huwag huminto. Hindi ko sila kayang makasama. Nakakairita silang tatlo.
Mabuti na lang wala rin si Tita Louise roon dahil kung hindi ay hindi rin matutuloy ang pag-alis ko. Pipigilan lang ako no'n. Ayaw ko namang dumagdag pa sa pasanin ni Tita.
Alam kong tatawagan ni Gyreck si Dad para isumbong ako kaya uunahan ko na siya.
Nakalimang dial pa ako bago sagutin ni Dad ang tawag ko. Sobrang busy niya talagang tao.
Baka nga kung hindi ko siya tinawagan ay wala ring pagkakataon na makausap ko siya.
"Hariane, I'm on a meeting. Napatawag ka?" kalmado ngunit may diing sagot ni Dad.
"Sorry, Dad. Napatawag lang po ako para magpaalam. Aalis po muna ako sa bahay. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Alam ko pong tatawagan kayo ng mga tao roon kaya inunahan ko na sila," tugon ko.
"What?!"
Nagulat ako nang mapasigaw si Dad. Gano'n na ba siya kagulat dahil sa pag-alis ko sa bahay ng mga kamag-anak niya. I don't belong there. Wala silang pakialam sa akin except for Tita Louise.
Lagi akong pinapahirapan do'n pero kahit kailan ay wala silang narinig mula sa akin. Ito ang tamang pagkakataon para gawin ko naman ang sinasabi ng puso at utak ko.
"Yes, Dad. I'm sorry."
Sobrang lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dad sa kabilang linya. Dinig ko ang bulong-bulungan mula sa linya ni Dad.
"Haria--"
"Sige na po, Dad. Tawagan niyo na lang po ako kapag hindi kayo busy. Alam ko po na mahalaga ang trabaho niyo kaysa sa akin kaya unahin niyo na po iyan," saad ko. "Talk with you soon, Dad. Ingat ka po."
Pinatay ko na ang tawag. Never akong nagsabi ng 'Bye' kapag ini-end ko ang isang tawag. Pakiramdam ko kasi kapag sinabi ko ang salitang iyon ay hindi ko na makikita ang isang tao na pinagsabihan ko no'n.
Wala lang. Ang weird ko nga talaga.
Balak ko pa sanang matulog dito sa kotse pero biglang nagsalita ang nagmamaneho.
"Ma'am, dito na po tayo," saad niya.
"K," snob at maikling kong tugon.
Binigay ko na lahat ng perang dala ko kay kuyang driver. Hindi sa marami akong pera pero narinig ko kasi na nangangailangan ang anak niya ng pampa-hospital.
Feeling ko nga gusto niyang maiyak kanina nang marinig niya ang boses ng anak niyang hinang-hina pero pinipigilan niya lang eh. Nahalata niya sigurong tsismosa ako.
Hindi ko naman pinapahalata eh. Nagsungit-sungitan na nga ako.
T-in-ext ko si Dane at pinaalam sa kanya na kakababa ko lang sa kotse. Ang bilin niya kasi, sabihin ko raw ang lahat ng detalye sa pagkikita namin. Syempre kasama na roon ang pagbaba ko sa kotse, 'no!
Kitang-kita ko na ang Dane's Tea at pagawi na sana ako roon kaso biglang may humigit sa 'kin.
Sa kamalas-malasan ng buhay ko, kilala ko na kung sino ang taong ito.
"Gusto mo bang hindi ka na sikatan ng araw?" bulyaw niya sa akin.
Agad na hinawakan ng mga kasama niya ang kaniyang braso para mapigilan. Hindi pa rin siya nagpapaawat at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Kapag hindi ko napigilan ang sarili ko, mamumura ko na talaga siya!
Pasimple kong tinawagan si Dane nang hindi nila nahahalata.
"Ano ba?! Bakit niyo ba ako hina-harass? Bitawan niyo ako!" sigaw ko.
Nakita ko ang pagtitinginan nila na para bang naguguluhan. Bakit ba kasi sinamahan pa nila itong pesteng lalaking nakahawak ngayon sa braso ko! Ayan tuloy, nadadamay pa sila!
Akmang hahalikan ako ng lalaking nasa harapan ko nang may sumuntok sa labi niya kaya ito nagdugo ng sobra.
Tuloy lang sila sa pagsusuntukan. Nakita ko namang sumuntok si Dane saka napangisi sa akin. Malaki ang naitulong niya sa sitwasyon na ito pero may kasalanan pa rin siya! Lagot ka sa akin mamaya!
Mukhang hinalikan ng sahig ang mga pagmumukha ng lalaking nakasagupa nina Dane.
"Are you out of your mind!?"
Ito ang sinasabi kong kasalanan ni Dane. Akala ko pa naman masyado na siyang manly at kaya niya akong iligtas gamit ang sarili niyang lakas pero nagkamali pala ako ng akala.
Nagdala pa ng back-up si tanga at ang mga tinawagan niya ay ang mga taong ayaw kong makasama na dahilan din kung bakit makikitulog ako sa kanila.
"Kingina naman, Hariane!" panimulang sigaw niya. "Sino ba ang mga lalaking iyon? Bakit nagpapahawak ka sa mga iyon? Tapos parang gusto mo pang magpahalik."
Nagkumpulan ang galit, poot, muhi at suklam ko dahil sa sinabi niya. Siya na ata ang pinakawalang kwentang pinsan sa buong mundo. Wala talaga siyang kwenta, kahit kailan!
"Kingina mo rin!" pagmumura ko, straight sa pagmumukha niya para naman tagos hanggang buto ang sasabihin ko sa kanya.
Go self! Mabait ka pero kailangan mong makabawi sa kumag mong pinsan! Ilabas mo lahat ng galit mo! Ibunton mo sa pagmumukha niya!
"Bakit ka ba kasi nandito, ha? Sinabi ko bang sundan mo ako!? And FYI, walang babae ang gustong mabastos! Kingina mo ulit, sagad hanggang buto't laman. Mangamatis sana iyang itlog mo!"
Napaatras si Gyreck sa nasabi ko sa kanya. Omg, nasaktan ko ba siya? Galing ng plano ko, successful!
Nagulantang ang buong pagkatao namin nang makitang natapon ang kape ng isang babae dahil nasiko ito ni Gy kakaatras.
Bakas ang pagkagulat kay Dane, Shack, Hades, syempre naman, ako. Tatanga-tanga kasi.
Sunod pa more.
"What the hell?" may diing sigaw ng babae. Dagdag pa ang pagkatinis ng tunog na iyon sa pagkairita ko.
"This is my mom's tea for me!" she added.
"M-Miss, babaya---"
Hindi na naituloy ng pinsan ko ang sasabihin niya ng bayagan siya ng babae. Matawa-tawa na ang utak ko dahil sa nangyari  pero hindi ko mailabas dahil una sa lahat, masama ang tinginan ng babae. Ikalawa, bad trip si Gy ngayon at ikatlo, ayaw ko pang mamatay.
"Hindi ko kailangan ang pera mo, lalaki!" sabi ng babae sabay walk-out.
Napatakip kami sa aming bibig nang dahil sa gulat. Halos maiyak na si Gyreck at nakahawak pa rin sa kanyang pantalon. Hindi ko na sasabihin kung saan banda. Basta, alam niyo na iyon.
Mukhang magkakaroon ako ng baog na pinsan ah. Biro lang naman. Kailangang maipasa ang pagiging magandang babae at lalaki ng angkan namin para na rin sa mga susunod na henerasyon.
"Do you want to laugh at me, huh?" bunton niya sa akin.
"Nakita mo bang tumawa ako? Peste ka, bagay lang iyan sa iyo!"
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nag-walk-out matapos kong sabihin iyon. Syempre kinuha ko muna ang sandamakmak kong maleta na nakabalandra na kanina saka sumenyas ako kay Dane na sumunod sa akin.
Pinagbantaan ko sina Shack at Hades na huwag nang sumunod sa amin. Masasaktan lang sila dahil hindi ako sasama pauwi. Unang-una dahil kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay Dad. Nagdrama lang ba ako para sa wala?
Ikalawa, ayaw kong makipagsabong kay Gy. Hindi na kaya ng buong immune system ko. Baka mahimatay na lang ako habang nakikipag-usap sa kanya.
Ikatlo, hindi man ito ang makakapagpasaya kay Tita L, makakapagpasaya naman itong desisyon ko sa anak niya. Tama na siguro ang mga rason kong ito para magkaroon ako ng dahilan para lumayas sa bahay ng mga Qiaoug.
"Ikaw, Dane! Akala ko ba kaibigan kita?" bulong ko sa kanya bago pumasok sa Tea shop niya.
"Ayun na nga e, kaibigan kita kaya nga sinabi ko sa pinsan mo ang sitwasyon mo," pagrarason niya.
"Sus, nagrarason ka pa. Ang sabihin mo, hindi mo lang ako kayang iligtas, 'no. Tinawagan lang kita, nag-ala 'Superman x Captain Barbell' ka na. May nalalaman ka pang pagbuhat kanina sa isa sa mga lalaki kanina," I teased him.
"H-Ha? Anong tinawagan? Lowbat ako kaya hindi mo ako matatawagan," bwelta niya sabay pakita ng cellphone niyang dead battery.
Naalala ko naman na hindi ko nagawang ipatay kanina ang tawag ko. Na-wrong number na naman ako?
"Hello, Hariane Fia Qiaoug! What's happening there! Answer me!"
Napatakip ako ng aking bibig dahil sa aking narinig mula sa kabilang linya. Urgh! Boses iyon ni Dad! Narinig niya ba ang usapan namin ni Gyreck kanina?
Gosh, huwag ka ngang tatanga-tanga, Hariane! Malamang narinig ng tatay mo iyon! Hindi naman siya bingi!
"H-Hello Dad?" kinakabahan kong pagsagot.
"Ano bang nangyayari riyan, Hariane? Kailangan ko na bang umuwi riyan sa Pinas, ha? Minamaltrato ka ba riyan?" alalang tanong niya.
OA talaga ng tatay ko. Ayan ba ang perks of being a biyudo? Masyadong emotional.
"Dad, I'm better even without you here by my side," drama ko na naman. "Sorry po, Dad. Nagpa-practice po kami ni Gyreck para sa theatre act kaya wala lang po iyong mga narinig niyo. Sana po mapanood niyo kami. Grabe po iyong acting skill ni Gy eh."
Ang galing ko talaga sa pagpapalusot. Nasaan na ang korona ng pagiging sinungaling na anak? Ako na rin ang best actress. Hakot-award. Pwede na akong tayuan ng monumento.
"Are you sure about that, Hari--"
"Yeah, Dad. No need to worry.  I'll hang up."
Hindi ko na nagawa pang pakinggan ang sasabihin ng tatay ko. What I mean is for what? Para pagalitan ako at sabihing mas magaling sa akin si Gy? Mas pipiliin ko na lang manahimik kaysa may mapahamak pa dahil sa akin.
Mas mahal nila si Gy kaya poprotektahan ko ang reputasyon niya sa pamilya ko, namin, hangga't kaya ko pa.
Nagbabadya ang mga luha sa pagtulo mula sa aking mata.
"Okay ka lang, Ria?" pag-aalala ni Dane. "Gusto mo ba ng kape?"
Tumawa ako. Isang tawa na halata mong pang-plastik lang. Peke na nga mga pinagsasabi ko tapos pati pagtawa ko peke na rin.
"Sira! Bakit naman hindi ako magiging okay? Nakangiti na ako oh."
Pinili ko na namang ipilit na ngumiti. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ito nagawa.
"Oha!" pangungumbinsi ko kay Dane. Ayokong bigyan pa siya ng mga alalahanin sa buhay.
Dapat ako ang dumadamay sa kanya sa oras ng problema pero hindi ngayon ang nangyayari, ako pa ang nagbibigay ng konsumisyon sa buhay niya.
"Hindi mo pa ako sinasagot. Okay ka lang ba talaga o hindi?" pag-uulit niya.
"Timang, sinabi ko na sa iyo 'di ba? Walang dahilan para hindi maging maayo--"
"Oo o hindi lang ang isasagot mo, Ria."
"Maybe."
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ayos lang ba talaga ako sa mga oras na ito. Matagal na akong hindi okay pero mas matindi at malalim ang nararamdaman ko ngayon. Isang bagay na parang tumutusok ng paulit-ulit at bumabaon sa damdamin ko.
"Shh," pagpapatahan sa akin ni Dane nang makitang tumulo ang luha ko. "Hindi na ako magtatanong. Pero last ko na ito, gusto mo ba ng kape?"
Tumawa ako.
"Baliw ka! Alam mo namang lagi na ako nagpa-palpitate kakainom ng kape. May balak ka bang patayin ako, ha?"
Sabay kaming napatawa.
"Maghanap ka na kasi ng kahati mo sa twinpack," suhestyon niya.
"Hanapan mo ako," pagbibiro ko.
Nag-order na lang ako ng isang slice ng cake na maaari naming pagsaluhan ni Dane. Gutom na ako. Hindi ko man masyadong gusto ang cake, desperada na akong makakain.
Bago sumubo ay may naisip na naman akong bagay na tiyak na makakasakit sa sarili ko.
Ang ideyang sa akin gustong ipamana ng pamilyang Qiaoug ang mga ari-arian nila pero hindi naman nila ako matanggap.
"Oh panyo," alok ng bestfriend ko. "Iyakin."
Tinanggap ko ang panyo niya ng walang pag-aalinlangan. Inuuhog na ako kakaiyak ko.
"Anong kaartehan iyan?"
Napalingon ako sa nagsalita. Another kabwisitan na naman ngayon. Hindi ba siya nagsasawa sa pang-aaway at pambubulas sa akin?
May ibinulong si Shack pero rinig ko naman iyon. "Napag-usapan natin ang bagay na ito, bro."
Napaismid ako. Gumawa pa talaga sila ng plano. Anong akala nila? Gano'n gano'n na lang lahat ng iyon? Nasaktan ang damdamin ko sa mga ibinato sa aking salita 'no!
"Fine, I'm sorry," labas sa ilong na paghingi niya ng tawad.
Napailing-iling ang mga kasama ni Gy pati na rin ang kaibigan kong si Dane. Mukhang hindi rin sila kumbinsido sa sinabi ni Gyreck.
I was so shocked when my cousin—pride man, beg with his knees on the floor. I never expected that he can embarassed himself for me to accept his apology.
"Sapat na ba 'to?" singhal niya.
"Alam mo, Gy. Hindi ko alam kung nanghihingi ka talaga ng tawad sa akin o gusto mo lang mang-asar," usal ko. "Kahit lumuha ka pa ng dugo o magpalapa sa tigre, hindi ako babalik kasama mo. Sawa na ako sa pag-uugali mo. Manigas ka riyan!"
Nanlisik ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi niya na ako matatakot sa mga paganyan niya. Wala sa wisyong tumayo siya at balak pa ata akong kwelyuhan.
Wala siyang kwentang lalaki. Hindi niya kayang rumespeto ng babae. Sana makahanap siya ng katapat niya balang araw!
"Hindi ka ba talaga sasama sa akin, ha?" may diing tanong niya.
"Hindi," pagmamatigas ko para lalo siyang mainis.
Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at dumiriin din ang kuko niya sa balat ko.
"Gy, tama na," saway sa kaniya ni Hades na pilit inaalis ang kamay ng pinsan ko sa akin.
"Bro, umuwi na tayo. Hayaan mo na muna si Hariane. Walang magagawa ang mga galit mo at pagwawala," awat din ni Shack.
Hawak ni Dane ang balikat ko. Parang tutumba na ako kahit anong oras dahil sa pagod at takot na nadarama. Isang demonyo na ang kaharap ko. Hindi ba dapat ay masaya na siya na hindi niya na ako makakasama o makikita man lang ang anino ko sa mansion niya?
Eh, bakit nagkakaganito siya? Takot ba siyang mawalan ng puri o may pangamba siya na baka mawala ang respeto sa kaniya ng mga Qioaug?
Unti-unti niya na ring binibitawan ang palapulsuhan ko pero hindi pa rin naaalis ang nakapanlilisik na tingin niya sa akin.
Oo, natatakot ako sa kaniya. Pero, ang takot din na ito ang magsasabi sa akin na kailangan ko na muna siyang iwasan. Pansamantala lang naman ito.
"Gyreck, don't worry. Hindi ko ipapaalam kay Dad at Tita Louise ang tungkol sa nangyari sa atin, kung gaano kagulo ang samahan natin at kung bakit natin kinamumuhian ang isa't isa," I sighed after stating what I really think.
"Hindi ko namalayan na gano'n na pala tayo kagalit sa isa't isa at umabot pa tayo sa ganitong sitwasyon ng buhay natin. I'm sorry. Makakauwi na kayo."
Sinenyasan ko sina Shack at Hades na isama na si Gy pauwi. Inakbayan siya ng mga ito. Paika-ika siya kung maglakad, dulot siguro ng pagkakasipa sa kaniya kanina.
Hindi maialis ang kaniyang tingin sa akin hanggang sa makalabas siya ng Coffee shop. Ang mga tingin na iyon ang nagsasabi na hindi rin magtatagal, babalik ako sa buhay ko kung saan naroon din si Gyreck at ang dalawang asungot niya.
"Ayos ka lang?" usisa sa akin ni Dane nang tuluyan na ngang makaalis ang mga lalaking sumira, sumisira at patuloy pang sisira nitong buhay ko.
Muli akong inalalayan ni Dane sa pag-upo.
"Hindi ako okay, Dane," pagsasabi ko ng totoo. Ngayon lang ako naging totoo sa sarili ko.
Ang alam ko lang ay nasaktan ako.
"Pwede ba akong makitulog sa inyo?" dagdag ko pa.
Nginitian ako ni Dane at nagsabing, "You are always welcome to our house, Ria."
I felt the securedness when Dane said that.
"Sorry again, Ria."
"For what?" I asked then sip a coffee.
"Kung alam ko lang na hindi pala kayo maayos, hindi ko na sana sila pinapunt--"
I put my thumb on his lips.
"You see this finger of mine?"
Tumango lang siya dahil nakalagay ang hinlalaki ko sa labi niya kaya hindi siya makapagsalita.
"I just want to say that what you've done was great. Dahil sa ginawa mo, nalinaw ko na lahat kay Gyreck. Nasabi ko rin ang gustong sabihin ng puso ko."
I smiled and then remove my finger that I've put into my bestfriend's lips.
We enjoyed talking to each other hanggang sa hindi namin napansin ang oras. Gabi na pala masyado at ilang oras na lamang ay magsasara na ang Dane's tea.
It's okay. Atleast we've talked long enough today. May pasok na ako bukas kaya naman matatagalan ulit bago kami makapag-usap ng personal.
I badly want to treasure this man named Dane Gregorio Timario, until the end of my life.
He's my bestfriend and I hope Gy will learn from this guy.
Such a good influence.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    jisooyah

    Even tho its not completed, the plot, the storyline, and every character is interesting that made me follow the author.Hope that this book receive its deserving acknowledgement. Gonna recommend this

    23/01/2022

      0
  • avatar
    Jyrelle Alicando Rubi

    i love it

    12/08

      0
  • avatar
    Kent Archie Onida

    Okay I’m going back home now and then I’m going back to the house and then head to bed I’ll be there soon I tuio be able and I have some more of that too I hope you have a great weekend bye love love mama bye mama hi love you bye love love mama bye mama kiss me kiss

    19/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất