logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter five: Confession!

Napatigil ako sa pagtakbo ng nakita ko ang isang kahinahinalang lalaki sa labas ng pinto ni Bellie at nagtago muna ako sa gilid at binantayan ang kilos niya, bigla kong naalala kong ano ginagawa ni Bellie sa loob, hindi ko na napigilan lumabas na ako at pumunta sa tapat ng gate.
“Anong ginagawa mo dito? sino kaba?” sigaw ko sa lalaki,
“Ah ikaw pala ang kasa-kasama ni Bellie ngayun dito, palabasin mo si Bellie dito kong ayaw mong madamay” sabi ng lalaking naka mask,
“Bakit ano ba kailangan mo sa kanya? Hindi ko hahayaang saktan mo siya!” pagalit ko sabi,
“Ah! ano ba ang relasyon niyong dalawa?” tanong niya sakin,
“Boyfriend niya ako bakit?” sabi ko,
“Ha ano? Boyfriend haha… ha boyfriend ka niya? eh ano naman paki ko” sabi niya,
“Taranado ka pala eh, ano ba talaga kailangan mo sa kaniya?” tanong ko,
“Ex-boyfriend niya nga pala ako. Alam mo ba na ang sarap-sarap ni Bellie…” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita,
“Bastos kang gagao ka ah!” sabi ko sabay takbo papasok at sinuntok ang lalaki,
“Uyy easy kalang, ansakit nun ha,” sabi niya,
“Ano ba talaga kailangan mo kay Bellie?” tanong ko,
“Sige na nga binibiro lang kita kanina para malaman ko kong mahal mo talaga si Bellie, nandito ako para bisitahin si Bellie magpinsan kami ni Bellie, hindi na ako nag pakilala dahil pagkakakita niya sakin kanina bigla siyang nagsara ng pinto, kaya tinatakot ko pa siya, haha at ang sabi ko kanina masarap si Bellie magluto haha” pang-inis na sabi ng pinsan ni Bellie,
“Ah ganon ba pasensya kana at nasuntok kita, hindi ko lang talaga gusto na may bumabastos sa kaniya, teka sabi mo tinakot mo siya? Ahhhh,” nataranta kong sabi at dali-daling binuksan ang pinto mabuti nalang at may susi rin ako ng bahay ni bellie, pagpasok ko nakita ko ang wallet ni Bellie sa sahig,
“Bellie nasaan ka? Bellie?” sigaw ko sa loob, tumungo ako sa kwarto niya at narinig ko na parang may umiiyak sa ilalim ng kama niya, tiningnan ko at nakita ko si Bellie takot na takot at umiiyak,
“Lumabas kana diyan Bellie, wag kanang matakot nandito na ako,” sabi ko at inalalayan siya palabas, nagulat ako na bigla nalang niya akong niyakap,
“Oh… wag kanang matakot tingnan mo nalang kong sino ang nasalabas,” sabi ko,
“Ah.. sige!” sabi niya sabay punas ng luha at lumabas, gulat na gulat siya sa nakita niya.
[BELLIES’ POV]
“Kuya peter??” sigaw ko at dahan-dahnang lumapit sa kaniya,
“Oo Bellie ako to, long time no see” sabi niya sabay ngiti,
“Ikaw ba talaga yan” sabi ko na may peking ngiti,
“Ikaw pala ang nasa labas kanina pa bakit hindi ka kaagad nag pakilala kuya alam mo bang naiyak ako sa takot, nag arti kapa talaga na parang sisirain ang pinto ng bahay para lang takoton ako ha” sigaw ko sa kanya at kunwaring aakbay pero binatokan ko siya,
“Arayyyy.. arayy naman Bellie, hindi ka talaga nagbabago pagdating sakin, ang sakit nun ha” sabi niya at tinawanan ko lang siya,
“Masakit ba kuya?” tanong ko,
“Oo,” sagot niya,
“Ah ganon ba, gusto mo dag-dagan ko pa?” sabi ko at nagtaas ng kamay,
“Wagg na ang sakit na nga eh” sabi niya,
[CHRISTIANS’ POV]
Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Bellie, nakangiti lang ako sa gilid habang nakikinig at naaaliw sa kanilang dalawa,
“Kung hindi dumating ang boyfriend mo baka namatay kana sa takot haha!” rinig kong biro mg pinsan niya sa kaniya,
“Ha? Anong sabi mo kuya?” tanong ni bellie sa pinsan niya at bigla akong tumalikod dahil tumingin si Bellie sa akin na naka angat ang isang kilay.
[BELLIES’ POV]
“Boyfriend?” Tanong sa isip ko,
“Yun yung boyfriend mo, alam mo bang sinuntok nya ako dahil inasar ko siya kanina” sabi ni kuya,
“Ha?” sabi ko sabay hampas ng noo ko,
“Bakit ano mo ba siya? Hindi mo ba siya boyfriend?” tanong ni kuya at bigla akong tumingin ulit kay Christian nakita ko na nakayuko siya na parang hiyang-hiya,
“Oo boyfriend ko po siya kuya” sabi ko kay kuya para hindi siya mapahiya, nakita kong umangat ang ulo niya na parang nabuhayan ang kaluluwa niya ulit pagkatapos mahiya,
“Mabuti naman, mahal na mahal ka niyan nakikita ko sa mga mata niya kanina,” sabi ni kuya na nakapakilig sa akin,
“Tama na nga ang kwentohan bibili namuna ako sa palengke, para makapag luto na ako kanina kasi bibili na sana kaso hindi kapa kaagad nag pakilala kaya natakot ako at hindi natuloy ako naka labas” sabi ko at pinitik tenga ni kuya,
“Haha!” tumawa lang si kuya,
“Samhan na kita” sabi ni Christian,
“Sige at may pag-uusapan pa tayo” pataray kong sabi,
“A-ah, e-eh, sige” pautal niyang sabi,
“Sige mag-ingat kayo” sabi ni kuya at dali-dali kong hinila papalabas si Christian, 
Pagdating namin sa labas.
“Bakit mo sinabing boyfriend kita?” tanong ko sa kaniya,
“Eh kasi ah basta hayaan mo na yun lumakad na nga tayo,” sabi ni Christian at bigla akong hinila at lumakad,
“Bakit mo kasi sinabi iyon?” tanong ko habang hinihila niya ako, habang sinasabi ko yun nararamdaman ko na parang humihigpit at pagkahawak niya sa akin, bigla siyang huminto na ikinagulat ko,
“Dahil… GUSTO KITA Bellie! Matagal na!” sabi niya na nakapatulala sakin, hanggang makarating kami sa bus station ay tihimik lang ako, hanggang nasa palengke na kami at ang sikip-sikip sa palengke, nagsisik-sikan ang mga tao at ito namang si Christian sa pagkahigpit-higpit makahawak sakin na parang isa akong bata. Hindi namin namalayan na nasa gitna napala kami ng nag sisik-sikang mga tao, nagkaharap kami ni Christian at biglang may nag walang lalaki malapit samin at biglang lumabas ng kutsilyo ang lalaking nag wawala, bigla akong niyakap ng mahigpit ni Christian, natulala ako sa kanyang dibdib, nararamdaman ko ang tibok ng kaniyang puso dahil sa takot.
“Wag kang matakot poprotektahan kita” sabi ni Christian,
“Napaluha ako dahil sa sinabi niya at dahil narin sa takot na baka siya naman ang masaktan dahil sa pagpoprotekta niya sa akin” sabi ko sa utak at napayakap nalang ako sa kaniya habang umiiyak,
“Wag kang umiyak Bellie nandito ako hindi kita pababayaan” sabi ni Christian,
“Pano kong sa sobrang pag-protekta mo sa akin ay ikaw naman ang masaktan?” Inangat ko ang ulo ko sabay sabi sa kaniya na punong-puno ng luha ang mga mata ko,
“Wag kanang umiyak kahit anong mangyari, kahit masaktan pa ako poprotektahan parin kita” sabi ni Christian sabay halik sa aking noo, napapikit nalang ako at nagdadasal na,
“sana walang masamang mangyari sa amin.”
Hanggang dumating ang mga pulis hindi kami umalis o gumalaw man lang sa aming kinatatayuan. Inalis niya ang pagyakap niya sakin at hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan muna namin kong wala na talaga ang lalaking nagwa-wala, biglang tumingin ulit sakin si Christian,
“Ok kalang? Tumahan kana wag kanang umiyak sabi ko naman sayo nandito lang ako para protektahan ka,” sabi niya sa akin,
“Ok salamat! sige bumili na tayo para maka-uwi na agad tayo” sabi ko,
“Sige, ano ba ang uulamin natin?” tanong ni Christian,
“Ano ba ang gusto mong ulamin?” tanong ko sa kaniya,
“Kahit ano basta ikaw magluluto kakainin ko” sabi niya sa akin,
“Sige sinigang na bangus nalang ang aking lulutuin para sa inyo ni kuya dahil paborito ni kuya ang sinigang na bangus” sabi ko, at dali-dali kaming bumili at dali-daling bumalik sa bahay dahil malapit ng mag alas duse.
Pagdating namin sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kusina, sa kalagitnaan ng aking pagluluto ay nagulat ako ng may biglang yumakap sakin sa likod,
“Ah! e..eh! Christian bakit? Ano ba ang ginagawa mo?” sabi ko habang natataranta,
“Bellie alam mo bang matagal kitang hinanap sa kung saan-saan para lang humingi ng tawad sayo dahil hindi kita pinansin noon pagkatapos mong magpagaling dahil ayokong maisturbo ka sa pagtupad mo ng mga pangarap mo, gusto kong humingi ng tawad dahil hindi kita sinamahan sa loob ng ilang taon, alam mo na ang saya-saya kong makita kang umaakyat sa stage noong graduation natin? Alam mo bang palagi kitang binabantayan noon? Kaso pagkatapos nung graduation day ay hindi ko na alam kong nasaan kana pumunta parang wala ako sa sarili ko dahil sa sobrang pag-alala ko sayo, hindi ko alam kong anong gagawin ko noon, mabuti nalang at napanaginipan kita noon at nakita ko ulit ang ngiti sa mga labi mo, ang napanaginipan ko ay yung araw na ipinag-luto kita ang pinuri mo ang luto ko kaya nag disisyon na akong mag patayu ng sarili kong restaurant para makaipon pa ng pera para hanapin ka, gusto ko ang perang gagamitin ko sa paghahanap sayo ay bunga ng aking paghihirap, nag pagawa ako ng mga skate park sa iba’t-ibang parti ng bansa para mas mapadali ang paghahanap ko sayo, kaya nga nong una kong punta sa café mo ay gulat na gulat ako sa sinabi mo na ikaw ang sumulat ng librong binabasa ko. at nung araw na hinampas ko yung isang mesa sa café mo ay dahil nag selos ako sa inyong dalawa ni mike. Bellie alam mo ba kong gaano kita ka mahal?” sabi sakin ni Christian at napaiyak ako sa sinabi niya,
“Alam mo ba Christian na hinanap din kita sa loob ng ilang taon, oo aaminin ko nanligaw din sakin si mike noon pero hindi naman siya seryuso at wala rin akong balak na sagutin siya at nung araw na hinampas mo ang mesa sa café ko ay hindi para sa akin ng mga sinasabi ni mike, nag sasanay siya kong pano niya sasabihin ang lahat ng guto niyang sabihin sa nililigawan niya. At dahil hindi ko sinagot si mike naging magkaibigan kami siya ang tumayong kuya ko sa loob ng ilang taon. Alam mo din ba kong gaano ako ka selos noong naging kayo ni ella? Kahit na anong pilit ko sa sarili ko na lapitan ka at kausapin ka ay hindi ko magawa dahil ayokong makasira sa relasyon niyo.” Sabi ko sa kaniya kasabay ng walang tigil na patak ng aking mga luha, bigla akong pinaharap ni Christan at pinunasan ang aking mga luha,
“SORRY, sorry kong nasaktan kita, ginamit ko lang siya para mapigilan ko ang sarili ko dahil kong hindi ko ginawa yun hindi ko mapipigilan ang sarili ko sa paglapit sayo, dahil ayaw kong istorbohin ka kaya nagawa ko iyon pasensya kana at nasaktan kita, tumahan kana simula ngayun hindi nakita pababayaan, sasamahan na kita kahit saan, hindi na kita papakawalan,” sabi ni Christian at hinalikan ang aking noo,
“Bakit mo siya ginamit? Alam mo ba na masakit yun para saming mga babae?” tanong ko sa kaniya habang naka kunot ang aking noo,
“Deal naman namin yun” sabi niya,
“Kahit na!” pagalit kong sabi,
“Sor-“
“Walang sorry sorry kung sakaling nangyari rin sakin ang ginawa mo kay ella? Masasayahan ka?” sabi ko sa kanya habang nag tatampo,
“Syempre hindi ako papayag dun!” sabi niya at bigla niya akong niyakap,
“Wag kanang magtampo matagal nayun,” sabi niya sa akin,
“Ehemmmmm, nilalanggam ako rito tama na nga ang pagiging sweet niyo diyan” nagulat kami ng marinig namin si kuya at bigla ko siyang tinulak at tumama siya sa ding-ding,
[CHRISTIANS’ POV]
“Arayyyyyyy” sigaw ko sabay kindat sa pinsan niya,
“Christiannn ok kalang sorry!” sabi ko sa kaniya habang niyayakap siya.
“Baka nabali yung buto niya sa likod dalhin natin siya sa ospital Bellie” sumabay narin sa trip yung pinsan niya,
“Kuyaaaaa tumawag ka ng ambulance” sigaw ni Bellie habang umiiyak,
“Arayyyyyyy” sigaw ko at nag-arte na hinimatay,
“Kuyaaaa wala ng malay si Christian, gumising ka diyan, wag kang ganiyan Christian sorry, sorry sa lahat wag mo akong iwan, mahal na mahal kita, christiannn..”  sigaw niya habang naka yakap sa akin,
“Haha!” sabay kaming tumawa ng pinsan niya,
“Haha! Ang ingay mo, haha! Hindi naman ako nasaktan haha! Ang sarap mong asarin” tuwang-tuwa kong sabi,
“Alam mo nakaka-inis ka” painis niyang sabi at pinunasan ko luha niya,
“Pero totoo ba ang narinig ko kanina?” pang-asar kong tanong sa kaniya,
“Bahala ka dyan, ewan ko sayo!” painis niyang sabi sakin at biglang tumayo at bumalik sa niluluto niyang sinigang na bangus,
“Dun na muna ako sa salas manonood ng tv, mag-usap na muna kayo diyan haha!” sabi ni peter at inasar pa si Bellie,
“Ikaw kuya hindi katitigil matatamaan kana sa akin!” naiinis na si Bellie kay peter,
“Haha! Sige kuya” sabi ko sa pinsan niya, inasar pa namin siya,
Habang nag luluto si Bellie, pinaharap ko siya sa akin at biglang niyakap,
“Thank you Bellie, thank you for loving me” sabi ko sa kaniya,
“Sinong nagsabi sayo na mahal kita?” sabi niya sakin,
“Bakit hindi mo ba ako mahal?” tanong ko sa kaniya,
“Syempre hindi, sinabi ko lang yun para gumising ka” seryuso niyang pagsabi at bigla kong inalis ang pagyakap ko sa kaniya, naramdaman ko talaga ang lamig sa mga salita niya, nakatitig lang ako sa kaniya at dahan-dahang umaatras, pinipilit ko na hindi umiyak at biglang tumalikod, lalakad na sana ako palabas nang kusina ng biglang may yumakap sa akin sa likod,
“Alam mo parang hindi ka na mabiro haha! Gumanti lang ako” sabi ni Bellie sa akin habang nakayakap sa likod ko,
“Biro ba yun sa tingin mo? Alam mo ba na ramdam ko ang lamig sa mga salita mo kanina?” pasungit kong sabi,
“Edi sorry na kong kayo mag biro parang wala lang sa akin kong ako tatalikoran niyo kaagad” palungkot niyang sabi at biglang inalis ang yakap niya sakin at bumalik sa ginagawa niya, pinagmasdan ko lang ang kilos niya hanggang matapos siya sa pagluluto, hanggang nasa hapag kainan kami wala parin siya sa mood dali-dali siyang kumain at pumunta sa kwarto niya hindi niya kami kinausap,
“Anong ginawa mo dun bakit hindi na namamansin yun?” tanong ng pinsan niya,
“May sinabi kasi siya kanina at nag tampo ako, hindi ko naman alam na biro yun kasi ramdam ko ang lamig sa mga salita niya, yun nga sinungitan ko siya, siya nanaman tuloy ang nag tampo” sabi ko kay Peter, 
“Dalian mo ng kumain diyan at puntahan mo na siya, mahirap mag tampo si Bellie kapag nagtagal pa yan hindi kana talaga niyan papansinin” sabi ni peter na bigla akong kinabahan, hindi ko na inubos ang pagkain ko at pumunta sa tapat ng kwarto niya.

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    Jinalyn Galang

    It's nice

    14d

      0
  • avatar
    Cyrus Digal

    Very nice

    07/07

      0
  • avatar
    Apple Rose Bulilan

    thank you bery much

    05/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất