logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Wings of Vengeance: The Dark Ages

Wings of Vengeance: The Dark Ages

Nekoshio


Chương 1 I Safe and Sound

Wings of Vengeance:
The Dark Ages
The land of the Winged ones or the Gifted.
The land of the angel-like beings.
The Uncovered Winds.
There was once a prophecy that a black winged being will be born, only to bring despair and destruction to the North.
In order to stop that, the King ordered that every new born black wing shall be killed.
The killings began one week after the King issued it and chaos engulf the land as children were forcefully taken and killed by the king's soldiers,those who resisted were arrested and were hanged to serve as an example to those who would resist the authority of the King.
Grieving mothers who can't do anything but surrender their child,
Suffered from guilt and sadness.
But... there's one.
Letting him live in exchange of their life.
Letting him live in exchange of her safety.
Letting him live in exchange of everything.
The dark ages is slowly beginning without anyone knowing...
◇◇◇
[Start]
"I'll try to hold them off, now, go!" Pagkasabi non ni Creed ay dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan sa likod para tumakas.
Malalaki at mabibilis ang mga ginagawa kong hakbang dahil hindi nila ako pwedeng maabutan, hindi pwede hangga't kasama ko sya.
Madilim at masukal ang daang tinatahak ko pero wala akong ibang pagpipilian dahil ito ang pinakamaikling daan patungo sa hangganan.
"Uwahhh! Uwahhh" napatingin naman ako sa anak ko, napaka-gwapo nya.
"Shhh, ako ang iyong ina, si Allira." Nakangiting sabi ko sakanya kahit pa gusto ko ng lumuha, ito na ang huling beses na masisilayan ko sya.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang ilog, dali-dali ko syang inilagay sa sisidlan at saka pinaanod, pinagaspas ko ang pakpak ko upang mas lumakas ang hangin at mas mabilis syang anurin.
"Nasaan ang bata!?" Napabalikwas naman ako ng marinig ang sigaw ng gwardiya ng hari.
Nandito na sila, ibig bang sabihin... wala na si Creed?
"Nasaan ang bata!?" Sigaw nyang muli ngunit tinawanan ko lamang sya.
"Wala na!"
"Taksil sa kaharian! Paslangin!"
Agad nila kong sinugod gamit ang kanilang mga espada, wala akong magawa kundi ang umatras.
Palingon-lingon ako sa paligid ng biglang mahagip ko ang pigura ng isang babae, sa hinuha ko ay may dala syang pana at palaso pero bakit hindi nya ako tintulungan?
Iwinasiwas ng isang gwardiya ang kanyang espada kaya naman napaatras nanaman ako, nilingon ko ang ilog at hindi na maabot ng tanaw ko ang aking anak, maaari na akong tumakas!
Agad kong ibinuka ang pakpak ko at lumipad, ilang pulgada pa lamang ang layo ko mula sa lupa ng maramdaman kong may tumamang palaso sa kanang pakpak ko, sobrang sakit ngunit kailangan kong tiisin, pagkatapos noon ay may tumama nanamang muli sa kaliwang binti ko kung kaya't dumoble ang sakit at hapding nararamdaman ko.
Sinubukan ko pang tumaas kahit pa sobrang sakit na ang aking nadarama ngunit naramdaman ko na lamang ang biglaang pagbulwak ng dugo ko mula sa aking bibig, napatingin naman ako sa aking dibdib at nakitang may palaso doon.
Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa lupa at ang mas tumitindi pang sakit mula sa aking dibdib. Hindi ko na namalayan ang mga luhang nag-uunahang tumakas sa aking mga mata.
Tinignan kong muli ang ilog ngunit hindi ko na talaga maaninag ang anak ko, ligtas na sya.
Panay pa rin ang luha ko ng lapitan ako ng gwardiya, akma nya akong sasaksakin, siguro nga hanggang dito na lamang ako ngunit masaya akong mawawala dahil alam kong ligtas na ang anak ko, wala na akong ibang nagawa kundi ipikit ang mga mata ko at hintayin ang kamatayan.
Chapter I
Safe and Sound
[Present Time]
》Sasha's P.O.V《
Blue nigthingale...
Crimson powder...
Hmm, eorilian blood and done!
I clapped as I finish the potion, magkano ko kaya mabebenta 'to?
Hmm, maybe itetest ko muna kung gano kabilis yung healing effect? Yah, good idea.
I cut myself then drank the potion, it took 5 seconds to heal me.
20 rubies or 35 pearls?
Yah, 20 rubies!
Sinalin ko agad ang mga 'yon sa bote and it took me 30 minutes para matapos.
Anong oras na ba? I raised my right hand then a mini sun and moon appeared, 5:45 a.m? Di ako natulog?
Umupo naman ako sa silyang malapit sa'kin, I looked at the window and I noticed na marami ng nasa labas.
Tumayo na ko para magluto, gigising na sila mamaya eh.
I raised my right hand again, 6:05 a.m na, inabot ko kaagad ang kawali saka kumuha ng itlog, pagkatapos, sinangag ko na yung kanin and done!
"Good morning ma!" Masayang bati sa'kin ni Via, anak ko.
"Good morning" bati ko pabalik habang nag-aayos ng mesa.
"Kapatid mo?" Tanong ko habang kumukuha ng kutsara.
"Tulog pa ma, gisingin ko na?" Tanong nya, tumango naman ako kaya umakyat ulit sya.
Nilagay ko naman sa plato yung sinangag, mabango naman sya, sana masarap din.
Umupo naman ako ng maiayos ko na lahat, gutom na ko.
"Bilisan mo nga, nagugutom na kaya akooo"
"Mabilis naman ako"
Napatingin naman ako sa hagdanan at nakita si Via na nakabusangot, dumiretso naman agad sya sa upuang katabi ko.
Dumiretso naman sa kabila yung isa, umagang-umaga parehas nakabusangot.
"Good morning Lyon!" Masayang bati ko kahit hindi naman ako masayahin.
Tinignan naman ako gamit ang pulang mata nya "Good morning ma"
Dry, nakuha nya ba yon sakin?
Umupo naman sya sa kabilang upuan, kumuha naman agad sya ng pagkain.
Mabilis lang kaming natapos, nag-presinta naman si Via na mag-urong, pumunta naman sa ilog si Lyon kaya lumabas na rin ako.
Apat na hakbang pa lang ang nagagawa ko sa labas ng biglang mag-iba ang paligid.
Magulo, mausok, puro sigawan, madugong damuhan, naglakad lakad pa ko hanggang sa marating ko ang dulo, sisilip na sana ko ng biglang bumalik sa dati ang paligid, I blink.
Future, near future.
Napagdesisyunan kong pumunta sa centro para sabihin ang nakita ko sa elders, binuka ko ang pakpak ko saka lumipad, ilang minuto lang at nakarating na ko.
The guards let me in ng sabihin kong may nakita ulit ako, agad akong umakyat at kinatok ang pintuan, pinagbuksan naman agad nila ko.
"Garya" bati ko sabay yuko, agad naman akong dumiretso ulit at umupo sa harap nya.
"I... saw the future again" panimula ko, nag-iba naman ang mata nya.
"War" dugtong ko.
"Malapit na?" Kunot noong tanong nya sakin.
"Sobra, maybe three days from now? One week? Hindi ako sigurado" sagot ko.
"What can we do?"
"Nothing"
Napatingin naman sya sa sahig ng sabihin ko 'yon.
"Are we going to die? Mawawala na ba tayo? Mawawala na lahat ng mágos?" Malungkot na tanong nya.
"Hindi"
He sighed.
"Prepare, gumawa ka ng mga potions" utos nya sakin.
"Meron ako sa bahay, 45 pieces, 20 rubies each, gusto mo?" Offer ko, masamang tingin naman ang pinukol nya sakin, "just kidding"
"Make as many as you can, wag mong sasabihin kahit kanino, antayin mong ako ang magsabi" pagtatapos nya saka tumayo, umalis na rin agad ako para bumalik sa bahay.
Binuka ko ulit ang pakpak ko saka lumipad, tinignan ko naman ang mga kapwa ko mágos, they look happy and contented.
Lumipad pa ko ng mas mataas at ng halos tanaw ko na ang kabuuan ng lupain namin, huminto ako.
Ang ganda, ang ganda-ganda.
Nakita ko rin ang kabilang panig kung saan hindi na namin sakop ang lupain, nakita ko ang pagkakaiba ng mga ito.
Ang lungkot dahil lahat ng 'to, mawawala.
Binabaan ko na ang lipad ko dahil didiretso na ko sa bahay para gumawa ng potions.
Ng makarating na ko sa bahay ay nakita ko si Via na naglilinis, wow, himala.
Hinanap naman ng mata ko si Lyon at nakitang nandon pa rin sya sa may gilid ng ilog.
Dumiretso naman ako sa may kawa para gumawa ng potions, tinignan ko naman kung sapat pa ang mga kailangan ko para makagawa.
Eight petals ng blue nightingale, five bags ng crimson powder and ten bottles ng eorilian blood, makakagawa pa ko ng forty-five bottles.
Agad kong pinaghalo ang mga ito, pagkatapos ay nilagay ko sa mga bote.
I raised my right hand para tignan kung anong oras na, 10:56 a.m? Pumunta naman ako sa kusina para sana magluto ng makita ko si Via na nagluluto na kaya bumalik na lang ako sa pag-gawa ng potions at hinayaan na magluto sya.
Naglagay ulit ako ng dalawang petals ng blue nighthingale, limang takal ng crimson powder at tatlong patak ng eorilian blood, sa totoo lang, inabot ako ng madaling araw para maperfect ang potion na 'to, buti na lang naperfect ko kanina.
Stir, stir, stir and poof done, paulit-ulit kong ginawa ang ganong proseso hanggang sa tawagin na ko ni Via para kumain, tinaas ko ulit ang kanang kamay ko para malaman kung anong oras na, 12:18 na? Ganon ako katagal gumawa ng potion?
Agad akong umupo at kumuha ng pagkain, ganon din naman ang ginawa nila, mabilis lang kaming natapos at ngayon, si Lyon ang mag-uurong, lumabas naman si Via para mag pahangin at ako? Balik sa ginagawa ko kanina.
I'm about to get the petals ng mapansin kong ubos na ito, great.
Uutusan ko na lang si Lyon na mamitas sa labas.
"Lyon? Can you go outside?"
●●●
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.
Plagiarisim is a Crime
Written by: Nekoshio
Language: Tagalog/English

Bình Luận Sách (27)

  • avatar
    Christine Joy Navarro

    😘😘

    27/09/2024

      0
  • avatar
    Alexus Lance C Arligue

    nice

    02/09/2024

      0
  • avatar
    LeeAmber

    With twisted ending

    09/08/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất